CHAPTER 5
Chapter Five
Be Gentle
Wala akong ginawa kung hindi ang panuorin siyang titigan ako, mukhang gaya kong pinipilit ring labanan ang alcohol na sandaling namahay sa sistema.
Mga kalampag ng kutsara, tinidor at plato ang naririnig ko. Mumunting usapan, bulungan pero mas nakakabingi doon ang pananahimik niya.
Kasalukuyan kaming nasa simpleng lomihan pero halatang dinarayo talaga ito dahil dagsa ang tao kahit na madaling araw na.
Huminga ako ng malalim saka matapang na pinutol ang katahimikan sa aming pagitan.
"T-Thank you for helping me. I'll pay you when I get back—"
"Sinusundan mo ba ako?" he cut me off.
Ang boses niyang malalim ay sapat para mapatuwid ako ng upo at maramdaman ang pagbayo ng puso ko. Parang hindi ko na kailangan ng mainit na lomi para maibalik ang lahat ng katinuan dahil boses niya palang at matalim na titig ay kusang bumabalik ang huwisyo ko.
"N-No," I lied again, I don't have a choice. Iyon ang dapat kong gawin para hindi niya ako kasuklaman. "I'm lost. Napadpad ako sa pub na 'yon dahil dinarayo raw ang lugar kaya sinubukan ko—"
"Kailan ka pa natutong pumunta sa gano'ng klaseng lugar nang mag-isa? You don't know how dangerous it is for you to be in that place without companion."
Agad ako nga umiling.
"Paano mo naman nasigurong hindi ako pumupunta sa gano'ng klaseng lugar ng mag-isa?" tanong kong wala namang ibig ipahiwatig pero nang bahagyang nag-igting ang kanyang panga ay para akong natauhan. "I-I mean, you don't know me that well, Asher. Gaya nang hindi ko rin lubusang pagkakakilala sa'yo. Kung sabagay, madaldal si Karsyn at—"
"Shut up." he said dangerously.
Dama ko ang bahagyang pagsisitayuan ng mga balahibo ko sa braso dahil sa nakakangilong tono niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin, tinawag ang waiter at kinausap ito kaya natahimik ako.
I wanted to say how sorry I am for saying my cousin's name pero may pumigil sa akin. Why would I be sorry? Hindi kasalanan ang pangalan ng pinsan ko at hindi rin iyon bawal sabihin. Ang tanging mali ay ang sitwasyon. He doesn't want to talk about her because it's still painful, I get it.
"M-Masarap ba ang lomi sa lugar na 'to?" magana kong pagsasalita ulit, trying to lighten up the mood by changing the subject.
Tumango siya. Hindi ako nakasagot dahil sa pagdating ng waiter dala ang in-order niyang mga lomi para sa amin. Napangiti ako ng maamoy ang pagkain at makitang umuusok pa ito. Bigla akong nagutom.
Hinayaan ko munang pagkain ang pareho naming intindihin. I don't want to ruin his silence. Iyon na marahil ang pinaka-maayos kong makukuhang atensiyon sa kanya.
Napangiti ako ng matikman ang malasang lomi. My taste buds were rejoicing because of how balance the ingredients was. Now I understand why it's best to eat lomi in Batangas. Alam ko na rin kung bakit hindi lang sa tag-ulan ito mabenta. It's really delicious! Pwedeng araw-arawin umaga, tanghali at gabi.
"Paborito mo 'to?" I asked him again.
Muli siyang tumango at nagpatuloy lang sa pagkain. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis, nawala na ang pait ng alak sa sistema.
"First time kong makakain nito rito. Hindi naman kasi ako madalas nagagawi sa Batangas. Noon lang..." bumagal ang pag nguya niya kaya nilaktawan ko ang pagbanggit sa pangalan ni Karsyn. "Nang mapunta ako rito. Busy naman kaya hindi rin nakapaglibot at nakatikim."
Hindi siya nagsalita. Hindi naman ako nagpaawat.
"Dito ka ba ipinanganak?"
"Yeah."
"Dito ka rin lumaki? Alam mo noon pang bata ako, maswerte na ang tingin ko sa mga taong lumaki sa probinsiya. I think they're the healthiest people. Fresh ang mga pagkain, may sariwang hanging nalalanghap, tahimik ang paligid at napapalibutan ng kalikasan. Unlike sa Manila, magulo, mausok at bibihira na ang makakita ka ng malalaki at lumang puno."
Nang makita kong paubos na ang kanyang pagkain dahil sa pag-concentrate doon habang ako ay daldal ng daldal ay binilisan ko na ang pagkain ko. He's in a hurry, mukhang gusto nang tapusin ang kinakain para iwanan ako!
"Aw!" reklamo ko nang mapaso ang aking dila.
Natigil sandali ang pagkain niya pero umiling lang at hindi ako inintindi. Oh God! He's almost finished! Binilisan ko pa ang pagsubo, wala nang pakialam kung mapaso ang dila maabutan ko lang siya! Ilang beses kong ininda 'yon na nagpairita sa kanya.
"Slow the fuck down. Walang humahabol sa'yo."
"No!" nabubulunan kong agap at agad na nilunok ang mainit na lomi sa lalamunan. "I need to finish my food too! Hindi ako sanay na natitirahan ng pagkain pero ayaw ko rin namang maiwan mo! I'll finish as much as I can kaya sana hintayin mo naman ako."
He clicked his tongue. Nawalan ng ganang binitiwan ang hawak na kutsara at saka tumayo.
"Asher—"
"Finish your food. Hindi ako tanga para iwan ka dito at pwede ba? Sa susunod na magsisinungaling ka mas galingan mo. I know you are following me, Zydney. Hindi ka iwawala ng mapa sa telepono mo at imposibleng mapadpad ka sa pub na 'yon kung hindi dahil sa'kin."
Laglag ang pangang natigilan ako dahil sa rebelasyon niya. Muli siyang umiling nang hindi ako nakasagot.
"Mag yoyosi lang ako. Tapusin mo na 'yan para maihatid na kita kung saan mo gusto."
Bagsak ang balikat kong pinanuod siyang tumalikod at lumabas sa loob ng lomihan. Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagsisinungaling. Can this day get any worst?
Pinilit kong tapusin ang pagkain ko. Kinabahan pa ako dahil nasimot ko na rin ang tubig ko pero hindi pa rin bumabalik si Asher. Mukhang siya ang nagsinungaling na hihintayin ako.
"K-Kuya..." nahihiya kong sabi ng lapitan ang lalaki sa cashier. "B-Bayad na ba ito? Kasi kung hindi pa ngayon palang sinasabi ko nang babawi nalang ako sa susunod at babayaran kayo dahil ngayon ay walang wala ako. I've been robbed and I don't have any money with me—"
"Bayad na po, Ma'am!" aniya para pigilan ako.
Nahihiya akong napangiwi. Tumango nalang at hindi na nag-aksaya ng oras, hinanap ko na si Asher.
Kabado man ako dahil baka pati siya ay takasan ako't iwan pero mayroong maliit na porsiyento sa puso kong nagtiwala sa kanya.
My lips automatically curved when I saw him still puffing a cigarette. Walang ingay akong lumapit sa kanya sa gilid ng lomihan na mayroong mga halaman.
"Hindi ka pa rin tapos?"
Kunot-noo niyang hinithit ng dalawang beses ang sigarilyo sa kamay at pagkatapos ay pinitik na sa kung saan.
"You done?"
"Oo, saan tayo pupunta?" I asked. Napaatras ako sa pagtayo niya at pagpantay sa akin.
"You tell me," he replied. "You can't use your car, you don't have a phone, even cash. You basically have nothing aside from your clothes and confidence to follow me even if I told you hundred times not to do so."
Naipagdiin ko ang aking mga labi. Alright, ako na ang walang wala at huli na sa pagsisinungaling.
"Kaya nga ikaw ang magdedesisyon kung saan ako dadalhin dahil wala akong dalang kahit ano."
Isang multo ng ngiting may halong pagkabaliw ang namutawi sa kanyang bibig.
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo't iniwan mo ang mga gamit mo? Hindi mo ba alam 'yung mga salitang, 'do not leave your valuables unattended?' Hindi ba 'yon uso sa Manila?"
Pinigilan ko ang sariling mapairap sa kanya. He is moving on, be gentle. Bulong ng utak ko.
"Hindi ko na naisip. Tinamaan ako sa mga alak na nainom ko kaya napatagal ako sa banyo. Hindi ko naman alam na nanakawin nila ang gamit ko."
"Kilala mo ba ang mga 'yon?"
Tahimik akong umiling.
"Then why did you fucking trust them? Wala rin ba sa Manila no'n? Hindi ba itinuro ng mga magulang mo na hindi ka dapat magtiwala at makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala? Kasi dito sa probinsiya, iyon ang unang-unang itinuturo."
"Oo na, okay? Kasalanan ko na, inaamin ko. Hindi ko naman akalaing malalasing ako sa ilang baso ng alak para lang hindi maburyo sa kahihintay sa'yo..." napalunok ako't nahinto nang maisip ang mga sinabi.
Napatuwid siya ng tayo. Mukhang kahit na alam nang totoong sinundan ko siya ay hindi pa rin inasahang mahuhuli ako mismo sa bibig! Oh, jeez! What now?!
He scoffs and walk past me. Natataranta naman ako ng napasunod sa kanya!
"Asher, I'm sorry okay?! Oo na kasalanan ko na at may karapatan kang magalit sa pagsunod ko sa'yo pero hindi ko intensiyong guluhin ka!" nagkukumahog kong binilisan ang mga hakbang at nang makalapit ay agad na hinaklit ang kanyang kamay!
"Huy! Sorry na sabi—"
"You already disturb my peace, Zydney!"
Tila napapaso akong napabitiw sa kanya. Mabilis na naglagablab ang init sa kanyang mga mata, it became more dangerous, like a wooden house on fire at tanging galit ang nababanaag ko.
"Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan, huh?! Kung wala kang baong natutunan sa Manila ay hindi ko na 'yon problema pero sana kahit paano ay natutunan mo man lang ang rumespeto sa hiling ng ibang tao! I don't want to see you, you understand? Kahit sino sainyo!"
He's moving on, be gentle. I reminded myself again.
"Sorry," malungkot at nagpapakumbaba kong sabi para hindi na lumala ang lahat. "Kung nasa akin lang naman ang mga gamit ko ay kanina pa ako wala sa paningin mo pero wala na akong ibang pag-asa kung hindi ikaw kaya pwede bang next time ka nalang magalit? I really need your help now, Asher... I still need your help."
His jaw tightened and was about to spit more hurtful statements but he was cut off by a phone call. Iritado niyang dinukot 'yon sa kanyang bulsa at sinagot.
"Hello?!" galit ang boses niyang bungad sa kawawang nasa kabilang linya.
Nanahimik ako dahil ngayon ay kasalanan ko na ring pati ang tumawag ay mapagbubuntunan niya ng galit. No, this day is the second worst day of my life.
"What?! Anong nangyari?!" napabalik ang mga mata ko sa kanya.
Kung kanina kasi ay galit ang kanyang boses, ngayon naman ay punong puno ito ng pag-aalala.
"Alright! I'll be there in a second. Huwag ka nang umiyak, okay? Papunta na ako."
Sa pagbaba niya't pagbaling sa akin ay napapitlag ako. Hindi ko alam kung magtatanong ba ako o aaktong estatwa nalang para lang mabawasan ang tindi ng halo-halo niyang emosyon, pinili ko ang huli. I saw the rise and fall of his chest, mukhang pinag-iisipan ang gagawin sa akin. Maybe kung saang palayan ako itatapon dahil sa pagiging mapangahas ko.
"I'll let you follow me now," may pagbabanta at mariin niya pa ring paliwanag. "But say a word and I'll kick you out of my car." aniya bago ako talikuran at tuntunin ang kanyang sasakyan.
I didn't say a word. Binilisan ko rin ang mga hakbang para makahabol sa kanya. Nang patunugin niya't buksan ang sasakyan ay agad na akong pumasok at naupo sa tabi niya.
Hindi ako nagtanong, hindi nagsalita kahit isa at bilang lang rin ang hingang ginawa para lang huwag niya akong palabasin sa kanyang sasakyan.
Kahit na pagod na ang utak ko sa buong araw na biyahe ay aktibo pa rin ito. Madilim na mahabang daan ang tinahak namin. May iilan namang poste pero ang ibang lugar ay wala talaga. Kahit hinahalukay ang utak ko sa mga gustong itanong sa kanya ay hindi ako nagtangka.
Nasagot lang paunti-unti ang mga ito matapos ang halos isang oras na biyahe't mapunta kami sa kabihasnan. Sa isang hospital.
Naghahanap palang siya ng parking ay nanginginig na ang mga tuhod ko. Ewan ko ba. Since Karsyn died, parang nagka-trauma na ako sa hospital. I choose to avoid it. Hindi ako sumasama kay Mommy sa mga check up niya at hindi rin ako nagpa-confine noong atakihin ako ng ulcer ilang araw pagkatapos ng libing. I just don't want to be there.
"Are you coming? Matatagalan ako sa loob kaya kung gusto mong sumama, sumunod ka nalang."
"Asher..." agap ko nang akma na siyang lalabas. "I-I...I think I can't go inside." mabilis akong yumuko ng muling maisip ang pinaka-mabigat na huling sandali sa buhay ni Karsyn dahilan para agad na manlabo ang mga mata ko.
Am I still drunk? Is this still because of the alcohol?
"Then stay here."
Suminghap ako't agad na ibinaling sa kabilang direksiyon ang mukha ng maramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa aking mga mata.
"I'll stay here... I'll stay..." bahagyang gumaralgal ang boses ko.
Pasimple kong pinunasan ang aking mga luha ngunit ng hindi bumukas ang pinto gaya nang gusto niyang gawin kanina pa ay napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Are you okay? Umiiyak ka ba?"
I bit my lower lip. Umiling ako para muling magsinungaling kahit na huli na dahil kitang kita na niyang umiiyak ako. This is silly. Why can't it stop? Why the heck I'm crying?! Oh, stupid alcohol!
"Nasa emergency room ang Mommy ko at umiiyak rin ang kapatid ko. Now I'm asking you again so that I know who to attend first. Bakit ka umiiyak?"
His thoughtfulness gave me strength to continue wiping my tears.
"Wala, Asher. Sige na puntahan mo na ang kapatid mo. Ayos na ako dito. Naiiyak lang ako dahil nawalan ako ng gamit, iyon lang."
Tumagal ang mapanuring titig niya sa akin.
"Kailan ka ba titigil sa pagsisinungaling, Zydney?"
"Sige na, Asher," pilit ko. "Hindi ako aalis dahil wala rin naman akong pupuntahan. Abala lang ako sa'yo at kailangan ka na ng kapatid at Mommy mo kaya sige na."
Tumagal pa ang tingin niyang mapanuri pero sa huli ay nakumbinsi ko rin. Mapait akong napangiti habang sinusundan siya ng tingin papasok sa loob ng hospital. Napapikit ako ng mariin ng mawala na siya sa paningin ko't tumahimik nang muli ang mundo kong magulo.
Pinanatili ko ang mga mata kong nakapikit. Bumalik ang antok ko kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong magpadala rito.
Naalimpungatan ako sa pagbuhay ng makina ng sasakyan. Kinusot ko ang aking mga mata at pilit siyang inaninag. Madilim pa rin ang paligid.
"Asher? Is everything's okay? How's your Mom? Gaano ako katagal nakatulog?" sunod-sunod kong tanong habang inaayos ang sarili pero hindi siya sumagot hangga't hindi napapaandar ang sasakyan.
"She lost another child," I almost tasted the bitterness and sorrow in his tone. "Another fucking life." bawat diin ng salita niya ay humiwa rin sa aking dibdib na parang iisa lamang ang pakiramdam namin.
Hinanda ko ang aking sarili para aluin siya kahit na hindi ko sigurado kung paano pero bago pa bumuka ang bibig ko ay pinutol niya ako kaagad.
"I don't want your sympathy so don't even think about it," he said like he heard all my thoughts. "Iuuwi kita ngayon sa resort para makapagpahinga ka. I'll deal with you when the sun rises." matigas niyang pagpapatuloy dahilan para tuluyan ko nalang maitikom ang aking bibig.
~~~~~~~~~~~~
Completed version of this story is now available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
✨
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro