Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

CHAPTER FOUR

Life Is Short


Tahimik ang bibig ko sa mga sumunod na minuto. Simula sa pagkalutang ko ng sundan siya sa kanyang sasakyan hanggang sa baybayin na namin ang daan patungo sa bahay. Ayaw ko man siyang payagang gawin ang suhestiyon pero wala na akong nagawa. I can't convince him that I am okay because even when I'm now seated beside him, I can still taste my fears. Hindi lang iyon. Maging ang patuloy na kabang nananalaytay sa aking buong sistema ay damang dama ko pa rin.

Napangiwi ako ng makita ko ang sariling kong wala sa huwisyong nakatitig sa kanyang gawi na abala naman sa pagmamaneho at pagsulyap-sulyap sa teleponong kanyang hawak.

"Y-You know you should not text and drive, right?" Hindi ko na napigilang ibulalas lalo pa't sinalakay na naman ang utak ko ng mga nangyari kanina.

The police said earlier that the driver is texting while beating the red light at dahil sa paghagip nito sa buntis kanina'y nawalan na ito ng kontrol at napunta sa lane ko't diretso sa isang restaurant.

"I'm not. I'm just checking my messages."

Iniwas ko ang titig sa kanyang gawi at umayos ng upo sa aking upuan.

"Parehas lang 'yon," Mahina kong bulong. "Delikado pa rin." Dagdag ko.

Hindi siya nagsalita pero sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtanggal ng atensiyon sa kanyang telepono at agad itong inilapag sa dashboard pero kahit na naroon na ito ay patuloy pa rin siya sa pagsulyap, tila may hinihintay na mensaheng sobrang importante.

I should just thank him and mind my own business but I can't. Using phone while driving is dangerous. Mamalikmata ka lang ay marami ka ng masasaktan. Hindi lang ang taong maaaksidente mo kung hindi pati na rin ang mga pamilya ng mga ito. 

Ipinilig ko nalang ang aking ulo sa direksiyon ng bintana. Nagsimula ng umilaw ang mga poste sa kalsada habang padilim naman ng padilim ang paligid.

Nanahimik ako ulit. Tahimik lang rin siya kaya hindi na ako nagsalita. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng makaramdam ako ng pagod pero imbes na 'yon ang gawin ay mas lumaki ang pagkakadilat ko ng makita ang pagliko niya sa isang kalsadang hindi pamilyar sa akin.

Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya pero bago pa ako nakapag-reklamo at pagbintangan siya ng kung ano-anong masasama ay agad na siyang nagpaliwanag na tila nabasa na ang gusto kong sabihin.

"Shortcut." Tipid niyang sabi pagkatapos akong sulyapan ng mabilis.

"Alam mo ba talaga kung saan ako ihahatid? Kasi baka maligaw lang tayo." Napahinto ako ng makita ang paglipad ng tingin niya pabalik sa kanyang telepono imbes na pakinggan ako.

I cleared my throat and that forces him to look at me again.

"Alam ko ang daan."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Paano? Doon ka rin ba nakatira kaya alam mo?"

Mabilis ang naging pag-iling niya at pagkatapos ay pinag-igi ulit ang ginagawa.

"I know some people who live in that place."

Napakurap-kurap ako ng maisip na hindi malabong doon rin siya nakatira. Hindi rin malabong totoo ang mga sinasabi niya dahil mukha naman siyang disenteng tao at walang gagawing masama... I mean, kung may gagawin man... Sayang naman.

It's rare to find a good looking man who's genuinely good inside. Sa panahon kasi ngayon kahit 'yung mga hindi kagwapuhan ay mas masama pa ang ugali kaysa sa mga taong may ibubuga. Kumbaga, kahit na hindi ko pa siya kilala at pagbabasehan lang ang hitsura, ang kanyang ayos, at ang ginawa niyang pagliligtas sa buhay ko kanina ay masasabi kong pwede na siyang humigit pa sa sinasabing perfect man ni Zydney.

Pero seryoso? Seryosong iyon pa ang naiisip ko ngayon sa dami ng nangyari? Nakuha ko pang purihin siya at ang kabuuan niya gayong wala naman akong ideya sa totoo niyang pagkatao maliban sa kanyang pangalan na tunog palang pwede mo nang iulam sa kanin?

Asher Miguel... 

Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kanyang sasakyan. Hindi naman ito mukhang bago pero malinis. Walang masyadong kalat hindi gaya ng personal na sasakyan ni Daddy na minsan ay mas makalat pa sa kanyang opisina dahil sa mga gamit lalo na't ayaw niya ring pinapalinis iyon sa iba.

Napukol ng tingin ko sa likuran ng sasakyan ni Asher kung saan prenteng nakapatong ang dalawang rim ng sigarilyong mukhang ang isa ay kalahati nalang ang natira.

He's a smoker. 

Binalik ko ang tingin sa kanya and for some reason, pakiramdam ko ay may ilang maliliit na langgam ang kumagat sa loob ng sikmura ko sa isiping naninigarilyo siya.

I'm not a fan of someone who smokes. Kung tutuusin nga ay lahat ng bisyo ay ayaw na ayaw ko. Palibhasa ay isa rin iyon sa bilin ni Daddy sa akin at maging sa mga kapatid ko noon. Gano'n rin ang pamilya ni Zydney kaya kami na siguro ang pinaka-huling nakatikim ng alak sa buong angkan namin.

Naalala kong noong nalaman ni Daddy na nagpa-tattoo ang kuya ko noon sa kamay ay galit na galit ito. Bilang isang business man raw ay dapat maayos ka at malinis sa katawan lalo pa't negosyo ang mga hahawakan mo. He said na paano ka pagkakatiwalaan ng isang tao kung gano'n na ang hitsura mo. No one will take you seriously, he said. Maybe Dad is just too old to accept the modern culture pero kahit na gano'n ay naiintindihan ko naman ang kanyang punto.

Para sa akin ay ayos lang naman ang magkaroon ng tattoo pero kung nasa poder ka pa rin ng mga magulang mo't sila pa rin ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan mo ay kailangan mo pa ring magbigay ng respeto. Kahit iyon nalang.

Napakurap ako ng makita ang pagbaba't taas ng kanyang adams apple gawa ng paglunok. Siya kaya... May tattoo rin kaya siya gaya ni Kuya? And if he really smoking... Bakit naiintriga ako? It's just smoking for Christ sake! And I see people who smokes everyday, kahit sa daan marami pero hindi naman ako naintriga ng ganito. 

Ni minsan hindi ako natulala sa isang taong naninigarilyo pero bakit ngayon parang gusto kong sabihin sa kanyang manigarilyo siya sa harap ko para lang matapos na ang pagiging kuryoso ng utak ko!

"Y-You smoke?" Buong tapang kong tanong ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili kong isipin na ginagawa niya nga 'yon.

Oh my God Karsyn! What the heck are you doing?!

Napalunok ako ng sumulyap siya sa akin at pagkatapos ay sinulyapan niya rin ang nasa likod. Gumuhit ang arko sa gilid ng kanyang labi bago tumango.

"Yeah."

"Sa'yo 'yan?"

He nodded.

"Lahat?" 

Muli siyang tumango.

"Why? Do you want some?" Tanong niyang hindi naman ako sinulyapan.

"N-No. I don't smoke."

"Good for you."

"Kung good para sa'kin, eh 'di bad para sa'yo? Can I ask anong benefits ang nakukuha sa paninigarilyo?"

I swear... Gusto kong pagsisihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko pero hindi ko na magawa. Napasubo na ako sa usapan at hindi ko na alam kung paano pa hihinto.

Nagkibit siya ng balikat.

"Anong benefits kapag sinagot ko 'yang tanong mo?" Tanong niya pabalik imbes na sagutin ako ng matino.

Napalunok ako't napahugot ng isang mabilis na paghinga. Mabuti nalang at abala siya sa daan at madilim na kaya hindi niya nakita iyon.

"W-Wala." Nahihiya kong sagot.

"Then my answer is the same."

Oh. Okay. Okay. I understand. Gusto ko sanang idagdag pero natigil na ako ng pumasok na ang sasakyan sa village. 

He is right. Alam niya nga ang daan at ang pasikot-sikot patungo sa lugar na 'to na parang siya mismo ay nakatira sa lugar. Oo nga at hindi naman ako nagda-drive pero ni minsan yata ay hindi ko nadaanan ang mga dinaan ng sasakyan niya. 

I shut my mouth. Wala ng gusto pang sabihin ang bibig ko at kahit na alam kong dapat kong ipagpasalamat na makakarating na ako sa bahay at maisasalba ko na ang sarili ko sa kahihiyan dahil sa pang-uusisa ay parang sa bawat galaw ng sasakyan niya ay mas dama ko pa ang panghihinayang na hindi ko maintindihan.

Kapag naihatid na niya ako ay makakapagpahinga na ako at iyon ang mas dapat kong pagtuonan ng pansin ngunit sa kabilang banda ay mas lumamang ang pag-iisip kong kapag naihatid na niya ako ay hindi ko na siya makikita. Alam kong hindi ko na siya makikilala pa at hindi ko na maitatanong pa kung ano ang totoong alam niyang makukuha niya sa paninigarilyo.

"D-Diyan nalang ako." Turo ko sa gate namin. 

Hindi na siya nagsalita at ginawa nalang ang dapat gawin.

Bago pa kami umalis kanina sa Parissiene ay tinawagan ko na si Zydney kaya hindi na ako magtataka kung naghihintay na ito sa akin sa loob.

"Thank you." Buong puso kong pasasalamat ng huminto na ito sa harapan ng bahay namin.

"You're welcome."

Tinanggal ko na ang aking seat belt at muli siyang hinarap.

"D-Do you want to have some coffee or something?" Tanong ko para naman sana makabawi sa ginawa niyang pagliligtas sa akin kanina kahit na alam kong ang malinis kong intensiyong pasalamatan siya ay nabahiran na ng kagustuhan kong mas makilala pa siya.

I mean who wouldn't want to know the person who saves them from death? Right?

Isa pa, pakiramdam ko rin kasi ay hindi sapat ang pasasalamat lang para magantihan siya sa ginawa. I feel like I need to introduce him to Zyd or even to my father. 

"Nah, I'm good. I need to go home now. Thanks for the invite though."

Tuliro akong napatango.

"Malapit lang ba dito ang bahay mo?"

Narinig ko ang mga boses ng mga pagalit sa loob ng aking utak dahil kahit na dapat ay umalis na ako't magpahinga ay narito pa rin ako ngayon sa harapan niya at hindi man lang makakilos. God, I don't even know how to get out of his car!

Umiling siya.

"Batangas."

"B-Batangas?!" Laglag panga kong bulalas dahil sa narinig.

Sinulyapan niya ang kanyang telepono at kinuha na ito. Actually kanina pa iyon tumutunog dahil sa mga texts pero dahil nahiya siguro siya sa paninita ko kanina ay hindi niya tinangkang basahin kahit isa.

"Yeah."

"O-Okay," Inilakad ko ang aking mga kamay patungo sa pintuan at binuksan na iyon. "Thank you, Asher..."

He smiled and nodded.

"Don't worry about it."

"No... I mean, you saved my life and thanking you is not enough..." Napayuko ako ng hindi ko na makayanan ang titigan ang kanyang mga matang nagsusumigaw ng iba't-ibang emosyon.

"Babawi ako," Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tinanggal na ang lahat ng kabang nararamdaman bago muling salubungin ng tingin ang kanyang mga matang madiing nakatitig pa rin sa akin.

Buong giliw ko siyang nginitian bago sabihin ang mga huling salita ng pamamaalam.

"I'll pray for you... Kung ayaw ng coffee, ipagpi-pray nalang kita."

Tumango tango siya pero hindi pa rin ako nakuntento.

"Tapos kapag nagkita ulit tayo... Ililibre kita para makabawi ako sa'yo."

"Kung magkikita pa tayo," Maagap niyang sagot.

"Then I'll pray for that too," Nilawakan ko pa ang ngiti ko dahil ramdam ko na naman ang unti-unting paglamon sa akin ng kahihiyan. 

Bago pa siya makasagot ay nagsalita na ulit ako para kahit paano ay maisalba pa ang sarili sa lahat ng mga salitang lumabas sa aking labi ngayong araw.

"Thank you ulit, Asher." Binuksan ko na ang pintuan at mabilis na lumabas doon.

Ang lahat ng panghihinayang ko sa sitwasyon ay nadagdagan pa ng harapin ko siya ulit.

"See you around, Karsyn."

I nodded and smiled at him.

"And be careful next time you'll pass a crosswalk."

Pinagdiin ko na ang aking labi.

"Salamat sa paghatid at sa lahat. Mag-iingat ka." Isinara ko na ang pintuan at kahit na hindi ko na siya natanaw sa loob ay kumaway pa rin ako bilang huling pamamaalam.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Umalis na rin siya kaagad at kahit na bakanteng kalsada nalang ang tinatanaw ko sa pagkawala ng kanyang sasakyan ay hindi pa rin ako natinag sa aking kinatatayuan.

Sa pagkawala niya ay parang muli kong naramdaman ang lahat ng pagod, takot at trauma sa lahat ng nangyari kanina. Diniinan ko ang pagkagat sa aking labi ng maalala ko ulit iyong buntis. Ang pagkamatay niya. Ang paggulo ng paligid. Ang lahat... Lahat.

Napapikit ako ng mariin at ilang beses na nagpakawala ng ilang malalalim na paghinga upang mapigilan ang muling pagbigat ng aking dibdib. Nang maramdaman kong kaya ko ng maglakad ulit ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

"What the hell happened Karsyn!" Pakiramdam ko ay muling nanginig ang buo kong pagkatao ng maramdaman ko na ang mabilis na pagyakap sa akin ni Zydney ng makapasok ako sa bahay.

"Are you okay? Bakit ngayon ka lang? Nag drive ka ba? Bakit ngayon ka lang?" Sunod sunod niyang tanong pero imbes na sumagot pa ako ay inilagay ko nalang sa kamay niya ang camera ko.

"I'm tired, Zyd... But I am okay. Si Daddy ba nandito na?"

Malungkot niya akong tinignan bago umiling. Bumagsak ang aking balikat at naglakad para lagpasan siya't pumanhik na sa itaas. Totoong pagod na ako pero mas lalo yata akong napagod dahil sa isiping hindi man lang umuwi si Daddy kahit na may nangyari na sa akin. 

Naiintindihan ko naman. He is a business man at hindi madaling pagsabayin ang pamilya at ang negosyo. He is still grieving. Naiintindihan ko. Kahit ako rin naman ay minsan ayaw na ring umuwi dahil parang wala na rin naman akong uuwian. Our home is now empty. Kung hindi nga lang dahil kay Zyd ay baka matagal na rin akong umalis sa bahay na ito.

Hinayaan ko si Zyd na sundan ako hanggang sa makarating na kami sa aking kwarto. Hindi naubos ang mga katanungan niya at kahit na hawak niya naman ang sagot sa mga iyon ay gusto niya pa ring sa bibig ko manggaling ang lahat.

I didn't answer her questions. Imbes na 'yon ang gawin ay inuna kong ayusin ang sarili. I want to sleep now. Gusto ko ring matapos na ang araw na ito at magsimula nalang ulit bukas kahit na mahirap simulan iyon pagkatapos ng trahedyang ito.

"Karsyn..." Nakita ko ang pamumutla niya't maluha-luhang mga mata dahil sa nasaksihan sa camerang kanyang hawak.

Tahimik akong naupo sa kanyang tabi.

"Do you think it's my fault, Zyd?"

"No. Of course not!"

Napabuntong hinga ako't napayuko.

"Because I feel like it's my fault. She is perfectly fine and then..." Napapikit ako ng mariin at hindi na maituloy ang sasabihin.

Sunod kong naramdaman ang pagyakap ng aking pinsan.

"It's not your fault... Hindi, okay?" Napatingin ako sa kanya ng marinig ang kanyang pagbuntong hinga na tila nabunutan ng isang malalim na tinik sa dibdib. "I'm relieved to know that you are fine," Inilayo niya ako.

Ang kanina'y pag-aalala sa kanya ay nabahiran na ngayon ng pagalit.

"Sa susunod huwag mo na akong iti-text ng bitin! Sana sa susunod sabihin mo ring maayos ka, okay? Tuloy tuloy at nasa iisang message lang dapat! You don't know how scared I am reading that text."

Tumango tango ako.

"I'm sorry..."

"And be careful next time, okay?"

Muli akong tumango. Marami pang sinabi si Zydney pero ang utak ko ay tinatangay na naman patungo sa isang malalim na pag-iisip.

"Ang iksi ng buhay 'no?" Wala sa sariling sabi ko dahilan para mahinto siya sa kanyang mga litanya.

Ilang beses siyang napalunok ng mapatitig ako ulit ng mataman sa kanya.

"Karsyn-"

"Sobrang iksi..." Lutang kong pagpapatuloy. Pakiramdam ko'y hindi siya ang kausap ko kung hindi ang aking sarili. "One moment you are happy and perfectly fine, the next you are fighting for your life... It's too short, Zyd. Too short..."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro