CHAPTER 3
Chapter Three
Someone's Worth
Eros:
He's home. He's okay and you don't have to worry about him.
Iyon ang mensaheng nagbigay sa akin ng gaan sa paghinga kahit na buong gabing umulit sa utak ko ang tagpong 'yon.
Kung paano niya pilit na nilulunod ang sarili sa mga bisyo. Kung paano siya nakipaghalikan sa babaeng 'yon at kung paano niya itaboy ang lahat ng mga kaibigang nagmamalasakit sa kanya. I never thought that I'd witnessed him being his worst. Ni minsan ay hindi dumaan sa utak kong kaya niyang maging asshole triple sa noong tingin ni Karsyn sa kanya sa pangalawa nilang pagkikita.
I've seen the best version of Asher. Iyong Asher na walang katapusan ang saya at mayroong magaang puso pero matapos ko siyang makita kagabi sa ganoong sitwasyon ay hindi ko na maisip na makikita ko pa siya gaya ng nakasanayan ko. I felt like he became a hopeless case, a total wrecked.
"Zydney, kumain ka. Your father and I are worried about you." pukaw ni Mommy kinaumagahan sa harap ng hapag kainan. Muli kasi akong nilulunod ng maraming pag-iisip.
"Sorry..."
"Anak, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo sa pagkawala ni Karsyn but please, I don't want you to get sick. Tama na ang pagluluksa at tama na ang pag-iisip. Your cousin is in much better place right now and I'm sure that she doesn't want any of us to worry about her anymore." mahabang litanya ni Daddy.
Tama naman siya sa lahat ng mga sinabi pero maling ito lang ang dahilan ng pagkatulala ko. It's way more than that. Akala ko noon, ang pagkamatay ang pinaka-mahirap tanggapin pero mali pala. Ang pinaka-mahirap pala sa lahat ay ang pag-usad na hindi mo alam kung saan sisimulan. I'm a lost sheep, we all are.
"Dad, I'm full."
"Zydney, ang payat payat mo na at hindi magandang kakaunti lang ang kinakain mo. Huwag mo na kaming pag-alalahanin ng Mommy mo Hija, please."
Napalunok ako't tinanggap nalang ang mga pagkaing muli niyang inilagay sa aking plato. Hindi naman sa ayaw kong kumain, sadyang wala lang talaga akong gana. Gano'n talaga siguro kapag nagmo-move on, 'no? Iyon bang para kang may sakit na hindi mo alam ang gamot o kung may lunas pa. It's like something inside you was broken and can't never be fix. It's an awful feeling, it's endless...
Tahimik akong nagpatuloy imbes na mangatwiran pa. Sinunod ko ang lahat ng gusto nila pero nang maalala ko ang mga plano kong pag-alis upang punan ang lahat ng mga ibinilin ni Karsyn ay hindi na ako nagdalawang-isip na magpaalam, o magsinungaling.
"I'll be at Camie's tomorrow. Baka hindi rin po ako makauwi kaya huwag niyo na akong hintayin."
Bumagal ang pag nguya ni Mommy, tinatantiya ang mga sinabi ko. She knows me. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at hindi pero sa pagkakataong ito ay nanindigan ako. I need to, for Karsyn, for everyone. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong tungkol kay Camie dahil kung hindi ay madaragdagan pa ang mga pagsisinungaling ko. Camie doesn't exist. It was just my other phone para mai-text ko sila't mapalagay kapag nag-aalala sa akin.
Ang alam nila ay best friend ko ito at anak ng isang fashion designer. It was my escape when things get messy at home at hindi kami pinapayagang umalis ni Karsyn noon. Hindi rin naman mahirap isabuhay si Camie dahil madali nalang gumawa ng bagong tao sa mundo ng social media. It's not that hard to stole someone's photos, create new identity and easily get away with it. I know the rules. I know everything. Hindi naman ako nahirapan dahil noon pa man ay hindi na gusto ng mga magulang kong magdala ako ng kaibigan sa bahay. They hate visitors and that made my lying puzzle complete.
Pinilit kong ubusin ang pagkain ko pero pagdating sa kwarto ay isinuka ko lang ang lahat. My body can't take it. Pati ang katawan ko ay gusto nang sumuko pero patuloy ang paglaban ng utak ko laman ang alaala ng namayapa kong pinsan.
I texted Eros that night. I told him about my plan but I did not ask him to go with me. He told me that Asher left after they argued again. Wala naman na kasing ibang ginawa ang lalaki kung hindi takasan kami at ang realidad.
Eros:
Are you sure you don't want anyone to accompany you?
Ako:
No. I'm okay. Kaya ko na 'yon tsaka madali lang naman silang hanapin. Karsyn gave me everything that I need.
Eros:
Alright but please keep me posted. Ayaw ko sa lahat ang nag-aalala.
Ako:
Oo naman. I can handle it. Thank you.
Eros:
Ingat ka. Just call any of us if something happens.
Ako:
Sure. Do you know where he is now?
Eros:
I don't and I don't think he will be at the club tonight. For sure iiwas 'yon. Walang may alam kung nasaan na naman siya.
Ako:
What happened this time?
Eros:
The usual. Wala eh. Maybe what we really need for now is to let him do what he wants. Mahirap isalba ang taong ayaw magpasalba.
Mabigat ang puso kong nagtipa ng panibagong reply.
Ako:
I'm sorry...
Eros:
You don't have to. Walang may kasalanan ng lahat ng nangyayari, alright? He'll be okay. We're all going to be okay.
Ako:
We will be, Eros.
Buong puso at positibo kong sagot sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nang matiyak kong tulog na ang mga magulang ko ay ibinaba ko na ang mga 'yon sa sasakyan. Ayaw ko naman talagang maglihim sa kanila pero wala nang ibang paraan dahil alam kong hindi naman nila ako papayagang gawin 'to ng mag-isa.
"Aalis na po kayo?" napapitlag ako sa pagsulpot ni Donda sa harapan ko, isa sa aming kasambahay na naabutan akong pasakay na sa aking sasakyan hindi pa man sumisikat ang araw.
I intended to leave before my parents wake up. Ayaw kong maabutan pa nila ako dahil ayaw ko nang magpaliwanag. Ayaw ko nang pahabain pa ang lahat at mas lalong ayaw kong makarinig ng sermon.
"Yes, Donda," umalis ako sa sasakyan para harapin siya. "Just tell them that I needed to leave early because of Camie. Maiintindihan na nila 'yon."
May pag-aalinlangan siyang tumango. Alam kong hindi sapat 'yon pero hindi ko na pinahaba dahil kailangan ko nang umalis. Nagpaalam ako kaagad at wala nang pagdadalawang-isip na sumakay at tinakasan ang lahat.
Isang araw lang ang paalam at plano ko para gawin ang lahat ng mga unang utos na iniwan ni Karsyn pero dahil alam kong hindi 'yon magiging madali ay pang isang linggo ang dinala kong gamit. Bukod kasi sa alam ko nang hindi ko matatapos ang lahat ay umaasa rin akong mahanap at makausap rin si Asher.
Mapait akong napangiti at napailing sabay bulong ulit sa sarili ng mga salitang, 'Bahala na'.
I was praying while driving. I asked for endless guidance and strength lalo na ng muli ko na namang makapa ang matinding lungkot sa aking puso.
Totoo nga iyong kasabihan na hangga't nasa tabi mo ang isang tao ay hindi mo lubos makikita kung gaano talaga sila kahalaga sa'yo. We can only realize someone's worth once we've lost them. When we cannot reach them for a hug. When we cannot tell them how much we love them. When all we can do is to grasp their memory, hold it firmly in our hands so that it wouldn't slip away just like they did.
Karsyn's death left a huge void in my heart. Habang nasa daan ay wala akong inisip kung hindi siya. Inalala ko kung gaano kasaya ang buhay ko noong nariyan siya... Because my life is so much better with her na sa bawat pagpikit ko ngayong wala na siya ay humihigpit ang kadenang sumasakal at nagpapasakit sa puso ko. It hurts... Sobrang sakit pa rin.
I found myself crying again. Ang pait ng mga luhang nalasahan kong umagos pababa sa aking mga labi ay walang wala sa pait ng nararamdaman ng puso ko.
I parked in a gasoline station when I can't hold my tears anymore. Doon na rin ako nagpalipas ng oras upang kalmahin ang sarili. I'm not even halfway to where I am going but I don't feel like moving at all... Not now.
Hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa upuan ng coffee shop na pinasukan ko. Maging ang pait ng aroma ng barakong kape ay tinalo ng pait sa puso ko. I sipped on my coffee, pinipilit na pantayan ang nararamdaman but the bitterness of my emotions were incomparable.
Hindi ko ininda ang init ng kape kahit na dama ko na ang pagkapaso ng aking dila. I didn't care. All I can think of was the feeling of being numb. Paano nga kaya kung kaya ng kapeng gawing manhid ang lahat sa akin ngayon? Nang sa gayon ay makapagpatuloy ako? Nang sa gayon ay kahit paano makalimutan ko ang lahat ng pait? Lahat lahat ng sakit?
Ipinilig ko ang aking ulo. Pinilit kong manatiling nakapikit kahit na ilang beses umingay ang nakasabit na wind chime sa ibabaw ng pintuan ng shop. Kahit na patuloy na napapaso ang mga kamay ko sa mainit na tasang aking hawak ay hindi ako dumilat. Wala akong planong buksan ang mga mata ko ngunit ng marinig ko ang isang pamilyar na boses ay awtomatikong sinalubong ng paningin ko ang liwanag. Agad na hinanap ang baritonong boses na ngayon ay kausap nang nakangiting cashier.
Natataranta kong naibaba ang tasang aking hawak pabalik sa platito pero dahil do'n ko lang naramdaman ang sakit ng mga kamay ko dahil sa pagkakapaso ay nabitiwan ko 'yon at agad na nakagawa ng ingay!
Ang kaba sa aking dibdib ay mabilis na sumiklab lalo pa nang lingunin ako ng pares ng mga matang iyon! Agad akong napatayo!
Asher Miguel... He's here... He's here KF!
"Ma'am are you okay?" nag-aalalang tanong ng waiter na hindi ko na namalayan kung paano nakalapit sa akin at nahawakan ang namumula kong mga palad.
"I-I'm okay... I-I'm okay..." nauutal kong sabi sa kanya pero ang mga mata ay nanatiling nakatutok kay Asher, takot na mawala itong muli sa aking paningin.
He was just staring back at me. Hindi alam ang gagawin kahit pa nagkukumahog na ang mga staff ng coffee shop na tulungan ako. Para siyang nakakita ng isang multong pilit na iniiwasan. I'm sure he's like this to everyone. Hindi na ako nagtaka pero imbes na matakot ay kumawala sa mga labi ko ang pangalan niya.
"A-Asher..."
I see him stiffened at that. Kumurap-kurap at bago pa ako makapagsalita ng iba upang pigilan siya sa posibleng pagtakas ay napasinghap na ako ng makita ang paglalakad niya patungo sa aking direksiyon.
The next few minutes became hazy. Pinanuod ko siyang utusan ang mga tao kung anong gagawin sa kamay ko. It's not that burned actually. Hindi rin masakit. Maybe coffee helps people to get numb sometimes... or it's just me convincing myself that I am numb because that's what I wanted to be.
"What were you thinking?" hinila ako pabalik sa kasalukuyan nang matapos ang kumosyon at mawala ang mga tao sa paligid namin.
He's sitting in front of me now. The guy we've been chasing for months is comfortably sitting right in front of me. Walang bakas na gusto niyang tumakas. He's so chill unlike what I've witnessed the other night and the days before that.
"It was an accident."
"It wasn't—"
"Totoo," maagap kong putol sa kanya. "Nakita na kita sa malayo at sinundan ng tingin hanggang sa makapasok ka rito. I didn't realized that I was holding the cup for too long. I'm just surprised to see you here..." may pagsisinungaling ngunit may halong katotohanan kong sabi.
Sarkastikong ngiti ang sunod na lumabas sa kanyang mga labi bago abutin ang kapeng in-order sa pagpasok kanina. Sinuri ko ang kanyang kabuuan.
He's looking fresh today. White polo shirt, plain jeans and a topsider. His hair is still wet. Medyo mahaba na ang kanyang buhok gaya ng bahagyang pagtubo ng balbas at bigote palibot sa kanyang mukha pero imbes na nagmukhang napabayaan ay bumagay 'yon sa kanya.
His eyes were still intense but not as intense noong mag-amok siya ng away. He also smells fresh. Like mint, dark chocolate and lemon combined. He's good and sober now, too.
"And what are you doing here?" he asked instead of feeding my curiosity about his whereabouts.
"I'm going to Batangas," maingat kong sagot.
I know this would lead to a lot of questions but I am ready. Talk now and get it over with, right?
Nagsalubong ang mga kilay niya. Gustong magtanong ng kanyang mga mata pero imbes na 'yon ang gawin ay tinapos niya ang kapeng hawak at agad na tumayo.
"A-Asher—"
"Good luck with that," he cut me off. Ibinalik niya sa mga mata ang suot na aviator. "I'll get going." aniya saka ako tinalikuran.
Nagmamadali naman akong tumayo at sinundan siya. Dahil sa laki ng kanyang mga hakbang ay halos tumakbo ako maabutan lang siya.
"Where are you going this time, Asher?" I almost shouted just to get his attention.
Napalunok ako nang huminto siya. Kusang prumeno ang mga paa ko lalo na ng pumihit siya paharap sa akin. His walls became visible at that. Ang matayog, makapal at walang makakatibag na dingding na kanyang binuo para hindi masilayan ng kung sino ang lahat ng kanyang mga emosyon ay klarong-klaro ngayon.
"It's none of your business."
"I know but—"
"None." giit niya saka muling nagpatuloy sa paglayo.
Kung sa ibang pagkakataon ay hinayaan ko na siya gaya ng sinabi ni Eros na dapat naming gawin pero hindi ko 'yon ginawa. If KF was here, she will ask me to follow him at huwag pakawalan. Iyon ang ginawa ko. Hinabol ko siya at wala nang pagdadalawang-isip na pinigilan sa braso.
Naramdaman ko ang nakakawindang na kabang yumugyog sa aking pagkatao lalo na ng mapapitlag siya't agad na hinawi ang kamay na hawak ko, like he's afraid of me... of everything I don't know.
"Asher, I really need your help," I asked, almost begging. Not because I'm desperate to get this done but because I want him to stay on my sight for much longer. "Help me fulfill Karsyn's last wish please? Alam kong matutulungan mo ako... I know it's too soon to ask you for anything but can you please just help me?"
Sa ilalim ng kanyang salamin ay alam kong sa aking mga mata siya nakatitig. Hindi ko man alam kung ano ang nasa isip niya pero umaasa akong sana ay pumayag siya.
Say yes Asher Miguel... Just help me please?
"No." he said. Nalaglag ang panga ko sa tono niyang pinal at mabilis na nakapag-desisyon. "You're right. It's too soon and I can't help you. You should ask the boys instead," akmang tatalikod na siya pero muling humarap para dagdagan pa ang mga sinabi. "Oh, and don't forget to tell them to just stay the fuck away from me," ibinaba niya ang salamin at muling nakipagtitigan sa aking nanghihinang mga mata. "And that includes you, Zydney. Just please stay away from me." he said before finally leaving.
~~~~~~~~~~~~
WATTPAD EXCLUSIVE.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro