Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

Sigurado


Naroon na nga ang parents ko pagkabukas ni Jack ng pinto. Nakita ko pa si Gio na mukhang nagmadaling makalabas sa kotse niyang halos kaka-parked lang sa labas ng bahay. Nang atakihin ako ng sobrang pagkahilo at nagdilim nalang ang paningin ko.

Nagising ako na nasa loob na ng isang hospital room. Sa tabi ko ay ang Nanay at Tatay na mukhang naghihintay sa pag-gising ko.

"Giselle," anang Nanay na kita ang pag-aalala sa mukha.

Agad nalang akong naiyak nang nakita ang Nanay ko. "Nanay...sorry, po... Sorry," iyak ko.

Inalo naman nila ako ng Tatay. Patuloy akong pinatahan ni Nanay nang nasulyapan ko si Gio na lumapit malapit sa paanan ng hospital bed kung saan ako nakahiga. Kita ko rin ang pag-aalala sa mukha niya.

"Bakit hindi ka nagsabi? Sobra kaming nag-alala ng Tatay at mga kapatid mo," umiiyak na rin ang Nanay sa tabi ko habang hawak nito ang kamay ko at hinahaplos ang pisngi at buhok ko.

Lumuha pa ako. Ang sakit sa dibdib na makita silang ganito. Naging mabuti silang mga magulang sa amin ng mga kapatid ko tapos ito lang ang ibabalik ko sa kanila. "Sorry, po..." paulit-ulit kong hingi ng tawad. "Ayaw ko pong ma-disappoint kayo ng Tatay..."

Umiiling si Nanay habang may luha rin. "Oo, mabibigo mo kami, magagalit sa pag-aalala. Pero hindi magtatagal. Mas mahal ka namin kaysa sa kung anumang mali ang magawa mo." anang Nanay na kinaiyak ko lalo.

"Giselle, mag-isa ka lang dito sa Maynila. Mas nangibabaw ang pag-aalala namin sa 'yo, anak." iyak ng Nanay. "Ngayon ka lang naglihim sa amin ng ganito."

"Sorry, po... Sorry po talaga." hindi na yata ako matigil sa pag-iyak.

Pinakalma lang nila ako lalo nang may pumasok na doktor sa silid ko. Kinumusta nito ang pakiramdam ko at nagtanong maging sa mga magulang ko at kay Gio na naroon din sa room na kinausap din ng doktora.

Ang sabi ng doktor ay hinimatay daw ako sa nerbyos o labis na pag-aalala. "Bawal sa kaniya ang stress." bilin nito.

"Tatay," tawag ko nang nakitang mukhang sinabihan nito si Gio na mag-uusap sila sa labas nang natapos at nakalabas na rin si doktora.

"Hayaan mo na. Mag-uusap lang sila." pigil sa akin ni Nanay na nanatili sa tabi ko.

Tumingin ako kay Nanay at muling humingi ng tawad. Umiling siya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Tahan na. Nandiyan na 'yan. Mas importante ang kalusugan mo at ng bata." aniya.

Tumango ako at kinalma na rin ang sarili nang lubusang naisip ang anak ko.

Bumukas din muli ang pinto at pumasok sila Tatay at Gio matapos ang higit sa kalahati o mag-iisang oras din siguro nila sa labas.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Gio. Tipid siyang ngumiti, na para bang nakahinga siya na nakitang okay lang ako. Hindi naman ako makangiti pabalik sa kaniya. Hindi pa kami nag-uusap talaga. Pero mukhang kailangan na nga talaga naming mag-usap.

"Tatay," tawag ko.

Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Nag-usap na kami ni Gio. Gusto namin ng Nanay mo na umuwi ka muna roon sa atin sa probinsya para mas makapagpahinga ka. May maayos din naman na ospital doon para sa mga pagpunta mo sa doktor. Saka na natin pag-usapan ang iba pang mga bagay. Ang mas mahalaga ngayon ay kayo ng apo ko."

Hindi ko napigilang mapaluha muli sa nabanggit ng Tatay.

"Narinig mo naman ang sabi ng doktor kanina, stress ka raw, anak. At hindi maganda iyon para sa inyo ng anak mo. Kaya siguro mas makabubuti kung sa atin ka muna."

Tumango ako kay Nanay.

"Puwede po ba akong sumama?" biglang tanong ni Gio.

Napabaling kami sa kaniya.

"I can pay or rent a place there near your house. Gusto ko rin po alagaan ang anak ninyo...at ang anak namin." aniya.

Nagkatinginan kami. Bahagyang umawang ang labi ko. Kita ko sa mga mata niya ang totoong kagustuhan niyang bumawi at ang pagsisisi o paghihingi ng tawad...

"Hindi na kailangan." sumagot ang Tatay. "Hindi ganoon kalaki ang bahay namin pero magkakasya naman tayong lahat doon."

Kalmado ang Tatay ngunit seryoso rin ito. Ang Nanay naman ay nasa akin lang nakatuon ang atensiyon.

Nakauwi rin ako sa bahay ni Gio. Nag-offer din siya na roon din muna sa bahay niya ang mga magulang ko. Hanggang sa makabiyahe na kami pauwi sa probinsya. Hindi rin naman kami magtatagal. Bibiyahe na rin agad.

"H-Hello po, Tita, Tito," bati ni Jack sa parents ko na medyo awkward pa ang ngiti. Bumaling siya sa akin. "Are you okay now, Gi?" napalitan naman agad ang ekspresiyon niya ng pag-aalala para sa akin nang lapitan niya ako ngunit napaatras din muli nang maisip siguro ang mga magulang ko na naroon din.

"Good evening, Ma'am, Sir." pormal naman na bati ni Felix sa parents ko.

Napuna kong wala roon si Daniel. Hindi pa nga rin pala kami nakakapag-usap matapos iyong sa party.

"Magandang gabi rin sa inyo, hijo." ngumiti sa kanila ang Nanay. "Nakuwento sa amin ni Giselle na naging mabuti kayo sa kaniya habang narito siya, kaya salamat."

Ngumiti si Jack sa Nanay ko. "Walang anuman po, Ma'am."

"Tita Agnes nalang," anang Nanay.

Lumapad pa ang ngiti ni Jack sa Nanay ko. "We actually prepared dinner, Tita." aniya.

"Oh, ikaw ba ang nagluto, hijo? Nakuwento rin sa akin ni Giselle na lagi mo raw siyang pinagluluto." anang Nanay.

Napakamot naman si Jack sa likod ng ulo o batok niya. Tumango siya kay Nanay. "Opo, gusto nga ni Giselle ng lumpia kaya natuto rin akong magluto," bahagya siyang napangisi sa alaala.

Pumasok na kami sa dining. Nagluto nga si Jack at mukhang tinulungan pa siya ni Felix. "Salamat, Jack, Felix." pasasalamat ko sa kanilang dalawa. Naisip ko lang si Daniel. Parang may kulang dahil wala siya. Gusto kong magtanong pero mukhang hindi muna.

Kumain kami sa dining table. Pinuri ng Nanay ang luto ni Jack. Mukhang nahihiya naman si Jack sa pagpuri ng Nanay ko sa mga niluto niya.

Pagkatapos ng dinner ay hinatid pa ni Jack ang mga magulang ko sa guestroom. Pagod ang mga ito kaya agad na rin nagpahinga.

"Are you really leaving, Gi?" kita ang lungkot sa mukha ni Jack nang tanungin niya ako nito. Dinalhan niya ako ng gatas sa kuwarto ko.

Ngumiti ako sa kaniya at t-in-ap ang space sa tabi ko sa kama. Umupo naman siya roon. Bahagya kong pinisil ang pisngi niya. "Huwag ka ngang malungkot. Babalik pa naman ako...magkikita pa rin tayo." ngumiti ako sa kaniya.

Napangiti na rin siya ngunit naroon pa rin ang lungkot sa mga mata niya na aalis na ako rito sa bahay.

"Puwede ka nang umuwi rin sa condo mo. Baka nilalawa na 'yon sa tagal mo nang hindi umuuwi roon at nandito ka lagi." Para samahan ako. Napangiti ako sa bahagyang biro ko sa kaniya.

Napangisi rin siya sa sinabi ko. "Yeah." tumingin siya sa 'kin na may ngiti na sa mga labi. "You know, Gi, you are the first girl na pinagluto ko." ngiti niya. "The first time I saw you, you looked like a really soft girl. Kaya nga hindi kita maiwan. When I saw you lying on the hospital bed after I rushed you there noong muntik na kitang masagasaan sa unang pagkikita natin, nasa loob ko na ang kagustuhan na parang gusto kitang alagaan. And I swear, I never cared for someone, who's not family, like this. And I think you taught me to care. And you taught me to speak for myself. So, thank you, Gi." genuine na aniya.

Lalo akong napangiti. "Ako rin, Jack. Gusto kong magpasalamat sa 'yo. Hindi mo ako pinabayaan. Palagi mo akong sinasamahan dito sa bahay. Pinagluluto mo pa ako ng cravings ko kahit first time mo pa lang lutuin ang iba ay nagsumikap ka talaga. Kaya, salamat talaga. Naging mabuti kang kaibigan sa akin." sabi ko.

Bigla nalang niya akong niyakap. Nabigla pa ako pero niyakap ko rin siya pabalik. Mukhang umiiyak pa siya sa balikat ko. Ang baby talaga ng lalaking ito. Napangiti nalang ako at ni-rub ang likod niya para maalo siya.

Ako rin. Ngayon lang yata ako nagtiwala ng ganito sa ibang tao. At tinuruan nila ako. Natuto akong muling magtiwala sa ibang tao kahit hindi ko kadugo. Natuto akong mag-care at magbigay ng parte ng sarili ko sa iba. Dahil kapag nagtiwala tayo, ibig sabihin din noon ay pagbibigay ng parte sa sarili natin sa tao o mga taong ito. At may parte na sa akin na binigay ko na sa apat na lalaking ito na hindi ko na babawiin. Palagi kong dadalhin ang mga natutunan ko sa kanila.

"I'm still your baby's ninong, right?" ani Jack makaraan habang nanatili siya sa yakap ko. "I will forever ignore Gio kapag hindi."

Napatawa naman ako. "Oo naman. Siyempre kayo na ang mga unang ninong ni baby."

Tumahan din si Jack at nagpaalam na rin na maiiwan na ako sa kuwarto para makapagpahinga na rin ako.

Nang ako nalang mag-isa ay tumayo rin ako para tunguhin ang kuwarto ni Gio. Kinatok ko siya. Hindi ko nga lang alam kung gising pa ba siya. Kailangan naming mag-usap.

Bumukas ang pinto at bumungad siya sa akin. Gising pa siya. "Giselle? Why are you still awake? You should be resting now-"

"Gio, puwede ba tayong mag-usap?"

Unti-unti naman siyang tumango.

Pumunta kami sa malaking balkonahe ng bahay sa ikalawang palapag. Dito rin kami noong tumitingin din siya noon sa mga bituin nang namimiss niya ang Mama niya.

Ilang sandali kaming tahimik bago niya ako marahang tinawag. "Giselle,"

Bumaling ako sa kaniya. Magkatabi kaming nakaupo sa bench na naroon. Gaya noong nakaraan ay maganda rin ang ayos ng langit ngayon kahit madilim. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya agad sumagot at nanatili ang tingin sa akin. Tumango siya. "Yes. I'm sorry, hindi ka ba kumportable na sasama ako sa inyo? I just really want to be there for you...and the baby, Giselle."

Tumango ako at huminga. Hindi ko naman ipagdadamot sa kaniya ang bata. "Paano ang fiancee mo?" tanong ko na sa harap namin nakatingin.

"I'm not engage to anyone." aniya.

Bumaling ako sa kaniya.

"My father proposed that. Pero tinanggihan ko na. Pero tinuloy pa rin ni Dad. Kaya lang ako naroon sa party na hinanda nila nang gabing 'yon, to call off the engagement." aniya.

"Bakit?" tanong ko. "Mukha naman siyang mabuting babae..." nasabi ko nang naalala iyong babae na narito rin noong isang araw.

Umiling siya. At saglit napapikit. "I'm sorry about that. Jack told me that she was here,"

"Nagkausap na ba kayo?"

Tumango siya. "Yes. I already talked to her and her parents. Don't worry about it. Inayos ko na ang gusot ko. Na dapat lang." aniya.

"Sigurado ka ba talaga rito, Gio?" tanong kong muli sa kaniya na nakatingin din sa mga mata niya.

Tumango siya. "Yes, Giselle. We didn't start this right. But will you give me a chance para makabawi ako sa inyo ng anak natin..."

Tumango nalang ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay pabalik na rin ako sa kuwarto ko. Ihahatid pa sana ako ni Gio pero sinabihan ko na siyang kaya ko naman.

Nadaanan ko ang isa sa mga guestroom na inayos na ni Daniel para maging room ni baby. Humawak na ang kamay ko sa doorknob nang naramdaman ko ang presensya sa gilid ko. Pagkalingon ko ay nakita kong si Daniel iyon na mukhang kakarating lang.

"Daniel," tawag ko.

Nagkatinginan kami.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro