CHAPTER 1
(As much as possible ayaw kong mag-mute dahil kapag na-mute kayo ay hindi niyo na makikita ang profile ko at mga story kahit kailan. Again, if you don't want to read this one, you're free to leave at huwag ng mag-iwan ng negatibong comment. Iwan natin at respetuhin 'yung mga taong gustong magpatuloy. Salamat po.)
Chapter One
ZF Weiss Jianlin
"I'm sorry... I'm so sorry..." paulit-ulit na sambit at puno ng paghihinagpis na sabi ni Dr. Ramirez nang lumabas ito sa operating room wala pang kalahating oras.
Natanaw ko pa lang siya kanina ay humagulgol na ako dahil alam ko na ang dala niyang balita.
Karsyn didn't make it.
Alam kong maliit na tiyansa lang ang posibilidad na maisalba siya sa kamatayan sa pagkakataong ito pero umasa ako. Buong puso akong umasa na mabubuhay siya but she didn't. Hindi ko alam ang gagawin ko. I remember running towards the operating room and searched for her. Ang mga naroon ay hindi na ako napigilang lapitan ang walang buhay kong pinsan.
I cried, screamed and even beg for her to come back, but it's too late. Karsyn already left us and she chose herself this time. Pinili niyang mamahinga at mamaalam dahil alam kong pagod na pagod na rin siya sa labang ito.
Gusto kong magalit. Gusto kong manumbat o magwala dahil alam kong kahit na pinili niya ang sarili laban sa buhay, hanggang sa dulo ay alam kong ginawa niya pa rin 'yon upang magsalba ng tao. That even in the end, she still chose to save another life. Binitiwan niya pa rin ang sarili para sa taong tingin niya'y mas karapat-dapat sa pusong sana ay tatanggapin niya.
Karsyn died selflessly with so much honor and dignity. Hinahapo kong hinalikan ang kanyang pisngi at paulit-ulit na umusal ng dasal para sa kanya bago ko hayaan ang kanyang ama na mamaalam rito.
Mabigat man sa loob naming lahat na pakawalan siya ay wala na kaming magawa. Ang pagkawasak ng puso ko ay maraming beses na naulit ng makita ang pighati ni Tito William habang yakap ang huling miyembro ng kanyang pamilya at ni Asher na hindi inasahan ang biglaang pamamaalam nito.
Everyone was left heart broken. Hindi lang sa loob ng aming pamilya't mga kakilala kundi pati na rin ang buong mundong nakakakilala kay Karsyn. She was an inspiration to all of us and it's really hard to let her go.
Tumingala ako sa payapang asul na langit na nababalutan ng mangilang ulap. Malungkot akong napangiti. It has been a month since she left us. Simula ng mawala siya ay tila tumahimik ang mundo. Nawalan ng kulay at bumagal ang mga segundo sa sakit. Ninanamnam, sinasariwa at tila ayaw ng umusad...
I never left her side during her wake. Marami ang pumunta upang magbigay ng respeto pero ni isang hibla ng buhok ni Asher ay wala akong nakita. Sa lahat sa amin ay siya ang mas apektado at hindi na 'yon nakapagtataka. Mahal na mahal niya ang pinsan ko at alam kong hinding-hindi 'yon mapapalitan ng kung sino kailanman.
Pumikit ako't hinayaan ang sarili kong yakapin ng pang-hapong hangin. Akala ko kahit paano'y matatanggap ko na pero malabong malabo pa pala. Sa lahat ng taong nawala sa buhay ko, ang kay Karsyn ang hindi ko matanggap.
I am now alone. Wala na akong masasabihan ng mga hinaing ko sa buhay. Wala na akong maiiyakan, makakapitan at magiging kakampi sa lahat.
Tahimik kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Ilang minuto pa akong nanatili roon hanggang sa hindi ko na kayanin ang mga emosyon. Sa pagbalik ko sa aking kwarto ang nahinto ako ng makita ang mga box na nasa ibabaw ng aking kama. Nanghihina akong naupo roon habang nagpatianod sa paghila ng araw ng iyon.
"What's this?" nalilito kong tanong ng makita ang mga box na nasa gilid ng kanyang kama.
Ngumiti siya ng buong tamis sa kabila ng hirap dahil sa mga tubong nakakabit sa kanyang katawan maging sa ilong. Kahit na nahihirapan, pinipilit niya pa ring maging matatag sa harapan naming lahat. Kinakaya niyang itago para hindi kami mag-alala kahit na alam ko ang hirap na muli niyang pinagdaraanan. She's tough. Alam kong kinakaya niya at pilit niyang ipinapakitang kaya niya para sa amin.
"You'll see. This is for you but you are not allowed to open it yet," binalingan niya ang iba pang box at isa-isang itinuro. "This is for Daddy, Asher, the boys and the people I met along my journey. In case I wouldn't make–"
"Karsyn..." I cut her off. Nag-aalala akong umupo sa kanyang tabi. "You will make it, alright? Hindi ko tatanggapin 'to dahil alam kong mabubuhay ka." giit ko.
"We don't know that, Zyd," hinawakan niya ang aking kamay at maingat iyong pinisil. "I am not the one who's in control of my life... We are not... Now I want you to have this just in case I wouldn't make it, okay?"
"Karsyn..."
"Hear me out first, please? Babawiin ko lahat ng 'to kapag naging successful ang operation at nabuhay ako, but if not," napailing ako ng pisilin niyang muli ang aking palad pero kahit na gusto ko siyang ilayo sa isiping 'yon ay mas nanaig ang pag-intindi ko upang pakinggan siya. "I want you to give this to them. Ikaw na ang bahalang magbigay sa kanila ng mga ito."
Binitiwan niya ang kamay ko para kunin ang box na may pangalan ko.
"Open this when I'm gone and when you feel the need to. Kapag nawala ako, alam kong mami-miss mo ako at iiyak ka palagi kaya ginawa ko 'to para hindi ka malungkot. Kahit na hindi mo ako makikita ng pisikal, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo ako, okay?"
Napasinghap ako ng kusang tumulo ang mga luha ko. Siya naman ay ngumiti lang at pinunasan ang mga 'yon sa aking pisngi.
"Sa tuwing iiyak ka, yayakapin kita, pupunasan ko pa rin ang mga luha mo at kahit mahirap kang patahanin, gagawa ako ng paraan. Baka pagalawin ko 'yung mga unan mo tapos ibabatok ko sa'yo para matakot ka na lang imbes na malungkot."
"That is not funny!" I pouted but she just laugh at it.
"I want you to know that I'll be with you forever, Zyd. I will help your guardian angels to guide you for the rest of your life because I know that life will always be hard. Alam ko ring matigas ang ulo mo at mahihirapan sila sa 'yo."
"Hey! That's not true!" reklamo kong tuluyan nang nahayaan siya sa gustong gawin.
Humahagikhik niyang tinanggal ang tubong nakakabit sa kanyang ilong bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Umiling siya nang akma ko siyang pupunahin.
"Just promise me that you'll be okay when I'm gone. Alam kong magiging mahirap 'yon para sa 'yo pero alam kong kakayanin mo kaya pilitin mo, okay?"
Rumagasa ang mga luhang tumulo sa aking mga mata. Kahit na gusto ko siyang pahintuin sa mga sinasabi ay wala akong magawa.
What if she will not make it? Baka kapag pinigilan ko siya ay hindi ko na rin siya makausap ng ganito. We're running out of time at kahit na bumubuti ang lagay niya, hindi pa rin 'yon sapat upang maging kampante. It's really a matter of life and death.
Pinunasan ko ang muling pagtulo ng mga luha ko nang bumalik ako sa kasalukuyan. Hinaplos ko ang box na may pangalan ko. Ito ang unang beses kong bubuksan ang mga 'yon pagkatapos ng isang buwan niyang pagkawala kaya nang makita ko ang mga nasa loob ay mas lalong bumigat ang mga emosyon.
Maingat kong kinuha ang isa sa mga USB na nakapaloob doon. 'Watch when you are sad.' nakasulat roon kasama ang nakangiting sulat kamay niyang smiley. Kinuha ko ang iba at lahat nang 'yon ay may kanya-kanyang label. Muli kong hinawi ang mga luhang patuloy sa paglaglag sa aking mga mata. One hundred USB. 'Yon ang bilang ko sa lahat ng para sa akin.
Kahit na pinanghihinaan ng loob ay nagawa kong panuorin ang unang nakuha ko. Sa paglitaw pa lang ng mala-anghel na mukha ni Karsyn sa screen ng aking laptop ay natutop ko na ang aking bibig.
"Hi Zydney! I'm sorry I am away and can't talk to you live, but I've heard you are sad that's why I am here!" matamis siyang ngumiti sa harap ng camera at inayos ang sarili.
Ito ang mga panahong nasa hospital pa siya. Mga panahong patuloy pa kaming kumakapit sa pag-asang maililigtas siya pero sa pagkakataong ito, mukhang wala siyang sakit. Mukhang pinaghandaan ang lahat dahil ni minsan ay hindi ko naman siyang nahuling nag-film nito.
"Alam ko mahirap pa rin sa 'yong wala ako ng pisikal sa tabi mo pero nagdarasal akong isang araw ay makaya mo ang lahat. Hindi lang ikaw, maging si Daddy, sa mga tao, sa mga kaibigan natin... Si Asher... I will always pray for each and everyone that you'll get through this because I am truly okay. You don't need to be sad because I am in a place where there are no sickness. I am in paradise and with the heavenly King! How cool is that, huh?" napangiti ako ng marinig ang maliliit niyang hagikhik na kumiliti sa aking tiyan. God, I missed those too.
"Live your life, okay? Huwag mong sayangin ang oras mo sa pagiging malungkot. Don't blame the Lord for what happened because I've lived my life the way I imagined it to be lived and I don't have any regrets. I am happy, Zyd.... I am very happy and you should too," pinigilan ko ang aking mga hikbi ng ilagay niya sa camera ang mga daliri at kunwaring pinupunasan ang mga luha ko.
"Ayan ha? Huwag ka nang umiyak, okay? Just go on with your life Zyd... Laugh harder, enjoy and just be free... You remember Psalm 34:17? When the righteous cry for help, the Lord hears, and rescues them from all their troubles. Don't ever forget to pray and ask for his guidance because he is always there to listen. Ito lang ang magagawa ko para sa 'yo at siya pa rin ang totoong may kakayahang punan ang lahat ng puwang sa puso mo so don't lose your faith. Don't ever lose that because that's the most powerful weapon you'll need to get through this life. I love you... I love you so much Zydney and please be happy now! Bahala ka, papangit ka!" tila tumigil ang mundo ko ng makita ang matamis na pagtawa niya. She blows a kiss while smiling from ear to ear before she finally ended the video.
Napasandal ako sa aking upuan at tuluyang kinalma ang sarili. Kahit na hindi matapos tapos ang pagluluksa ko ay kaya ko iyong supilin sa pagkakataong ito para sa kanya. Itinigil ko ang mga luha dahil alam kong iyon ang ayaw niyang makita sa ngayon. I don't want her to be sad while looking down on me from heaven. Inayos ko ang aking sarili at ginawa ang sinabi niya.
I found myself at a bar that night.
Malakas ang ingay sa lugar na aking kinaroroonan. Sa bawat dagundong ng beat ng kanta ay kasabay ang pagdiin ng puso ko. Ito ang unang beses na pagliliwaliw ko simula ng mawala si Karsyn at ito rin ang unang beses kong magyaya kaya hindi ko inasahang pupunta ang mga lalaki.
It was just Amos and then followed by everyone except Asher.
"Thank you for coming..." emosyonal kong sabi kay Sergio sa gitna ng yakap niya sa akin.
"Of course, Zyd. We are always here for you, alright?" inilayo niya ako't hinuli ang mga mata. "You okay? What happened?"
Nagkibit ako ng balikat bago tipid na ngumiti at sinulyapan ang box na dala kong para sa kanila. Dala ko rin ang para kay Asher pero dahil wala ito ay mukhang isasama ko pa rin ito pauwi. Binati ko ang lahat at nang makaayos kami sa mahabang couch ay saka ko lang sinabi ang pakay ko maliban sa pag-a-unwind ngayong gabi.
Tulala ang mga ito habang hawak ang kani-kanilang mga USB na siguradong naglalaman rin ng mensahe ni Karsyn para sa bawat isa sa kanila.
Nakita ko ang agarang pagtutop ni Igo sa kanyang bibig habang nakatulala sa hawak.
"This is why she asked me to get thousands of this..." tulala niyang sabi na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Taliwas ang katahimikan namin sa malakas at mabilis na tugtog sa loob ng club. Ilang minuto ko silang hinayaang manahimik hanggang sa nakakuha ako ng tyempo at ibaling ang tingin kay Jacob.
"Do you know where he is?" inilakad ko ang aking mga mata sa lahat nang wala itong maisagot.
Eros sighed heavily.
"No one knows where he is," he answered. "Ni hindi matawagan."
Malungkot akong napatango-tango.
"Let's give him time to mourn." sabi ko nalang na tinanguan nilang lahat.
Kahit na kasi anong gawin namin ay hindi namin siya mapipilit. Things would just get ugly if we force him to stop what he was doing. Lahat kami ay nakaintindi sa mga nangyayari kahit na hindi madali. Sa pagkakataong ito, mabuti ay mayroong alak na kumalma sa aming lahat habang sinasariwa ang mga naiwang magagandang alaala ni Karsyn.
Sa ngayon ay susugal nalang ako sa kakarampot na kasiyahang ito dahil alam kong hindi ito magtatagal... Because I know life will never be the same without her... My life will never be the same again.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro