CHAPTER 2
CHAPTER TWO
Crosswalk
"Where are you?!" Gulantang na tanong ni Zydney sa kabilang linya na halatang kakagising lamang.
Maaga akong nagising at umalis sa bahay kanina. Gustohin ko man siyang gisingin pero mukha yata talagang pagod na pagod siya kaya nauna nalang ako't hinayaan siyang magpahinga.
It's past twelve pm. Tirik na ang araw pero ang daang tinatahak ko ay walang katapusan.
"Talagang gano'n kalakas dapat ang boses kapag nagtatanong?"
"Karsyn, I'm not even joking. Where are you? Bakit mo ako iniwan!"
Natatawa kong inilapag sa dashboard ang aking cellphone at inilagay siya sa speaker.
"I'm sorry. Sobrang himbing kasi ng tulog mo tsaka sabi mo pagod ka kaya hindi na kita ginising. Besides, babalik rin naman ako mamayang gabi. I'm just driving around-"
"You what?!" Mas lalong lumakas ang boses niyang halos ikabingi ko.
Sinasabi ko na nga bang ganito ang magiging reaksiyon niya. Ilang beses ko mang sabihin sa kanya o maging kay daddy na kaya ko ay hirap pa rin talaga silang paniwalaan. Palibhasa kasi ay nasanay silang bantay sarado ako kahit saan man ako magpunta at ni minsan ay hindi ako nawalan ng kasama.
Simula paglabas ko palang kay Mommy noon ay may body guard na ako gano'n na rin ang mga kapatid ko. Mabuti na nga lang at noong nasa kolehiyo na ako ay pinayagan na rin akong kahit driver nalang ang kasama.
I can drive. Bago ako pumasok sa kolehiyo noon ay tinuruan na ako at kaya ko naman pero hindi ko lang talaga magawa dahil wala silang tiwala sa akin. Or maybe they're just being over protective of me. Naiintindihan ko naman iyon pero gusto ko pa ring subukan, gaya nalang ngayon.
It's nice to drive around the city alone. Hindi man ako bihasa sa pagmamaneho dahil wala akong matagal na experience pero maingat ako. I'm always on the right side of the road because slow moving vehicles should always be on that side.
Gaya na rin ng mga tao sa escalator, sa mga tamad at hindi nagmamadali ay dapat palaging nasa kanang bahagi para bigyang daan ang mga taong maraming ipinaglalaban sa buhay.
Hindi naman siguro masamang sumunod sa mga simpleng patakaran para sa ikasasaayos ng lahat 'di ba?
"I'm driving, Zyd-"
"Where are you exactly? Oh my God, nag-aalala na ako!"
Natatawa akong napailing na parang kaharap ko siya.
"I'm kinda stuck in the traffic but I'm okay."
"And why there's a traffic? Naaksidente ka? What happened?!"
"Zyd, no! Traffic lang talaga kahit saang parte ng Pilipinas at alam mo naman 'yon!"
Of course, every traffic is bad. Hassle at nakakainit ng ulo pero ngayon, I'm actually enjoying it. Kung noon ay isinusumpa ko ang traffic kapag nale-late ako sa klase at sa duty ay ngayon nama'y nagbubunyi ang puso ko.
I realized that there's so much beauty with getting stuck and moving slow. Sa mabagal mong pag-usad ay mas nakikita at napapanuod mo ang bawat paggalaw ng mga bagay at tao.
Simula sa mga taong naiinitan at nauusukan habang naghihintay ng masasakyan patungo sa trabaho hanggang sa mga nagmamadali at nagtitiis nalang na makipag-siksikan sa punong puno nang bus huwag lang mahuli sa kung saan man patungo.
Sa bawat mabagal na pag-usad ng aking sasakyan habang pinanunuod ang mga taong nasa labas ay naisip kong napakabilis ng buhay.
Halos lahat sa atin ay nagmamadali na tila mauubusan na ng oras but I can't blame them. Kasi kung tutuusin ay dapat naman gano'n 'di ba? Dapat may oras tayong magmadali dahil maiksi lang ang buhay pero nagiging mali iyon kung pagmamadali nalang ang lahat ng nasa utak natin.
We should also learn how to take things slow. Lahat ng bagay ay may tamang oras at eksaktong pagkakataon.
Gaya ko, kung noon ay nagmamadali akong makatapos at makamit ang mga pangarap ko... Ngayon naman ay mas gusto kong namnamin muna ang lahat ng kung anong meron ako. I want to slowly manuever my life towards my undefined happiness. Nang sa gayon ay wala akong makaligtaan sa mga detalyeng babaunin ko hanggang dulo.
I want to take things slowly but surely and with precaution.
"Just tell me where you are, okay? Pupuntahan kita."
"Zyd, I'm fine. I'll meet you later, okay? Hintayin mo ako, Bye!" Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makasagot sa akin para hindi na humaba pa ang usapan.
Sa pagkawala niya ay nag text nalang akong huwag nang mag-alala kahit na alam ko namang hindi niya ako susundin.
I know ZF more than she think she know herself. Simula pagkabata ay kami na ang naging malapit sa isa't-isa dahil bukod sa dikit ang aming mga pamilya ay hindi rin nagkakalayo ang agwat ng aming edad. We are only five months apart at kaming dalawa lang ang tanging babae sa aming pamilya. She's an only child samantalang ako naman ay nagkaroon ng dalawang kapatid na lalaki ngunit madali ring binawi sa amin and that leads me to being an only child just like her.
Both families labeled us as the miracle babies. Ako, dahil nakahabol pa ako kay Mommy noon bago siya mag-menopause at siya naman dahil limang beses nang nakunan noon si Tita Carmen bago siya nabuo.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay iniliko ang sasakyan sa paparating na exit para kumawala na sa traffic. I don't exacly know where I am going but it doesn't matter. Ang mahalaga ngayon sa akin ay ang kasiyahan ko sa ginagawa.
Sinulyapan ko ang aking repleksiyon sa rear view mirror at pagkatapos ay buong pusong ngumiti.
Simula sa araw na ito ay pag-aaralan kong tumayo sa sarili kong mga paa. I want to see an independent version of me. Iyon bang gaya ng mga matatatag na babae sa lipunan na walang inasahan kung hindi ang kanilang mga sarili.
I want myself to finally say that behind a successful woman is herself and nothing else because everyone should always learn not to depend on others. Sa huli ay mas kailangan nating pagtiwalaan ang ating mga sarili dahil kahit ano pa man ang sabihin ng iba ay tayo at tayo pa rin ang unang makakatulong sa atin.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. I didn't stop the car kahit na may nadaanan akong mga mamahaling shop na noon ay paborito naming puntahan ni Zyd.
Patuloy kong sinuyod ang kahabaan ng kalsada at um-order lang ng pagkain sa isang drive through kaya naman nang medyo humupa na ang init ay nagpasya na akong pumunta sa Parissiene para doon naman maglakad-lakad gaya ng mga normal na tao.
Hindi ko maiwasang matawa at mapailing habang naiisip ko ang mga bagay na nasa aking utak.
I am a normal human being. Wala namang mali sa akin pero dahil sa estado ng buhay kong hawak ang lahat at madaling makontrol ang isang bagay dahil sa perang pinaghirapan ng mga magulang ko ay tingin ko'y iba ako sa karamihan.
I'm pretty sure that the country has tons of millionaires and even billionaires pero mas marami pa rin ang mga simple lang at kuntento na sa buhay na ibinigay sa kanila.
Some of the poor people remains poor not because they are being consistent but because they don't have enough knowledge on how to make their life easier. On the other hand, some rich gets even richer because they know how to play with their wealth.
Kaya kung minsan ay nakakabaliw nalang ang mind set ng iba na ang tingin sa ibang mayayaman ay masama. In my opinion, nagiging masama lang naman ang lahat kung galing sa mali ang pinagkukunan ng kayamanan pero kung dugo't pawis naman ang naging puhunan ng mga ito ay walang mali.
But then again, I am just hungry. Gutom lang siguro ako kaya marami na naman akong naiisip!
Ipinilig ko ang aking ulo at ipinasada ang tingin sa mga taong masayang nagpaparoo't-parito patungo sa loob ng pinaka-malaking mall sa lugar.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil kahit na hindi na ako bata ay kinakabahan pa rin akong mag-isa. I'm blaming my father for this.
Kung hindi niya sana ako ginawang prinsesa ay baka hindi ako nahihirapang isipin ang bagay na normal lang naman!
Kumawala ang malalim kong buntong hinga nang mapatitig ako sa crosswalk.
This is one of the things that I truly truly hate. Hindi ako marunong tumawid sa tawiran kahit na may mga kasabay naman ako ngayon. Halos buong buhay ko kasi ay palagi akong pinalilibutan ng mga tauhan ni Daddy kaya ngayong walang magpo-protekta sa akin sa mga sasakyan ay pakiramdam ko'y balewala ang talino ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.
I feel so dumb just by thinking about it! It's just a freaking crosswalk! Ano bang dapat kong katakutan?! I mean aside sa pwede akong mabangga at mamatay ay wala naman 'di ba? Oh God! I'm overreacting!
Ipinilig ko ang aking ulo at sinimulan nalang ihakbang ang aking mga paa patungo sa crosswalk, sa gitna ng mga tao upang makisabay sa kanilang pagtawid kahit na ilang beses akong pinigilan ng utak ko!
Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang magsihinto sila matapos makatawid sa paunang lane at bigyang daan ang mga sasakyan sa kabila.
Yumuko ako at hinintay silang magpatuloy kaya naman nang tuluyan na kaming tumawid ulit at makatapak na ang mga paa ko sa kabilang banda ay parang gusto kong tawagan kaagad si Zydney at magyabang sa nagawa pero imbes na iyon ang gawin ay binilisan ko nalang ang aking mga hakbang patungo sa loob ng mall.
Ilang oras akong nagpaikot-ikot doon para maghanap ng mura at hindi ko pa nakakainang restaurant kaya nang makahanap ako ay nag take-out na ako kaagad.
Walang tigil ang naging pagpalakpak ng utak ko ng marinig ang salitang one hundred fifty pesos para sa mga pagkaing binili ko dahil murang mura na iyon at marami pa!
Hindi naman sa nagtitipid ako pero gusto ko kasing gumastos ng perang pinaghirapan ko pero dahil wala pa naman akong source of income ngayon ay tinitipid ko ang natirang allowance ko nitong mga nakaraan.
Ang mga credit card ko rin ay iniwan ko na sa bahay dahil wala na talaga akong balak na gamitin ang mga iyon. Kung alam lang ni Daddy ang plano kong maging independent ay sigurado kong matutuwa iyon pero hindi rin ako sasang-ayunan sa desisyon kong tipirin ang sarili.
"Thank you!" Masayang pasalamat ko sa lalaking nag-abot ng aking order pagkatapos ay muli nang lumabas sa mall para maglakad-lakad ng kaunti bago umuwi.
Inilabas ko ang camerang ibinigay ni Zydney sa akin kagabi at wala nang pakialam na binuksan iyon at itinutok sa aking mukha.
"Hi, Zyd!" Inangat ko ang aking hawak na take out at ipinakita ito sa camera, wala nang kiber kung may nag-iisip sa akin ng kung ano dahil sa kabaliwang ginagawa ko ngayon.
"I just bought my first take out and look!" Inalis ko sa aking mukha ang camera at itinutok naman iyon sa harapan ko kung saan nakabalandra ang mga mamahaling shop na palagi naming pinupuntahan noon.
"I'm at the mall. Wala akong kasama. Mag-isa lang ako ngayon. Mag-isa..." Madiin at proud kong sabi at nawi-weirduhan sa sariling ibinalik sa mukha ang camera. "You should be proud of me..."
Nagsimula akong maglakad at hindi na tinanggal ang hawak sa pagtutok sa akin habang nagsasalita ng mga walang ka-kwenta kwentang bagay.
This is what vloggers do right? You talk endless just to entertain your viewers pero dahil para lang naman kay Zyd ito ay kung ano ano na ang mga pagyayabang na sinabi ko. Para akong baliw na natatawa habang nagkukwento at kahit na marami ang napatingin sa akin ay hindi man lang ako natinag.
Pakiramdam ko ay hindi na ako ang sarili ko. I hate talking to someone over the phone at hindi ko akalain ngayon na magagawa kong makipag-usap at magkwento pa sa camerang hawak ko kahit na wala namang kasalukuyang m nakikinig!
"This is the hardest part of this trip," Muli ay ipinakita ko ang crosswalk na di gaya kanina na maraming tao, ngayon naman ay wala nang tumatawid.
Pababa na rin ang araw at sa parteng ito ay wala masyadong nagagawi kaya naramdam ko ulit ang pamumuo ng kaba sa aking puso.
"Tatawid ako..." Inangat ko ang camera at itinutok naman sa sign kung saan hinihintay ko nalang ang hudyat na pwede na akong tumawid. "Alam kong naiinggit ka na naman sa akin ngayon pero huwag kang mag-alala. I'll teach you how to do this someday para may ika-proud naman ako sa'yo."
Napayuko ako at nahihiyang ibinalik sa akin ang focus ng hawak ng makita ko ang isang buntis na nakahinto at naghihintay rin sa tawirang nasa kabilang banda ng kinaroroonan ko. Nahihiya akong napangiti ng tipid niya akong ngitian.
"Now Zyd, hindi pandadaya 'to ha? Wala naman siya sa lane ko kaya ako pa rin ang tatawid para sa sarili ko. Ready ka na ba?"
Sinulyapan ko ang paubos na oras doon at wala nang hiyang itinaas muli ang camera nang maubos ito. Nagsihintuan ang mga sasakyang nasa gawi ko kaya tumawid na ako.
Pakiramdam ko'y bumabagal ang oras sa bawat hakbang ko kaya natatawa akong umikot.
"Zyd, I'm doing it! Tumatawid na ako kahit para akong tanga habang kausap ka kahit na hindi ko naman alam kung kailan mo 'to mapapanuod! I bet you're now jealous! See? Kaya ko! Kaya ko!"
Marahan at mabagal akong nagpaikot-ikot kahit na sigurado akong pinagtatawanan na ako ng mga taong nasa loob ng mga kotseng nasa aking harapan.
"I can't wait for you to see this, Zyd!"
Lumawak ang ngiti ko nang maharap ang aking camera sa gawi ng buntis na babaeng tumatawid.
Nahagip ng hawak ko ang pag ngiti niya't pagkaway rito pero ang lahat ng kasiyahang nararamdaman ko ay mabilis na hinablot sa akin dahil sa pagsulpot ng isang rumaragasang van na mabilis na umararo sa lane ng babaeng nakisama sa aking vlog!
Isang nakakabinging pagsalpok ang dumaloy sa aking tenga kasabay ng pagkawala ng babae at ang pagtalsik ng dugo nito sa akin hanggang sa kabuuan ng kanina'y malinis na kalsada!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro