Chapter 14
Chapter 14
Son
"Tuwang-tuwa ang Tatay." anang ate sa tabi ko habang tinitingnan namin na nag-iinuman sila Tatay.
"Patigilin na kaya natin sila? Late na rin, ate." sabi ko na nag-aalala kay Gio. "Lasing na sila." dagdag ko.
Tumatawa na nga ang Tatay at tinatapik pa ang likod ni Gio. Tumawa rin ang kuya ko na halos pikit na ang mga mata, ganoon din ang brother-in-law ko. Sila nalang din ang nag-iinuman at nakauwi na kanina ang mga bisita.
"Hayaan mo muna, Gi. Minsan lang naman." ang ate. "At nandito lang naman sila sa bahay." dagdag nito.
Bumaling siya sa akin. "Ikaw, mauna ka nang umakyat at magpahinga sa taas. Hindi ayos sa buntis na nagpupuyat." aniya.
Tumango ako at sumunod na. Naiiwan pa ang mga mata ko kay Gio na halatang lasing na rin at nakikisabay kanila Tatay.
Pero kahit humiga na ako sa kama ay hindi pa rin ako nakatulog. Nang muling pagbaba ko ay mukhang natapos na rin ang mga lalaki sa inuman. Inakay na ni Nanay ang Tatay. Ganoon din si ate sa asawa niya at ang hipag ko kay kuya. Nilapitan ko na rin si Gio.
"Why are you still up?" antok na tanong sa akin ni Gio habang inaakyat ko siya sa hagdan.
"Lasing na lasing ka." sabi ko sa kaniya.
Pinasok ko siya sa kuwarto.
"I told your Tatay that I will marry you." aniyang papikit-pikit na rin ang mga mata.
Napangiti ako. "Ano ang sabi ng Tatay?" tanong ko sa kaniya. Diniretso ko na siya sa banyo.
"He seemed happy," sagot niya.
Napangiti nalang ako lalo.
"Toothbrush," inabot ko sa kaniya ang toothbrush niya pagkatapos ko itong malagyan ng toothpaste.
"Thanks," ani Gio at sinikap nang mag-toothbrush. Antok na talaga siya.
Halos tulungan ko pa siya sa pagsisipilyo. Pinaghilamos ko rin siya at kumuha ako ng towel pagkatapos para mapunasan ko ang pisngi niya. "'Lika na," lumabas na kami ng banyo pagkatapos.
Pinahiga at inayos ko siya sa kama. Pagkatapos ay tumabi na rin ako sa kaniya at nakatulog na kaming dalawa.
"Giselle," sinalubong ako ng ate kinabukasan pagkababa ko pa lang sa sala.
"Bakit, ate?"
"Anang Tatay ay nagpaalam daw sa kaniya kagabi si Gio na magpapakasal kayo." anito.
Tumango ako. "Oo, ate. Inaya ako ni Gio kagabi sa simbahan."
Nanlaki pa ang mga mata ni ate at mukhang talagang natuwa siya. "Patingin nga," kinuha nito ang kamay ko. "Nasaan ang singsing?"
Umiling ako. "Wala pa, ate. Pagkabalik na siguro namin ng Manila. Parang biglaan lang din kasi yung pag-p-propose ni Gio kagabi." sabi ko.
Ngumiti ang ate. "Masaya ako para sa inyo, Gi. Bagay na bagay kayo. Ang ganda n'yong tingnan na magkasama."
Ngumiti rin ako.
"Almusal na tayo. Si Gio?"
"Pababa na rin, ate." sabi ko.
Nasamahan na rin ako ni Gio sa isang check up ko sa probinsya. Sa doktor lang din ni ate kami nagpunta. Nakita namin sa ultrasound ang baby namin. At iba talaga kapag kasama ko siya. Sinigurado naman sa amin ng doktora na okay lang ang baby ko.
Nag-aalala pa rin ako sa sinabi sa akin ng doktor ko sa Manila.
Minsan ay naabutan ko si Gio na nakikipag-usap sa kuya niya sa phone. Nabubusy rin siya sa pagtatrabaho niya sa laptop niya. Alam kong hinahanap na rin siya ng Dad niya at company nila. Kailangan ng kuya niya ang tulong ni Gio sa pagpapatakbo ng malawak nilang business. Ako lang ang inaalala niya.
"Nanay, kailangan po talagang bumalik ni Gio sa Manila. Naroon po naghihintay ang trabaho niya." sabi ko sa Nanay pagkaraan pa ng ilang araw.
Bumaling ito sa akin mula sa paghihiwa ng gulay. "Magiging maayos ka ba roon?" tanong nito. Alam kong nag-aalala lang siya.
Ngumiti ako sa Nanay ko. "Opo naman. Hindi naman po ako pababayaan ni Gio." sabi ko.
Nagbuntong-hininga si Nanay at tumango na. "Sige, kung iyan ang desisyon ninyo. Luluwas nalang siguro kami pa-Maynila kapag malapit o manganganak ka na. Alam mo naman hindi puwedeng basta iwan ang pananim natin."
Tumango ako at ngumiti kay Nanay. Pagkatapos ay niyakap ko rin siya.
Sa sumunod na araw nga noon ay bumiyahe na rin kami ni Gio pabalik ng Manila pagkatapos makapagpaalam sa pamilya ko. "Ingat kayo, Giselle." huling bilin ng ate.
Tumango ako pagkatapos ko rin siyang yakapin. Yumakap din sa akin ang mga pamangkin ko.
Pinagbuksan na ako ni Gio ng pinto ng kotse niya at pumasok na rin ako roon. Pagkatapos ay sumunod na rin siyang pumasok sa driver's seat.
"Are you sure this is fine?" tanong sa akin ni Gio habang nagmamaneho na siya at nasa daan na kami.
Bumaling ako sa kaniya. "Oo naman. Kailangan ka sa kompanya n'yo, Gio. Magiging okay lang naman kami ni baby." sigurado ko sa kaniya.
Tumango siya. Desisyon ko talaga na bumalik na kami ng Manila.
Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay nakarating din kami. Na-miss ko rin ang bahay ni Gio. Ilang buwan din akong tumira rito. Pagbaba ng sasakyan ay agad na kaming sinalubong ng magkapatid.
"Gi!" sinalubong ako ng yakap ni Jack. "I missed you!" aniya.
Niyakap ko rin siya pabalik. "Na-miss ko rin kayo, Jack." sabi ko.
"Felix," binati ko rin si Felix.
Pumasok na kami sa loob ng bahay.
"It's my graduation on Sunday. Punta kayo, okay?" si Jack.
Bumaling muna ako kay Gio. "Oo naman." sagot ko kay Jack.
Ngumisi siya.
"I'm so glad you're here again, Gi!" aniya.
Ngumiti lang ako.
"What's your plan, Gio?" tanong ni Felix sa kaibigan.
"I'll let her meet my family first." ani Gio na tumingin din sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. Napag-usapan na nga rin namin ito.
Narinig namin ang doorbell. Pinuntahan iyon ni Jack para pagbuksan. Inisip ko pang baka si Daniel ngunit ang Mommy nina Jackson at Felix ang dumating.
"Hija!" anito na mukhang natuwa na nakita ako.
"Tita," niyakap ko rin siya.
Mabait ang Mommy nina Jack. Magaan din ang loob ko rito.
Hinawakan nito ang tiyan ko. "It's big. When's your due?" tanong nito na sinagot ko naman.
"Why are you here, Mom?" tanong ni Jack sa ina.
Bumaling ito sa kaniya. "Nalaman ko sa kapatid mo na babalik nga ngayong araw itong si Giselle." bumaling muli ito sa akin. "How are you, hija? We did not had enough time before. Nalaman ko nalang na umuwi ka na raw pala ng province ninyo." anito.
Tumango ako. "Opo, nakiusap din kasi ang parents ko na kung puwedeng doon muna ako sa amin."
Tumango ito. "Where's Daniel?" tanong nito.
"Oh," nag-react si Jack. "Forgot to tell you, Mom. Daniel's not really the father. It's Gio." tinuro nito si Gio.
Nahiya naman ako sa Mommy nina Jack at Felix.
Hindi agad ito nakapag-react pero ngumiti rin naman kalaunan. "Whatever," anito. "I'm just happy to see you again." sabi nito sa akin. "I actually have some things for you. And your baby." tinawag nito ang assistant at pumasok ang mga bodyguards na kasama nito na may dalang mga gamit para sa baby.
"Tita," reaksiyon ko.
"I actually bought these weeks ago. Nga lang ay nalaman ko kay Jackson na umuwi ka pala sa inyo. You know I got excited, too. Alam mo naman, my sons here, hindi ko alam kung kailan nila ako bibigyan ng apo. Kaya sabi ko sa 'yo nalang muna ako magkaka-apo. Is it okay, hija? Can I be your child's Grandma?" parang nagpa-cute pa ito sa akin.
Pareho namang tumikhim sila Felix at Jack.
Ngumiti ako. "Oo naman po, Tita. Salamat po. Ang dami nito..."
Hinawakan nito ang mga kamay ko. "Thank you, hija."
"Okay...I guess we'll leave you two for a while," ani Jack.
"Mabuti pa nga." anang Mommy niya. Pagkatapos ay hinila na ako nito sa sofa ng living room.
Nagkatinginan pa kami ni Gio. Nagpaalam siyang mag-uusap lang sila nila Felix.
Punong puno na ang room ni baby sa gamit. Nagkatinginan kami ni Gio habang nasa loob kami ng nursery at tiningnan lahat ng gamit doon. Napangiti nalang kami sa isa't isa. Kanina pa nakaalis ang Mommy nila Jack at sumama na rin silang magkapatid. Kaya ngayon kaming dalawa nalang ni Gio ang narito sa bahay.
"Ang bait ni Tita Clara." sabi ko kay Gio.
Tumango siya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Sigurado akong mabait din ang Mommy mo." sabi ko sa kaniya.
Umiling siya. "She had mistakes, too." aniyang nahaluan na ng kalungkutan.
"Gio," hinawakan ko ang kamay niya.
Umiling siya. "Let's rest now? You'll be meeting my family tomorrow."
Tumango ako sa kaniya.
Nilapit pa muna niya ang mukha sa akin para mahalikan ako sa labi sandali. Napangiti nalang ako sa halik niya.
Pagkatapos ay giniya na niya ako sa kuwarto namin. Napagkasunduan namin na sa kuwarto na rin niya ako. Nasanay na rin kasi kaming matulog na magkatabi roon sa bahay namin sa probinsya.
Kinabukasan ay maaga nga kami para sa napagkasunduang early lunch kasama ang kuya at Daddy ni Gio. Medyo kinabahan din ako. Nagsuot lang ako ng simple at pormal na dress at sandals. Inalalayan ako ni Gio sa pagbaba ng sasakyan at pagpasok namin sa restaurant. Nagpa-reserved na raw dito ng private room ang kuya niya.
Huminga ako. Naroon na ang Daddy at kuya ni Gio nang dumating kami. Tumayo ang kuya niya at binati kami ni Gio ng ngiti. Habang nanatili lang naman seryoso at nakaupo roon ang Daddy niya.
"Giselle, right?" ngiti sa akin ng kuya ni Gio.
Hindi sila magkamukha ni Gio. Kamukha ng nakatatandang kapatid ni Gio ang Daddy nila. Tingin ko naman ay sa Mommy nila nagmana si Gio.
Tumango ako. "Opo,"
Pinaupo na ako ni Gio roon pagkatapos ng pagpapakilala.
"Dad-" ani Gio.
"So, you just decided on your own." putol ng Daddy niya.
Napatingin ako rito.
"Dad," pigil ng kapatid ni Gio sa Dad nila.
Kinabahan ako. Hinanap ko sa ilalim ng mesa ang kamay ni Gio at hinawakan. Hinawakan din niya ang kamay ko at bahagyang pinisil.
Huminga si Mr. Fonacier.
Tumingin ako sa matanda. Maiintindihan ko naman siya. Bilang isang magulang ay gusto niya lang siguro ng best para sa mga anak niya. At maaring hindi ako ang best para kay Gio. Pero susuportahan ko siya sa lahat at tutulong din ako sa kaniya sa abot ng makakaya ko. Lalo pa ngayon na nagdesisyon na kaming magpakasal. Alam kong hindi ito biro at haharapin ko ito kasama si Gio. Sana lang ay maintindihan din kami ng Dad niya...
"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo-"
"Dad, I already told you." sagot ni Gio sa Dad niya.
Kita ko ang disappointment sa mukha ng Dad nila.
Medyo nanliit ako sa sarili. Mukhang hindi ako gusto ng Dad ni Gio para sa anak nito.
"Okay." huminga ito. "I'm done here, Silvester. Ikaw nalang ang kumausap sa kapatid mo." tumayo na ito.
"Dad," sinubukan pa itong pigilan ng panganay na anak.
Pero nagtuloy tuloy lang ito sa pag-alis.
Nakita ko ang lungkot kay Gio. Yumuko siya at hinayaan nalang ang ama.
Tumayo naman ako at sinundan ang Dad niya. Tinawag ako ni Gio pero tumuloy ako. Ayaw kong maging bastos pero hindi rin naman yata tama itong ginawa ng Dad niya.
"Sandali lang po," habol ko.
Tumigil naman ito at nilingon ako.
"Mawalang galang na po pero hindi n'yo man lang ba kahit patapusin man lang ang pagkain." ni hindi pa namin nagagalaw ang nakahandang pagkain sa loob.
Hindi ito nagsalita.
"Kahit huwag na po sa akin." Iintindihin ko nalang. "Kahit para nalang po kay Gio. Para sa anak ninyo."
Hindi ko maisip na magiging ganito sa akin ang mga magulang ko. Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Paano pa kaya si Gio na ganito ang ginawa ng Dad niya. Malaking bagay para sa akin ang suporta ng parents ko. At alam kong ganoon din iyon para kay Gio. Lalo at wala na rin ang Mommy niya.
"He's not my son." anito at lumipat ang tingin sa katabi ko. Pagkatapos ay tuluyan nang nakaalis kasunod ang mukhang bodyguard.
Bumaling ako kay Gio sa tabi ko na maagap akong sinundan. Nakayuko lang siya matapos makaalis ang Dad niya.
"Gio..."
"Let's go back, Giselle. Nandito pa naman si kuya." aniya.
Tumango nalang ako at bumalik na kami sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro