CHAPTER 5
CHAPTER FIVE
Life Changing Event
"Are you sure you don't want to go out with me today?" Tanong ni Zyd sa akin pero imbes na sagutin siya ay muli kong binalot ng kumot ang aking katawan.
Sunod ko nalang naramdaman ang pagyugyog ng kama dahil sa pag-upo niya.
"Karsyn, it's been five days. Sigurado ka bang gusto mo nalang magmukmok dito?"
"I'm tired."
"Hanggang ngayon?!"
"Uh-hmm." Ungot ko.
"Karsyn naman!"
"Umuwi na ba si Dad?"
Natigil siya sa pagyugyog.
"K-Kahapon yata umuwi."
"Okay." I heard her sigh.
"Come on, KF... Labas naman tayo." Aniya sa boses na punong puno na ngayon ng pagmamakaawa.
Ang plano kong buong araw manatili sa kwarto ko gaya ng mga nagdaang araw ay hindi ko hahayaang mapurnada niya kaya umahon na ako sa pagkakahiga para harapin siya.
"I'm tired, Zyd. Isa pa, hindi ko alam kung handa na ba ako ulit na lumabas sa bahay. Alam kong sinabi ko namang susubukan ko pero hindi ko pa kaya. I'm still being haunted by the accident. Naiisip ko palang na lalabas ako sa bahay ay naiisip ko na 'yung nangyari. What if mangyari ulit? I couldn't handle another death, Zyd."
"You are thinking too much, Karsyn," Umayos siya ng upo paharap sa akin at hinuli ang aking kamay.
"What if today is going to be a good day? What if today is the day where your life is going to change for the better but you're missing the opportunity because you are still letting your thoughts be stuck on the accident? Karsyn, it's just one accident. It happens. People die but that doesn't mean that it's the end of the world for you. You see, someone saved you. Ibig sabihin hindi mo pa oras dahil buhay ka pa. You are lucky."
"Zyd..."
"Kung may dapat kang isipin sa pagkakataong ito na galing sa aksidente ay kung ano ang dahilan at bakit hanggang ngayon ay narito ka pa rin. You should thank God for that."
"I am thanking him every single day-"
"Alam ko pero hindi mo naman ginagawa ang mga dapat mong gawin sa bagong buhay mo. Hindi ba gusto mong mahanap kung ano ang kasiyahan mo? Kung ano ang gusto mo pang gawin? You said it yourself, life is too short. Tama ka do'n at bagong buhay mo na ito! Not all are given another chance to live."
Napalunok ako lalo na ng makita ang nag-uumapaw na determinasyon sa kanyang mga matang gusto akong gisingin sa lahat ng pagkalunod ko sa aksidente.
"I know and you're right."
Nakahinga siya ng maluwag. "Saan banda do'n?"
"The last part. Not everyone are given another chance to live. Sila Kuya... Si Mommy, si Katie, ang buntis at ang anak niya..."
Ang lahat ng kaluwagan sa kanyang mukha ay madaling napawi dahil sa sinabi ko.
"Karsyn, that's not what I mean-"
Pinagdiin ko ang aking labi at saka siya nginitian.
"It's okay, Zyd. Nakuha ko naman ang gusto mong sabihin."
Naitikom niya ang kanyang bibig at ang pagpisil sa aking kamay ay tuluyan na ring nahinto. Gaya ko ay hindi ko na ulit alam ang dapat ko pang sabihin sa kanya. Hindi ko rin kasi akalaing mas lalalim ang usapan naming ito. Naiintindihan ko namang nag-aalala lang siya sa akin at tama naman ang mga sinabi niya pero sadyang wala pa talaga ako sa normal kong sarili. I think that I still need to rest and contemplate about life.
"Na sa'yo pa rin ba ang camera ko?" Pagbabago ko nalang ng topic para maputol ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Oo."
"Napanuod mo na lahat?"
"N-No..."
"So ibig sabihin hindi mo pa rin nabubura?"
Umiling siya. "Gusto kong panuorin but I can't stop thinking about you."
"Just watch everything and delete it." Sabi kong hindi nakikiusap kung hindi nag-uutos.
Tumango siya. Sa huli ay siya na itong hindi umalis para lang samahan ako't masigurong ayos lang ako. Ilang beses ko mang sabihin sa kanyang pwede niya na akong iwan ay hindi niya pa rin ginawa.
"Ano bang dapat kong gawin para lang bumalik ka na sa pagiging masigla?"
Nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pagkain ng mansanas na hawak ko.
"Masigla naman ako. I'm eating fruits too kaya mas healthy ako ngayon kumpara last week."
"That's not what I'm talking about," She pouted and then grabs the bowl of fruits from the table.
Ngumata rin siya ng prutas galing doon. Ipinilig ko ang aking ulo patungo sa kanyang gawi.
"What if I'm destined in saving lives? Paano kung mali pala ako ng pinili?"
"But you said that you'll be happier outside the hospital."
"I know but how can I be sure that I made the right decision?"
"Karsyn, that's why I'm trying to convince you to go out with me. Paano mo malalaman kung wala ka namang ginagawa para simulan 'yung mga bagay na hindi mo nakasanayan? Paano mo malalaman kung ano ang mas makapagpapasaya sa'yo kung nandito ka lang sa bahay at nanunuod?"
Dumiin ang titig ko sa kanya at pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
"K, fine. You won."
"So lalabas na tayo?"
"Nope." Iniwas ko ang titig sa kanya at ibinalik ito sa TV. Narinig ko ang ilang mga palatak niya. "I'm not ready yet pero malay mo may himala. Malay mo isang araw ayos na ulit ako."
"At hanggang kailan naman ako maghihintay sa mga malay mo't himala?"
Napahagikhik ako't napailing nalang. Hindi ko na siya sinagot bagkus ay nagpatuloy nalang sa panunuod.
Hindi naman ako emosyonal na tao noon pero dahil sa nangyari ay pakiramdam ko ay napaka-sensitibo ko na. Natapos ang palabas na iyon na umiiyak ako habang si Zyd naman ay nakatulala lang sa akin.
"Zydney, the dog died! He died!"
"I know. I watched the whole thing with you, remember?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.
Pupungas pungas kong inayos ang aking sarili sa kanyang harapan. Binalewala ko ang mga mata niyang puno ng awa at nalilito habang pinapanuod akong humagulgol.
Ilang minuto kaming gano'n. Hinayaan niya akong umiyak at ibuhos ang lungkot sa aking unan. Tahimik lang siyang nakikinig. Nang medyo nahimasmasan na ako ay hinarap ko siya ulit.
"The guy moved on and look at things differently. Imbes na isipin ang pagkamatay ng aso niya, inisip niya nalang 'yung mga bagay na meron siya. Kung ano ang dapat niyang ipagpasalamat kahit na malaking bagay ang nawala sa kanya. Some events are going to change your life. Minsan sa masama pero minsan sa mas mabuti rin. Please be that guy, Karsyn." Makahulugan niyang sambit.
Napakurap-kurap ako.
"Sa tingin mo magkakaroon ulit ng life changing event ang buhay ko ngayon? Iyong para sa mas mabuti?"
Marahan siyang tumango.
"Oo naman."
"How can you be so sure? Nangyari na ba sa'yo ang gano'n? Like you just wake up and everything is different?"
Sandali siyang nag-isip pero kalaunan ay umiling rin.
"But I'm always praying for better things to come."
Huminga ako ng malalim. Zyd is very positive. Ganito ko siya nakilala noon pa man. Siya nga ang cheerleader ng buhay ko and that's what I admire the most from her. Walang espasyo ang ka-negahan sa kanya at kung nagkakaroon man ay mas lamang pa rin ang kanyang pagiging positibo.
"Thank you for everything, Zyd..."
Her lips curved a smile.
"Ikaw pa ba? It's okay kahit na hindi ako naka-attend sa birthday ng crush ko. It's okay kung hindi ako nakasama sa Singapore para sana magpahinga ng ilang araw pagkatapos ng nakakapagod na buwan sa pag-aaral. Okay lang, Karsyn. Okay lang talaga. Wala 'yon."
Napahagikhik ako't napanguso.
"I'm sorry."
"Wala 'yon! Okay lang ako. Wala 'to."
"Zydney naman... Babawi ako sa'yo."
Huminto siya at tinitigan ako ng mabuti.
"So ibig sabihin lalabas na ulit tayo?"
"Hmm, depende."
Umikot ang mga mata niya. Pinigilan kong matawa dahil ang kaninang pasaya na niyang aura ay napawi muli.
"Depende saan?!"
"I don't know. Sa life changing events?" Napangisi ako ng marinig ang pagalit niya.
Nasanay na ako sa routine kong bahay, Zydney, movie, kain at tulog lang. Wala rin namang sumisita sa akin maliban kay Zydney na kayang kaya ko namang kontrahin kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa pero nang dumating ang panibagong linggo ay doon na nagbago ang lahat ng routine ko.
"Ano nga kasi 'yon? You're making me confused. Nag-aalala na rin ako!" Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa aking kaliwang dibdib. "Look, hindi na normal ang tibok ng puso ko at baka kapag hindi mo pa sinabi ang ginawa mo ay baka atakihin na ako sa puso-"
"Shh!" Nagmamadali niyang tinanggal ang kanyang kamay sa aking dibdib pagkatapos ay tumayo sa kama at wala sa sariling nagpabalik-balik ng lakad sa aking harapan.
Ang pagkalukot ng mukha ko ay tiyak akong hindi na maipipinta ngayon habang pinapanuod siya.
"Zyd, ano ba kasi? Tell me. I promise hindi ako magagalit." She stops pacing.
Ilang beses ang naging paglunok niya at maingat na bumalik sa aking tabi.
"So?"
Huminga siya ng malalim.
"Promise hindi ka magagalit?"
Nagsalubong ang kilay ko dahil ramdam ko at kitang kita ko ngayon ang takot niyang parang may nagawang mortal na kasalanan.
"Why do you have to say that? Gusto ko tuloy magdalawang-isip-"
"No. You don't have to! Isa pa, wala ka ng magagawa kung hindi ang patawarin nalang ako kasi wala na rin naman. Nangyari na. Tapos na."
Kumawala ang tawa kong may halong kaba at pagkatapos ay inangat ang mga kamay para hawakan ang magkabila niyang balikat.
"Zydney, come on? Sabihin mo na."
"Okay...." She said while looking at me with unsure eyes. "I have your camera, right?" I nodded. "And you ask me to watch the whole thing, right?"
Again, I nodded at her.
"So, listen. The video..."
"The video?"
"Okay, you know what? I'm telling you now. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Sasabihin ko na-"
"Zyd!"
"I uploaded the video on the youtube account that I made for you and it's now viral!" Hiningal siya pagkatapos ng huling salita.
Hindi ako nakapag-react kaagad dahil kung ano ang bilis ng paglabas ng mga iyon sa kanyang bibig ay siya namang bagal ng pagpasok ng mga ito sa aking utak.
Pinisil niya ang kamay ko.
"I'm sorry! I didn't know that it will gone viral! Hindi ko naman ini-expect na gusto ng mga taong makakita ng pagtatapos ng buhay at pagsibol ng magandang bagay dulot trahedya-"
"W-What?!" Ang malakas kong hiyaw ang nagpa-putla sa kanya't nagpalayo ng kaunti sa akin.
Ang utak ko ay mabilis na naging buhol-buhol! Unang una, hindi ko alam na ginawan na niya ako ng account. Pangalawa, ang sinabi ko ay burahin niya iyon pagkatapos mapanuod! Pangatlo at panghuli, anong pagtatapos ng buhay at pagsibol ng isang magandang bagay?!
"Karsyn, I'm sorry! Okay, I maybe hope that it will be viral but I don't have any idea that it's gonna be this big! It's freaking big and I don't know what to say to you anymore besides I'm sorry!"
Natataranta akong tumayo para puntahan ang aking lamesa kung saan naroon ang aking laptop.
"Come on!" Ilang beses kong pinindot ang pagbukas no'n kahit na hindi naman kailangan.
"Karsyn, I'm sorry... You are not mad, right? I mean, you promised me at bawal ng bawiin 'yon!"
I ignored her. Umupo ako sa harap ng laptop at nagmamadaling pinuntahan ang site. Hindi ko na kailangan pang hanapin ang video dahil pagpunta ko palang doon ay iyon na ang bumugad sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang title at nalaglag naman ang panga ko ng makitang sa loob pa lamang ng ilang oras ay halos nasa tatlong milyon na ang views nito.
"An unfortunate death that leads a girl to Mr. Right?! Seriously, Zydney?!"
"People digs everything that involves Mr. Right." Depensa niya.
Nasapo ko ang aking noo at sinimulan nang panuorin ang ginawa niya.
"This is not right, Zyd." I commented.
"I blurred the girl's face and I edited the part where it was hard to watch but look," lumapit siya sa akin at sinamahan akong manuod.
Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko ng makita ang pagtilapon ng aking camera sa ere at ang pagtalbog nito ng dalawang beses sa kalsada kasabay ng pagpirmi nito't pagtutok sa gawi namin at sa lalaking nakayakap sa akin.
Pinigilan kong mapapikit ng makitang muli ang mukha ng lalaking iyon! I didn't have any idea that my camera is still recording! Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang pagkalma nito sa akin habang tuliro sa aksidenteng nangyari.
Parang gusto ko nang pagalitan ang pinsan ko dahil talagang ginawa niyang romantiko ang scene kahit na ang totoo ay tanging takot lang ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Ni hindi ko naisip na pwedeng maging ganito ang kalalabasan ng trahedyang kumitil sa isang buhay.
"I'm sorry, Karsyn but I can't delete it now. At kahit siguro burahin ko ay kalat na 'yan ngayon sa mundo ng social media. People can even download it and re-upload it without getting my permission."
Nagpatuloy sa pagsasalita si Zydney pero ang utak ko ay huminto na sa pag-iisip sa tagpong iyon. Kung noon ay mas tumatatak sa isip ko ang babae, ngayon naman ay parang natabunan na ang lahat dahil sa presensiya ng lalaking tinawag niya pang Mr. Right.
Parang gusto kong matawa sa inis. Hindi ko naisip na gagawin ito ni Zydney pero mas hindi ko maisip na nagawang panuorin ito ng mga tao.
"Uy..."
Napakurap-kurap ako sa harapan ng screen. Tapos na ang mga pinapanuod ko at sa kada refresh ko ng site ay mas parami naman ng parami ang views, likes at maging ang subscribers ko.
"Karsyn, I'm really really sorry," Dahan dahan niyang sambit.
Sa pagtitig ko sa kanya ay nakita ko ang purong kaseryosohan sa kanyang mga mata ngunit wala akong nakitang pagsisisi doon.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Bigo kong sambit. "I think people really digs finding Mr. Right." Pinigilan kong mapangiwi sa naisip at tumayo nalang para bumalik sa aking kama. Sumunod naman siya sa akin.
I'm lost. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
"I stopped myself from watching it the first time after the girl was hit and you didn't even tell me about the guy."
"I told you to just watch the whole thing."
Natahimik siya na tila may malalim na iniisip.
"Do you even know his name?"
Umiling ako para magsinungaling sa kanya dahil ngayon palang ay parang nakikita ko na ang laman ng utak niya.
"He just saved me and that's just it. Hindi ko na natanong ang pangalan niya."
Nasapo niya ang kanyang noo at dinaluhan na rin ako sa pagkakahiga sa kama.
"Do you believe in destiny?"
Her question made me chuckled.
"Are you really asking me that?"
"Just answer it."
"I believe in life and death but fate and destiny? Nah. We're the one who's responsible for our destiny. That's why God gave us the gift of free will. Tayo ang mamimili. Tayo ang magdedesisyon and I think that by making decisions, we are molding our own destiny and fate just follows through it. Sa kagustuhan natin at kung saan tayo mas komportable't magiging masaya."
"I can't argue with that but don't you think it's kind of romantic when someone saves you from death? I mean it's a work of fate and destiny."
"It's just a part of life and events... Unfortunate ones."
She heave a sigh. "Can you at least admit that Mr. Right is handsome?"
Naisara ko ang aking bibig at agad siyang nilingon. Nakita ko kaagad sa mga mata ni Karsyn ang namumuong paghanga at tuwa sa kabila ng masalimuot na pangyayari.
"Okay ka lang ba? Ilang romantic movies ba ang pinanuod mo bago ginawa ang video?"
"Just one and we should watch it right now!" Umahon siya at madaling binuksan ang TV. "Baka sakaling mabahiran ka ng pag-ibig ngayong araw."
"I'm still mad at you."
Natatawa siyang bumalik sa tabi ko.
"Kailan ka ba nagalit sa akin? Isa pa, hindi ba life changing na ito para sa'yo? You're still trending kahit na wala pang isang araw at sigurado akong-"
"Zyd, please," I cut her off. "Ayaw ko na munang isipin 'yan." Pinigilan ko ang sarili kong lingunin ang lamesang kinalalagyan ng aking laptop.
Sa totoo lang ay hindi naman ako galit kay Zydney, ang sa akin lang ngayon ay ayaw ko na munang isipin ang lahat. It's too overwhelming. It's like Zydney is turning my misery into something that I should be more worried about. Ang ginagawa niya ngayon ay isa rin sa mga bagay na napag-usapan na naming kahit kailan ay hindi ko na papasukin.
"Fine," Kinuha niya ang comforter at pagkatapos ay ibinaon ang kalahati ng katawan rito. "But I think you should at least say hi to your seventy thousand plus followers..."
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag bagkus ay ngumisi pa.
"And counting." She added.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro