CHAPTER 3
CHAPTER THREE
Blood
Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking mga kamay at mas malakas pa sa ingay ng mga busina, sigawan at karambola ng mga sasakyan ang naging pagkalabog ng aking puso.
The air smells blood and fear. Dama ko ang malagkit na bagay sa aking likuran, buhok, maski sa aking mga kamay at hawak na camera pero ang katawan ko ay hindi makagalaw. Ni hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mabagal ng pagproseso ng aking utak sa nangyari.
I feel like my world is spinning slowly. Ang mga sigawan ay unti-unting nawala sa aking tenga at napalitan ng nakakabinging katahimikan. My heart is pounding inside my chest and my mind is screaming so loud. Nakakabingi!
Gustohin ko mang magtakip ng aking tenga pero hindi ko magawa. Sa nanlalabo kong paningin dahil sa pagkawala ng aking mga luha ay mas lalo akong hindi na nakagalaw. Ramdam ko ang pagdiin at pagbigat ng bawat hugot ko sa aking paghinga na parang mayroong taling nakapulupot sa aking leeg para pigilan ako sa ginagawa.
I can't breathe but I need to breathe... Breathe Karsyn... Breathe...
Sa nanghihina at tuliro kong pagkatao ay nagawa kong igalaw ang aking kamay para sana takpan ang aking mukha pero bago ko pa tuluyang mailapit iyon sa akin ay sunod ko nalang naramdaman ang pagyakap ng kung sino sa akin at ang paghila ng mabilis palayo sa aking kinatatayuan!
Nanatiling bukas ang aking mga mata habang nasasaksihan ang pag-ikot at dahan-dahan naming pagbagsak sa simentadong kalsada kasabay ng mas malalakas pang ingay ng mga sasakyan sa aking likuran.
Napangiwi ako ng hilahin ako sa kasalukuyang oras dahil sa marahas na paglagapak ng aking tagiliran na hindi na naiwasan ng kung sino mang humila sa akin.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking buong pagkatao dahil sa matinding takot at kalituhan sa bilis ng mga pangyayari.
I want to scream but I couldn't. Maging ang boses ko ay iniwan na rin ako kasabay ng lakas ko. Napakislot ako't napapikit ng mariin nang muling marinig ang sigawan ng mga tao. Kumawala na ang aking mga hikbi.
Sa pagpikit ko't pagdilim ng aking paningin ay muling umulit sa aking utak ang mala-anghel na mukha ng babaeng kanina lang ang buhay pa't nginitian ako... Naramdaman ko ang patuloy na pag-ikot ng aking utak. Ang pag-ikot ng lahat ng aking katinuan kasabay ng dumadagundong na kaguluhan.
Habang lumilipas ang segundong nakasadlak kami ng kalsada ay mas nagiging magulo ang paligid. I'm sure of it. Sigurado rin akong hindi lang iisa ang nasaktan. Marami pa. Maraming marami pa kabilang na ako at ang taong kasama ko.
When I realized that I am with someone, a manly scent invades my sense of smell. Natalo ng kanyang bango ang amoy ng dugo na kumalat sa kabuuan ng lugar pero ang kaguluhan at ingay sa paligid namin ay hindi natigil. The thought of hugging a man aside from my father did not concern me. Sa pagkakataong ito ay wala na akong maisip kung hindi ang mga huling sandali ng babaeng kanina lang ay masaya pa.
Is she... Kumawalang muli ang aking mga hikbi ng maisip iyon dahilan para mas humigpit ang yakap ng lalaki sa akin.
"I'm sorry..." A baritone voice murmured gently as pulls me closer to his chest.
Nanatiling pikit ang aking mga mata at wala ng lakas ang aking buong katawan kaya naman hindi na ako nakapag-reklamo sa kanyang ginawa. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib kasabay ng pag-angat ng aking mga kamay patungo sa aking tenga.
"Are you okay?" Bulong niya sa akin pero hindi ako nakahugot ni isang salita para sagutin siya.
"Hey..."
Mas idiniin ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. My head is screaming and I feel like my thoughts already escaped me. Wala na...
"Hey..." Marahan niya akong inilayo pagkatapos ay maingat na niyugyog sa balikat.
Ang mga ingay ay muling lumapit sa akin pero hindi kagaya kaninang marami pa ring mga bakal na nagsasalpukan, ngayong naman ay tanging mga ingay ng ambulansiya ang naririnig ko... pati na rin ang malinaw na boses ng lalaki.
"Hey, you are fine... We are fine. It's okay..."
Naramdaman ko na ang pag-ahon niya kaya napadilat ako. Nang makita niya ang pagbukas ng aking mga mata ay siya namang paghawak niya sa aking kamay upang ilayo sa aking tenga at alalayan akong makaahon na rin.
"Look at me and tell me that you are fine..." Aniya pagkatapos ay madiing pinisil ang aking mga kamay.
Nakipagtitigan ako sa mga madilim na mga matang iyon na tila isang napakalalim na bangin. His eyes brings no comfort. Parang mas lalo akong nalulunod sa mga iyon. I want to tell him that I am fine but I just couldn't speak.
Imbes na hintayin akong sumagot ay inangat niya ang aking kamay at tinignan ang mga posibleng galos. Pagkatapos masigurong wala ang mga kamay ko ay ang mukha ko naman ang inusisa niya. Wala sa sariling napalunok ako ng maramdaman ang pagdampi ng kanyang mainit na kamay sa aking pisngi kasabay ng paghawi niya sa iilang hibla nang buhok na dumikit sa aking mukha dahil sa mga luhang patuloy ang pagkawala. Mabilis na umangat ang aking magkabilang balikat nang ikulong niya ang aking mukha gamit ang mga palad.
Kung kanina ay tanging mga galos lang ang sinisipat niya, ngayon naman ay hinahawi na niya ang mga luha sa mukha ko.
I see him open his mouth but before he could speak, a lady interrupted him.
"Sir, Ma'am... I need you to clear the road. Kailangan po muna nating gumilid..." Nagpatuloy sa pagsasalita ang babae pero hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya.
Nanatili akong tulala sa lalaking kaharap ngunit ng alalayan niya akong makatayo ay sumunod naman ako.
Alam ko kung gaano kalala ang nangyari kanina at ang posibleng pagkamatay ng buntis sa kabilang lane pero ang nasa isip ko ay mas malala pa pala ng balingan ko na ang gulo sa lane na tinawiran ko kanina. Sa bilis ng nangyari ay hindi ko na maisip kung ano ang eksaktong naganap ng mga sandaling iyon.
I was just busy filming my first vlog and... And...
Napatingala ako sa lalaking nakaagapay sa akin na iginigiya ako patungo sa isang ambulansiya pero bago pa kami makarating doon ay huminto na ako sa paglalakad.
"I-Is she dead?" Ang pag-aalinlangan sa mga matang bumaba para titigan ako ay naging isang malinaw na sagot sa aking katanungan.
"Let's go to the-"
"I-I'm fine. I'm fine..." Sinubukan kong bawiin ang aking kamay pero hindi niya ako binitiwan.
"You are still in shock and I need you to sit for a bit-"
Imbes na sagutin siya ay muli kong nilingon ang parte ng lugar na pinaka-abala sa lahat. Napasinghap ako ng makita ang sasakyang iyon na sumalpok mismo sa loob ng isang restaurant. Maraming tao. Maraming sugatan. Naramdaman ko ulit ang pagkasimento sa aking kinatatayuan pero bago pa ako muling mawala sa sarili ay hinila na ulit ako ng lalaki.
"No!" I screamed when I remember my camera.
Hinagilap ng aking mga mata ang bagay pero dahil sa muli niyang paghila sa akin ay hindi ko na nagawa.
"My camera! I-I need my camera!"
"No-"
"Please! I need it!" Nakipaghilahan ako sa kanya kaya naman ng huminto siya at mabilis akong binalingan gamit ang mga matang walang kasing tigas ay dumagundong nang muli ang aking puso.
Ang lahat ng pagpupumilit ko ay kusang nilamon ng presensiya niya at sa mga sumunod na segundo ay tila naging isang dahon nalang akong sumasabay na sa kung saan man siya patungo.
Inalalayan niya ako sa pag-upo at ipinasa sa mga rumesponde sa trahedya. Akmang bibitiwan na niya ang aking mga kamay pero humigpit ang hawak ko rito.
Nagsalubong ang mga mata namin kaya naman madali akong umiling. I'm still shaking and I'm sure that he can feel it.
"D-Don't leave..." Tuliro kong pagmamakaawa kahit na hindi naman dapat.
I want to curse myself for asking a complete stranger to stay with me but I can't help myself. Kahit na alam kong shock lang ako dahil sa nangyari ay ramdam kong mas magiging maayos ako kapag sinamahan niya ako.
I need him now. Ang pagpisil niya sa aking kamay. Ang boses niyang hanggang ngayon ay umuulit sa utak ko't sinasabing maayos lang ako ang nagbibigay sa akin ng katinuan at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin kapag umalis siya.
"You need your camera, right?" Binitiwan niya ang kamay ko. "I'll find it, babalik rin ako. You stay here, okay? Don't go anywhere."
Naitikom ko ang aking bibig at hindi na siya napigilan dahil sa pagpalit ng babaeng ngayon ay naging abala na sa pagtatanong sa akin.
Ang ilang minutong pananatili ko sa aking kinauupuan habang nakadungaw sa pinanggalingan ko kanina ang tingin ko'y pinakamatagal nang oras sa tanang buhay ko.
I am okay. Nasiguro na rin iyon ng sumuri sa akin kanina pero kahit na gano'n ay hindi ako umalis sa pwesto ko. Nakakatangang isipin ang posibilidad na hindi na siya bumalik pagkatapos makuha ang camera ko pero naghintay pa rin ako. Nag-iwas ako ng tingin sa mga tao at ipinagpatuloy nalang ang pagtanggal sa mga dugong nasa aking mga kamay.
Lumipas ang pa ang ilang minuto na parang gusto ko nang batukan ang sarili ko. I am still waiting for him kahit na ilang ulit na akong pinagalitan ng utak ko. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan ng tumagal pa ang oras na walang estrangherong bumabalik.
Siguro nga umalis na siya pagkatapos mahanap ang camera ko at ang tanga kong sinabi ko pa iyon sa kanya kanina. Sana kung nag-isip lang ako ng matino at hindi nagpadala sa nangyari ay baka nabalikan ko pa iyon.
Napailing ako ng muli kong maalala ang mga huling sandali ng kapayapaan kanina... And then realized that it's impossible for me to not feel this way. A pregnant woman died right in front of my very eyes. She is healthy. She has a family... A husband and now... Naikumo ko ang aking mga kamay dahil sa muling panginginig ng mga ito.
"Is this the one?"
Napapitlag ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon kasabay ng mabilis niyang pagsulpot sa aking harapan.
Dama ko ang patuloy na pagtalon ng aking puso sa loob ng aking dibdib ng makita ko ang kanyang hawak ngunit imbes na kunin iyon sa kanyang kamay ay nahinto ako ng makitang may mga dugo rin ito sa paligid maliban sa lente.
Binawi niya ang inilahad sa akin at pagkatapos ay inabot ang isang telang Ibinigay sa akin ng babae kanina bago punasan ang hawak.
"It's still working perfectly," Pinanuod ko siyang linisin ang camera ko. Pagkatapos suriin at inikot para masigurong nakuha na niya ang lahat ng dumi ay muli niya itong inilahad sa akin. "There's a little dent but it's still looks brand new. Mabuti nalang nailayo kaagad kita kanina." He added.
Tahimik kong kinuha sa kanyang kamay ang camera ko. Naupo naman siya sa aking tabi at hinayaan akong suriin rin iyon. Natigil lang ako ng luminaw sa utak ko ang mga sinabi niya.
I almost forgot about that. This man... Sinulyapan ko ang lalaking ngayon ay prenteng nakaupo sa gilid ko.
He saved me and I should be thanking him right now.
"Thank you... T-Thank you for saving me."
Pinagdiin niya ang kanyang mga labi bago marahang tumango. Napalunok ako ng maisip ko kung gaano katikas ang lalaking nasa aking harapan. Sa pagbalik ng katinuan ko ay parang gusto kong pamulahan ng mukha lalo na ng dumako ang aking paningin sa kanyang mga matang pinupugay ng mahahabang pilik samahan pa ng makakapal niyang kilay. His deep set of eyes were mysteriously enough to give me the rush of heat. Nahihiya kong ibinaba ang akong titig pabalik sa hawak ko dahil kahit wala sa hulog ang sitwasyon ay hindi ko maiwasang purihin ang kanyang hitsura.
"You are welcome."
Napalunok ako ng muling marinig ang boses niyang malalim at kay gandang pakinggan.
"So... Did the pregnant woman..." Humina ang paglabas ng huling salita sa aking bibig dahil kahit na alam ko na namang walang pag-asa na mabuhay siya dahil sa lakas ng impact ng aksidente ay gusto ko pa ring kumpirmahin niya iyon.
"She did not make it," my eyes instantly shuts at that. "I'm sorry..."
"Me too." Bigo kong bulong. It's my fault...
"Mabuti naman at hindi ka umalis. The police will be right here any moment." Aniya kaya napadilat ako.
So kaya niya ako sinagip at sinabihang manatili rito ay dahil sa mga pulis? Dahil alam niya ring kasalanan ko ang mga nangyari at ngayon ay iniligtas niya lang ako para may isuko siya at maging bayani sa lahat?
Nagmamadali akong tumayo sa pagkakaupo sa likod ng sasakyan pero ang mga kamay niya ay maagap na humawak sa akin.
"Where are you going?" His brow furrows when I step back, trying to make him let go of me but his grip tightens around my wrist.
"B-Bitiwan mo ako. Susuko ako, hindi naman ako tatakbo, e!" Singhal ko at muling hinigit ang kamay ko pero hindi niya ako binitiwan.
Napatayo na siya dahil buong lakas kong inulit ang mga unang paghila.
"Hindi nga ako tatakas! Alam kong kasalanan ko at haharapin ko kaya let me call my lawyer!" Nanginig muli ang aking boses dahil sa pagtitig niya sa aking hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip!
I'm not going anywhere! Kung makukulong ako dahil sa pagkamatay ng babaeng iyon ay haharapin ko pero gusto kong tawagan si Daddy at Zyd! I want them to know what happened before I go to jail!
Diniinan ko ang pagkagat sa aking pang-ibabang labi ng hinila niya ako palapit sa kanya.
"Who told you that you are going to jail?"
"Liar! Kaya mo ako sinabihang maghintay dahil isusuko mo ako 'di ba?! Pwes gusto kong sabihin sa'yo na kaya kong sumuko ng mag-isa. It's my fault and I get it! Kung hindi ko siya na-distract ay baka hindi siya namatay. Sana nakaiwas siya pero dahil sa pagvi-video ko, hindi na namin napansin ang-"
"Can you just calm down?! No one said that you are going to jail because it's not your fault at kung mayroon mang dapat sisihin," Lumihis ng tingin niya sa aking likuran dahil sa pag-ingay ng isang dakong kinaroroonan ng mga pulis.
Napalapit ako sa pabalik sa tabi ng lalaki ng makita ang paghawi ng mga tao't paglabas ng mga pulis kasama ang isang lalaking tuliro na rin dahil sa nagawa.
"He is the one who's going to jail," Pinisil niya ang kamay ko para kunin muli ang aking atensiyon. "Gusto ko lang sabihin na kakausapin ka ng mga pulis para hingan ng statement sa huling nasaksihan mo."
Napakurap-kurap ako't naitikom ang bibig. Niluwagan niya ang hawak sa aking palapulsuhan bago tumuwid ng tayo sa aking harapan.
"It's not your fault." Pag-uulit niya.
Kumawala ang malalim kong paghinga kasabay ng lutang kong pagtango tango. Gusto ko mang patuloy na sisihin ang sarili ko sa mga nangyari pero ang paulit-ulit niyang pagpisil sa kamay ko ang kusang nagtanggal ng aking mga agam-agam.
Hinayaan ko siyang samahan akong kausapin ang mga pulis upang isalaysay ang mga huling nangyari. He is very helpful. Kapag nauutal ako't hindi na nakakapagsalita ay siya ang nagdurugtong ng kwento ko kaya mabilis rin iyong natapos.
Nang mawala na ang mga kalalakihan ay nakita ko ang paghubad niya sa kanyang suot na coat.
"There's a blood on the back of your shirt," Tinanggap ko ang Ibinigay niya at walang sabi na isinuot iyon. "Let's go back inside the mall. You need to at least wash it before we head home."
Mabilis akong tumango at wala ng tanong na nagpatianod sa kanya pabalik sa loob. Pumasok kami sa pinaka-unang coffee shop saka dumiretso sa banyo pero dahil iisa lang iyon ay pinauna na niya ako.
Tahimik kong itinabi ang coat ng hindi ko pa nakikilalang lalaki bago hubarin ang suot kong damit matapos masigurong naka-lock na ang pintuan.
Sinimulan kong hugasan ang aking buhok sunod ang damit na hinubad ko. Wala sa sariling napalunok ako ng makitang halos naging kulay pula ang buong likod ng aking puting damit dahil sa dugo. Ang kabuuan ng CR ay nangamoy dugo na rin lalo na ng itapat ko ang aking damit sa gripo. Kinusot ko iyon ng kaunti bago pigain at tumalikod sa harapan ng salamin para abutin naman nag likod kong marami pa ring bakas ng pulang likido.
Nanghihina ang kamay kong pinunasan ang lahat ng aking naaabot at paulit-ulit iyong ginawa hanggang sa makita ko na ang paglitaw ng tunay na kulay ng balat ko. Mas binilisan ko na ang ginagawa pero bago pa ako tuluyang matapos ay nakarinig na ako ng mahihinang pagkatok sa pintuan.
"I'm not finished yet." Sigaw ko sa kumakatok.
"It's me. Open the door."
Awtomatikong nahinto ang mga kamay ko sa pagkusot ng marinig ang parehong lalaking nasa kabilang banda pa rin pala ng pinto.
Kinuha ko ang coat niya sa gilid ng lababo at ibinalot iyon sa aking katawan pagkatapos ay iniawang ng maliit ang pintuan. Nakita ko siyang nakatalikod at bago pa ako makapagtanong ay inangat na niya ang isang paper bag habang iniiwasan pa ring humarap sa akin.
"I don't know your size but I think this will fit you." Aniya sabay galaw ng paper bag.
Napaawang ang labi ko ng mapatitig ulit doon.
"B-Binilhan mo ako ng damit?"
"Yeah, you can wear it if you like unless you still want to wear your bloody shirt."
Marami mang tanong na naglaro sa utak ko pero sa huli ay kinuha ko pa rin ang Ibinigay niya.
"You can look. I'm not naked."
He nodded and turns around to face me.
"I can't let you have my coat. Hindi naman sa madamot ako but I think may dugo rin 'yan." Aniya sabay nguso sa ibabang bahagi ng suot ko.
I swallowed the lump on my throat and nodded at him.
"O-Okay... Thank you. Sandali nalang ako."
Tumango nalang siya imbes na magsalita pa. Sa paglapat ko ng pintuan sa hamba nito ay parang gusto kong magsisi dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Gustohin ko mang unahin iyon ay mas inuna ko nalang ang sarili.
He is right. He doesn't know my size but this sweatshirt fits me so well. Parang mas bumagay pa nga ang damit na ito sa suot kong pantalon kaysa sa suot ko kanina. Ang weird nga lang dahil isang malaking bubuyog ang nakaburda sa damit na pinili niya pero sinuot ko pa rin. Ilang segundo kong tinitigan ang sarili ko sa salamin at habang tumatagal ay nagustohan ko na rin iyon.
"Thank you," Muli kong pasalamat nang makalabas na ako sa banyo. Ibinigay ko sa kanya ang kanyang coat.
"Ikaw na." Sulyap ko sa bathroom pero imbes na sundin ako ay umiling lang siya at inayos ang coat na ibinalik ko.
"Tapos na ako. Hinintay lang kitang matapos."
Nagsimula na siyang maglakad palayo sa banyo kaya sumunod naman ako.
Dahil nauuna siya ay hindi ko na naiwasan ang sariling mapatitig sa malapad at matikas niyang tindig.
Ayaw ko mang aminin sa sarili ko dahil naniniwala akong dapat ay sa panloob tumitingin ang isang tao pero hindi ko rin maipagkakailang ang lalaking ito ay parang lumabas sa isang men's magazine para lang sagipin ako ngayong araw. He's gorgeous. Sa tangkad niya ay parang gusto kong manliit dahil hanggang balikat lamang ako nito.
I wonder if he is a model. Ngayon kasing wala siyang suot na coat ay kitang kita ko ang katamtaman niyang kulay at katawang nagsusumigaw ng kakisigan. He doesn't look like a pure blooded Filipino. Sa tingin ko ay may lahi siyang Greek or something...
Holy smokes!
Tumalon ang puso ko ng huminto siya sa aking harapan! Mabuti nalang at mabilis ang naging paggalaw ng aking mga paa kaya napahinto rin ako't naudlot ang posibilidad ng pagbangga ko sa kanyang mukhang matigas na likod.
"You want something before we leave this place?" He asked while glancing back at forth at me and the register of the Café.
Umiling ako.
"I don't want anything but can I ask you a favor?"
Pakiramdam ko'y sinilaban ang magkabila kong pisngi ng muling tumuon sa akin ang mga matang iyon.
"What is it?"
Oh God! Ilang beses akong napalunok at natahimik dahil damang dama ko ang kahihiyan sa gusto kong hilingin sa kanya ngayon pero dahil wala na akong choice ay kinapalan ko na ang mukha ko.
"P-Pwede mo ba akong ihatid sa sakayan ng taxi? I don't think I still can drive so..."
"Where is your place?"
"Buenavidez-"
"Alright, then. Ihahatid nalang kita." Aniya sabay talikod sa akin at muling paglalakad palayo.
Gusto kong tumanggi dahil alam kong kalabisan na ang gagawin niya at hindi ko pa siya lubusang kilala pero ang puso ko ay iba ang idinidikta!
Parang gusto ko nalang tuloy lumayo sa kanya at kastiguhin ang sarili dahil para akong baliw na tila ngayon lang nakakita ng lalaking katulad niyang alam kong pasok na pasok sa standards ni Zyd! Ang standards na 'yon na papunta na sa langit pero anong magagawa ko? Paano ko nga ba matatanggihan ang mga matang isang titig lang ay napapasunod na ako?
Ilang beses ko pang kinastigo ang aking sarili bago nagkumahog na sundan siya.
"Hindi na! Ihatid mo nalang ako sa sakayan! Sobrang abala na ako sa'yo at isa pa, hindi ko nga alam ni pangalan mo-"
Kusang prumeno ang mga paa ko nang huminto siyang muli para lang harapin ako. Ang kaninang pagpipigil ng pag-iinit ng buo kong mukha ay tuluyang kumawala ng makita ang kanyang pag ngiti.
"Alright. Then let me introduce myself," Pormal niyang sabi dahilan para mas lalong mawindang ang talipandas na bagay sa aking dibdib!
"I-I... I don't-"
"Asher... My name is Asher Miguel."
Nalaglag ang mga mata ko sa kanyang mga kamay na agarang inilahad sa aking harapan. Hindi ako kaagad nakapag-salita. Imbes na sagutin siya at magpakilala ng maayos ay lutang akong napatitig nalang sa kanyang palad.
Tumikhim siya para gisingin ako sa kalutangan.
"This is the time where you will tell me your name because I think that is how introduction works, miss?" Ibinitin niya ang huling salita dahilan para magkumahog akong sumagot.
"K-Karsyn... I-I'm Karsyn..." Tuliro kong sabi at nahihipnotismo nang inabot ang kanyang nakalahad na palad.
"Nice to meet you, Karsyn."
Pinilit kong ibalik ang tingin sa kanyang mukha kahit na alam kong mali iyon dahil alam kong magwawala na naman ang utak ko sa kakapuri kung gaano siya kagwapo! Nagbaba ako ng tingin.
I can't. I just can't. This is not me. Kahit kailan ay hindi ako nagwapuhan sa isang lalaki ng ganito kabilis! God! I feel like I am Zyd right now and I hate it!
"N-Nice to meet you too, Asher... Nice to meet you, Miguel..." Nababaliw kong pag-uulit kahit hindi nakatingin sa kanya.
Nadama ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso ng marinig ang kanyang mahinang pagtawa kasabay ng pagpisil niya sa aking kamay kaya wala sa sariling napapikit ako ng mariin!
What the heck Karsyn! What the freaking heck!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro