HALOREADS: CHAPTER 10
CHAPTER TEN
Mr. Wrong
Hindi ko alam kung paano, bakit, paano, bakit at kung paano at bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon!
Ang utak ko ay walang humpay akong pinapagalitan habang naririnig ang mga magulang ni Asher na nagdidiskusyon sa kung ano ang nagawa ng kanilang anak sa akin!
This is wrong in so many levels! Ilang beses ko nang tinangka na bawiin sa kanya ang mga sinabi ko pero imbes na pakinggan ako ng mommy ni Asher sa pagpapaliwanag kanina ay dinala ako nito sa loob ng resort na hindi ko na naisip na mapapasok ko pa! I'm now in their living room!
"William, this is serious! What should we do now?!"
Napapikit ako ng mariin at iniwas ang tingin sa mag-asawang kahit nasa may balconahe ay rinig ko pa rin ang mga pinag-uusapan. I can't believe that I just did that! Na naging dahilan ako ng lahat ng gulong ito!
"Let your son deal with this, Isabella. Wala na tayong magagawa kung nandiyan na 'yan."
"William, he just started handling our businesses and he is still too young to have a child! Kaya ba gusto niyang magpahinga muna sa ngayon dahil diyan? Ano bang nagawa ko at ganito ang isinukli sa akin ng anak mo?!"
Muli kong nakurot ang aking sarili ng makita ang pagyakap ng lalaki sa Mommy ni Asher. Pero hindi gaya kanina na para maiyak ako, ngayon ay sinasaktan ko na ang sarili ko dahil deserve kong masaktan sa nagawa ko.
"Where is he? Call him right now, William!" Napayuko ako ng marinig iyon.
Kung kanina ay alam ko pa ang pakay ko at pwedeng sabihin kay Asher kapag nagkita na kami, ngayon naman ay parang wala nang gusto pang lumabas sa aking bibig.
Nanatili akong nakayuko pero dahil sa pagsidatingan ng mga kasambahay para bigyan ako ng pagkain at juice ay naobliga akong sulyapan sila at pansinin.
"S-Salamat po." Sabi ko sa huli at pagkatapos ay muli nang pinagalitan ang sarili.
Kung kanina ay malinaw ang plano kong pagpasok rito kahit na anong mangyari, ngayon naman ay nagsisimula na akong mag plano kung paano makakaalis bago pa mas lumala ang sitwasyon.
Napatayo ako ng makita ang pagpasok ng mag asawa pabalik sa aking gawi.
"S-Sorry po-"
"It's okay, Hija." The guy interjects. "I'm sorry if our people were hard on you," Binalingan ng lalaki ang asawa na tipid na ang kilos ngayon ngunit naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata sa pag-aakalang nabuntis nga ako ni Asher.
Wala sa sariling napalunok ako sa naisip. Parang gusto kong haplusin ang aking buong katawan dahil sa pananayo ng aking mga balahibo dahil doon! Like seriously?! Hindi ko balak kabugin si Mama Mary sa kabaliwan ko! Kung bakit ba kasi nakita ko pa iyong buntis kanina sa kainan! Ayan tuloy at kung ano ano ang naisip ko!
"Alma, where is Asher? Tinawag mo na ba?" Maawtoridad nitong tanong sa kasambahay na dumating upang ibaba sa lamesa ang pagkaing dala.
Last supper ko na ba ito? Parang gusto ko tuloy sabihing bata pa rin ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay!
"Opo, Sir William. Papunta na po."
Napaupo ako bigla dahil sa sinabi ng babae kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Madali kong kinuha ang isang baso ng tubig sa lamesa at tuloy tuloy iyong ininom!
"Good, pakipuntahan ulit at sabihing dalian at may lakad pa ako."
"William," Maagap na hinawakan ng ginang ang braso ng asawa. "Kausapin mo ang anak mo. Ipagpaliban mo muna 'yang meeting." Nahihiya niyang inilayo ulit ang ginang sa akin at pagkatapos ay iginiya ito sa kung saan sila nag-usap kanina.
Sa muling pagtahimik ng gawi ko ay mas lalo kong narinig ang pagtatakbuhan ng mga kung ano sa loob ng aking dibdib! Nagsalin ako ng panibagong tubig sa basong ininuman ko dahil sa pag-iisip na papunta na ngayon si Asher dito!
Napapitlag ako ng makarinig ng mga yapak pero ang lahat ng kaba ko ay kusang napawi ng makita ang pagsulpot ng panibagong kasambahay. Dali-dali akong tumayo at sinalubong siya para tulungan sa mga hawak na pagkain at magpaalam na rin.
"Ako na po." Iniwas niya ang hawak na tray kaya wala akong nagawa.
"Pwede po bang maki-cr? Saan po rito?" Hindi ko na alam kung paano pa lulusutan ito pero sa ngayon ay kailangan ko na munang huminga at mag-isip kahit papaano bago pa dumating si Asher.
Inilapag niya ang pagkain sa coffee table at pagkatapos ay binalingan ako't nginitian.
"Halika." Masaya niyang sabi bago ako pasundin sa kanya.
Sinulyapan ko ang mag-asawa pero mukhang seryoso pa rin ang kanilang pagdidiskusyon kaya sumunod nalang ako sa babae.
Kahit na wala sa plano kong maghilamos ay ginawa ko pa rin dahil kailangan kong mahimasmasan sa lahat ng kalokohang ito!
"Anong kabaliwan ba kasi ito, Karsyn? Baliw ka talaga!" Napapikit ako.
Kung kasama ko ngayon si Zydney ay hindi ko 'to magagawa. Hindi ako makakagawa ng ganito kalaking bagay!
Nang mainip na ako sa pagiging trying hard sa pag-iisip ay lumabas na rin ako. Hindi man matibay ang loob ko ngayon at hindi pa man ako handa sa pagkikitang ito pero wala na akong magagawa. Kailangan kong linawin ang lahat at magpaumanhin sa kanilang pamilya lalong lalo na kay Asher.
I need to be honest with them. Bahala na.
Rinig ko ang mabigat at mabilis pa ring tibok ng aking puso habang pabalik ako sa tila pinangyayarihan ngayon ng krimen.
Naririnig ko ang mga nag-uusap na boses nang mag-asawa pero nang maulinigan ko ang pamilyar na boses na iyon ay marahas akong napahinto!
"I don't know, Dad! I don't have any idea who that girl is!" Pangangatwiran niya sa mga magulang.
Hindi niya ako kilala? Kung sabagay, dahil sa pagkataranta ng kanyang ina kanina ay hindi na nito naitanong maski ang pangalan ko.
"Don't you dare lie to us, Asher Miguel! Siguro sa sobrang kalasingan mo kaya hindi mo na naalala kung sino! Kaka-party mo 'yan!"
"Mom! I'm innocent, I swear!" Giit niya sa siguradong tono.
"Are you sure with that, Asher?! Sige nga! Tell it straight to my face! Sabihin mong hindi mo pa nagagawa 'yon! Sabihin mong hindi ka pa engage sa premarital sex."
Tumigil sa pagsagot ni Asher kaya mas lalo akong natigilan.
"Ano?! Tell me!"
"I can't." Maya maya'y pag-amin niya sa ina.
"Well congratulations! You are now a father!"
"Isabella, that's absurd!"
"William, kakakunsinti mo 'yan kaya ngayon magkaka-apo ka na!"
May narinig pa akong boses ng babaeng hindi ko naman narinig kanina. Sa kabila ng kaduwagang nag-uudyok sa aking tumakbo nalang palayo rito ay taliwas ang ginawa ko.
Buong tapang akong naglakad pabalik sa gawi nila para matapos na. Wala na akong pakialam kung ano ang sunod na mangyayari pero isa lang ang sigurado, tatapusin ko na at manghihingi nalang ako ng tawad sa mga nagawa ko at kung ipapakulong man nila ako dahil sa eskandalong ito ay bahala na. I probably deserve it. Paninirang puri ito sa kanilang anak at tatanggapin ko ang parusa ng batas maging ang parusa ni Daddy sa akin.
Natigil ang lahat ng kumosyon nang tuluyan na akong makabalik. Unang nagtama ang mga mata namin ng mag-asawa dahil nakatalikod si Asher at ang katabi nitong babae kaya naman nang siya na ang pumihit sa gawi ko ay para na akong nalagutan ng hininga!
Well hello there, Asher Miguel!
I swallowed the bile on my throat when those dark eyes bore into mine! Ang kalituhan sa kanyang mukha ang unang bumalandra pero wala akong nakitang galit doon. Parang habang nakatitig siya sa akin ay inaalala lang niya kung saan at kung paano ko siya nakilala at kung paano humantong sa ganito ang lahat.
Marahas ang pagwawala ng aking puso. Maging ang aking tiyan ay parang umiikot na rin sa kaba kasabay ng panghihina ng aking mga tuhod at buong pagkatao!
Huminto ako nang sapat na akong makalapit sa pamilya. Huminga ako ng malalim at nilunok ang lahat ng takot pero bago pa ako makapagsalita ay nakita ko na ang panlalaki ng mga mata ng babaeng katabi ni Asher.
"Oh my God! It's you!" Hiyaw nito dahilan para mabaling sa kanya ang mata ng lahat maliban kay Asher na nanatiling nakatitig sa akin ng madiin.
Agad akong nag-iwas ng tingin kay Asher dahil parang hinihigop niya ang lahat ng hangin sa aking baga gawa ng paraan ng kanyang pagtitig!
Holy mother of hopes, Karsyn! It's really him! Narito na ngayon ang hinahanap mo!
Pinilit kong ngitian ang babaeng ngayon ay masaya nang lumapit sa akin sa hindi malamang dahilan.
Hindi ko na kailangan pang makipagtalo sa utak ko dahil halatang halata naman sa mukha niyang kapatid ito ni Asher. Maliban sa singkit nitong mata ay wala na silang pinagkaiba ng kanyang kuya. She is gorgeous like him and her parents!
"It's you! It's Karsyn!" Excited niyang hinarap ang mga magulang. "Mommy, are you sure na tama ang narinig mong buntis siya at hindi dahil sa isang buntis kaya sila nagtagpo ni Kuya?"
Napaawang ang aking bibig sa sinabi ng kanyang kapatid. Pinagdiin ko ang mga iyon ng sulyapan niya ako sandali pagkatapos ay muling binalingan ang mga magulang.
Nakita ko ang pagsasalubong ng makakapal na kilay ni Asher sa napagtanto. He doesn't look happy now that he finally figure out who am I. Parang mas malala pa ang sitwasyong ito kaysa sa nabuntis niya ako!
Napapitlag ako ng hilahin pa ako ng magandang babae palapit sa tatlo.
"She is the girl that I'm talking about! Kuya saves her from death! Siya iyon at may buntis na involved sa unang pagkikita nila!" Sigurado niyang pahayag.
Tulirong bumalik ang mga mata ng mag-asawa sa akin.
"S-So you're not pregnant?" Tanong ng kanilang ama.
Binitiwan naman ng babae ang asawa at humakbang palapit sa akin.
"Oh please tell me that you are not pregnant, hija?!"
Kahit na buhol-buhol ang utak ko ay matino ko pa ring nasagot ang kanilang tanong dahil para akong tinulungan ng maraming anghel sa sitwasyong ito!
"H-Hindi po... I'm sorry po."
Nakita ko ang agarang paghinga ng maluwag ng kanilang ina at ang pagbaling kay Asher na ngayon ay madilim pa ring nakatitig sa akin.
"I'm sorry..." Nilapitan nila si Asher samantalang ako naman ay naiwan sa kapatid nitong kinuha nang muli ang aking atensiyon.
"It's you, right? I'm a fan!" Masaya niyang sabi na hindi ko alam kung paano sasagutin.
"I-I'm sorry-"
"I'm Navaeh, Ate KF and you don't have to apologize. Alam kong hinahanap mo si Kuya." Aniyang mahina na ang mga huling ibinulong.
Nahihiya akong tumango sa kanya pero bago pa siya makapagsalita ulit ay bumalik na ang aming atensiyon sa kanyang mga magulang.
"Navaeh, halika na muna. Hayaan na muna nating mag-usap ang dalawa," Anang kanilang ina pagkatapos ay lumapit sa akin. "I'm sorry if I overreacted, Hija."
"Hindi po. Sorry po kung nakagulo ako ngayong araw."
Agad siyang umiling.
"Hindi, ang mabuti pa'y dito ka nalang maghapunan-"
"Naku, hindi na po-"
"I insist, please?"
Naitikom ko ang aking bibig at wala sa sariling napalingon kay Asher na ngayon ay nakahalukipkip na. Iniwan ko ang tingin sa kanya at ibinalik sa kanyang ina. Lumawak ang ngiti nito ng pumayag ako sa anyaya niya at pagkaraa'y iniwan na rin ako sa anak.
Imbes na balingan kaagad si Asher ay binigyan ko ang sarili ko ng kaunting oras para makahinga pagkatapos ng nangyari! Muli akong nilingon ni Navaeh at nginitian.
Nakagat ko ang aking labi ng dahan dahan ko nang nilingon si Asher. I'm not really into saying bad words pero sa pagkakataong ito ay parang gusto kong magmura ng slight lalo na't ngayon na ang tamang oras para sa pagtutuos naming dalawa ng seryosong lalaking titig palang nakakapanghina na ng loob.
Umiling siya at binuwal ang mga kamay sa kanyang harapan bago imwestra ang couch.
Lutang ko siyang sinunod. Sabay kaming kaming naupo ng magkaharap. Napalunok ako ng makita ang pagsandal niya at muling pagtitig sa akin. Wala siyang sinasabi at wala rin akong masabi kaya namatay ang ilang minutong lumipas sa pagitan naming dalawa.
Nang gumalaw siya ay doon lang ako natauhan sa ilang minutong pananahimik! Natataranta akong napatuwid ng upo.
"I-I'm sorry, Asher..." Panimula ko.
Humugot siya ng isang malalim na paghinga at umiling.
"Why are you here?" Aniya sa malamig na tonong ramdam pati ng aking kaluluwa.
"I... I don't know."
Inilagay niya ang kanyang siko sa arm rest para mailagay ang palad sa kanyang baba at mga daliri sa bibig.
Tumikhim ako at tinanggal muli ang bara sa aking lalamunan. Nakaka-intimidate man ang aura niyang seryoso ngayon na malayo sa una naming pagkikita pero hindi ako nagpatalo. Narito nalang rin ako, gagawin ko na ang dapat kong gawin.
"I just want to thank you again for saving my life. Alam kong hindi mo naman na siguro kailangan 'yon but I still want to do it anyway-"
"Really? Or you're just doing it now for fame?"
Napakurap-kurap ako ng bumaba ang kanyang seryosong mga mata patungo sa bagay na nakasabit sa aking leeg.
"H-Hindi!"
Umiling siya ulit.
"Do you have any idea how you made my life so fucking messy right now?"
Napaawang ang bibig ko't tuluyan nang natulala sa kanya.
"I don't ask for your gratitude, KF or Karsyn," Pinilit kong itikom ang aking bibig dahil ramdam ko ang talas ng kanyang mga salitang tila may malaking galit sa akin ngayon na hindi ko lubos maintindihan.
"Ginulo mo 'yung tahimik kong buhay. Now I can't even go to the mall without people taking pictures of me and shit."
Holy mother of hopes!
"At hanggang dito, kahit dito sa probinsiya daig ko pang artista dahil sa ginawa mo."
"I-I'm sorry."
"Sige nga sabihin mo ngayon, ano ba talagang plano mo? Tell me what do you want para matigil na lahat ng kabaliwang ito."
Hindi ako tanga at ayaw kong maging tanga sa harapan niya. Ang sinabi ko sa taong wala akong hiling sa pagkikitang ito kung hindi ang pasalamatan siya ay gagawin ko at iyon lang. Kung ano man ang iniisip niya sa akin ngayon ay ayaw ko nang pasukin.
"I don't want anything from you. I just want to thank you at kung alam ko lang na may galit ka pala sa akin dahil sa nangyari sana hindi na kita hinanap. I'm sorry, Asher. I'm sorry if I ruined your life." Pinilit kong ngumiti kahit na ang totoo ay naapektuhan ako dahil sa galit niya.
Naiintindihan ko naman kung ganito. Gaya ko ay alam kong nagbago na rin ang buhay niya sa pag trending ng video na iyon pero anong magagawa ko? I have no control over that at kung meron lang sana ay ginawa ko na.
Sarkastiko siyang tumawa at hindi inintindi ang sinabi ko.
"Come on, tell me what you want? Gusto mo bang tulungan kitang sabihin sa mga followers mo na nagkita na tayo at magiging tayo na? That we will live happily ever after?"
I feel offended not by his word but by his tone. Ang boses na puno nang pangmamaliit na dala ng galit dahil sa nagawa kong ito. Kung akala niya'y biktima siya ng sitwasyon ay tama siya pero kung akala niyang siya lang, pwes doon siya nagkakamali. Ako rin. Biktima rin ako ng sirkumstansiya pero natutunan kong tanggapin at gawing positibo ang nangyari.
Imbes na patulan siya ay taas noo akong tumayo sa aking kinauupuan. Inayos ko ang camera sa aking leeg bago siya sagutin.
"No. Kung sana finollow mo rin ako, malalaman mong wala 'yan sa plano ko. I'm sorry for making your life miserable, Asher. Hindi ko ginusto lahat at kung akala mong may inaasahan ako sa'yo, nagkakamali ka," Hindi ko pinansin ang kasambahay na lumapit sa amin para siguro tawagin na kami sa pagkain. Imbes kasi na intindihin siya ay mas tumindig ako ng ayos habang pilit na nilalabanan ang titig ng lalaking kausap ko.
"But thank you... Thank you pa rin sa pagsalba mo sa buhay ko. Nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo. Hindi ka pala mabait at perpekto gaya ng akala ko pero wala naman na iyong silbi. Ayaw ko na rin namang makipag-kaibigan sa'yo o kahit ano kaya salamat nalang talaga." Napatuwid siya ng upo ng maglakad ako pero hindi ko na siya pinansin.
Nagmamadali kong nilapitan ang kasambahay na nagulat sa narinig sa amin.
"Hi, pwede po bang pakisabi nalang sa mga Tan na hindi na ako makakasama sa pagkain ngayon? May emergency po kasi akong kailangang puntahan..." Pinagdiin ko ang aking labi pero imbes na sagutin niya ako ay lumihis lang ang tingin niya sa aking likuran kaya hinawakan ko na ang kamay niya.
"Pakisabi nalang na salamat sa imbitasyon. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala ring sumalba sa buhay ko. Sa buhay ng babaeng walang alam sa mundo. Salamat nalang pero kailangan ko na pong umalis, pasensiya na po." Binitiwan ko ang kamay niya at nagmamadali nang umalis.
"Miss Karsyn!"
Natataranta niyang tawag pero hindi ko na siya nilingon pa. Maging ang lalaking tumayo ay hindi ko na rin sinulyapan. Dire-diretso akong naglakad palayo hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng kanilang bahay.
Mabigat man at malungkot isipin na ganito lang ang kinalabasan ng lahat ng paghihirap ko pero wala akong magagawa. Alam kong marami akong madi-disappoint, kahit nga ako disappointed rin.
Tuloy tuloy ako sa paglalakad at huminto lang para muling magpaumanhin sa mga gwardiyang naistorbo ko kanina bago muling bumalik sa aking sasakyan. Madilim na sa lugar ngunit hindi ko iyon ininda.
Bigo akong napabuntong hinga nang tuluyan na akong makasakay sa aking sasakyan.
Tinanggal ko sa aking leeg ang camera at binuksan iyon pero dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay hindi ako kaagad nakapagsalita.
Mali ako. Maling mali sa ginawa at mali sa isiping mabait siya at perpekto dahil kabaliktaran ang nakilala kong Asher ngayon kumpara sa lalaking sumalba sa akin sa kamatayan noon.
Siguro nga kasalanan ko pero dapat naman sigurong sabihin niya iyon ng maayos sa akin at huwag akong pag-isipan ng masama.
Isinuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok bago pagod na ngumiti sa camera.
"Gabi na guys and I'm sorry to say..." I paused.
Naisip ko ang ilang milyong taong umaasa sa pagkikita namin ng kanilang Mr. Right na hindi naman right. Sigurado akong magiging brokenhearted sila kapag ikinwento ko ang lahat ng mga nangyari ngayon kaya imbes na iyon ang isalaysay ay nagsinungaling nalang ako.
Itinutok ko sa resort ang camera.
"Hindi ako nakapasok... Masyadong mahigpit doon at nahuli nila ako kaya sorry. I'm sorry," Ibinalik ko sa aking harapan ang camera at pagkatapos ay buong pusong ngumiti sa gitna ng pagod at lungkot.
"Pero hindi bale! May bukas pa! Maraming marami pa at hindi tayo susuko." Pagpapatuloy ko kahit na pinapagalitan ako ng konsensiya ko dahil sa pagsisinungaling.
Siguro nga hindi naman lahat ng pagsisinungaling ay masama. Kung sa pagsisinungaling ay marami kang maiiwasang malungkot, siguro ay tama lang pero hindi ko naman sinasabing ipagpapatuloy ko ang ganito. Sa ngayon ay ayaw ko lang silang biglain. That's why we lie, right? Because we don't want to hurt people.
Siguro makakalimutan rin naman nila si Asher balang araw kapag natabunan na ng iba ko pang videos ang nagpasikat sa lahat ng ito.
"Hindi tayo susuko. Hahanapin pa rin natin si Asher... Sana nga mahanap pa natin si Mr. Right..." Bulong kong puno ng pag-asa kahit na alam kong malabo na iyon.
I already met him... I've come face to face with Asher and clearly, he is not Mr. Right... He isn't and he will never be.
-----
THIS STORY WILL BE MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS.
SEE YOU THERE LOVES!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro