Chapter 12
Chapter 12
Together
"Nakapaghanda na ba kayo ng hapunan?" tanong ni Nanay.
"Hindi pa po tapos sa pagluluto, 'Nay, pero malapit na rin 'yon." anang ate. Bumaling ito sa akin. "Maupo ka muna. Napagod ka ba sa biyahe?"
Naupo ako sa wooden sofa namin sa sala. Nilibot ko pa ang tingin sa bahay. Na-miss ko rin dito. Umiling ako kay ate. "Hindi naman, po."
Nanatili ang tingin nito sa akin. Naroon ang pag-aalala. "Bakit hindi ka nalang agad nagsabi? Pamilya mo kami. Nahirapan ka ba?" tanong nito.
Umiling ako. "Hindi," lumipat ang tingin ko kay Gio na nakapasok na rin sa sala namin. Tumayo ako para salubungin siya.
"Good evening," polite na bati ni Gio sa ate ko.
Ngumiti naman ang ate sa kaniya.
"Gio, ito nga pala ang ate ko. Ate, si Gio."
Tumango si ate. "Medyo malayo rin itong amin. Ikaw lang ba nagmaneho?"
Tumango si Gio.
"Annie, rito na muna kayo sa hapag at kakain na tayo." tinawag kami ni Nanay.
"Handa na pala ang hapunan." anang ate at nagpatiuna na ito sa kusina.
Binalingan ko si Gio. "Ayos ka lang ba rito sa amin? Medyo marami kami rito sa bahay."
Bukod sa Nanay at Tatay at mga kapatid ko, at mga asawa at anak nila ay narito rin nakatira sa bahay ang ilang kamag-anak nila Nanay at Tatay. Nakakatulong din ang mga ito sa mga gawaing bahay. At may kalakihan din naman ang bahay namin.
"Don't worry about me, I'm fine. Ikaw? Nakakapagod umupo sa biyahe?" tanong ni Gio.
Umiling ako. "Hindi naman. Halika ka na sa kusina." hinawakan ko siya sa kamay niya at giniya roon.
Mahaba ang mesa namin at naroon na rin ang lahat. Pinaghila pa ako ng mauupuan ni Gio bago rin siya umupo sa tabi ko.
"Paki-abot mo nga ito kay Gio, Andres." si Nanay kay kuya na nasa tabi namin ni Gio.
"Thank you," ani Gio matapos i-abot sa kaniya ng kuya ang isang ulam.
Tumango naman ang kuya ko sa kaniya.
"Kumakain ka ba niyan, hijo? Escabeche iyan." anang Nanay.
Tumango si Gio. "Opo,"
Ngumiti ang Nanay.
"Ito pa, hijo. Baka gusto mo ng gulay." ang Auntie Lorna ko naman.
Napangiti nalang ako sa pag-aasikaso ng pamilya ko kay Gio.
"You should eat vegetables," ani Gio sa tabi ko na nilagyan ng chop suey ang pinggan ko.
Ngumiti lang ako sa kaniya.
Kinakausap ng pamilya ko si Gio habang nasa hapag kami. Tinatanong muli siya sa buhay at trabaho niya sa Maynila. Muntikan na akong mabulunan nang tanungin ng ate kung paano kami nagkakilalang dalawa ni Gio.
"We...met at a party..." sagot ni Gio at tumingin sa akin.
Tumango naman ang ate.
Tama rin naman ang sagot ni Gio. Party pa rin nga naman iyon, sa isang club. Hindi pa naming dalawa napag-uusapan ang tungkol sa gabing iyon. Para kasing, ewan ko ba, parang awkward na pag-usapan...
"Giselle, dalhin mo na si Gio sa kuwarto mo nang makapagpahinga na rin kayong dalawa." ani Nanay.
Nagkatinginan kami ni Gio. Hindi ko pa inaasahang sa kuwarto ko patutulugin si Gio. Pero siguro naisip na nila Nanay na may relasyon kaming dalawa ni Gio at buntis na nga ako. Tumango ako at nagpatiuna. Sumunod naman sa akin si Gio.
"If you're not comfortable, I can sleep on the floor." ani Gio nang nakapasok na kami sa malinis ko namang kuwarto rito sa bahay namin.
Umiling ako. "Hindi na, ayos lang. Hindi ganoon kalaki 'tong kama ko pero kasya naman ang dalawang tao," tiningnan ko ang tangkad at laki ni Gio. Malaki rin siyang tao pero maliit naman ako kaya magkakasya pa rin kami sa kama ko.
"You sure?" paninigurado niya.
Nginitian ko siya. "Oo naman."
Pinauna ko na siyang gumamit ng banyo sa loob lang din ng kuwarto ko. Habang nilabas at nilagay ko naman sa aparador ko ang mga damit na dala namin galing Manila. Ang babango ng mga damit ni Gio, kaamoy niya. Hindi ko tuloy napigilan amuyin.
Bumukas ang pinto ng banyo kaya mabilis akong tumigil sa pag-amoy ng shirt niya. "T-Tapos ka na?" bumaba ang tingin ko sa katawan niyang medyo basa pa sa tubig galing sa pagligo sa banyo. Isang towel lang ang napalibot sa baywang niya.
"A-Ah," nataranta akong mabilis na binalik ang mga mata sa pag-aayos ng gamit namin. "Sige, tapos na rin ako rito. Ako na ang sunod na gagamit ng banyo." sabi ko.
Hindi ko na tiningnan si Gio hanggang nakapasok na ako sa banyo. Nagsimula na rin akong maligo at para matauhan. Nakita ko roon sa banyo ko ang body wash ni Gio. Mukhang imported? Hindi kasi ito pamilyar sa akin. Binuksan ko pa 'yon para amuyin. Ang bango nga rin. Napangiti ako.
Sa loob ng banyo na rin ako nagbihis ng pajama at isang spaghetti strap na pantulog. Nagpupunas nalang ako ng buhok ko nang makalabas ng banyo. Naabutan ko si Gio na tinitingnan ang isang picture ko noong teenager na naka-frame sa may bedside table ko.
"You're so cute here." aniya at hinarap sa 'kin ang picture ko. Sa isang photo studio pa iyon kinunan. Maganda rin ang ngiti ko sa litrato.
Napangiti ako gaya ng ngiti rin ni Gio habang pinapakita sa 'kin ang sarili kong picture.
Umupo na ako sa kama sa tabi niya.
"How old are you here?" tanong niya, tinutukoy ang picture ko.
"Hmm, fourteen siguro." sagot ko naman.
Tumango siya.
Tumayo lang akong muli para isabit ang tuwalya ko roon sa gilid. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa kama.
Binalik na rin ni Gio ang frame kung saan ito nakapatong.
Nagkatinginan kami.
Lumapit siya sa akin. "May I?"
Tumango ako.
Marahan niyang nilapat ang palad niya sa tiyan ko. Unti-unti kaming naging kumportable at napangiti. Bahagya pang gumalaw ang tiyan ko. Nanlaki ang mga mata namin ni Gio na tumingin sa isa't isa. Yumuko siya para ilapit ang mukha niya sa tiyan ko. "Hey, baby...do you hear me? I'm your Dad." kausap ni Gio sa tiyan ko.
Napangiti ako at unti-unting nilagay ang kamay ko sa ulo ni Gio at marahang sinuklay ng mga daliri ko ang malambot niyang buhok. Habang patuloy siya sa pagkausap sa baby namin.
Ilang sandali kaming nasa ganoong ayos. Bago umayos ng upo si Gio sa tabi ko. Ilang sandali kaming nagkatinginan. Hanggang sa unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit nalang ako at hinayaan siyang halikan ako ng marahan sa labi...
Marahan at malambot ang mga halik niya. Ngayong nalaman ko na siya iyong lalaking iyon, naisip kong si Gio rin pala ang first kiss ko. Napangiti ako sa halik niya.
"Thank you." aniya pagkatapos ng halik namin at dinikit niya ang noo sa akin.
Napangiti lang ako.
Tingin ko ay tama lang din itong ginawa ko. Deserve rin naman ni Gio na bigyan ko siya ng chance. Mabuti naman siyang tao at hindi niya rin ako pinabayaan. Natakot lang siya noong una pero naging responsable siya sa pagdala sa akin noon sa doktor at sa pag-asikaso sa akin at mga kailangan ko. At ngayon ay hinaharap niya na rin ang lahat ng ito kasama ako. Hindi ko alam kung ano pa ang mga mangyayari. Kung ano ang naghihintay sa amin. Basta palagi kong ipagdarasal na magawa namin ito ni Gio, together.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro