CHAPTER 7
CHAPTER SEVEN
His Purpose Prevails
"What's your plan na ba, Hija?" Tanong ni Tita Rosel sa akin, ang mama ni Zydney habang nasa hapag kainan kami.
Hindi na ako nakaiwas dahil sila na mismo ang bumisita sa akin dahil ang sabi ni Zyd ay nag-aalala rin ito dahil sa pananahimik ko at sa pagpiling huwag nang ipagpatuloy ang pangarap na maging doctor.
Tinapos ko ang laman ng aking bibig bago siya sagutin.
"Magpapahinga lang po muna Tita tapos bahala na."
Nagkatinginan si Tita Rosel at ang asawa nitong si Tito Lucio dahil sa naging sagot ko. Wala sa sariling napatingin ako kay Zydney na inilingan ako.
"Mom, nagpapahinga lang si Karsyn. Hindi biro ang trauma pagkatapos ng aksidente. Hayaan na muna natin siyang magpahinga hanggang sa kaya na niyang isipin ulit kung ano talaga ang gusto niyang gawin." Mahabang pagsalba sa akin ni Zyd.
Nakita ko ang pagtaas baba ng paghinga ni Daddy na mukhang naintindihan at sinang-ayunan kaagad ang pinsan ko.
"Just let her figure herself out, Rosel." Si Daddy.
"Menardo, this is your daughter's future. Hindi naman pupwedeng ganyan-"
"Dad!" Maagap na suway ni Zydney sa kanyang ama.
Napapikit ako dahil sa naging takbo ng sana'y masayang pagkakataong ito. Naiintindihan ko naman kung saan sila nanggaling. Noon kasing ginusto kong maging doctor ay sila ang unang sumuporta sa akin dahil naniniwala silang kahit na taliwas iyon sa dapat kong pasukin gawa ng mga negosyo namin ay maganda rin iyon para sa kinabukasan ko kaya ngayong wala na akong plano ay hindi lang si Daddy ang na-disappoint ko, maging ang mga magulang rin ni Zyd.
"Karsyn-"
"Dad, enough already please! Tama na. Can we just talk about something else? Huwag niyo nang pilitin si Karsyn kung anong plano niya dahil hindi niya pa alam, okay? Huwag tayong magmadali at makialam."
Pinagdiin ko ang aking labi ng sulyapan niya ako gamit ang mga matang punong puno ng pagpapaumanhin.
"It's okay, Zyd."
Tinanggal niya ang tingin sa akin at binalingang muli ang mga magulang. I thank God for giving me Zydney. Siya ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang loob ko at malawak ang pang-unawa ko sa mga bagay. Alam kong kung hindi rin dahil sa kanya ay baka tuluyan na rin akong nagpakain sa depresyon gawa ng sunod-sunod na pagkaubos ng pamilya ko. Kung wala si Zydney ay hindi ko na alam kung paano pa haharapin ang mga bukas na dumaraan sa akin. I thank God everyday...
Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na nasundan ang pang-uusisa nila dahil sa pinsan ko. Dumiretso naman kami ni Zyd sa aking kwarto at hindi na sila pinakialaman sa pagpunta sa opisina ni Daddy.
Ilang beses humingi ng tawad sa akin si Zyd dahil sa pangingialam ng kanyang mga magulang pero wala akong masabi kung hindi 'ayos lang at naiintindihan ko'.
Seven million views and unending comments...
Wala sa sariling napatingin ako sa bagay na kinuha namin ni Zydney sa hospital noong isang linggo.
Muling pumasok sa isip ko sila Mama. Umulit sa utak ko ang mga katagang 'Life is short' at ang mga katanungang ano ba talaga ang gusto kong ma-achieve sa maiksing buhay na ito.
Tama si Zyd. Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na plano ko nang gawin bago pa ang aksidente, paano ko pa malalaman kung ano talaga ang purpose ko sa mundo? Hindi ko na rin madidiskubre kung ano ang mga bagay na tunay na magpapasaya sa akin.
Paano ko nga naman malalaman kung mananatili ako rito sa kwarto ko't magmumukmok nalang at hintayin ang himala na isang araw magiging okay ako?
Huminga ako ng malalim at binitiwan ang aking telepono bago puntahan ang aking laptop. Ilang minuto akong natulala doon at hindi na alam ang gagawin. Lumipad ang aking mga mata sa camerang nasa gilid nito.
Nang mahawakan ko iyon ay wala sa sariling napapikit ako. Sa ilang linggong pagbabasa ko ay tila umulit sa aking utak ang mga komento ng taong nakapanuod sa video na pinost ni Zydney sa aking youtube account. Ang mga positibo nilang mensahe at mga encouraging words na tuluyan nang nagpadilat sa akin kasabay ng pagbukas ng aking camera.
Kinuha ko ang maliit na tripod sa aking drawer at inayos doon ang bagay saka in-on. Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa aking camerang ngayon ay alam kong nagri-record na.
Pinagdiin ko ang aking labi. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan at ang panlalamig ng aking mga kamay pero wala na akong inisip kung hindi ang gawin ang dapat noon ko pa inumpisahan.
"H-Hi... It's KF..." Umayos ako ng upo at inayos rin ang aking buhok bago ngumiti sa camera.
"Honestly, I don't know what to say to you guys..." I paused.
Iginalaw ko ang akin mga kamay pagkatapos ay muling nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Sa muling pag-angat ko ng tingin ay nasipat kong muli ang bagay na nasa ibabaw ng aking bedside table gamit ang lente at doon na ako tuluyang nagkaroon ng sapat na lakas upang muling magpatuloy.
"I'm sorry if I went MIA after the accident. Tama kayo, na-trauma ako at hindi magandang experience iyon lalo na't bago sa akin ang lahat... I'm not really good at this. Ang video na napanuod niyo ay para lang sa pinsan ko at hindi ko akalaing malalagay rito but anyway..." Huminto akong muli para kumuha pa ng tamang mga salita sa aking utak.
I don't know how to do this properly o kung may guidelines man para sa tamang pagba-vlog. Unang una ay hindi ako mahilig mag-video o kahit na kunan ng litrato ang aking sarili ngunit sa kabila ng mga balakid ay nakita ko nalang ang sarili kong nagpapatuloy sa pagku-kwento kung paano at kung gaano kabilis binago ng aksidente ang buhay ko.
Ilang beses akong nagpaumanhin at nanghingi ng tawad sa mga pamilya ng nasaktan kahit na malinaw na sa aking wala akong kasalanan. I still want to say sorry for what happened.
"And about Mr. Right..." Hindi ko mapigilan ang mabaliw nang maisip ang parteng 'yon.
Kung hindi naman talaga sa ginawa ni Zydney ay hindi magiging ganito ka-romantiko ang magiging kalabasan ng trahedya pero ano pang magagawa ko? It's all in my face now. Narito na ang lahat at nasa sa akin na kung paano iha-handle ang lahat.
"I don't know him at hindi ko na alam kung nasaang lupalop na siya ng mundo sa mga oras na ito. Hindi ko rin alam kung mahahanap ko pa siya para man lang pasalamatan ulit kaya dito nalang ako magpapasalamat," I swallows the lump on my throat and smiles at the camera. "Thank you Asher Miguel... Thank you for saving my life." Buong puso kong sambit.
I ended my message with a thank you. Iyon lang. Para lang akong may in-announce sa harapan ng madla na sanay naman akong gawin dahil ilang beses akong naging presidente noon sa school.
I don't know what to expect. Honestly, kahit na ang tingin ng lahat ay vlogger na nga ako, parang malabo pa rin iyon sa aking utak.
Hindi ko na hinintay pa si Zydney para i-edit ang ginawa kong video. Napaka-plain man no'n pero wala na akong ginawang touch-up. Gusto kong raw ang lahat dahil ang mensahe ko ay totoong galing mismo sa kaibuturan ng aking puso. No filter at walang matamis na dagdag na salita.
Sa pag-click ko ng upload button ay naputol ang aking paghinga. Hindi ko man naiisip ang mga sasabihin ng tao pero wala na akong pakialam dahil pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko ay naramdaman ko kaagad ang pagluwag ng aking dibdib.
Pakiramdam ko ay malaking bigat ang natanggal sa akin. Hindi ko na hinintay na matapos ang pag-upload no'n. Tinulungan ko nalang ang lahat dahil parang ito na ang pinaka-makabuluhang araw ko sa loob ng ilang linggong pananahimik.
Kinabukasan ay inasahan ko nang marami ang manunuod no'n pero hindi ko inasahang sa pagdilat ng aking mga mata ay naroon na si Zydney at nakatunganga sa harapan ng aking laptop.
"Zyd..." Pupungas-pungas akong umupo sa kama at kinusot ang aking mga mata para maaninag siya ng mas mabuti.
Sa pagtanggal ko ng aking kamay ay palapit na siya sa akin habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi!
"You're making me proud, Karsyn!" Inangat niya sa akin ang kanyang telepono at ipinakitang sa kada-refresh niya no'n ay dumaragdag ang mga views ng bago kong video na lumagpas na rin sa isang milyon.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Alam mo bang sa sobrang sikat mo at sa suporta ng lahat sa'yo ay pwede mo nang gawin ang lahat ng plano mong libutin ang buong Pilipinas maging ang buong mundo gamit ang sarili mong pera? You can now travel and earn money because of this, Karsyn!"
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Ano?"
Ipinakita niya sa akin ang lahat ng ginawa niyang paraan para ma-monetize ang mga videos ko nang sa gayon ay kumita ako ng pera.
"You can spend your own money, Karsyn. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho o manghingi ng pera kay Tito Menardo! Ito na ang trabaho mo ngayon! You're officially a vlogger!"
"Hey wait! What?!"
Inulit-ulit niya simula sa umpisa ang mga sinabi habang ako ay nagsimula naman sa pagbabasa nga mga comments na halos lahat ay positibo pa rin at hindi kuntento sa mga sinabi kong pasalamat lang kay Mr. Right.
Parang gusto kong batukan ang sarili ko para magising sa kabaliwan nang makita ang thread na nagmistulang petisyon upang hanapin ko si Mr. Right!
"Have you read this?"
Sinulyapan ni Zyd ang hawak ko pero imbes na sumagot ay ipinatong niya ang kanyang telepono sa aking hawak. Nakita ko doon ang isang Facebook page na may pamagat na 'Help KF finds Mr. Right'.
"What the hell, Zyd!"
"Yeah, just what I thought!
Natataranta akong napatayo at agad na tinungo ang aking laptop para siguraduhin ang mga ipinakita niya pero mas lalo akong nagulat dahil hindi lang iisang page iyon. Marami at iba-iba pa!
Lutang akong napaharap ulit kay Zyd.
"Anong gagawin ko?! Zyd, this is a mistake-"
"No!" Tumayo siya at hinila ako pabalik sa kama. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pagkatapos ay sinabayang kalmahin ang sarili. "Karsyn, this is what fate wants you to do-"
"Zyd-"
"Shut up and let me finish!" Ang lahat ng pagtutol ko ay muling nalunod sa aking lalamunan dahil sa determinasyon niyang patahimikin ako. "This is your life now. Alam mo ba kung ilang tao ang gustong maging sikat gaya mo na halos gawin na ang lahat pero hindi pa rin binibigyan ng chance?!"
"Pero ayaw kong sumikat-"
"You already are! Look, sana maisip mo naman 'yung mga taong pangarap ang kung anong mayroon ka ngayon. Don't take things for granted. Ito na ang buhay mo. You are now destined to share your happiness with the world. Hayaan mo ang sarili mong dumiskubre ng mga bagay na siyang totoong magpapasaya sa'yo! Ngayon hindi mo na kailangang matakot," Inangat niya pabalik sa mukha ko ang kanyang telepono.
"Hindi lang ako ngayon ang kasama mo, marami na kaming susubaybay at gagabay sa'yo. People loves you, Karsyn. Let them help you find your peace and joy. Hindi ka na nag-iisa ngayon." Pag-uulit niya sa huling kataga sa mas makahulugang tono.
Nagpatuloy ang pangungumbinsi sa akin ni Zydney at ang pagpapaintindi niya sa akin simula sa umpisa ng nangyari.
She said that it's what was written in my book of life. Iyon ang sinasabi ng tadhanang gawin ko.
"Jerimiah 29:11, For I know the plans I have for you, declares the Lord. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Aniyang nagpatayo sa lahat ng aking balahibo sa katawan!
"Zyd..."
"Proverbs 19:21, Many are the plans in a person's heart, but it is the Lord's purpose that prevails."
Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib kasabay ng pagkawala ng isang malalim kong paghinga. Mabilis ang naging pagkalampag ng aking puso dahil sa mga sinabi ngayon ni Zydney. Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pangingilid ng aking mga luha sa hindi malamang dahilan.
Sa pag ngiti ni Zydney sa akin ay siyang pagtulo ng mga luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Her words hit me. Ramdam ko, tagos sa akin ang lahat ng iyon at hindi ko maipaliwanag.
Lumapit siya sa akin at madali akong niyakap.
"You're now making people happy Karsyn, so please don't stop... This is your purpose, you are destined to make people happy and even believe in love. Kahit iyong mga malabong mangyari. You're giving them hope," Lumayo siya sa akin at pinunasan ang aking mga luha. "Please continue making people happy... Pati ikaw, alam kong simula palang ito kaya huwag kang huminto. Siguro hindi pa malinaw sa ngayon pero balang araw malalaman mo rin ang lahat ng rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Kung bakit biglaan ang naging pagbabago ng buhay mo... This is your second chance in life so please don't waste it."
Now I'm convinced. Hindi ko rin maintindihan pero isang bagay ang pinaka-malinaw sa akin ngayon, nakakapagbigay na ako ng saya sa ibang tao. Isn't that enough? I'm making people happy...
Pinagdiin ko ang aking mga labi at emosyonal siyang tinanguan.
"P-Pwede mo ba akong turuan kung paano magsimulang magpasaya?"
Lumawak ang ngiti niya at muli akong niyakap ng mas mahigpit kumpara kanina! Sa paglayo niya ay excited niyang kinuha ang kanyang planner at ball pen, hinayaan ko siya.
"First, you need to ask yourself kung anong klaseng influencer ang gusto mong ma-achieve? Anong gusto mong ibahagi sa mga tao? Anong gusto mong matutunan nila galing sa'yo?"
Nablangko ako ng ilang segundo dahil sa lalim ng tanong niya.
"Because not everyone is a good vlogger. Mayroong kasikatan lang ang gusto o pera. Maraming content na wala namang substance, walang aral, walang kwenta in short. So do you want to be that kind of influencer? Iyong walang kwenta?"
"Of course not!"
Ngumisi siya at nagsulat ng kung ano.
"Okay, so tell me what is going on your mind when you hear the word influencer?"
Inayos ko ang aking sarili sa kanyang harapan.
"Good things. You're like a role model to this generation and honestly, wala man akong alam kung paano magwo-work 'to at kung paano sila matututo sa akin pero susubukan kong bigyan sila ng kasiyahan sa ngayon. Kahit iyon nalang muna. I'm still learning, I have so much to learn..."
Sinulat ni Zyd ang lahat ng sinabi ko, or baka iyong mga highlights lang.
"This is a good start. Be a source of happiness and positivity, I like it."
Napangiti na rin ako dahil kahit paano ay marami nang nabubuo sa aking utak. Nagpatuloy ang mga plano naming panimula. Marami siyang ideya sa mga content na dapat kong gawin pero unang una roon ang paghahanap kay Mr. Right. Hindi man iyon ang unang plano ko pero ipinaliwanag niya namang iyon ang gustong makita ng tao sa ngayon at pagkakataon ko na ring magpasalamat sa kanya kaya hindi na ako tumutol.
Zydney created another twitter account na madali namang nasundan ng mga tao. Lahat ng social media account ko ay ginawa na rin niya para sa akin.
"KarsynFSy, same lang lahat ng username kahit sa twitter. We can create polls there para sa mga content na gusto nilang makita sa'yo."
Tumango tango lang ako at pinakinggang muli ang mga idea ni Zydney hanggang sa maalala ko kung bakit ako umalis sa Med-school, kung ano ang gusto kong matagpuan at asahan sa mga susunod na bukas sa buhay ko.
"Actually..."
"Hmm?" Itinigil ni Zyd ang pagsusulat pagkatapos ay buong atensiyon akong binigyan ng pansin.
"Aside from making people happy, I also want them to realize how short life is," Tulala kong sambit pagkatapos ay inangat na ang tingin sa kanya. "I want them to realize how fast the clock ticks. How fast life happens in front of us... I want them to change their mind set about doing the things that should matter the most. Their joy, their peace and contentment. Gusto kong ipaintindi sa abot ng aking makakaya kung paano gawing mas makabuluhan ang maiksing buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at huwag itong i-take for granted."
Nakita ko ang paglunok ni Zyd at ang tuluyan niyang pagtabi sa kanyang hawak para pakinggan ako.
"Changing your career or even your lifestyle is hard. Sa buhay hindi natin magagawa lahat lalo na kung marami tayong responsibilidad. May mga taong ipinagpapalit nalang ang totoong kasiyahan dahil sa kakulangan ng pera. Some people stop pursuing their ambitions and dreams not because they are losers but because they choose the most practical way in the eyes of our society. May mga taong ginagawa nalang ang pagta-trabaho kahit na labag iyon sa kanilang mga kalooban dahil sa maraming dahilan. Some people are lucky to have the opportunity to do the things that they really want to do in life pero kadalasan hindi gano'n. Mahirap ang buhay pero marami pa ring paraan para makamit iyon. Marami pa ring paraan upang hindi sukuan ang mga bagay na alam nating totoong magpapasaya sa atin."
"I know..." Malungkot na sambit ni Zydney.
"I want that, Zyd. Gusto kong maintindihan nila kung gaano kaiksi ang buhay para gawin ang mga bagay na napipilitan lang silang gawin at hindi nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan. I want them to realize that they deserve to do things that will make them truly happy, or maybe help them find their joy. Because life is being a business partner of God. You pray and ask for things that you want in life and he'll give you fifty percent of that at ang kalahati ay nasa sa'yo na para isakatuparan ang lahat ng mga kahilingan mo."
"Hard work and faith." Pagsang-ayon niya.
Ganado niyang kinuha ang kanyang planner para muling magsulat. Napangiti ako dahil alam kong marami na kaming nabubuo sa pag-uusap na ito.
Hard work and faith... No, Hard work and faith to God. Muling bulong ng aking utak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro