Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Chapter Two

Mary And Bee

Buong puso akong ngumiti habang humihigpit ang hawak sa blueprint ng establisyementong itatayo sa aking harapan. Habang abala ang mga taong bubuo sa isa sa mga pangarap ni Karsyn, ako naman ay muling nilalabanan ang mga emosyon.

"Mary's Heart foundation," nalaglag ang mga mata ko sa ipinakitang papel ni Karsyn sa akin. It was a lettering sketch of the foundation she wanted to build.

"Mary?" nalilito kong tanong.

Ngumiti ang maamo niyang mukha habang dinadagdagan pa ng ilang shades ang mga nakalagay sa papel na mukhang buong gabing pinaghirapan.

"Yup," ganado niyang sagot. "I want to dedicate this to Mary..."

Hindi ko na kailangang magtanong kung sino ang Mary na 'yon. It was the lady who just put to rest last day. Dahil wala pa ring nag-claim rito ay si Karsyn na mismo ang gumawa ng paraan na bigyan ito ng desenteng libing. Pinagawan niya ito ng sariling mausoleum at doon inilagak kasama ang kanyang anghel na siya nalang rin ang nagpangalan, Jesus...

"That will be the name of your foundation? Why don't you put your name instead?'

Mabilis siyang umiling at nagkibit lang ng balikat.

"I want to name it after the woman who started it all," muli niyang sambit habang inaabot na sa akin ang papel na ginawa. "I want this foundation to help people who have the same condition as mine and the people who only has limited time here on earth. I want people to talk more openly about dying, death and bereavement because I want death to be seen and accepted as the natural part of everybody's life cycle. That death isn't something people should be afraid and put aside. I want the foundation to set a benchmark for openness to the quality of support and care services available to patients and families,"

Wala akong nagawa kung hindi ang makinig sa plantsadong plano ni Karsyn sa lahat. Alam kong parte ito ng kanyang pamamaalam pero hindi ko siya magawang pigilan dahil ang lahat ng 'yon ay naungusan ng pagkamangha ko sa kanya dahil hanggang sa dulo, matibay pa rin ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa lahat ng mga taong nangangailangan.

"You know what we should be afraid of more than death?" hindi ako sumagot.

Dinaluhan ko lang ang kanyang paninging nakadungaw sa bintanang may nakahawing mga kurtina't ibinabalandra ang kulay kahel na kalangitan sa labas. Nakinig lang ako.

"Regrets," she gently whispered. "For the things that we did in the past and the things we didn't do when we still have time," napapitlag ako ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa akin. Sa paglingon niya ay parang gusto kong malungkot lalo na't iyon ang agad na nabanaag ko sa kanyang mga mata. "I don't want you to live with regrets, Zyd... I want you to take every chance you get in life because some things will never happen twice."

Marahan akong tumango at hindi na napigilang yakapin nalang siya. Wala sa sariling inangat ko ang hawak na papel. Nagdikit ang mga kilay ko ng mapansin ang drawing ng isang bee sa ilalim ng kanyang lettering na hindi ko napansin kanina. Bumitiw ako sa kanya.

"Bee?"

Narinig ko kaagad ang kanyang paghagikhik at kinuha sa akin ang papel.

"Isn't it cute?" proud niyang sabi habang sinisipat ang drawing.

"What's with the bee?" nanatiling lito kong tanong.

Nagkibit siya ng balikat habang mayroon pa ring malawak na ngiti sa mga labi.

"This reminds me of Asher Miguel..."

Ako naman ang natawa. Sa laki ng lalaking 'yon, bakit niya naalala rito ang isang bubuyog?

"Why?"

Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata habang inaalala ang kung anong nakakatuwang eksena tungkol sa bubuyog na 'yon. I wonder, nag-date ba sila sa Jollibee or something? Ang mga sa utak ko ay naputol sa pagsagot niya.

"The day of the accident, Asher bought me a sweatshirt with a bee in it. I don't know why I thought of it last night pero masaya ako nang maisip 'yon because that's what he represents in my life..." Inilipat niya ang tingin sa akin. "Dahil ang araw na 'yon ang simula ng mas makabuluhang paglalakbay ko rito sa mundo. Asher let me bee happy. Helped me bee great, bee brave, bee bold..." makahulugan niyang sinabi. "At iyon rin ang gusto kong iwan kung sakaling makabitiw ako sa labang ito. I want everyone to just bee alive and continue fighting in this amazing journey. Ikaw," hinuli niya ulit ang kamay ko't maingat na pinisil. "Just bee happy for me, Zyd, alright? Above all, just bee you..."

Masaya akong tumango tango. "But that just made me hungry and think about Jollibee, Karsyn. Ngayon ilibre mo ako!"

Lumakas ang tawa niya at tumango kaagad. Buong gabi naming pinag-usapan ang bagay na 'yon na buong puso kong tinanggap. Hindi lang ang posibilidad kung hindi ang malaking responsibilidad na iiwan niya sa akin.

Ang lahat ng kayamanang mayroon si Karsyn bukod sa kita sa milyon milyong views sa Youtube ay inilaan niya para sa lahat ng planong iiwan at buo rin ang suporta ni Tito William doon.

Iginalaw ko ang aking mga kamay at kinuha ang papel na ibinigay niya sa akin nang araw na 'yon. Ang sketch na ginawa niya na siyang magiging sign sa gagawing building ng kanyang foundation. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang malaki ang naging papel ni Mary sa buhay ni Karsyn. Bukod sa isa ito sa naging simula upang tahakin niya ang daang matagal nang laman ng kanyang puso, ito rin ang tila naging dulo ng lahat. Mary, mother of God was born on September 8 and it was the day that Karsyn died. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba 'yon o may dahilan.

Ipinilig ko ang aking ulo at tinitigan ang sketch bago wala sa sariling hinaplos 'yon. Napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat at ngayon, ang mga huling hiling niya ay nangyayari na. Kung hindi pa tumunog ang aking telepono ay hindi pa ako makakabalik sa katinuan.

Kunot noo ko iyong binuksan para tignan ang kaguluhan sa group chat ng mga kaibigan ni Asher.

Eros:

Is he home?

Jacob:

Nope.

Lance:

Someone saw him last night at a bar, as expected.

Amos:

Where? Pupuntahan ko.

Lance:

Bijoux I think.

Wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Hanggang ngayon ay bigo pa rin akong maibigay sa kanya ang bilin ni Karsyn bago ito mawala. Bukod kasi sa hindi ito mahagilap ay talagang wala itong balak na magpakita sa amin. Nakailang texts at tawag na rin ako pero wala akong natanggap na kahit ano rito pabalik.

Hindi ko na napigilang makisali sa usapan ng maisip na baka kapag naibigay ko na 'yon ay makatulong sa kanyang itigil ang ginagawang pag-iwas. Baka sakaling mabawasan ang pagluluksa niya... Baka maibsan kahit paano ang bigat na kanyang nararamdaman.

Ako:

Can I go with you Amos?

Trystan:

You sure about that Zyd?

Amos:

Oo nga?

Ako:

Yes. Kahit na anong mangyari ay kailangan kong ibigay sa kanya ang ibinilin ni Karsyn. Maybe that would help him heal himself and move on.

Eros:

Malabo.

Jacob:

I agree but there's no harm in trying. I'll come too.

Davos:

Fine, I'm in.

Ivan:

Me too.

Hindi ko na mapigilang mapangiti ng lahat na sila ay sumang-ayon na rin sa planong paghahanap kay Asher. Hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat kong hindi lang siya nariyan para suportahan ako, kung hindi para na rin bigyan ng lakas dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin ako.

Thiago is the one who really look after me. Siya iyong walang tigil sa pangungumusta sa akin araw-araw. Nagtatanong kung ayos lang ako o kung may kailangan akong kaya niyang ibigay para maibsan ang mga kalungkutan ko. I appreciate all of them. Masaya akong ngayon ay parte na sila ng buhay ko. They're like Karsyn's gift to me na habang buhay kong ipagpapasalamat.

Kinagabihan ay sinundo ako ng mga ito sa bahay. Lito man si Mommy at ayaw akong payagan ay wala na itong nagawa ng pumuslit ako't magmadaling sumakay sa sasakyang nakabukas sa harapan ng aming gate.

"Let's go, Jacob!" hinihingal kong mando sa kanya na agad naman nitong sinunod.

Nilingon ko ang bahay naming nilabasan ng mga kasambahay na humahabol sa akin pero inalis ko rin kaagad ang tingin lalo na't tumunog ang telepono ko dahil sa tawag ni Mommy. Pinatay ko 'yon.

"You sneaked out?"

Marahan akong tumango.

"I had to. Hindi naman nila ako papayagang umalis ng ganitong oras lalo na't wala akong kasama at may klase pa bukas."

Bumagal ang takbo niya dahil sa pag-aalinlangan kaya nagsalita ulit ako.

"I'm fine, Jacob. Pagkatapos kong ibigay 'to kay Asher uuwi na rin naman ako kaagad. Hindi na rin ako magtatagal I promise." Wala na itong nagawa kung hindi ang tumango nalang.

Humihigpit ang hawak ko sa box na nasa aking kandungan habang palapit kami sa bar kung saan nakita si Asher noong nakaraan. Limang kotse ang nasa likod ng nangungunang sasakyan ni Jacob na sakay ang mga kaibigan niyang nag-abala rin para lang samahan ako. Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami. Eros told us to not look like we're after him. Though alam naman nitong matagal na namin siyang hinahanap ay maging kaswal lang daw kami dahil hindi nila sigurado kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nakita kami, lalo na ako.

Ang kaba ko ay lumakas ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Agad kong iginala ang mga mata ko sa madilim na lugar na tanging malilikot na ilaw ang bumubuhay. The crowd was wild. Mga lasing na rin ang taong nadaanan namin pero abala ang mga mata ko sa paghahanap sa lalaking matagal nang hindi nakikita.

Nang maramdaman ko ang paghawak ni Igo sa kamay ko ay nagpatianod ako lalo na't inginuso niya ang isang parte na tila nakita na ito.

Ang dalawang babaeng attendant ng club ay iginiya kami sa isang lamesa, ilang dipa ang layo sa lalaking pakay na mayroon mga kasamang babae. Hindi pa man ako nakakalapit sa aming pwesto ay para na akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng mahinto ang mga mata ko kay Asher na pinatungan ng isang babae upang halikan ng malalim.

Humigpit ang kapit ko kay Igo kaya napalingon ang lalaki rito.

"Shit..." bulalas niya.

Ilang beses akong napalunok. I felt like I was staring at a complete stranger. Pakiramdam ko'y muling binuksan ang ilang sumasarang sugat sa puso ko ng maisip si Karsyn... Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko lalo pa ng makita kung paano bumaba ang mga kamay nito sa pang-upo ng babaeng walang pakialam kung hipuan. My heart bleeds not only for my cousin but also for him. Hindi ako makapaniwalang si Asher ang pinapanuod ng mga mata ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nakakaya niyang makipaghalikan sa ibang babae bukod sa pinsan ko... Hindi ako makapaniwalang ganitong tagpo ang makikita ko... Wala sa sariling nasapo ko ang aking dibdib.

"Seth, do you see what I see?" nag-aalalang sabi ni Eros sa pinsan.

Sa gitna ng malakas na tugtugin sa loob ng club ay naging malinaw sa utak ko ang pagbuntong hinga ng huli. Ang mga lalaking kauupo lang ay tumayo na rin at gaya ko ay nabigla at natulala nalang sa ginagawa ng dalawang nilalang. We are all shocked to see him act this way. Lahat kami ay nawindang.

Ilang beses pa akong napalunok pero ng umalis si Jacob sa pwesto para puntahan na ang pinsan ay nagsisunuran na ang lahat, pati ako na kini-kwestiyon ang sarili sa desisyong hanapin siya para lang matagpuang sa ganitong sitwasyon.

The last time I saw him was the day Karsyn died. Simula ng araw na 'yon ay hindi na ito nagpakita. Ni sa burol ng pinsan ko ay hindi ito sumipot kaya hindi ko alam kung bakit ganito... Bakit naging ganito na ang lahat.

"Asher." may lakas na sambit ni Jacob sapat para putulin ang halikan ng dalawa at hagikhikan ng mga babaeng nasa gilid pa nito.

Nang maputol ang kanilang halikan ay naaninag ko kung paano pinilit mag-adjust ni Asher para lang makilala kami. He's drunk. Nakabukas ang tatlong butones sa kanyang puting button-down shirt na bahagyang nagusot dahil sa babaeng kasama. Namumula ang kanyang magkabilang pisngi, namumungay ang mga mata at kahit wala siya sa harapan ko ay nalalanghap ko ang alak na nasa kanyang sistema. Lumapit pa si Jacob rito pero imbes na mahiya sa naabutan naming tagpo ay lumawak lang ang kanyang ngisi habang tinatapik ang pwet ng babae para paalisin sa kanyang kandungan.

"Jacob, my cousin! What a surprise!" sarkastiko nitong sambit habang itinatayo ang lasing na katinuan. Ang babae namang nasa tabi ay tumayo na rin at inayos ang sarili bago ikawit ang kamay sa braso nito.

Para akong natutuyuan ng lalamunan habang tumatakbo ang oras na nasa ganitong tagpo. Wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok ng paulit-ulit. It's impossible to talk to him right now pero mas lalong imposibleng maibigay ko sa kanya ang kailangan niyang matanggap dahil wala na siya sa sariling huwisyo.

Bumitiw ako kay Igo ng hindi ko makayang lumapit sa kanilang kaibigan. Agad na niyakap ni Asher and pinsan kasunod ng iba pa pagkatapos ay ipinakilala ang babaeng inakbayan pero hindi na 'yon inintindi ni Jacob. Ang mga plano namin kaninang huwag magpahalatang ito talaga ang pakay namin ay agad na niyang pinutol nang makitang lasing na lasing na ito.

"You're drunk, Asher. Where are you staying? Ihahatid na kita–"

"No, no no," nakangisi niyang sabi sabay hawi sa kamay ni Jacob. Inayos niya ang akbay sa babaeng wala na yatang ginawa kung hindi ang humagikhik dahil lasing na rin. "Don't be such a bummer. I'm not drunk, I've never been drunk and you know that." tumatawa nitong dagdag sabay harap sa babae at muling halik rito. Dahil sa kalasingan ay sabay silang nabuwal sa mahabang couch.

Agad kong natutop ang aking bibig at hindi na nagawang ipirmi ang mga mata sa kanila lalo na ng muling lumalim ang kanilang halikan na parang wala kami sa kanilang harapan. Tumalikod ako habang kagat ang aking pang-ibabang labi at hinahayaan ang mga kaibigang pigilan si Asher sa ginagawa nitong kahibangan.

Hindi pa napo-proseso ng utak ko ang nasaksihan nang sunod kong marinig ang pagwawala nito't pagtanggi sa pinsan.

"I don't fucking need you, Jacob! Stop bothering me!" gigil nitong sigaw na nakakuha na ng maraming atensiyon.

Akala ko magiging madali ang lahat. Akala ko magagawa ko kaagad ang pakay ko at makakaalis pero hindi ko alam na magiging mahirap pala lalo pa at talagang ayaw nitong magpapigil sa mga gustong gawin.

"You fuckers should mind your own fucking business!" patuloy niyang pagwawala.

"Zyd, let's go," nag-aalalang sabi ni Eros na gusto na agad akong ilayo sa kaguluhan.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Ni hindi ko na nagawang lingunin ang gawi ng lahat dahil alam kong magulo na doon.

Asher turned into someone else. Alam ng lahat kung bakit at sino ang dahilan no'n at kahit na sino sa amin ay hindi na 'yon kaya pang pigilan. Hindi ko naiwasang malunod sa lungkot nang makapasok sa sasakyan ni Eros.

I never thought that I'd witness him kiss another girl. Hindi naman sa may karapatan akong makaramdam ng kahit ano pero hindi talaga kayang isipin ng utak ko ang bagay na 'yon. Alam ko kung gaano niya kamahal ang pinsan ko. Saksi ako kung paano niya ito inalagaan, kung paano niya ibinigay at ipinangako ang lahat lahat rito and seeing him not being the Asher that I used to know broke me. Parang naninikip ang dibdib ko habang naiisip iyong Asher na totoong kilala ko. Iyong matino at ni hindi nagsasalita ng mura, may mga plano sa buhay at iniiwasan ang lahat ng bisyo...

Napayuko ako. Ang lahat ng kabutihan sa puso ng Asher na 'yon ay pinalitan ng Asher na nasa loob ng bar. Iyong Asher na ayaw magpa-kontrol, walang pakialam sa lahat at naging makasarili...

"I'm sorry you had to witness that." maingat at malungkot ring basag ni Eros sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa pero wala akong maisagot sa kanya. Ni hindi ko masabi kung gaano ako nalulungkot at nag-aalala para rito. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman.

"Ihahatid na kita. Sa susunod mo nalang ibigay, Zyd." aniyang tukoy sa bagay na iniwan ni Karsyn.

Malungkot akong tumango bilang sagot. Kahit anong gawin ko, tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras... At hindi ko na rin alam kung darating pa ba ang oras na 'yon matapos masaksihan kung paano siya binago ng lahat ng sakit sa pagkawala ni KF.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa labas ng bintana. Napasinghap ako ng makita ang mga lalaking lumabas doon bitbit si Asher na patuloy sa pagpupumiglas. Wala sa sariling napayuko nalang ako, pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Sa pagkakataong 'yon ay parang gusto kong sigawan ang kamatayan. Gusto kong magalit at kalabanin siya mabawi ko lang ang pinsan kong tanging daan para bumalik ang lahat... Para maging maayos ang lahat pero kahit anong gawin ko, huli na. Huling huli na at wala na akong magagawa pa.

~~~~~~~~~~~~

WATTPAD EXCLUSIVE.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro