Chapter 11
Chapter 11
Stolen shots
Pumasok kami ni Daniel sa kuwarto. Binuksan niya ang mga ilaw sa likod ko. Sinalubong kami ng crib at halos kumpleto at tapos nang nursery. Ngayon ko pa lang ulit ito nakita. At namangha ako na patapos na niya pala ito. Sila ni Jack ang namili ng mga gamit na narito sa loob ng room. But mostly ay siya talaga ang namili at nag-ayos. Minsan lang din akong nakatulong sa pag-a-arrange ng ilang gamit dito.
"I'm sorry about what happened at the party. At what Michaela did." aniya.
Binalingan ko siya. "Huwag mo nang isipin iyon, Daniel." sabi ko sa kaniya. "Si Michaela ba iyong nabanggit mo sa akin noon?" marahan kong tanong.
Tumango siya. "Yeah..." tumango tango siya. "She's back after years of living abroad. And she said she want me back." aniya.
"Ano'ng...sinabi mo?"
Umiling siya. "She hurt me. She cut me deep. It's not that easy. And I don't know." umiling-iling siya. "I think I've moved on..." tumitig siya sa akin.
"Daniel..."
"Gi, I told you we'll try. And I did. And guess what? Hindi ka mahirap magustuhan, Giselle..." aniyang nakatingin sa akin. Inabot niya ang kamay ko para hawakan.
Marahan ko namang binawi iyon sa hawak niya. "I-I'm sorry, Daniel..." umiling ako.
Nanatili siyang nakatingin sa akin. "You're giving him a chance?" tanong niyang tinutukoy si Gio.
Marahan akong tumango.
Naging mabuti sa akin si Daniel. At gusto ko man hingin sa kaniya na maging magkaibigan pa rin kami ay hindi ko na gagawin. Nasa kaniya na iyon. Maiintindihan ko kung sumama man ang loob niya sa akin. Nakaramdam din ako ng guilt. Hindi ko man siya nabigyan ng assurance na may aasahan siya sa akin ay hindi ko rin diretsong sinabi sa kaniya na hindi talaga.
"Lucky bastard." aniya at bahagyang nangisi. Tapos bumaling siyang muli sa akin. "Is it because he's the father of your child?" tanong niya.
Marahan akong umiling. Maaring iyon nga rin, pero gusto ko talagang bigyan ng pagkakataon si Gio...
Tumango si Daniel. "Take care of yourself always, Gi." aniya bago ako tinalikuran.
"Daniel..." naibulong ko habang tinitingnan ang likod niya.
Nauna na siyang lumabas ng kuwarto.
Nilalagay nina Gio at Tatay ang mga gamit na dadalhin namin pauwi sa probinsiya sa loob ng sasakyan ni Gio. Maagap naman na nilapitan at tinulungan ni Jack ang Tatay ko.
"Ingat sa biyahe,"
Bumaling ako kay Felix sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin. Napangiti na rin ako. "Thank you, Felix."
Pero umiling siya. "No, thank you. Thank you, Giselle." aniya. "Gio is like a lost puppy." tumingin siya sa kaibigan niyang nag-aayos ng gamit sa sasakyan bago muling bumaling sa akin. "I hope you forgive him. I am happy that I can see you're willing to give him a chance."
Nagbuntong-hininga siya. "Bata pa lang kami palagi nang nanghihingi ng attention o approval ng Dad niya si Gio. When his Mom died, he was completely lost. Sa aming magkakaibigan he's the least friendly," umiling si Felix. "he's not really good at socializing. And he's misunderstood most of the times." tumingin siya sa akin. "Gio's a good person, Giselle. He's been a good friend to me. He's just...broken..." tipid ngumiti siya sa akin.
Nilipat ko ang tingin ko kay Gio na tahimik lang naglalagay ng gamit namin sa sasakyan. Habang si Jack at ang Tatay ay nagkukuwentuhan at napatawa pa si biro siguro ng isa.
Nagbuntong-hininga ako. Bumaling muli ako kay Felix at tumango.
"Aalis na ba tayo?" dumating ang Nanay mula sa loob ng bahay.
Tumango ako.
"Ingat po kayo sa biyahe, Tita." ani Felix sa Nanay ko.
Nginitian naman siya ng Nanay. "Salamat, hijo. Salamat sa pag-aalaga ninyo sa Giselle namin habang nandito siya sa inyo." ngiti ng Nanay sa kaibigan ko. "At sana ay makapunta at bumisita rin kayo roon sa amin." anang Nanay.
Ngumiti si Felix at nag-usap pa sila sandali ni Nanay.
Nagtagpo naman ang tingin namin ni Gio. Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Tapos na rin sila nila Tatay sa ginagawa kanina.
"Kumpleto na ba 'tong lahat?" tanong niya habang palapit ako.
Tumigil ako sa harap niya. "Oo, nandiyan naman na siguro lahat. Ikaw? Baka may naiwan ka."
Umiling siya. "It's all here." aniya.
Tumango ako. "Gio, hindi ka ba hahanapin sa company ninyo? Ng Daddy at kuya mo?"
Umiling siya. "Nakapagpaalam na ako kay kuya. Siya na ang bahala." aniya.
Tumango ako.
Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko na hawak ko rin. "Is it heavy?" seryoso niyang tanong.
Napatawa naman ako. "Hmm, hindi naman." ngumiti ako sa kaniya.
Ngumiti rin siya sa akin.
"Giselle, puwede ka nang pumasok sa sasakyan." tawag ni Tatay.
Tumango rin sa akin si Gio. Pinagbuksan na niya ako ng pinto sa likod.
Sa backseat kami naupo ng Nanay habang nasa driver's seat si Gio at nasa harap din si Tatay. Magsasalitan sila sa pagmamaneho sa biyahe.
Binaba ko ang bintana para kumaway pa kay Jack. Nakangiti siya pero ngumuso rin nang palayo na ang sinasakyan namin. Napangiti lang ako. Si Gio ay nakapagpaalam na rin kanina sa kanila ni Felix.
Mahaba rin ang biyahe pauwi sa amin. Tumigil pa kami sa nadaanang restaurant para kumain ng lunch.
Inalalayan ako ni Gio palabas ng sasakyan. "Salamat," sabi ko sa kaniya.
Umu-order na ng pagkain namin sila Nanay sa may counter nang naghanap naman kami ng mauupuan at pinaupo muna ako ni Gio roon bago siya sumunod din sa mga magulang ko matapos akong tanungin kung may gusto ba ako. "May sabaw siguro sila." sabi ko sa kaniya.
Tumango siya at sumunod na rin sa counter.
Naunang nakabalik si Nanay at naupo na rin doon kasama ko. Nagsimula na rin kaming kumain nang nakabalik na rin ang Tatay at si Gio dala na ang pagkain namin.
Umupo si Gio sa tabi ko at inayos ang pagkain namin. "Mainit," aniya na tinukoy ang sabaw para sa akin. Hinipan niya muna iyon bago pinatikim sa 'kin kung gusto ko ba.
Agad naman akong nakaramdam ng awkwardness nang nakitang nakatingin sa amin ni Gio ang mga magulang ko.
Hindi nila alam ang buong nangyari. Inisip nalang siguro nila na boyfriend ko si Gio na hindi ko lang nabanggit sa kanila noon. Hinayaan ko nalang din na ganoon ang isipin ng parents ko. Mahirap na rin kasing ipaliwanag ang lahat... Tinanggap na nga lang nila na ganito ang nangyari paano pa kaya kung malaman nila ang buong katotohanan. Ayaw kong atakihin ang Nanay. Medyo mahina pa naman ang puso niya. Kaya siya talaga ang inaalala ko.
Habang nasa biyahe kaming muli ay nag-uusap ang Tatay at si Gio sa front seat. "Nakapagpaalam ka ba ng maayos sa inyo?" tanong ng Tatay kay Gio.
"Opo." sagot naman ni Gio.
"Ang trabaho mo?"
"I already filed a leave, Sir." sagot ni Gio.
"Tito nalang, hijo, masiyadong pormal ang Sir." ani Tatay.
Si Gio pa rin ang nagmamaneho. Hindi na siya napalitan ng Tatay at nakatulog na rin ito sa biyahe gaya ng Nanay sa tabi ko.
Tiningnan ako ni Gio sa likod gamit ang rear-view mirror ng sasakyan niya. Nginitian ko siya. Napangiti rin siya sa nakita kong repleksiyon niya sa salamin.
"Rest," aniya.
Umiling ako. "Hindi ako inaantok." sabi ko sa kaniya.
"You want to listen to music? Pero baka magising ang Nanay at Tatay mo."
"Gusto ko nga rin sanang makinig nalang muna ng music. Naiwan ko rin pala kasi yung earphones na bigay sa 'kin ni Jack. Baka magtampo pa 'yon na naiwan ko ang bigay niya." napangisi ako.
Napangisi rin si Gio. "You can have mine." aniya. "nandiyan sa likod, sa bag ko. Kaya mo bang abutin?"
Kumilos ako para hanapin iyon. Nakuha ko rin naman.
"Here," inabot niya rin sa 'kin ang phone niya. "I downloaded calming music. May nabasa akong okay daw para sa inyo ni baby. I'm just not sure,"
Napangiti ako at kinuha na ang phone niya.
Walang password at default lang ang wallpaper ni Gio. Naka-playlist na rin yung songs na tinukoy niya. Walang masiyadong laman ang phone niya. May ilang pictures sa gallery na kasama niya sila Felix. Napangisi nalang ako nang makita na marami rin selfies si Jack dito sa phone ni Gio. Mga trip talaga ng isang 'yon. Hindi pa siguro ito nakikita ni Gio.
May napansin din akong isang nakahiwalay na folder at pagkabukas ko ay ilang stolen shots ko iyon sa bahay kapag kasama ko si Gio. Meron din noong kumakain kaming dalawa noon sa restaurant pagkatapos niya akong sunduin sa University after ng klase ko. Hindi ko man lang namalayang kinukunan na pala niya ako ng pictures minsan. Mga apat na photos ko lang din ang narito. Napangiti nalang ako.
Tinigil ko rin ang ginagawa nang maisip na masiyado na akong nakikialam sa phone niya.
Sa labas pa lang ng bahay ay nakita ko nang naroon na ang mga kapatid at pamangkin ko para salubungin kami. Nakarating na kami at bumaba na rin ng sasakyan.
Niyakap agad ako ng ate. Si Kuya naman at ang brother-in-law ko ay tumulong kay Gio sa pagbaba ng mga gamit namin sa sasakyan.
"Ang laki na!" anang ate.
Ngumiti lang ako habang may luha pa rin sa mga mata. Pinunasan naman iyon ni ate. "Pumasok na muna tayo." aniya at giniya ako.
Nilingon ko pa si Gio at nakitang pinapakilala na siya ni Tatay sa kapatid ko. Sumunod na rin sila sa amin. Tumuloy na kaming lahat sa loob ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro