CHAPTER 6
CHAPTER SIX
Life Is Not Perfect
"We're still doing it together, right?" Tanong ni Zydney sa akin pagkatapos niya akong daanan para bigyan ng prutas bago siya bumalik sa university.
Tumango ako.
"Next week?" She asked.
Kinuha ko sa kanya ang mga prutas at muli siyang tinanguan.
Dahil nasa medical field ako noon ay nakagawian na naming sabay kami palagi sa annual physical exam na sinimulan kong iimplimenta kahit sa mga kasama namin sa bahay. Kapag nga naman nasa medical field ka ay health conscious ka pero kahit na wala na ako doon ay gusto ko pa ring ipagpatuloy ang mga nakasanayan namin ni Zydney.
"Good! Hindi mo ba nami-miss ang med school?" Tanong niya pagkatapos ay sabay na kaming naupo sa couch, siya sa harapan ko.
"Sakto lang." Balewalang sagot ko.
"Hmm, okay." Anito at pagkatapos ay agad na nanahimik pero nanatili pa rin ang tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil alam kong pinag-iisipan na naman niya ako ng kung ano.
"What?" Hindi ko na napigilang itanong.
Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang kanyang bag na nasa gilid pagkatapos ay inilabas doon ang aking camera.
"Your camera."
Napatitig ako sa bagay ng ilang segundo at tumagal pa. Kung hindi niya pa iyon iginalaw ay baka muli na naman akong malunod sa masalimuot na nangyari.
"Binura mo na?"
She nodded slowly.
"Tinignan mo na ba ulit ang vlogging account mo?"
Kinuha ko sa kamay niya ang camera.
"Hindi pa."
"Bakit?! Do you have any idea kung ilang views na at ilan na ang subscribers mo?!"
"Hindi ko nga tinignan 'di ba? Kaya wala." Walang amor kong sabi sabay bukas ng camerang hawak ko. Wala na ngang laman iyon at bagong bago na naman.
Ibinaba ko ang hawak ng marinig ang kanyang malalim na pagbuntong hinga. Sa pag-angat ko ng tingin pabalik sa kanya ay hawak na niya ang kanyang telepono.
"One hundred five thousand subscribers, almost five million views and three hundred thousand plus comments asking about Mr. Right!" She exclaimed.
Pinatay ko ang aking camera at binalewala siya pero hindi nagpaawat si Zydney. Hindi naman talaga siya magpapaawat kaya wala na rin akong nagawa nang magsimula na siyang magbasa ng ilang mga comments doon.
"Ang gwapo ni Mr. Right." Aniya sa mataas na tonong tila ginagaya ang boses ng nag comment sabay kumpas ng hintuturo para isulat sa ere ang maraming exclamation point.
"This is sad but exciting! Mahahanap pa nga kaya ni KF si Mr. Right?" Sabi niya naman ngayon sa ibang boses at tono gawa ng ibang komento.
Pinagtaasan ko siya ng kilay nang sulyapan niya ako. Alam kong inaatat niya lang ako dahil alam niyang kahit na ayaw ko pa ring intindihin ang malaking kabaliwang ito ay nagiging curious na rin ako kung paano naging ganito kabilis ang lahat.
Napailing ako ng tumawa siya.
"Now this one is funny," Aniya tukoy sa comment na sunod na babasahin pero imbes na basahin nalang iyon ay tumayo siya at lumipat sa aking tabi pagkatapos ay ibinalandra sa aking mukha ang kanyang telepono para ibahagi sa akin ang gagawin.
"Mr. Right saves Ms. Right and they are both gorgeous! Bagay na bagay!Wala pa bang update KF?!" Napatakip ako ng aking tenga ng marinig ang boses niyang malandi habang sinasabi ang lahat ng iyon!
"Stop it, Zyd!"
"RIP sa buntis pero ako lang ba 'yung nakapansin na sobrang ganda ni Ate? Bagay na bagay talaga kay Mr. Right!"
Napanguso ako dahil imbes na huminto siya ay mas nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.
"Ate, sana may next vlog ka pa. Nag-create pa talaga ako ng account para lang masubaybayan ang pangalawang buhay mo kaya sana ipagpatuloy mo pa rin kahit na alam kong trauma rin para sa'yo ang nangyari. I wish you well ate KF. Sana may bagong vlog kaming papanuorin!"
Napabuntong hinga ako. Nang makita ni Zydney ang reaksiyon ko ay doon na siya tumigil sa pagbabasa at inilahad na mismo sa harapan ko ang kanyang telepono.
"These comments are all positive, KF. May mga ilan lang na nangbabash pero normal na 'yun sa mundo ng social media at kapag nabasa mo 'wag kang magpapaapekto, okay? You don't need to please everybody. Alam mo naman siguro ang rule of life natin, kill them with kindness."
Tipid ko siyang nginitian. Alam ko naman na iyon kahit hindi pa nangyayari ang lahat ng ito. You can't really please everyone at kung may mga tao mang hindi ka talaga gusto ay hindi ibig sabihing may mali na sa'yo. May mga tao lang talaga na kahit ano pang gawin mo ay hindi ka gugustohin pero ayos lang 'yon.
Sa buhay kailangan mo nang maging handa sa lahat ng mga posibilidad. Dapat marami kang baong pasensiya, tatag at sandata para sa lahat ng mga bagay na posibleng makasakit sa'yo dahil darating at darating ang araw na masasaktan ka.
Life is not perfect and it will never be. Kung minsan ay mas marami pa ang mga pagsubok kaysa sa kasiyahan pero kahit na gano'n ay dapat maging positibo ka pa rin, at imbes na isipin ang mga kalungkutan ay mas pagtuonan nalang ng pansin ang mga natitirang kasiyahan. Life should be lived with positivity. Mawala na ang lahat huwag lang iyon. Zyd is right, people don't have to like me and I don't have to care.
Tipid ko siyang nginitian. Hindi ko na siya nasagot dahil naging abala na ang mga mata ko sa pagbabasa ng mga comments.
Sa kabila ng pagtutol ng isang parte ng aking utak ay taliwas naman ang isinigaw ng aking puso. Parang sa lahat ng nangyari sa akin nitong nakaraan ay ngayon lang ako nakaramdam ng kaluwagan dulot ng saya dahil sa mga nabasa ko.
Zydney is right, people really digs everything that involves romance. Lalo na iyong mga bagay na may kinalaman sa destiny at fate. Ayaw ko mang mabali ang paniniwala ko pero dahil sa ginawa ni Zydney sa videong iyon ay parang gusto kong magdalawang-isip.
Siguro nga kahit paano ay mayroon rin namang fate at destiny, hindi pa man malinaw sa akin dahil talo pa rin ng paniniwala ko ang mga iyon pero sana balang araw ay malaman ko rin. Sana balang araw ay mas luminaw sa akin ang lahat.
Alam kong kalat na sa social media o kahit sa telebisyon ang lahat kaya hindi na rin ako nagtaka nang isang araw ay ungkatin iyon ni Daddy sa hapag.
Dahil sa pagiging abala niya sa negosyo namin ay hindi na rin niya iyon naharap noong unang beses kong sabihin sa kanya ang aksidente kaya ngayong siya na mismo ang nakapanuod ay gano'n nalang ang pag-aalala niya sa akin.
"Karsyn?" Napapitlag ako ng marinig ang baritono niyang boses na pumukaw sa akin sa malalim na pag-iisip.
Pagod ko siyang sinulyapan. Literal nga akong pagod dahil napuyat ako kagabi sa kakabasa ng mga comments sa youtube. Maging iyong mga negatibo ay binasa ko na rin pero hindi ako naapektuhan kahit na isa. Isa pa, mas marami nga roon ang mga mensaheng positibo kaya dinaig ko pa ang nagbasa ng napaka-habang nobela kagabi dahil sa tagal kong nagbabad doon.
"Dad?" Tumuwid ako ng upo at nagpatuloy sa pagkain.
Magana naman akong kumain at umiinom naman ako ng vitamins araw-raw para sumigla pero dahil siguro sa antok kaya wala akong masyadong gana.
"I'm asking if you know the guy. Maybe I can send him a thank you gift for saving you."
Nginitian ko si Daddy kaya naman napangiti rin siya. Mas lalong nawala ang kanyang mga matang singkit dahil sa ginawa at kung siguro'y nakikita ko lang ang sarili ko ay ganito rin ako ngayon. They say I look like him. Maliban sa kanyang singkit na mata, matangos na ilong at pinkish na labi ay nakuha ko rin ang kutis niya. Gano'n na rin ang kanyang tangkad maging ang petite na pangangatawan. Bilang isang half Chinese ay natural na hindi rin kalakihan ang hinaharap ko pero kuntento naman ako. Hindi ko alam pero ang laking big deal kasi no'n sa panahon ngayon.
My mom has big boobs and she always complain about back pain because of it. Kaya napapailing nalang ako sa tuwing nakakabasa ako ng mga komento tungkol sa pagiging big deal ng dalawang bundok sa dibdib.
Ipinilig ko ang aking ulo para sagutin si Daddy.
"I don't know him, Dad. Isa pa, okay lang 'yon. Matagal na rin naman."
"I'm sorry, Hija... I'm sorry kung masyado akong nagiging pabaya ngayon sa'yo. Alam mo naman siguro ang dahilan." Napawi ang ngiti niya kanina.
Kahit na singkit ang kanyang mga mata ay naaninag ko doon ang matinding lungkot. Naiintindihan ko naman si Daddy at hindi ko rin siya masisisi.
Ang nangyari sa pamilya namin ay parang sumpa dahil sa sunod-sunod na pagkawala nila Mommy at ayaw kong maging makitid sa sitwasyon dahil alam kong hindi iyon madaling tanggapin. Tanging ang trabaho niya lang ang nakakapagbigay sa kanya ng kaluwagan sa isip pagkatapos ng nangyari at ayos lang iyon sa akin. Maayos pa rin naman ako dahil nariyan naman si Zyd na hindi ako iniwan at hindi ako iiwan kahit na ano pa man ang mangyari.
"It's okay, Dad. I'm okay." Pinagdiin ko ang aking labi.
Nagkwento nalang ako sa kanya ng mga bagay-bagay. Ikinwento ko na rin kung paano naibalita sa lahat ang videong iyon para lang hindi na siya mag-alala sa akin at sa relasyon namin. I don't want him to think that he is not a good father to me because of his absence. Kung tutuusin ay malawak ang pang unawa ko at dapat ko pang ipagpasalamat na nagta-trabaho pa rin siya ngayon para sa aming dalawa.
Kung noon ay si Kuya na ang namamahala sa lahat at nagpapahinga nalang sila ni Mommy, ngayon naman ay balik na siya ng trabaho. I understand. Mabuti na ring may pinagkakaabalahan siya kaysa ang magmukmok sa pagkawala nila Kuya.
Nang sumapit ang araw ng schedule namin para sa physical examination ay maaga akong nag-ayos kahit na puyat pa rin ako sa araw-araw na pagbabasa ng mga komento ng mga nakapanuod ng video.
Zyd:
You ready?
Basa ko sa text niya.
Ako:
Oo, saan ka na?
Zyd:
Malapit na. See you!
Ako:
Ingat ka. Baba na ako.
Zyd:
Okay.
Ako:
Nagda-drive ka? O kasama mo si Mang Apeng?
Zyd:
Driving.
Humigpit ang aking kapit sa aking hawak.
Ako:
Zyd, don't freaking text and drive! Sinabihan na kita!
Inis akong napabalik sa pagkakaupo sa kama dahil sa pag-iisip sa kanya. Kahit naman noon ay ayaw ko na ang gano'ng set-up kaya kung minsan ay napapagalitan ko talaga ang mga driver namin kapag nakikita kong nagpipipindot habang nagda-drive!
Zyd:
Don't reply if you don't want me to text back.
Napanguso ako sa nabasa. Gusto ko pa sana siyang pagalitan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Sa pagdating niya nalang ako babawi.
Hindi naman tumagal ang paghihintay ko dahil mabilis naman siyang nakarating. Sermon ang bungad ko sa kanya at hindi ang nakagawiang yakap.
"Oo na, oo na. Tama ka naman palagi." Kumunot ang noo ko dahil may tono niya pang sinabi iyon.
"Did you just Salbakuta our conversation?"
Humagikhik si Zydney at niyakap nalang ako.
"Mga inutos mo sa akin di ko sinuway mas sinusunod na nga kita kaysa sa aking nanay." Seryoso niyang bulong sa akin.
Natatawa akong lumayo sa kanya at mabilis siyang inilingan.
"LSS ka na naman?"
Ngumisi siya at pinagbuksan ako ng pinto bago tumango tango.
"May game kami kagabi na mga malalalim at tagalog tongue twister. Ayun, nauwi ako sa mga rap."
Sumakay ako sa sasakyan niya at hinintay naman siyang makapasok. Ibinaba niya ang sun visor para sulyapan ang sarili. Ngumiti-ngiti pa siya sa kanyang repleksiyon bago simulan ang pagmamaneho.
Napailing ako ng buksan niya ang stereo kasabay ng paglukob ng rap song sa kabuuan ng kanyang sasakyan. Hindi nawala ang ngiti ko habang pinapakinggan siyang sinasabayan ang bawat kanta habang nasa biyahe kami. Dahil maaga pa ay hindi kami naipit sa traffic. Madali rin kaming natapos sa hospital. Habang palabas doon ay hindi ko napigilan ang mapangiti ng mapait.
Nakaka-miss rin pala ang ganito. Nakasalubong ko pa ang ibang mga kakilala ko at hinintuan pa ako pero hindi para kumustahin at tanungin kung bakit hindi ko na talaga ipagpapatuloy ang mga pangarap ko noon kung hindi para tanungin tungkol sa video na hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan pa rin ng lahat.
"In fairness, Karsyn! Napaka-gwapo nga ng lalaking 'yon ano!"
Sabay kaming tumawa ng pilit ni Zyd dahil sa sinabi ng isang doctor na nakiusisa na rin.
"Kayo talaga, Doc!"
"Oo nga, gwapo nga 'yun Karsyn!" Segunda naman ng isang intern.
Dahil naramdaman ni Zydney ang hindi ko pagiging komportable sa sitwasyon ay siya na ang tumapos ng usapan.
Ilang araw lang ang hinintay namin bago balikan ang resulta. Mabilis kong pinasadahan ang lahat ng mga nakasulat doon.
"All normal." Sabi ko't nginitian niya.
"Same." She replied.
Pagkatapos naming makita ang resulta ng lahat ay dumiretso kami sa mall para kumain at mamili pero hindi naman kami inabot ng gabi sa labas. Hinatid niya lang rin ako sa bahay at umalis na rin dahil maaga pa ang klase niya kinabukasan.
Kung minsan ay naiisip ko pa rin naman ang pag-aaral pero kusang nabubura iyon sa utak ko at napapalitan ng isipin kung paano ako napunta sa desisyong huminto. Sa tuwing naiisip ko rin sila Mommy ay nauubos ang pagkainggit ko sa mga patuloy na nag-aaral ngayon.
Tamad kong inilapat ang aking hinlalaki sa screen ng aking cellphone at inangat ang mga komentong tapos ko nang basahin. Tinakpan ko rin ang aking bibig ng mapahikab ako.
This is silly. I've been reading comments for the past week. Iyon ang naging pampalipas oras ko. Kung minsan nga ay parang gusto ko nalang ulit kunin ang camera ko at buksan iyon para gawin ang mga request ng iba.
I scrolled through the comments again. Halos pare-parehas naman ang bukambibig ng mga tao at hindi ko na sana bubuksan ang isang comment doon na maraming reply pero kusang umangat ang daliri ko't pinindot ang mga nakapaloob na reply sa isang comment.
Naputol ang paghinga ko ng mabasa ang unang comment na nakasulat.
FindingMrRight:
Mr. Right's name is Asher Miguel Vergara Tan! Schoolmate siya ng kapatid ko dati sa CIU!
Wala sa sariling napaahon ako dahil sa nabasa! Daig ko pang tumakbo ng mabilis dahil kahit na hindi ako siguradong iyon nga ang buong pangalan ni Asher pero posible rin naman iyon dahil alam niya ang first two names nito!
Marami ang mga comments tungkol sa pagkakakilanlan ni Asher. Doon na nabuhos ang lahat kuryosidad ko.
Jyrhte:
Totoo ba te? Sa Campbell rin nag-aral si Mr. Right?!
KaLaRaKaRlA:
Lahat talaga ng mga gwapo nasa Campbell! OMG!
FindingMrRight:
Yes. Add me on Facebook, may pinost akong picture niya!
Isinama niya pa sa comment niya ang kanyang personal account. Ilang beses akong napalunok habang pinagmamasdan ang Facebook application ko.
Don't do it Karsyn! Don't you dare search for the girl's profile and look for Asher's picture! Don't you dare! Paulit-ulit na pagalit ng utak ko.
Ramdam ko ang pakikipagtalo ng kaluluwa ko sa aking katinuan pero sa huli...
Ilang beses akong napakurap-kurap habang tinititigan ang litrato ng kumpirmadong si Asher Miguel...
Pakiramdam ko ay bumibilis ang pagpintig ng puso ko habang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang nakatitig rin pabalik sa akin. This is not an old photo. Hindi ko man alam kung ilang taon na siya pero sigurado akong halos magkasingtanda lang kami. I'm pretty sure we're both on our twenties.
Inilipat ko ang litrato sa isa pang litratong naka-post at doon na napaawang ang aking bibig. Isa itong litratong wala siyang pang itaas na damit at kitang kita ang kanyang nagmumurang mga abs habang kumikinang pa sa pawis dahil katatapos lamang maglaro ng basketball.
"This is really him," I murmured. "Asher Miguel Vergara Tan... It's you." Lutang kong sambit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro