Chapter 1
Chapter 1
One-night Stand
"Sumama ka na! Minsan na nga lang, e." si Thea.
Hesitant pa ako. First time kong lumabas ng ganito kung sakali. Naaya na rin ako noon ng ilang kaklase. Pero lagi kong tinatanggihan. Noon sa probinsya ay bahay, eskwela at simbahan lang ako. Pagkarating ko rito sa Maynila University at itong dorm lang din ako. Nakagala na rin naman ako sa mall. Pero palagi kong inaalala ang mga bilin sa akin nila Nanay. Iba ang Maynila sa kinalakhan kong probinsya.
"Sama ka na, Gi." si Rose sa akin.
Nadiin ko ang mga labi sa isa't isa. Matagal na rin nila akong inaaya talaga. Nag-second year nalang ako sa college. Taong bahay talaga ako.
Pero may mga pagkakataong ganito. Mabait naman sa 'kin ang mga ka-dormmates ko. At birthday din ni Thea. Nag-break sila ng boyfriend niya kaya gusto niya raw uminom at magpakalasing.
Bakit kaya kapag nag-break nag-iinom? Kailangan ba 'yon? Wala pa akong experience sa pag-b-boyfriend. Ayaw ko kasing matulad sa ate ko na maagang nagbuntis at nakapag-asawa. May pangarap para sa amin na mga anak sila Nanay at Tatay. Nakita ko kung paano sila nasaktan noon sa nangyari sa kapatid ko. Ayaw ko rin saktan ang mga magulang ko na nagpapakahirap para sa amin.
Siguro pagkatapos kong mag-aral puwede na. O baka mag-l-law school pa ako pagka-graduate ko sa course ko ngayon. Gusto ko lang maging proud ang Nanay at Tatay.
"Sige..." nasabi ko.
Napapalakpak pa si Rose. Napangiti nalang ako sa mga kaibigan.
"Konti lang," paalala ko kay Katrina habang nilalagyan niya ako ng makeup. Tapos ang sexy pa ng mga damit na susuotin namin. "Hindi kaya tayo mabastos nito sa mga suot natin?" natanong ko.
"Walang karapatan ang kahit na sino na mambastos ng babae dahil lang sa suot nito, 'no." ani Thea. "We can wear what we want. We're wearing them because we want to feel good about ourselves. At hindi para magpakita ng motibo sa mga manyakis na iyan. Duh!"
Sumang-ayon naman sila Kat sa sinabi nito.
"Ayan! Ganda mo, Gi!" puri sa akin ni Kat matapos akong ayusan.
Ch-in-eck ko ang sarili sa salamin. Napangiti naman ako. Binaba ko ang tingin sa mga paa na nakasuot na ng heels. Kahit paano ay marunong naman akong magdala ng heels. Medyo hindi ako comfortable sa suot na fitted at maikling dress pero pinagbibigyan ko sila Thea.
Bumaba na kami at lumabas para makasakay sa b-in-ooked nila Rose.
Nakarating kami sa maingay na club dahil na rin sa music. Mukhang mamahalin nga ang lugar na ito. Broken na nga si Thea ay gagastos pa siya ng mahal dahil ililibre niya kami.
Naupo kami sa mga sofas. Kaming apat lang na girls. Binati namin si Thea dahil birthday niya at nagsimula na rin kaming uminom. Nakatikim na rin ako noon ng alak dahil pinatikim sa 'kin ng kuya ko at hindi ko nagustuhan ang lasa. At iba pa itong iniinom namin ngayon.
"Sayaw na tayo!" hinihila na kami ni Thea patungo sa dancefloor. Mukhang lasing na agad siya. Sa sunudsunod ba naman niyang lagok ng alak.
"Tara, Gi!" hinawakan ako sa kamay ni Rose at hinila na rin pasunod kanila Thea at Kat na nauna na.
"Hindi yata ako marunong sumayaw, Rose."
"Ano ka ba! Madali lang 'yan! Ganito, oh,"
Nagsayaw kami ni Rose. Napatawa nalang ako. Tingin ko ay para kaming mga baliw.
Natigilan pa kami nang nakarinig ng tilian. Mukhang may mga dumating. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Basta wala namang sunog o ano.
Si Rose ay gusto pang makiusyuso pero hinila ko siya para manatili lang kami roon. Agad akong nailang nang may mga lalaki nang nagsayaw sa amin. Hinarap naman ni Rose iyong lalaki na sumayaw sa likuran niya. Sinasayawan na rin ako ng lalaki sa tabi ko. Nag-excuse ako at nagmamadaling makabalik sa table namin. Nagbuntong-hininga ako nang makaupo na roon. Parang gusto ko nang umuwi.
Wala akong kasama roon. Nasa dancefloor lahat ang kasama ko. Tiningnan ko ang mga inumin na naroon sa table namin. Nagkibit-balikat ako. At dahil walang magawa ay uminom nalang ako.
Hindi ko namalayang naparami na pala ako hanggang naramdaman ko nalang ang parang pag-iikot ng mundo ko. Hindi pa pamilyar sa 'kin 'yong mga ininom ko. Basta alam ko alak 'yon.
Nagpasya akong bumalik sa dancefloor para hanapin sila Thea at mag-aya nang umuwi. Nahihilo na talaga ako at gusto ko nalang mahiga sa kama ko at matulog.
Hilo akong naghanap sa kanila. At mas lalo lang akong nahilo sa tao at lakas ng music. Tuluyan na akong bumagsak sa sahig ng dancefloor kung wala lang nakasalo sa akin...
Hindi na gaanong malinaw ang mga sumunod na nangyari nang gabing 'yon... Basta may humahalik na sa akin...
Tapos ang mga kamay niya... Humaplos sa mga parte ng katawan ko na hindi pa nahahawakan ninuman. Nakita niya rin ang lahat sa akin... Ang mga damit ko...nahubad at nahulog lang sa sahig. Habang patuloy kaming naghahalikan... Hindi ko na alam kung nasaan na ako no'n.
Hiniga niya ako sa kama... Naramdaman ko ang lambot no'n sa hubad kong likod... Naramdaman ko siya... Naalala ko ang naramdaman...
Mariin akong napapikit sa mga alaala.
Galit ako sa lalaking 'yon. Pero nagalit din ako sa sarili ko. Alam kong naging pabaya rin ako nang gabing 'yon. Nagkaroon ng mga maling desisyon. Nagkamali rin ako...
Hindi ko na nakilala kong sino iyon. Nang nagising ako kinabukasan ay nakadapa siya sa tabi ko sa kama. Nakaharap lang sa 'kin ang likod niya. At nagmamadali na akong makaalis sa hotel suite na iyon.
Kung alam ko lang na magbubunga ang isang gabing pagkakamaling iyon ay sana kinilala ko nalang ang lalaking 'yon. Sana hinarap ko ang mukha niya. Sana hindi agad ako umalis. Para sana hindi ngayon ganito na ako lang ang umaako sa nagawa naming dalawa.
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa siya malaki. Pero ramdam ko na na may isa nang buhay sa loob ko. Pinagsisihan kong hindi ko agad ito tinatanggap. Ako lang ang may kasalanan at ang ama nitong dinadala ko. Walang kasalanan ang bata. Magulo lang talaga ang isip ko sa takot at hindi malaman ang gagawin pero hindi naman ako nakapag-isip ng masama. Ayaw kong dagdagan pa ang mali ko. Ayaw kong may pagsisihan pa ako sa huli. Kaya aakuin ko ang responsibilidad na ito at ako rin naman ang may gawa.
Bumangon na ako sa kama pagkatapos ng ilang sandali. Kumportable ang kuwartong pinatuluyan sa akin nila Jackson. Ngayong nagising na ako kinabukasan galing kagabi na dumating ako rito, na-realized kong sumama pala ako sa ni hindi ko kakilala. Masyadong magulo ang utak ko kahapon kaya siguro parang nagpadala nalang ako sa agos at kung saan ako nito dinala. At nagpapasalamat naman ako. Mukhang mabubuting tao naman sila Daniel.
Bumaba ako at tumungo sa kusina. Tahimik ang umaga. Mukhang hindi pa nagigising sila Jackson. Dito silang apat natulog kagabi. Nakialam na ako sa kitchen nila at nagsimulang magluto ng breakfast. Marunong naman ako. Lumaki akong gumagawa ng mga gawain sa bahay. Tinuruan kami nila Nanay.
Ganoon nalang ang gulat ko at mahigpit ang hawak sa spatula nang paglingon ko ay naroon na sa may hamba ng kusina nakatayo at nakahalukipkip si Gio na mukhang pinapanood ako.
"P-Pasensya na pero nakialam na ako rito sa kusina n'yo, uh, nagluto na ako ng agahan natin..."
Umayos siya sa pagkakatayo mula sa pagsandal doon. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Ang magaganda niyang mga mata na parang tulad sa kulay ng honey ay medyo malamig tumingin. Nakaka-intimidate.
Akala ko ay tutuloy siya sa akin pero lumiko siya patungo sa ref at naglabas ng tubig na maiinom. Dahan dahan akong nag-exhale.
Binalingan kong muli ang niluluto at pinatay na ang stove dahil luto naman na. Nilingon ko muli si Gio. "G-Gio..." hinarap ko siya.
Bumaling din naman sa akin ang mga mata niya. Gumalaw ang adam's apple niya sa paglagok ng tubig. Nilapag niya doon sa breakfast table ang baso matapos uminom.
"S-Sabi sa 'kin nila Jackson bahay mo raw ito, uh, p-pasensya ka na... Wala pa kasi talaga akong maisip na puntahan. Pero mag-iisip na rin ako ngayon. Aalis na rin ako. Sorry," yumuko ako.
Wala naman kasi talaga akong kakilala rito sa Maynila. Pero may mahahanap naman siguro akong tirahan. Hindi lang talaga ako makapag-isip nang maayos kahapon...
Hindi agad siya umimik. "You can stay here." aniya.
Agad akong napaangat ng tingin sa kaniya. Nagkatinginan kami. Nagkibit balikat lang siya at nilagpasan na ako at iniwan doon.
Nakapaghain na ako sa mesa nang bumaba na rin sila Jackson. Nakangiti niya akong binati. Napangiti rin ako. "Good morning." bati ko sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit kahit hindi ko kilala ang mga lalaking ito ay magaan naman ang loob ko sa kanila. Siguro ay dahil ang una ko palang nakilala na si Jackson ay mabait at nakagaanan ko na agad ng loob. Ngumiti rin bumati sa akin si Daniel. Charming talaga siya.
Simpleng binati lang din ako ni Felix at naupo na roon.
"You cooked? Wow! Thanks!" ani Jackson na mukha pang mangha sa mga pagkaing niluto ko, e, simpleng almusal lang naman iyon.
"Nakialam na ako rito sa kitchen n'yo,"
"It's okay." ngiti sa akin ni Daniel na humawak na rin sa mga kubyertos.
Tumingon ako sa daan papasok dito sa dining. Wala pa si Gio. "Uh, si Gio?" tanong ko sa kanila.
"Call him." utos ni Felix sa kapatid.
Agad naman bumusangot si Jackson. Pero sinunod din ang sinabi ng nakatatandang kapatid. Napangiti ako. Para rin talaga siyang bata. Ang cute niya. Okay lang sa akin kung siya ang mapaglihian ko.
"Sit down now." puna sa akin ni Daniel.
Napatango ako sa kaniya at naupo na rin. Pero hindi agad ako kumain. Hinintay ko muna makabalik sila Jackson.
"She cooked us breakfast, see." ani Jackson papasok doon.
Tiningnan ni Gio ang mesa at naupo na rin doon.
"Do you go to work? Or school? You look young." ani Felix habang kumakain kaming lima sa mesa.
"Pumapasok ako sa college..."
Tumango siya.
Bumaling na rin sa akin sila Daniel.
"She lives in a dorm here near her University. Well, used to. Her parents are in the province. She's alone. She can stay with us, right? She needs someone to take care of her. And that someone can be us?" baling ni Jackson sa kapatid at dalawang kaibigan.
"Ah, Jackson, pwede naman na akong umalis mamaya. Maghahanap ako ng malilipatan-"
"I already told her she can live here." putol sa akin ni Gio kaya napabaling ako sa kaniya.
"Really, man?" as if Jackson's eyes twinkled. "Thanks!" mukha siyang natuwa. Bumaling siya sa akin. "Heard that, Gi? You can stay here with us."
"We don't always go home here." ani Felix.
"It's okay, kuya. I can stay here para may kasama si Giselle. And Gio, too?" baling ni Jackson kay Gio.
Siguro si Gio ang palaging narito at bahay din naman niya ito.
"I can also come here often." prisinta ni Daniel.
"See?" malapad ang ngiti ni Jackson.
Tingin ko ay magka-edad lang kami o mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon.
Nasulyapan ko ang tahimik na pagtango ni Gio.
Napaisip ako. Nagtitiwala na ba talaga ako sa kanila? Mukhang hindi rin naman sila mahirap pagkatiwalaan. Wala naman akong nararamdamang kapahamakan sa kanila. At tama si Jackson. Maaring kailangan ko nga rin sila. Kailangan ko ng tulong...
Nakakahiya man. Pero pwede naman siguro akong magbayad sa pagtira ko rito. Sila na siguro ang matatawag kong pinakamalapit na kakilala ko ngayon. "Puwede akong magbayad para sa pagpapatira ninyo sa 'kin dito. Tutulong rin ako sa pagkain at mga gawaing bahay-"
"No need." muling pagputol sa akin ni Gio na hindi nakatingin. Abala lang siya sa pagkain.
Napatingin din sa kaniya si Jackson. Tapos bumaling sa akin. "It's okay, Gi. You don't have to." ngiti niya sa 'kin.
Unang natapos kumain si Gio at tumayo at iniwan kami roon nang walang sinasabi. Napasunod ang tingin ko sa kaniya.
"Don't mind him. He might act cold most of the times, but he has a soft side, too."
Bumaling ako kay Daniel na siyang nagsalita. He winked.
"Gio? Soft?" kontra naman ni Jackson.
"Shut up. You don't know him that much." saway ni Felix sa kaniya.
Nagkibit-balikat lang si Jackson.
Naisip ko naman si Gio. Hindi naman siya mukhang masama. Mukha lang siyang tahimik...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro