Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

Love


Kinabukasan ay nagising ako na wala na sa tabi ko si Gio. Lumabas ako ng kuwarto matapos makapaghilamos at naabutan nalang siyang nagsisibak ng kahoy sa likod ng bahay namin kasama si Kuya Andres.

"Ate, ano'ng pinapagawa ni kuya kay Gio?" salubong ko sa nakatatandang kapatid.

Tumingin din siya sa bintana para makita ang tinutukoy ko. "Ewan ko ba diyan kay kuya. Hindi naman na kailangan ang mga kahoy na iyan at may stove naman tayo." anang ate.

Nag-alala naman ako para kay Gio. Hindi naman niya gawain 'yan. At pawis na siya. "Si Kuya talaga,"

"Andres! Ano ba iyang pinapagawa mo kay Gio?" dumating ang Nanay galing palengke kasama ang Auntie Lorna.

Lumabas ang Nanay at sumunod naman ako.

"Tinuturuan ko lang, 'Nay." ani kuya.

"Anong tinuturuan? At para saan naman ang mga iyan? Nako, Andres. Tama na iyan, Gio." pagpapatigil ni Nanay.

"Ayos lang, po. Tapos na rin," ani Gio.

Sinimangutan ko ang kuya ko nang napatingin siya sa 'kin. Ngumisi lang naman siya. Mukhang pinagtitripan nga lang niya si Gio.

"Gio," lapit ko sa kaniya.

"Good morning." bati niya. "I'll just take a bath." paalam niya at hinayaan ko nang makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung saan ang kuwarto ko.

"Kuya," banta ko sa kaniya.

"Ito naman!" ginulo-gulo pa nito ang buhok ko. "Okay iyang si Gio, masunurin." tumango tango siya.

Napailing nalang ako.

Bumaling ako kanila Nanay. "Tulungan ko na po kayo." sabi ko at tumulong na nga sa paglalabas ng mga pinamelengke nila sa plastic.

"Ang dami na namin dito, Giselle. Doon ka na. Samahan mo si Gio." ani Nanay.

"Maliligo pa po si Gio." sabi ko.

"Lumabas kayo mamaya kapag hindi na mainit. Ipasyal mo siya rito sa atin. Huwag mong pansinin iyang mga chismosa sa labas."

Tumingin ako sa Nanay.

"Hayaan mo ang mga iyan, Giselle. Huwag mong papansinin. Wala namang magawa ang mga iyan kung 'di pagtsismisan ang kapwa nila. Hindi nalang inatupag ang mga buhay nila nang umayos naman." anang Nanay habang naghuhugas ng gulay sa lababo.

"Oo nga, Giselle. Palaging may nakikita ang mga iyan sa kapwa nila, e. Sa sarili parang wala. Kaya iyan kita mo miserable pa rin sa mga buhay nila." anang Auntie Lorna naman.

"Hindi mahalaga ang sasabihin ng ibang tao, Giselle. Hindi ka naman talaga nila kilala. Ang mahalagang opinion lang ay sa mga taong malapit talaga sa iyo at nakakakilala sa 'yo. At mga taong mahalaga rin sa iyo." dagdag ng Nanay.

Tumango at ngumiti sa akin ang Auntie Lorna na kumuha na ng chopping board para manghiwa ng karne.

"Sa sala muna tayo, Gi?" tawag sa akin ng ate.

Tumango naman ako at sumama sa kaniya matapos lumapit at yumakap sa Nanay galing sa likod. "Salamat, Nanay." sabi ko.

"Nako, Giselle. Nanggigigil din talaga ako sa mga tsismosang iyan. Palaging pinapakialaman ang mga anak ko. Ano naman ngayon kung maaga kayong nagbuntis ng ate mo? Tayo naman ang haharap at hindi sila. Bakit aambagan ba nila ng kahit gatas ang mga apo ko?"

Napangiti ako at napagdikit nalang ang mga labi. "Mahal kita, Nanay." sabi ko.

"Mahal din kita, Giselle. Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo at hindi rason ang mga mali ninyo para mabawasan ang pagmamahal ko sa inyo. Ang gusto ko lamang ay maging responsable kayo." anang Nanay.

Tumango naman ako.

"Ang agang drama naman niyan." ang Tiyo Gardo, asawa ng Auntie Lorna na kapatid ng Nanay.

Siniko naman ito ni auntie. "Doon ka nga sa likod at linisin mo iyong iniwan na kalat doon ng pamangkin mo." utos nito.

"Ito talagang si Andres, nagising nalang ako kanina sa tunog ng pagsisibak ng kahoy. Pinagsibak ba naman ang bisita natin." ani Uncle.

"Isa pa iyang si Andres." ang Nanay.

Hinila na ako sa kamay ni ate at umupo na kami sa sala.

Hinawakan niya ang tiyan ko. "Kailan ang kabuwanan mo?"

"Medyo matagal pa, ate." sagot ko.

"Sorry, ate." sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Bakit?"

Umiling ako. "Sabi ko noon sa sarili ko, hindi ako tutulad sa 'yo...na maagang nagbuntis."

Umiling ang ate. "Ayos lang iyon, Giselle." aniya.

Umiling ako.

Hinawakan nito ang kamay ko. "Huwag mo nang isipin. Ang tao ay nagkakamali talaga. Wala namang perpekto. Ang mahalaga ay maging responsable tayo sa pagharap ng consequences ng mga ginawa natin." aniya at tipid na ngumiti.

"Tama na nga. Ang agang drama. Tama ang Tiyo Gardo." ngumisi ang ate.

Napangiti na rin ako.

"Puwede kayong mamasyal ngayon ni Gio, gaya ng sabi ng Nanay. Puwede sa lupa natin. Mamayang hapon siguro kapag hindi na mainit. Mas mabuting huwag kayong mamasyal bukas at pista. Maraming tao lalo sa bayan."

"Oo nga pala," Fiesta na nga pala bukas dito sa amin.

Tumango ang ate. "Magsisimba rin tayong pamilya bukas."

Tumango ako.

Nang nakababa si Gio ay inaya ko na rin siya para makapag-almusal. "Anong oras ka bang nagising? Namahay ka ba?"

"Around 4:30," sagot niya.

"Ang aga naman." sabi ko.

"Your Tatay woke up early, too."

Tumango ako. "Oo, pupunta pa kasi sila sa bukid para i-check yung pananim namin."

"I'm thinking of buying a property here. Do you like it here?"

Nag-angat ako ng tingin kay Gio. "Ikaw? Okay lang naman kung sa Maynila titira. Ang trabaho mo." sabi ko.

Tumango lang siya.

"Giselle, Gio, kumain na kayo mga anak." salubong sa amin ni Nanay na naglapag ng huling bandehado sa mesa.

Umupo na rin kami ni Gio roon.

Dinala ko nga si Gio sa maliit na bukid namin nang naghapon. "This is nice." aniya.

"Hindi ito malawak talaga. Pero nakakatulong sa pamilya namin ang lupang ito na pamana pa ng Tatay ni Tatay, ng Lolo ko." sabi ko sa kaniya.

Nakita kong ayos naman ang tanin namin dito.

Kanina nang paglabas namin ni Gio sa bahay ay nakasunod na agad sa amin ang ilang mata ng mga kapitbahay. Tama nga ang Nanay. At hindi ko na rin iyon pinagtuunan ng pansin. Hindi nga rin naman talaga mahalaga ang iisipin at sasabihin ng ibang tao. Hindi naman sila ganoon kahalaga sa akin kaya hindi na talaga dapat mag-matter.

"Ang sarap ng hangin." sabi ko.

Hinihipan din nito ang suot kong mahabang dress.

"Hmm," naramdaman ko ang yakap sa akin ni Gio galing sa likod.

Napangiti lang ako.

Pinahinga niya ang baba niya sa may balikat ko. "I like it here." aniya. "Your family are nice."

Ngumiti ako. "Pamilya mo na rin sila."

"Really?"

Tumango ako. "Oo,"

Bago magdilim ay nakabalik na kami ni Gio sa bahay.

Kinabukasan ay madaling araw pa lang nagluluto na ng para sa mga handa sila Nanay. Nagising din ako nang nagising si Gio. "Hindi ka ba kumportable? Ang aga mong magising lagi." sabi ko.

Siguro nagigising siya lagi sa ingay ng pamilya ko. Ganoon kasi si Gio, nakakarinig lang ng konting ingay ay nagigising na. Naalala ko sa Maynila. Kahit natutulog siya, nakakailang katok pa lang kami nila Jack ay nagigising na siya. Tapos medyo nahihirapan nang makabalik sa pagtulog.

Umiling siya. "Matulog ka pa." sabi niya sa 'kin.

Tiningnan ko ang oras at nakitang mag-5:00AM pa lang. "Matulog pa tayo." sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya at humiga muli. "Come here." aniya.

Ngumisi ako at humiga na rin muli sa dibdib niya. Niyakap ako ni Gio. Nakayakap din ako sa kaniya.

Naisip kong pinatulog lang siguro muli ako ni Gio at bumangon na rin siya para tumulong sa pamilya ko. Dahil nang nagising ako ay wala na naman siya sa tabi ko.

Naligo nalang muna ako para presko na ang pakiramdam ko bago bumaba. Nadatnan ko siyang nasa kabilang dulo katulong ni Tiyo Gardo sa pag-iikot ng lechon.

"Good morning, po." bati ko kanila Nanay.

"Good morning sa bunso namin." hinalikan ako nito sa noo. "Doon ka muna sa sala at medyo magulo rito sa kusina."

Umiling ako. "Puntahan ko lang po si Gio-"

"Nako, mausok. Dito ka nalang sa loob. Siguradong ayaw din ni Gio na naroon ka. Makakalanghap ka lang ng usok sa niluluto nila."anang Nanay.

"Doon ka na, bunso. Hindi naman mawawala 'yang si Gio." tumawa si kuya matapos akong akbayan.

Tinanggal ko naman ang braso niya sa akin.

"Aasarin mo na naman 'yang kapatid mo, Andres." saway ng Nanay.

Pumunta nalang muna ako sa sala at nakipaglaro sa mga pamangkin ko.

"Tita Giselle, lumunok ka rin ba ng isang buong pakwan?" tanong ng babaeng pamangkin ko.

Bahagya naman akong napatawa. Si kuya kung ano ano na naman siguro ang mga sinasabi sa anak niya. Umiling ako sa pamangkin ko. "Hindi, Chloe, baby itong nasa loob ng tiyan ni Tita."

Tumango tango naman ang bata. "Oh..."

Ngumiti ako at inutusan itong kumuha ng suklay at pantali niya para ma-ponytail ko ang buhok. Mahaba na kasi at gumugulo pa ang bangs sa mukha ng bata.

Naabutan ako ni Gio na nagtatali ng buhok ng pamangkin ko sa sala. Ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti rin siya sa akin.

Sinalubong siya ng isa ko pang pamangkin. Hinawakan siya sa kamay ni Jon, ang three years old na anak ng ate ko. "Laro po tayo, Tito." bulol pa na aya ng bata.

"Jon," tawag ko.

Umiling sa akin si Gio. "It's okay." tapos ay sinubukan na niyang makipaglaro sa pamangkin ko.

Napangiti na lang ako.

"Magiging mabuti kang Daddy sa anak natin." sabi ko kay Gio nang tumabi na siya ng upo sa akin.

Ngumiti siya. "You, too. You will be a great Mom."

Ngumiti lang din ako.

"I'll just shower." aniya.

Tumango ako at napangisi. "Oo, amoy lechon ka nga." biro ko.

Ngumisi lang din siya at umakyat na sa taas.

Marami nga rin kaming naging bisita. Mga kakila nila Nanay at mga imbitado ni Kuya Andres. Halos napuno ang sala namin sa tao. Ang dami rin talaga ng hinanda nila Nanay.

"Nako, Agnes, ang guwapo naman nitong mamanugangin ninyo." anang isang kaibigan ni Nanay.

Ngumiti lang ako na nasa tabi ni Gio at niyaya siyang kumuha na rin kami ng pagkain sa kusina. "Ano'ng gusto mo?" tanong ko sa kaniya nang kaharap na namin ang lamesa.

"You?" tanong niya rin pabalik sa 'kin.

"Gusto ko lang nitong salad." sabi ko.

Si Gio na ang kumuha ng pagkain namin at pina-upo niya lang ako roon.

May ilang kamag-anak at tao ang pumapasok at lumalabas din sa kusina matapos muling makakuha ng pagkain. Bumabati ang mga ito at bumabati rin ako pabalik. Ganoon din si Gio.

"Kailan kayo magpapakasal?" tanong ng isang kaibigan ng pamilya nang pumasok din ito sa kusina at nakita kami roon.

Hindi ako nakasagot. Nahihiya na ako kay Gio. Wala pa naman kaming napapag-usapan tungkol sa kasal...

"Tawag ka na nila Nanay sa labas, Aling Dolor." anang ate sa nagtatanong sa akin. Kakapasok lang din nito sa kusina.

Bumaling sa akin ang ate pagkatapos makaalis noong bisita. "Doon nalang kayo kumain ni Gio sa balkonahe sa taas. Presko pa ang hangin doon. Dito kasi ang daming usisera." anito.

Bahagya nalang akong napangisi at tumango na. Tapos na rin si Gio sa pagkuha ng pagkain namin.

"At pupunta pa tayong simbahan mayamaya. Baka magbibihis pa din kayo?"

Tumango ako sa ate.

Umakyat na rin kami ni Gio sa taas para roon na kumain at tahimik pa.

Nagsialisan na rin ang mga bisita nang naghapon. Mga oras ng pananghalian kasi tumanggap ng bisita sila Nanay. Mag-iinom pa siguro sila Tatay at kuya mamaya pero magsisimba muna kami gaya na ng plano nila Nanay.

Katabi ko si Gio sa upuan sa simbahan. Nakikinig kami sa mass. Sumakay kami sa sasakyan niya papunta rito. Naiwan sila Auntie Lorna sa bahay dahil may mga bisita pa naman doon. Babalik din naman kami agad pagkatapos lang ng misa.

Naramdaman kong hinawakan ni Gio ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya habang nagsasalita si Father. Napangiti na lang ako nang nagtagpo ang mga mata namin.

Pagkatapos ng misa ay naglalakad na kami palabas ng simbahan. Nahuhuli sila Nanay dahil may mga nakakasalubong at binabati pang kakilala.

"Do you want to get wed here?" biglaang tanong ni Gio sa akin.

Napaangat naman ako agad ng tingin sa kaniya. "Huh?" Parang hindi ko pa agad nakuha o nagmaang-maangan ako kahit sa sarili.

"Here, in this church. It's nice. And your family are here." aniya.

"Gio..." huminga ako. "Niyayaya mo ba ako ng kasal?"

Napakamot siya sa batok at kung saan saan pa bumaling. "Uh, yeah..." huminga siya.

Napangiti ako, pero, "Na-p-pressure ka ba sa pamilya ko? Hindi naman kailangan-"

"No," hinawakan niya ang mga kamay ko. Umiling siya.

Nagkatinginan kami.

"Mahal...mahal mo ba ako, Gio?"

Unti-unti siyang tumango at marahan. "I..." bahagyang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "I love you, Giselle."

Nanginig ang labi ko. "K-Kailan?"

"Hmm?" nag-angat siya ng tingin sa akin. "I don't know...when exactly. Is it the time when we were already getting along with each other well? When you baked me a delicious cake on my birthday? Noong sinamahan mo akong bisitahin si Mommy sa puntod niya on her death Anniversary? The moment you hugged me and comforted me," umiling siya. "All I know is that I love you now, Giselle. I had never said this to any girl before," nakatingin siya sa mga mata ko. "It's not hard to like you. I think I already liked you the first time we met at that superclub." bahagya siyang nangisi.

Naalala ko naman iyong parehong sinabi rin sa akin ni Daniel...na hindi ako mahirap nagustuhan. Napangiti ako. Nag-angat ako ng tingin kay Gio. Namuo ang luha sa mga mata ko. At bigla ko nalang siyang niyakap. Sinalo naman niya ako.

Paano mo nga ba malalaman na nagmamahal ka na nga o mahal mo na ang isang tao? Gaano kadali at kahirap bang sabihin ang mga katagang iyan? Pero kung gaya ng sabi ni Gio na ngayon niya lang sinabi iyan sa isang babae, siguro naman hindi ganoon kadali, hindi ba? Dahil hindi mo basta bastang nasasabi kung kanino lang. Siguradong may kakaiba kang nararamdaman sa taong iyon kaya mo nasabi.

Kagaya ng nararamdaman ko rin ngayon kay Gio.

"Mahal din kita, Gio..." nasabi ko rin ang mga kataga habang yakap ko siya.

Napangiti ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro