CHAPTER 6
Chapter Six
Where To Start
They said airports had the most sincere hugs and goodbye's, but I beg to disagree. Because I think the place who beats the record for most profound emotions are hospitals... Because sometimes, it leads to permanent goodbye.
Na sa bawat pagpasok sa kahit na anong kwarto ay kasama na doon ang katotohanan at posibilidad na iyon na ang huling beses niyong makikita ng buhay ang isa't-isa... Just like what happened to Karsyn, I didn't have said goodbye to her properly... Na kung alam ko lang iyon na ang huli, sana ay mas nanatili ako sa tabi niya. Sana mas sinabi ko kung gaano ko siya kailangan nang sa gayon ay mas lumaban siya.
But I know, no matter what I do, it's all in God's hands. That it's the time he called her and she answered it with all her heart.
I find it ironic, really. Akala ko noon ang hospital ang magbibigay sa'yo ng malaking pag-asa para mabuhay. Sa kaso ng pinsan ko, para iyong naging kulungan niya hanggang sa kanyang mga huling sandali. I want to convince that it's all alright but as day pass by, my emotions were just getting heavier and heavier. It gets harder everyday... Ayaw ko lang aminin sa sarili ko.
Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina at ang sliding door na nasa aking harapan. A gasp escaped my mouth when my eyes was greeted by an astonishing sunlight that made the ocean spark like diamonds. Walang humpay sa pagkinang ng kulay asul na tubig habang naglalakad ako patungo sa dulo ng balkonahe.
Muli akong napasinghap ng mahawakan ko ang malamig na barandilya. It's the first time that I've been in a place like this since Karsyn left us.
Ang totoo, siya lang naman talaga ang dahilan kaya ako nakakapunta sa mga lugar na ganito. My parents were too strict pero kapag si Karsyn ang kasama ko ay hinahayaan nila ako. Ngayong wala na siya, ramdam ko ulit ang paghihigpit nila at I couldn't do something about it. Ngayon nga lang, alam kong nag-aalala na sila sa akin pero iyong pakiramdam na gusto ko munang makahinga ang mas nananaig sa akin ngayon.
Maybe this is all what I need. An escape from my emotions, from my own grief and from everything.
Napatingala ako sa langit, iniiwasan ang direksiyon ng araw at wala sa sariling napangiti nalang ng mapait.
Did you ever get lost in life that you didn't even realize it until it hits you? That's where I'm at right now. I don't really know where to start. All I know is that I need to move forward even if I don't how. I don't even know if I could do it sa tuwing napapalalim ang pag-iisip ko.
I was distracted by a soft knock on my door. Naputol ang pagtingin ko sa langit at agad na napayuko. Nang masundan pa iyon ay agad ko na akong bumalik sa loob para pagbuksan ang nasa kabilang banda.
I was greeted by a lady wearing a blue uniform. Her smile made my day a little bit better.
"Miss Zydney, pasensiya na po sa istorbo pero pinapatawag na po kayo para sa umagahan."
"Ni Asher?" hindi ko mapigilang lawakan ang ngiti ngunit nang umiling siya ay agad iyong napawi.
"Ni Mr. William Tan, ang Daddy po ni Sir Asher."
That made me swallowed hard.
"W-Where is Asher?" sabi ko habang lumalabas ng kwarto.
Ang isiping makikilala ko ang Daddy ni Asher ay sapat na para magwala ang puso ko pero mas lalo yata akong kinabahan sa pag-iling ng babaeng kasama ko.
"Wala pong may alam. Hindi na po kasi umuuwi rito si Sir Asher," panimula niya. "Simula ng mawala si Miss Karsyn ay hindi na iyon nagpakita rito kaya nga po lahat kami ay nagulat sa pagdating niyo kagabi. Ito ang unang beses na umuwi siya."
Napaiwas ako ng tingin, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kanya.
"Pero huwag po kayong mag-alala, marami naman po kaming mag-aasikaso sa inyo rito kaya hindi niyo kailangang umalis kaagad. Oo nga po pala," nagmamadali siyang umalis sa tabi ko kaya nagmadali rin ako para sundan siya.
Hinintay ko siyang lumabas sa isang kwartong pinasukan. Sa paglabas niya ay kumunot ang noo ko ng makita ang hawak niyang isang itim na box.
"Ipinabibigay nga po pala ito ni Sir Asher," Tulala ko iyong tinanggap. "Ang sabi niya po ay tatawag na lang siya diyan at huwag raw po kayong aalis dahil may aasikasuhin lang siya."
Tuluyan na akong natulala sa latest na iphone na naka-sealed pa at sa asul na sim card na aking hawak.
"Is he coming back soon?" tuliro ko pa ring tanong na ipinagkibit niya ng balikat.
"Wala po talagang nakakaalam kung kailan siya babalik," sinundan ko siya pababa sa grand staircase. "Sabi ko nga po, hindi na pumupunta 'yon rito. Noon pa naman ay madaling na siyang narito pero nang pumanaw ang girlfriend niya ay hindi na talaga bumalik."
Marami pa sana akong gustong itanong ngunit nawalan na ako ng pagkakataon dahil sa pag-ibis namin patungong kusina.
"This way po." she said politely guiding me to the dining area.
I was greeted by two other maids before a man stood up from sitting comfortably at the center of a long marble dining table.
Mabilis akong nagpaskil ng ngiti at nahihiyang binati ang matangkad at matikas na lalaking nakasuot ng magarang suit, like he was about to go to the office. Mas lalong kumabog ang puso ko.
"Good morning, Mr. Tan..." lumapit ako sa kanyang gawi at tinanggap ang kamay niyang agad na inilahad.
"It's nice to meet you, Hija..."
"Zydney, my name is Zydney Jianlin, Mr. Tan."
Nakita ko ang agarang paghinto niya ng marinig ang sinabi ko.
"Of Shunde Conglomerate?" namamangha niyang tanong na agad kong tinanguan.
"Yes, Mr. Tan." I answered hesitantly.
Hindi dahil ayaw kong pag-usapan ang malaking negosyo ng pamilyang pinanggalingan ko kung hindi dahil noon pa man ay wala na talaga akong amor sa business world.
Kuminang ang mga mata niya at hindi naitago ang excitement at tuwa sa pagkakilala sa akin. Of he knew me because he is in the business world. My family is something public too. Isang click lang sa internet ang history ng pamilya ko ay naroon na ang lahat ng lehitimong detalye kung saan kami nagsimula.
The family's business started when my great grandfather invest in a small courier service with only nine employees. It started in Guangdong China, nagta-trabaho pa ito noon sa isang dyeing manufacturing company when they had problems with long shipping delays kaya naisipang pasukin ang shipping service. With only just two years of the business, my great grand father employed over half a million people. Hindi doon nagtapos ang paglago ng negosyo at yaman ng pamilya ko, being swamped with riches became their only goal. My grandfather, my great grand father's only son, invested in real estate, e-commerce and much more leading my father to be in charge of the Jianlin's legacy... that soon, will be passed to me.
"It's a pleasure to meet you, Zydney," aniya nang makaupo na kami. "It's uncommon for me to meet someone who came from an unreachable clan but I'm more surprised that Asher came home yesterday with someone... With a girl."
Nahihiya akong napayuko.
"We're just friends, Mr. Tan," mabilis kong sagot kahit na wala namang masyadong judgement sa tono niya. He was just laying facts but I'm too defensive. "I'm his deceased girlfriend's cousin."
Sa pagbalik ko ng tingin sa kanya ay natigilan ito, ilang beses na napalunok at natahimik kaya muli akong nagsalita.
"I was in a bad situation and Asher was kind enough to help me... If it isn't too much, may I ask how is your wife doing, Mr. Tan?" I shifted the subject.
Masyado pang maaga para sa wine pero walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang basong may lamang pulang likido na mukhang wala naman talagang balak inumin ngunit dahil sa tanong ko ay nagawang iangat at tikman.
"She's doing good..." He answered. "We're not good in coping with loss especially if it's the second time within only twelve months but we're hanging on."
"I'm so sorry to hear that."
Isang tango ang isinagot niya sa akin. He heave another sigh, hirap na iahon ang sarili sa lungkot na dala ng tanong ko kaya hindi na ako nag-atubiling tulungan siya.
"Malayo po ba rito ang Santa Teresita?"
Sandaling kumunot ang kanyang noo, maybe because he was not expecting me to know some of the place here.
"May kailangan ka roon?"
Tumango ako. "Kung hindi po nakakahiya, pwede po ba akong manghingi ng pabor sa inyo?"
Ibinaba niya ang hawak na alak at saka ako tinitigan.
"What is it, Hija? Anything I can do to help."
"I need a car," wala nang pag-aalinlangan kong hiling. "Pwede po ba akong makahiram ng sasakyan patungong Santa Teresita?"
"Kailangan mo ba ng driver at mga bodyguard?"
"No," maagap kong tutol. "I am fine without one, Mr. Tan. I just a need a car and I promise to bring it back."
"Alam ba ito ng anak ko?"
Bumagal ang pagnguya ko, not that I'm into eating anyway but the thought of his son knowing that I'll left this place somehow terrifies me.
"H-He doesn't need to know," I put up a smile to calm my nerves. "Welcoming me into your home and showing me great kindness is something I could never repay but I need to move forward. Ipinapangako ko pong ibabalik ko ang sasakyang gagamitin ko kapag nakahanap na ako ng bagong magagamit. Hindi rin naman po ako magtatagal rito. Kailangan ko pong umalis para gawin ang mga pakay ko sa pagpunta rito and Asher doesn't really need to know. Abala lang po ako sa kanya."
"That's not true," he purses his lips and drink some water before he speaks again. "Even when everything thinks that what happened to him somehow turned him into stone, I still believe that he wouldn't help you if that's the case. Hindi niya gagawin ang lahat ng ito kung abala ka sa kanya. You are his girlfriend's cousin, at dahil nasa teritoryo ka niya ay hindi maaaring mawalan siya ng pakialam sa'yo... But because I respect your father, a colleague of mine, I will let you use one of the car outside."
"P-Po?" hindi ko na maitago ang kasiyahan at kalituhan sa boses ko.
"In one condition."
Wala sa sariling napatango nalang ako.
"You will bring one person from this house to accompany you. Sa gayon, mapapanatag ako at ang anak ko at mapapabilis ang gagawin mo sa Santa Teresita."
Agad na lumipad ang mga mata ko sa babaeng muling pumasok sa dining area, ang babaeng sumundo sa akin kanina sa kwarto.
"Siya po,"
Agad na namutla ang babae sa sinabi kong hindi alam kung para saan.
"P-Po? Sir?" nagpalipat-lipat ang seryosong tingin ni Mr. Tan sa aming dalawa.
"Alright." he said.
"S-Sir? Teka, bakit po? Wala po akong ginagawang masama, Sir–"
"Don't be silly, Fatima,"
"S-Sili Sir? Kailangan niyo po ng sili?"
Hindi ko na mapigilang mapahagikhik sa tanong niya pero mas lalo siyang kinabahan dahil doon na parang gusto nang lumuhod sa harapan ng lalaki dahil sa kung anong tingin niya'y magpapatanggal sa kanya sa trabaho. Holy hell, I feel bad!
"No, listen," mangiyak-ngiyak itong tumango na hindi na alam kung ano ang gagawin. "I need you to accompany Zydney to Santa Teresita."
"S-Sir?" tanong niya habang binabalikan ng kulay ang mukha, napapalunok pa rin sa kaba.
Nilingon niya ako gamit ang nalilitong mga mata.
"I'm sorry," I said. "Alam kong hindi mo trabaho ang hihilingin ko pero mas komportable akong babae ang kasama kaysa sa lalaking bodyguard. Pwede mo ba akong samahan?"
Doon na siya tuluyang nakahinga ng maluwag. She eventually agreed to my plans pero dahil wala sa akin ang lisensiya ko ay nag-ipon pa ako ng ilang libong lakas ng loob para ipagpatuloy ang lahat ng plano kahit alam kong malaking aberya ito kapag nagkataon.
"Do you think he will come home later?"
Fatima glances at me and then pinches her nose.
"Akala ko ngayong wala sa bahay si Miss Navaeh ay mapapahinga ang ilong ko sa kakaintindi ng English Miss Zydney, hindi pala." natatawa niya iyong binitiwan kaya natawa na rin ako. "Pero ang totoo, hindi ko po masasagot 'yan. Pwedeng oo dahil nasa bahay kayo pero pwede rin namang hindi. Mas malaki ang posibilidad na hindi siya uuwi sa tingin ko."
Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras.
"P-Pero huwag kayong mag-alala! Tingin ko lang naman 'yon!" tumawa siya para mawala ang bigat sa dibdib ko.
Muli ko nalang siyang nginitian at sinabi ang lahat ng gagawin namin sa Santa Teresita. At first she looks at me emotionally after I told her everything, naglaro ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Isa talaga siyang anghel..." wala sa sariling bulong niya dahilan para may kung anong mainit na bagay ang lumukob sa puso ko.
Alam kong kilala niya si Karsyn at kung ano ang nagawa nito but hearing someone's testimony of her being God sent gave me strength.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga at mas pinag-igi ang pagmamaneho.
"So kaya lang po kayo narito dahil sa mga huling bilin niya? Kaya tayo dadayo sa Santa Teresita para lang puntahan iyong si Tatay Tensio na siyang unang nakilala ni Karsyn rito sa Batangas?"
Marahan akong tumango habang nagre-replay sa utak ko ang araw na ibinigay ng pinsan ko sa akin ang mga USB. I shake my head so the thoughts would go away.
"It's part of the last wish I needed to fulfill. Salamat ulit sa pagsama sa akin, ha."
Buong puso siyang tumango at saka sinabi ang direksiyon ng daan patungo sa pakay namin. I'm glad that I have her beside me. Kung ako lang talaga ay baka naligaw na ako. Malaki ang Batangas at hindi ko rin alam kung saan magsisimula but with her, naging malinaw ang mga dapat kong unahin.
It's just the first thing of all things I needed to accomplish here in Batangas. Bukod kay Tatay Tensio, marami pa akong taong kailangang hanapin para maibigay ang lahat ng huling bilin ni Karsyn sa mga ito. That even in her dying hours, wala siyang ibang inisip kung hindi ang mga taong nakasalamuha niya. I know this may never be enough compared if she is still alive but I am here, kahit hindi niya hiniling ay narito ako para buhayin ang lahat ng mga alaalang iniwan niya sa aming lahat.
I am here to fulfill everything because I love her with all my heart and maybe, this is where I'm supposed to be... Maybe I'm not really that lost and maybe, this is where I should start.
~~~~~~~~~~~~
Completed version of this story is only available on Patreon and VIP group. Message our FB page Ceng Crdva for full details.
Gcash payment is available.
✨
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro