Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

CHAPTER ONE

KF Rivas Sy

"Are you really sure about quitting med school?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Zydney sa akin habang inaayos ko ang aking mga gamit na ilang taon ko ring iningatan para sa pangarap kong maging isang ganap na surgeon.

I mean, sino nga ba kasing may matinong pag-iisip na tatalikuran ang lahat ng pangarap at pinaghirapan nang basta na lang?

Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang kabuuan ng aking desisyon sa paraang matatanggap niya.

Imbes na pahabain ang usapan ay tumango na lang ako bago isilid ang mga librong mga nagamit ko sa ilang taong pag-aaral sa kolehiyo.

"But why? I don't understand, Karsyn... You're the brightest in your class. Ikaw ang may pinaka-potential na unang maging surgeon sa batch niyo. Everyone is rooting for you and-"

"Zyd..."

Isinara ko ang kahon pagkatapos ng mga huling librong inilagay ko sa loob bago siya harapin.

Hindi ko naiwasang mapalunok ng mabanaag ang panghihinayang na nakapaloob sa kanyang mga mata.

"I'm okay..."

"Is this because of Katie?" Tukoy niya sa sanggol na anak ng malayo naming kamag-anak.

Umiling ako at pagkatapos ay inangat ang box sa aking kama bago niyakap at dalhin ito sa isang gilid kung saan naroon ang ilan pang mga box na naayos na namin kanina.

"Karsyn, it's just an accident. Wala namang may gustong mangyari ang sunog-"

Sa muli kong pagharap ay nahinto siya sa pagsasalita. Heto na naman kami. It's been two weeks since she's been trying to drag me out of my decision. Isang buwan na rin simula noong sinabi ko sa kanya ang desisyon kong ihinto ang pag-aaral at magpahinga na muna pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang mga plano ko.

Maingat akong bumalik sa kama upang tabihan siya.

"This is not about Katie or the accident. My decision has nothing to do with her death or even with my brother's death. Maging ang kay Mommy... Zyd, ito lang talaga ang plano ko sa ngayon."

"A plan to ruin your life?"

Kahit na walang nakakatawa sa sinabi niya ay kumawala ang tawa ko.

"You're being too negative. I'm not ruining my life." Binitiwan ko ang pagtitig sa kanya at hinayaan ang katawan kong bumagsak pahiga sa kama.

"I... I just want to live a more meaningful life. I just want it to be simple. Simpleng kasiyahan lang and I know this decision is just the beginning of it." Makahulugan kong sambit.

"Anong sabi ni Tito Menardo?"

"You know that Dad has been convincing me to change my career since day one and he's actually happy that I'm not pursuing it anymore."

"But that just mean one thing, right? So sa corporate world pa rin ang bagsak mo kung gano'n?"

"No. Never." Nakangisi kong sambit.

I get it. Mahirap nga talagang paniwalaan na susukuan ko ang pinaghirapan ko ng ilang taon pero anong magagawa ko? I want to live a new life. Hindi man literal na mababago ang lahat sa isang iglap pero gusto kong may magbago sa aking mga nakasanayan alinsunod sa kasiyahan ko.

I'm craving for more and I will never find it in the corporate world. Kahit na pakiramdam ko ay nasa akin naman na ang lahat ay kulang na kulang pa rin. Pakiramdam ko ay hindi ko pa rin natatagpuan kung ano ang misyon ko sa buhay na ito. I want to seek for my purpose. I want to be someone who I wanted to be... Kahit na sa puntong ito ay hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa maiksing buhay na ito.

Siguro nga totoong ang oras ay kayang baguhin ang lahat dahil kung hindi ay sana'y hindi ako dumating sa puntong ito.

Umalog ang kama ng gawin niya ang ginawa ko kaya naman nang makaayos siya sa aking tabi ay awtomatikong lumihis ang aking mukha para titigan siya.

"I know you are still thinking about what I'm thinking right now."

"Zyd, I'm fine. I'm okay."

Sumusuko siyang bumuntong hinga at nag iwas na lang ng tingin sa akin. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay sa ceiling na ngayon nakatingin habang naroon pa rin ang malalim na pag-iisip.

"Really..." Dagdag kong muling nagpabuntong-hinga sa kanya.

Inangat ko ang aking kamay at seryosong inilapat ang aking hintuturo sa kanyang pisngi bago tinusok tusok iyon.

"Alright... Maybe you are right about Katie. Siguro nga dahil sa kanya kung bakit ako humantong sa ganitong desisyon," Hindi siya sumagot o gumalaw kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita at pagsundot sa pisngi ng aking pinsan. "Pero hindi lang naman iyon..."

Nakita ko ang pag nguso niya't pagpikit. Parang gusto ko tuloy ma-guilty dahil kahit na gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat ay hindi ko magawa dahil alam kong sarado na ang utak niya.

Tama siya. Matalino ako. Masipag at lahat ay mataas ang tingin sa akin pero ano nga bang magagawa ko kung ayaw ko ng sundin ang mga unang plano ko?

What if I'll be happier with just being simple? With just doing the things most people are doing? Paano kung mas sasaya ako sa pagtalikod ko sa mga pinangarap ko noon? Paano kung mas sasaya ako sa mas magaang responsibilidad? Hindi ba iyon naman ang pinaka-impotante? Ang maging masaya?

"You are just scared..." She commented.

Napahinto ako sa pagtusok sa kanyang pisngi ng dumilat siya't humarap sa aking gawi.

"But I'm telling you that you don't have to be scared. Hindi naman dahil iyon ang-"

"Zyd..." Nagmamadali akong umahon sa kama para pigilan siya sa mga sunod na sasabihin.

Dahil sa ginawa ko ay napatayo na rin siya.

"Karsyn-"

Pagod kong hinawakan ang kanyang kamay para lang pigilan siya. I don't want to hear any of it. Sa buong araw kong pagliligpit ay parang sa usapan lang na ito ako napagod. Ang malungkot niyang mga mata ay walang nagawa kung hindi ang titigan ako.

Hinawi niya ang kanyang mahaba't tuwid na kulay itim niyang buhok patungo sa kanyang likuran para mas maharap akong mabuti.

"I don't want to talk about it... Sa ngayon ay gusto ko lang sabihin sa'yong ito talaga ang gusto ko. Oo, mahirap paniwalaan pero gusto kong malaman mo na ito na ang desisyon ko. You know how much I value your opinion pero sa pagkakataong ito ay hindi ko 'yon matatanggap. This decision will make me happy. Trust me Zyd, please?"

Bigo siyang napapikit na parang ang desisyon ko ay ikamamatay niya kaya muli kong pinisil ang kanyang kamay.

"I know it's hard to understand everything but please, just trust me with this one..."

Dumilat siya at hirap akong tinignan pero sa huli ay wala na ring nagawa kung hindi ang sang ayunan ako't tumango na lang.

"Just be happy, okay? Kung iyon ang gusto mo sa ngayon then so be it," Pinakawalan niya ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib bago ako pilit na nginitian. "Just be happy, Karsyn..."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya! Pakiramdam ko'y tumalon ng ilang beses ang puso ko dahil sa sobrang kasiyahan ngayon dahil sa pagpayag niya sa akin.

Sa lahat kasi ay alam kong mahihirapan ako sa kanya kaysa kay Daddy kaya naman ngayong alam kong pumapayag na siya't susuportahan na ako sa gagawin ay wala nang naging pagsidlan ang tuwa sa aking puso!

Ilang linggo matapos ang tagpong iyon ay naging magaan na sa akin ang lahat. Pormal na rin akong nagpaalam sa hospital kung saan ako nagti-training at kahit na gaya ni Zydney noong una ang mga reaksiyon nila ay nagawa rin nila akong pakawalan dahil iyon na ang desisyon ko.

"What do you need again?" Inayos ng pinsan ko ang hawak na listahang ginawa ko kagabi para sa pagsa-shopping ng mga panibagong gamit para sa pina-renovate kong kwarto.

"I need a new bed and stuff for my new room."

Kumunot ang noo niya habang nakapirmi ang mga mata sa hawak na papel.

"New bed, new pillows..." Nagpatuloy siya sa pagsasalita at pagbabasa kaya naman nadalian akong hilahin siya papasok sa shop na puno ng paintings.

Binitiwan ko ang kanyang kamay matapos lapitan ang pinaka-malaking painting na nakasabit sa gitna ng shop. It was a colorful abstract painting na kahit hindi ko maintindihan ang malalim na kahulugan ay ramdam ko kaagad ang kagustuhang maiuwi ang bagay na iyon!

"Karsyn..." Maingat at pigil na sambit ng pinsan ko sa aking likuran na para akong batang isang hakbang na lang ay malalaglag na sa bangin.

Gaya ng bagay na nasa aking harapan ay tila sumabog ang iba't-ibang kulay sa aking utak habang nakatitig doon!

"Karsyn... Don't ever think about-"

"I want this, Zyd."

"No no no no no!"

Natatawa akong umiwas sa kanya at hindi pa man ako nakakahanap ng empleyadong pwedeng makausap ay kusa nang nagsilapitan sa akin ang ilang mga lalaking hindi ko alam kung saan nanggaling.

"I'll buy that one," Nakangiting sabi ko sa naunang lalaki sabay turo sa painting na nasa likuran nang hinahapong si Zydney dahil sa paghabol sa akin.

Sa pagbalik ko ng tingin sa lalaki ay nalaglag na ang kanyang panga pero imbes na bigyan siya ng pagkakataong mag-isip ay inilabas ko na lang ang isang card ko't iwinagayway iyon sa nalilito niyang mukha.

"Ma'am... Iyon po ba?" Tuliro niya pa ring sabi.

"No! Hindi!" Nagmamadaling kumapit sa akin si Zydney at bahagya akong hinila palayo pero dahil desidido na ako ay hindi niya ako napigilan.

Hinawi ko ang kanyang kamay at muling hinarap ang lalaking ang pangalan ay David ayon sa nakasulat sa name tag na kanyang suot.

Lumawak ang ngisi ko ng lumapit ang isa pa dala ang isang binder na inabot nito kay David.

"Are you sure, ma'am?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa hawak kaya tumango ako kaagad.

Hell yeah! I've never been this sure all my life! Hindi rin ako naging ganito ka-reckless and I actually love being one, just for once.

"No!" Muli akong hinila ni Zydney.

"Zyd, stop!" Natatawa ko siyang pinagalitan pero nanatili siyang desidido para pigilan ako sa mga bagay na kabaliwan na naman para sa kanya kaya para kaming mga batang naghihilahan sa loob ng shop sa isang buong minuto.

Kung hindi nga lang tumikhim ang limang lalaki ay baka hindi na kami nahinto.

"It's eighty-five thousand pesos, ma'am..."

"Eighty fucking what?!"

Nilawakan ko ang ngiti ko at binalewala ang napalakas na hiyaw ni Zyd habang pilit pa ring pumipiglas sa pagkakahawak niya. Nang matanggal ko ang kamay niya sa akin ay tinanguan ko na si David.

"I'll get it."

"No, Karsyn! You're out of your mind!"

Sa huling pagkakataon ay hinarap ko ang pinsan kong gusto nang magwala mailayo lang ako sa kabaliwang naisip ko.

"Zyd! Look!" Inangat ko ang aking kamay at itinuro ang painting. "It's love at first sight and I don't think I can go home without it-"

"Shut up! You don't even know what love is! This is not love at first sight because there's no such thing as that! Kalokohan iyon dahil hindi gano'n kababaw ang pagmamahal! You need to know the person first before you can actually say that you are in love with them because love is supposed to be emotional and deep-rooted! Hindi iyon basta basta nararamdaman sa isang kita lang at kaunting panahong interaksiyon!" Maagap at mahaba niyang depensang nagpa-atras sa akin kasabay ng paghawak ko sa aking dibdib.

Wow, I can't believe that her mouth can hurt me real bad!

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang aura dahil sa naging reaksiyon ko kaya naman naitikom niya kaagad ang kanyang bibig.

"Well... That's not nice, ZF..." Malungkot kong sabi dahil sa pamemersonal niyang hindi naman sinasadya.

Nakita ko ang paglunok niya dahil sa pagbanggit ko ng kanyang initials. When things get real, alam na niya and now she looks guilty.

"Karsyn... I'm sorry but think about it first-"

"Nag-isip na ako and I want it now," Tinalikuran ko siya at sa pagharap ko ay naging anim na ang mga taong nanunuod sa aming pagtatalo pero hindi ako nagpaapekto.

"I will buy it." Muli kong sabi sa pinal na tono kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagmamadali nila.

Hindi ko napigilan ang mapangisi ng marinig ang mahina't paulit-ulit na pagmumura ni Zydney sa aking likuran.

Who doesn't love arts? I mean, I'm not an artsy person pero sino ba namang makakatanggi sa isang obrang ito? The colors were vibrant at masarap sa mata. Parang candy na kahit titigan mo palang ay parang nalalasahan mo na. And I want that. Gaya ng painting ay gusto kong maging makulay rin at nakakatakam ang mga susunod na ganap sa buhay ko.

I feel like my life is a canvas. God is my artist and I am his masterpiece. Blangko sa umpisa pero kusang kumukulay at gumaganda sa pagtagal ng panahon. Sa bawat pilantik ng kanyang kamay na nagdudulot ng pagsubok ay tumatatag ako at bawat kulay sa aking buhay ay nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan. And like an abstract, kahit magulo at minsan ay hindi alam ang direksiyon, sa huli'y magiging maganda pa rin at makulay.

Malawak ang ngiti ko habang nakatingala sa bagay na nasa pinakagitna at nasa uluhan ng aking bagong kama.

My room is newly decorated. Parang gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil punong puno ng buhay na kulay ang aking kwarto. Malayo sa purong puti na nakasanayan ko sa ilang taon kong namalagi sa loob nito.

It's way different. Dagdagan pa ng magandang art na pinagtalunan namin ni Zydney noong nakaraang araw.

Napapitlag ako't nahinto sa pagsipat ng marinig ko ang sunod sunod na pagkatok ng kung sino sa aking pintuan. Nagmamadali akong tumapat doon.

"Miss Karsyn, nasa baba na po si Miss Zydney."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng aming kasambahay.

"So?" I tried not to sound rude pero gano'ng tono pa rin ang lumabas sa aking bibig kaya madali siyang napayuko.

"I-I mean bakit hindi niya ako puntahan rito?" Maagap kong bawi.

Muli siyang nag-angat ng tingin at tipid akong nginitian.

"Tinatamad na raw po siyang umakyat kaya kayo na lang raw po ang bumaba."

Umikot ang mga mata ko pero wala na akong nagawa kung hindi ang sundan na lang siya para puntahan ang aking pinsan. Naabutan ko ito sa living room na yakap ang isang throw pillow at nakapikit ang mga mata.

Pasalampak akong naupo sa tabi niya kaya naman nang mapapitlag siya dahil sa gulat ay napahalakhak ako!

"Anong nangyari sa'yo at mukhang pagod na pagod ka?!"

Inis na rumolyo ang kanyang mga mata pagkatapos ay kinuha ang bagay na nasa lamesa bago ibigay sa akin.

"Hindi lang mukha. Totoong pagod ako at iyan na. That's the camera that you asked me to buy."

Naudlot ang pagpikit niyang muli dahil sa pagyakap ko!

"Thank you, thank you! You're the best cousin that I've ever had, Zyd!"

"That's an insult." Mataray niyang bulong sa akin at madaling nagpumiglas sa yakap ko.

Lalo akong natawa dahil sa pagtataray niya!

"I'm your only cousin here, Karsyn. Nakaka-insulto."

Humagikhik ako at umayos ng upo para buksan na ang camerang pinabili ko.

"It's not an insult. Dapat ka pa ngang magpasalamat dahil nag-iisa ka at pinaka the best para sa akin. 'Yung iba nga maraming pinsan pero walang the best!"

"Psh!" Patuloy niyang pagtataray.

Halos lumuwa ang mga mata ko ng mahawakan ko na ang camera.

"Para saan ba kasi 'yan? Ang dami mo namang camera bakit kailangan mo pa ng bago?"

Humilig ako sa upuan at sinimulan nang buksan ang hawak. Ayaw ko mang sabihin sa kanya ang desisyon ko dahil alam kong tatawanan niya lang ako pero ang relasyon namin ni Zydney ay walang filter. Isa sa mga dahilan ng matatag naming relasyon ay ang pagiging bukas namin sa isa't-isa.

Though we're not first cousins, nananatili at masasabi kong siya ang karugtong ng buhay ko. Ang Daddy ko at ang daddy ni Zyd ay mag pinsan na parehong may dugong Chinese. Ang mga nanay naman namin ay matalik na magkaibigan kaya ang buong pamilya namin ay hindi na rin nalayo sa bawat isa.

When I'm happy, she's happy. Kapag nagluluksa naman ako ay gano'n rin siya dahil daig pa namin ang magkakambal na ramdam ang lahat ng emosyong dumaraan sa aming dalawa.

"Do you really wanna know?" Tanong ko habang nakangisi.

I know this idea may sound crazy coming from me but what can I do?!

Tumuwid siya ng upo at lito akong tinitigan.

"Promise me first that you will not laugh."

"No. You don't just say such a thing, Karsyn. I will laugh if it's funny-"

"It's not funny. It's ridiculous in every way possible. Nakakatanga at hindi nakakatawa kapag galing sa akin."

"Then let me be the judge. Come on, spill the beans."

Pinatunog-tunog niya ang mga daliri niya sa mukha ko para apurahin ako pagkatapos ay naghalukipkip at kumurap kurap sa aking harapan. Sa pagtaas ng kilay niya ay saglit akong napapikit ng mariin.

"Well... I want to vlog."

"Vlog?"

Tumango tango ako.

Nagsalubong ang makapal at natural niyang kilay na tila hindi kuntento sa naging sagot ko.

"You mean vlog as in vlog? You want to become a vlogger now?!"

"No! I mean yes, but no!" Giit ko.

Ipinilig ni Zydney ang kanyang lukot na mukha para mas suriin ang kabuuan ko maging ang laman ng nababaliw ko nang utak!

"Listen, kung ano man ang nakain mo ngayong araw pwede pa naman nating tabunan para mas makapag-isip ka ng mas matino–"

Inirapan ko siya ng matindi at agad na tumayo.

"Enough, Zyd! Okay fine! I want to be a Vlogger. And yes, it's a person who vlog things but I don't know! I don't want fame. I just want to record things from this day forward. I just want to do things differently! I want to be out of my comfort zone! I want to be out there! Like, ugh!" Nanggigigil kong ikinumo ang mga kamay ko sa kanyang harapan. "It's hard to explain because I know that you're being close minded about my ideas!"

Naglakad na lang ako palayo sa kanya at dali-daling pumanhik sa taas. Narinig ko naman ang pagkukumahog niyang sundan ako kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang.

"Are you sure you didn't eat any panis today?! Baka naman may nakain ka lang kaya kung ano ano na naman ang naiisip mo!"

Napangiwi ako sa narinig pero hindi ako huminto sa paglalakad bagkus ay mas diniinan ko pa ang bawat hakbang ko sa hagdan! Nakakainis talaga!

"Karsyn, listen to me..."

Sa pagtapak ko sa huling baitang ay huminto ako't hinarap siya kaya natigilan rin siya.

"Zyd, you listen! Ilang beses ko na bang sinabing gusto ko naman ng bago? Gusto kong maiba naman ang lahat. Gusto kong baliktarin lahat dahil baka sakaling dito ako mas sumaya and you know what? I am actually happy. Simula nang mag-quit ako sa school. Simula ng mabago ang kwarto ko, simula ng mabili ko 'yung painting and now this... I am happy, Zyd. So far mas ramdam kong masaya ako."

Lutang niyang inangat ang dalawa niyang kamay matapos mapakinggan ang lahat ng hinanaing ko.

"O-Okay, I'm just asking... I'm sorry." Pagsuko niyang sambit.

Inirapan ko siya at muling binilisan ang mga hakbang ko patungo sa aking kwarto!

"I'm sorry, okay?! Gusto ko lang makasiguro na masaya ka at sigurado sa mga naiisip mo ngayon at hindi lang ito basta trip mo lang dahil... Wow..."

Ang inis ko'y napalitan ng ngiti ng marinig ang pagkamangha niya nang makapasok na rin sa loob ng aking bagong kwarto.

"Wow, what?" Ako naman ang naghalukipkip at nag taray ng harapin siya.

Madali niyang itinikom ang kanyang bibig habang nagpapatuloy ang pagka-mangha sa aking kwarto.

"This is beautiful... Different."

"See? This is what I'm talking about. This makes me happy. This is now my happiness."

Lumapit ako sa kama at naupo doon bago tapikin ang gilid ko. Nahihibang naman siyang sumunod sa gusto kong ipahiwatig.

"I know it's hard to understand me right now but look at this... Alam kong naiinggit ka na ngayon."

"True," Lumingon siya sa aking likuran at pagkatapos ay huminto sa pagsipat sa bagay na nakakabit sa itaas ng aking headboard. "That painting is a gem. Ang ganda pala..." She commented.

"I know,"" Kinuha ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil kaya bumalik sa akin ang kanyang atensiyon. "Can you just be happy for me, Zyd?"

"Karsyn..."

Pinagdiin ko ang aking labi at tipid siyang nginitian. I want her to understand that this is really what makes me happy now. Na kahit simple lang ang mga ito ay sobrang masaya ako, totoong kasiyahan ang nararamdaman ko.

Sa marahan niyang pagtango ay lumawak na ang aking ngiti. Huminga siya ng malalim at sandaling pumikit ng mariin bago dagdagan ang sinabi.

"Okay, from now on kukunsintihin na lang talaga kita kung ito na nga ang mga kasiyahan mo. And again, I'm sorry... Ayaw ko lang kasing nabibigla ka pero sige. I will trust you more. If this is what really makes you happy then when will I create your vlogging account?"

Lumiwanag ang mukha ko sa mga sinabi niya at muli ay nayakap siya dahil sa sobrang tuwa!

"Fine, I'll create mine too just to show my support. Ako na ang unang magiging follower at best supporter mo!" Ginantihan niya ang aking yakap.

"Thank you, Zydney! I love you!"

Humagikhik siya at marahan akong inilayo matapos tapikin ang aking balikat.

"Mabuti na lang talaga at kilala kita dahil kung hindi ay baka isipin kong kasali ka na ngayon sa LGBT community!" Aniyang abot hanggang tenga na ang ngiti. "Look at your room! Mas colorful pa 'to sa buhay ng mga baklang kilala ko!"

Natatawa ko siyang inirapan.

"You're just jealous!" Palatak kong ikinatawa niya.

Pagod niyang ibinagsak ang katawan sa aking kama at agad na pumikit.

"I'll sleep here tonight. Pagod na akong umuwi."

Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. Kahit yata utusan niya ako ngayon na paliguan siya't pagsilbihan ay gagawin ko! I'm happy!

I'm just happy na kahit alam kong hindi pa rin siya hundred percent na kumbinsido sa mga kabaliwan ko ay susuportahan na niya ako at dito palang ay buong puso na akong nagpapasalamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro