Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

"Bilisan mo, Please!" sigaw ko kay Zach.

"At ano!? tayo naman ang madidisgrasiya? Eh ano na lang ang mangyayari kay Ken!?" galit na bulyaw nito.

Nabigla ako sa pagsigaw niya kaya naman napasubsob na lang ako sa aking palad at umiyak.

"Pag ito joke Zach! Please...Sabihin mo na!" pagmamakaawa ko sa kanya dahil baka niloloko niya lang ako.

"Do I look like a joke to you?" seryosong tanong nito.

Mas lalo akong napaiyak at sumubsob. Hindi ko na kaya, Shit! Hindi na ako makahinga. Mabilis akong bumaba, pagkadating namin sa kung saan.  

"Ano toh? Asaan na siya?" natatarantang tanong ko.

Tumuro si Zach sa parang tent na malaki. Marami ding taong nagkakagulo duon. Walang pagdadalawang isip akong tumakbo patungo duon. Nanghina ang tuhod ko ng makita ang madaming bangkay na nakatakip ng puting kumot. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Kervy.

"Grace" malumanay na tawag ni Zach sa akin sabay turo sa isang katawan malapit sa kanya.

Halos hindi na ako makalakad ng maayos. Basang basa na din ang pagmumukha ko sa sobrang pagiyak. Kaya naman ng tuluyan na akong makalapit ay wala na akong ibang nagawa kundi yakapin siya.

"Kervy...Akala ko ba walang iwanan?" humahahulgol na sabi ko habang niyuyogyog ko siya.

Wala na akong marinig dahil ang tanging pagiyak ko na lang ang naririnig ko. Bago ko buksan ang kumot na nakatakip sa kanya ay hinaplos ko muna ang mukha niya. Yung mukhang walang ginawa kundi bwisitin ako, Yung mukhang minahal ko. Si Kervy na mahal ko wala na siya...Paano na kami ni Ken? Napahigpit lalo ang hawak ko sa kumot. Dahil parang mababaliw na ako.

"Zach...Pwede bang tanggalin" pagkalingon ko ay agad may sumalubong sa aking panyo at itinakip sa ilong ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay nawalan na ako ng malay.


Pagkamulat ng aking mga mata ay agad akong napabalikwas. Nahirapan din ako sa aking pagupo dahil sa aking suot. Nanlaki ang mata ko...Kulay puti itong gown. Pangkasal. Dali dali akong tumayo para pumunta sa may salamin at nakitang ayos na ayos ako. Nanggigilid ang luha ko hindi dahil sa saya kundi sa inis. Kung sino man ang gumawa nito humanda sa akin! Mata lang ang walang latay!

Naputol ang pagIisip ko ng paghihiganti ng biglang may pumasok. "Zach!" inis na tawag ko dito tsaka ko siya pinagsusuntok.

Pero wala siyang ginawa kundi tumawa pero may luhang lumalabas sa mata niya. Nang tumigil na ako ay agad niya akong niyakap.

"Umalis ka nga diyan!" inis na bulyaw ko.

"Ayoko nga sana...Kaso gusto kong maging masaya ka, Kaya magpapaubaya na lang talaga ako..." malungkot na sabi nito.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" nanggigilid luhang tanong ko.

"Ang ganda ng bride, Kaso hindi naman ako yung groom..." malungkot na sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Pwede ba...Ayoko ng birong ganito! Puntahan na natin si Kervy...Kailangan natin siyang asikasuhin..."

"Let's go...Pupuntahan na natin siya" naglahad siya ng kamay ngumiti siya sa akin pero pilit lang.

"Pero magpapalit muna ako" sabi ko.

Umiling siya "Wag na, Please. Baka Hindi ko mapigilang itanan kita" natutuwang umiiyak na sabi niya.

Naluluha na lamang ako sa mga pinagsasabi niya. "Gago kayong dalawa!" umiiyak na sabi ko.

Sinasabi ko na nga ba! Agad niya akong hinarap pagkadating sa may harap ng sasakyang may bulaklak sa harapan. "I love you, Grace...Very much, Kayo dalawa ni Ken...Pagsinaktan ka niya ulit, Kukuhanin na talaga kita sa kanya" sabi nito.

Agad ko siyang niyakap. "Zach, Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga panahong yon. Ikaw lang ang tumulong at nagtiyag sa amin ng anak ko. Maraming salamat...Sorry kung naging magulo ako...Zach..." umiiyak na sabi ko at mahigpit siyang niyakap.

"Tama na nga yang iyak mo! Masisira ang make up mo. Malalate ka na...Ako din, malalate na sa flight ko" sabi niya.

"A...aalis ka na?" paos na tanong ko.

"Ano ako tanga? Papanuorin ikasal yung babaeng mahal ko sa ibang lalaki? Hell no! Kaya aalis na lang ako." nakangising sabi niya.

Agad niya akong hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. Nakita kong kumawala ang mga luha sa mata niya at bago pa ako makapagsalita ay itinulak niya na ako papasok ng sasakyan at isinara ito. 

Ganuon din ang ginawa niya, Sumakay siya sa sasakyan na nasa likod nito. Ng umandar na ay halos mabali ang leeg ko dahil nakadungaw ako sa may likod. Kitang kita ko dito ang masayang ngiti ni Zach para sa akin. Nang dumating na sa intersection ay wala na akong nagawa kundi umiyak dahil dumiretso ang sasakyan namin at ang sa kanya naman ay lumiko patungong Airport. Kaya habang nakikita pa namin ang isa't isa ay kumaway na lang ako sa kanya. Ganuon din ang ginawa niya hanggang sa hindi ko na siya makita dahil sa layo namin.

Hindi ko na namalayan ang byahe namin. "Andito na po tayo, Ma'm" anunsyo ng Driver.

May kumatok sa bintana ko. "Tama nga si Sir Zach...Nagulo na ang make up niyo" sabi nito at agad akong pinahiran ng kung ano ano.

"Ma'm may kakausap daw po sa inyo..." abot sa akin ng isa sa mga ito.   

"Hello..."

"Tama na ang pagiyak Ok? It's your Day..."

"Paano ka na Zach?" umiiyak na tanong ko.

"Ay naku po Ma'm, Tama na ang pagiyak...Namumugto na ang mata niyo" natatawang sabi ng mga nagreretouch sa akin.     

"Hoy! Wag mo akong alalahanin! Marami akong chicks! Maraming magaalaga sa akin!" natatawang sabi niya.

Sa kabilang linya ay nadinig ko na ang pagtawag sa mga pasahero. "Ok, Then...See soon"masayang sabi niya.

"Palangga ta gid ka, Zach" maluhaluhang sabi ko.

"Ako man..." sabi niya. Kahit papaano kasi ay may natutunan din kaming salitang hiligaynon dahil sa pagtira namin sa Iloilo.

Hindi na nagsalita si Zach hanggang sa nawala na yung tawag at kasabay non ang paglabas nila Mommy at Daddy para puntahan na ako. Mahigpit ko silang niyakap. Sobrang saya nila para sa akin, Pero todo ngiti na lang ako dahil hindi ko pa kayang magsalita.

"Tara magsisimula na" masayang anunsyo ni Daddy.

"Sila Ken po?" nagaalalang tanong ko.

"Nasa loob na Hija" si Mommy na ang nakangiting sumagot sa akin.

Hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa loob. Dahil nakasara ang malaking pintuan.

 "Mauuna na kaming pumasok" excited na sabi ni Daddy at hawak hawak si Mommy na pumasok sa loob.

Napatingin ako sa langit at nakitang may dumaang eroplano. Wala man siya duon ay nagawa ko pa ding magsalita.  "Thank you sa lahat, Zach" bulong ko habang nakatingin dito.

Sobrang pagtatambol sa aking dibdib ang aking nararamdaman ng unti unting bumukas ang pintuan ng simbahan. Agad bumungad sa akin ang napakadaming taong nakatanaw sa akin. Ang kulay pulang motiff. May sumenyas sa akin na lumakad na kaya naman ginawa ko iyon kasabay ng paglakad ko ay ang pagtugtog ng Saxophone sa kantang Nothing's Gonna Change My Love For You.

Napaiyak ako hindi dahil natouch ako kundi dahil nakita ko si Kervy na masayang nakatingin sa akin. Naiiyak ako sa inis. Kung wala lang tao ay kanina ko pa tinakbo ang distansya namin at binugbog siya, Huh! Mamaya kami magtutuos niyang gagong yan!

Habang naglalakad ay diretso lang akong nakatingin sa mata na para bang pinagbabantaan ko siya! Hayop! Muntik na akong himatayin sa mga katarantaduhan niya! Pero napailing ako ng maalala kong nasa harap nga pala ako ng Altar.

"I'm glad you came, Baby" nakangising sabi niya.

"Fuck you Vera Cruz! Humanda ka sa akin mamaya!" nakakatakot na bulong ko dito.

Pero humalakhak lang ito sa akin. "You sure? Baka ikaw ang tumakbo mamaya..." pangaasar niya.

"Gago ka! Magcecelebrate na nga sana ako nung sinabi ni Zach na patay ka na!" inis na bulong ko dito.

"That asshole! sabi ko sabing may slight accident lang..." paliwanag ni Kervy.

"Kahit na! Pareho lang yon! Bwiset! At ano toh!? Niyaya mo ba ako? Anong kalokohan tong, On the spot ha! At sino naman nagsabing Oo ang isasagot ko sayo ha!?" inis na bulyaw ko.

"Sabi ni Kuya Khurt papatayin niya daw ako pag hindi kita pinakasalan." malumanay na sabi nito.

"So napipilitan ka lang?" mataray na tanong ko tsaka humalukipkip.

"Syempre hindi!" Pagtanggi niya.

"Kung napipilitan ka sabihin mo lang!" pangaasar na hamon ko.

"Hindi nga sabi!" inis din na sabi ni Kervy.

"Eh bakit ka naiinis? Ano naiinis ka na sa akin!?" pagbubunganga ko sa kanya.

"May sinabi ba akong naiinis ako!?" sagot niya.

"Eh sa ayun ang nakikita ko eh!"

"Sabi ng hindi eh!"

"Aba..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sinadya ni Father na umubo. Napatingin din ako sa aking paligid at nakitang center of attention na kami. Agad akong napatingin kay Kervy.

 "Kasalanan mo to" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Itutuloy na ba natin ang kasal?" nakangiting tanong ni Father.

"Opo, Father" sagot ko dito. 

"Bubugbugin ko pa yang bwiset na yan mamaya" bulong ko.

Matapos ang buong seremonyas ng kasal...

"You may now siss the Bride" anunsyo ni Father agad humarap sa akin si Kervy.

Nginisian ko siya pero binigyan niya ako ng killer smile niya. Huh! Gago siya ha! Humanda talaga sa akin to mamaya! Inangkin niya ang buong labi ko hanggang sa siya na din ang bumitaw. Ok lang yan pagbigyan. Yan lang ang makukuha niya mula sa akin. 

Naging masaya ang reception namin, Kung ano anong arte pa ang pinaggagawa ni Ver Cruz!

"Ayoko nga sabi niyan eh!" sabi ko at hinawi ang kamay niya. Gusto niya kasi akong buhatin ng pabridal style.

"Eh anong gusto mo?" nagtatakang tanong niya.

"Piggy back ride!" sabi ko tsaka sumabit sa likod niya.

Habang naglalakad sa hallway ng hotel ay pinipigilan ko ang tawa ko. "Sabihin mo Grace kung gusto mo akong patayin..." nahihirapang sabi nito dahil sa pagkakasakal ko.

"Wala naman akong ginagawa ah!" pangaasar ko.

Hindi na ito umimik at lalong binilisan ang paglakad patungo sa elevator. "Ayoko sumakay sa elevator Kervy! Nahihilo ako diyan...Pwede bang sa hagdan na lang?" sabi ko.

"At kailan ka pa nahilo pagsumasakay dito?" tanong niya.

"Kanina lang...Eh basta ayoko diyan! Sa hagdan tayo dumaan" sabi ko at lalong napakapit sa kanya.

Hindi na ito nakapagreklamo at tumuloy sa may hagdan. Nasa 5th floor ang hotel room na kinuha namin, pang ngayong gabi dahil bukas ang pupunta kami ng Paris para sa honeymoon.

"Sige Na nga! Baba na ako! Kawawa ka naman!" pangaasar ko sa kanya.

"Sana naisip mo yan nung nasa 3rd floor palang tayo" nanghihinang sabi nito pero tinawanan ko lang siya at inilang hakbang lang ang pintuan ng kwarto kung saan kami magiistay.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay nagulat ako sa lakas at biglaang pagsara ng pintuan. Agad kong tiningnan si Kervy at parang nawala lahat ng pagod niya kanina. 

"Galit ka?" nakataas kilay na tanong ko.

"Nope..." nakangiting sabi niya.

Inirapan ko na lang siya at umupo sa kama para alisin na ang suot kong heels. Sa peripheral vision ko ay nakita ko namang mabilis na ding hinuhubad ni Kervy ang mga damit niya habang dahan dahang lumalapit sa akin.

"Mrs. Vera Cruz...Sundan na natin si Ken" hindi isang tanong kundi utos niya.

Nanlamig ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. "Mabuti pa nga, Bakit asaan ba si Ken?" patay malisang tanong ko.

Muntik na akong matawa sa mukha niyang hindi mapinta.

"O bakit?" natatawang tanong ko.

"Do you want to play a Game Huh?" mapangakit na tanong niya.

"Ay naku Kervy! Pagod na ako! Kung gusto mong maglaro ikaw na lang" tamad na sabi ko at akamang tatayo na para sa banyo ng mabilis siyang humarang sa akin at ibinalandra ang 6 packs abs niya.

Nakalatakot ang tingin niya sa akin, Para bang may binabalak siyang kung ano...Kung hindi lang siguro nila ako ginago kanina ay baka matuwa pa ako. 

"Ano to? Fifthy shades of Grey?" natatawang tanong ko dahil ipiniring niya ang necktie niya sa mata ko.

Narinig ko naman ang Sexy niyang pagngisi. "No Baby...This is The Bachelors Game"

Agad nawala ang mga ideya ko ng pagmamatigas sa kanya ng sinimulan niya na ang larong sinasabi niya. Halos maubos na din ang buhok niya sa pagkakasabunot ko sa kanya sa bawat pagdampi ng labi niya sa Iba't ibang parte ng katawan ko. Halos bumaon din ang mga kuko ko sa kakaibang paraan ng pagangkin niya sa akin. Wala na akong ibang nagawa kundi sumuko sa kanya.


Kervy's Pov

"Ayoko nga sabi sayo!" inis na bulyaw ni Grace

"Eh Baby anong gusto mo?" frustrated na tanong ko habang hawak si Ken sa kabilang kamay ko.

"Gusto kong makita si Zach..." nakangusong sabi niya.

Agad nagigting ang panga ko. "Yaya, Kunin mo na muna si Ken" utos ko sa nagaalaga sa anak ko.

Nang makaalis na ay agad kong hinarap si Grace na nakanguso pa din. "Kahit ano, Grace. Basta wag lang si Zach" matigas na sabi ko.

"Eh siya nga kasi yung gusto ko eh!" pagmamaktol nito.

"Andito naman ako ah! Ako na lang ang paglihian mo!" inis na sabi ko dahil gusto niyang makita si Zach... at lalong ayokong maging kamukha ni Zach ang pangalawang anak ko! Hell no!

"Eh hindi ka naman cute! si Zach cute!"

"Ganun!? Oh Edi sige! Magsama kayo ni Zach!" inis na sabi ko at tsaka dumiretso sa kwarto namin at iniwan siya sa may sala.

Nagpalit ako ng pantulog dahil kakauwi ko lang galing opisina. Maya maya lang ay yumakap siya sa akin mula sa likod.

"Sorry..." malambing na sabi nito sa akin na parang maiiyak na.

Hindi ko muna siya hinarap at pinansin. "Hindi ko naman kasalanan na gwapo ka lang pero hindi ka cute..." sabi nito na ikinailing ko. kaya hinarap ko siya.

"Cute din naman ako ah!" pagpupumilit ko.

Agad siyang umiling at niyakap ako ng mahigpit. "Gwapo ka! Iba ang cute sa gwapo" sabi nito habang inaamoy amoy ang dibdib ko.

"Edi ano na lang gagawin ko para maging cute ako sa paningin mo at hindi mo na hanapin si Zach?" taas kilay kong tanong.

"Uhmm...Sayawan mo na lang ako!" nakangiting sabi niya. Tsaka mabilis na umupo sa may dulo ng kama.

Napapikit ako ng mariin dahil sa request niya, Pero dahil buntis siya at ayokong umiyak nanaman yan ay pinagbigyan ko na siya. Pero lahat na lang ng galaw ay nagawa ko na pero wala pa din akong marinig na puri sa kanya.

"Masyadong plain!" pagmamaktol nito.

Bumagsaka agad ang balikat ko. "Gusto ko strip dancing, Please! Feeling ko nakakatuwa ka pag ganun!" naAamaze na sabi niya.

Napangisi ako sa Suwestyon niya. "Feeling ko mage-enjoy din ako diyan..." pangaakit ko sa kanya.

"Sana pag labas ng Baby natin cute din siya parang si Zach" sabi Grace habang yakap yakap ko ang hubad niyang katawan.

"Cute na ako kanina diba!?"

Umiling ito. "Ang hot mo kaya kanina" pangaakit niya na may halong pangaasar.

Agad kong pinisil ang ilong niya at hinalikan siya sa noo. "Kung hindi ka lang buntis hindi kita patutulugin ngayon eh!" natatawang sabi ko.

"Naku ikaw pa! Parang ilang beses ko ng narinig yan ah!" pangaasar nito sa akin.

"Hindi ah!" pagtatanggol ko sa aking sarili. Pero aminado naman akong may time na hindi ko mapigil. Eh anong magagawa ko? ang Hot ng asawa ko!.

"Oo kaya!" sagot niya.

"Hindi Ah!...Minsan lang" nahihiyang sabi ko.

Agad siyang napatawa... "Kahit kailan talaga! Ayaw mong pagpatalo!"

"No honey...If breaking your heart was a trophy, I will sacrifice not to win..." malambing na sabi ko at agad inangkin sandali ang labi niya.

"Asus! Kunwari pa to!" pangaasar niya tsaka niya ako tinulak at pumaibabaw.

"Seriously Grace?" naaamaze na tanong ko sa balak niyang gawin.

"Hell Yeah, Mr. Vera Cruz..." mapangakit na sabi niya tsaka ako hinalikan.

Matamis akong ngumiti sa gitna ng aming paghahalikan. 

The game is over and we both won each other. 



The End.
Date Finished : 01/16/15



(Maria_CarCat)






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro