Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue 2

"Tumigil na sabi kayo eh!" suway ko kina Kervy at Zach dahil pinagaawayan nila ang pagpapaligo kay Ken.

"Oh edi ikaw na!" pagsuko ni Zach pero hindi pa din maalis ang ngisi sa mukha niya.

"Si Grace na lang ang papaliguan ko" natatawang sabi nito.

Agad ko siyang tiningnan ng masama habang palapit sa akin pero agad hinigit ni Kervy ang braso nito.

"Tarantado! Hindi na bata yan!" galit na sabi nito at tsaka hinila si Zach kasama si ken.

Ang ingay ingay nilang tatlo sa itaas. Pati din si Ken ay nakikipagsabayan sa ingay ni Kervy at Zach na walang tigil pa din sa pagbabangayan.

"Shut up!" sigaw ni Kervy.

Agad kong narinig ang pagdadabog na lakad nito pababa, Buhat buhat din nito si Ken.

"Umuwi na tayo sa Manila, Grace...Mapapatay ko yung gagong yon!" madiing sabi nito.

Agad ko siyang pinanlakihan ng mata. "Hawak mo ang anak mo Kervy, Yung bunganga mo nga!" suway ko dito.

Hindi na ito sumagot at tsaka inirapan na lang ako. Agad namang naghari ang halakhak ni Zach na pababa ng hagdan.

"Asar talo ka, Bro!" pangaasar ni Zach sa pinsan niya.

Hindi kumibo si Kervy pero sumisigaw naman sa galit ang nagiinit nitong mata. "Ok, Chill..." pag hinahon ni Zach.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto ng tanghalian. Agad naman kaming nakarinig ng doorbell.

"Ikaw na" utos ni Kervy kay Zach.

"Aryt!" masiglang Sabi Nito.

Naiwan nanaman kaming dalawa ni Kervy. "Ano Grace? Sumama na kayo sa ak..."

"At bakit naman sasama sayo?" putol sa kanya ni Kuya Khurt.

"Kuya Khurt! napadalaw ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Na miss ko lang kayo ni Ken" sabi nito at niyakap ako.

Medyo naiilang pa din ako sa kanya dahil sa nalaman kong may ibang pagtingin pala siya sa akin pero nananaig pa din ang pagmamahal ko sa kanya bilang si Kuya Khurt ko na nagtatanggol. Nagpapatahan, pumuprotekta at nagmamahal sa akin.

Pagkatapos niya akong yakapin ay bumaling siya kay Kervy. "Oh? Vera Cruz...Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang companya mo" panunuyang sabi nito.

"Dahil nandito ang magina ko at mas importante sila sa akin" matapang na sagot nito kay Kuya Khurt. Ngumingisi lamang si Zach habang pinapanuod ang dalawa, Naisip kong kawawa naman si Kervy kung pagtutulungan siya ng dalawang ito.

"I'm surprise meron ka pala non" natatawang sabi niya.

Napabuntong hininga si Kervy. "Khurt we talked about this, And I already cleared things out..."

Pinutol nanaman siya ni Kuya. "I didn't say anything or even a yes." sagot nito.

"But..." paliwanag pa sana ni Kervy pero agad bumaling si Kuya kay Zach.

"Ipasyal natin si Ken mamaya..." nakangiting sabi nito Kay Zach.

Agad namang tumaas ang kilay ni Zach at nginuso ako. "Ofcourse kasama din si Grace" sabi nito.

Napatingin ako kay Kervy. "Hindi na. Marami pa akong gagawin dito sa bahay, Si Ken na lang ang ipasyal niyo" pagtanggi ko.

Hindi naman naalis ang tingin ni Kervy sa akin. Hindi ko na lang siya tiningnan, Naku! Pasalamat siya at mahal ko siya!.

"Dy..." Tawag ni Ken dito at hinalikhalikan sa kung saan saang parte ng mukha. Mahilig kasing manghalik si Ken. Pero sa mga kaclose niya lang, lalo na sa akin.

Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Kervy dahil dito. "Maupo na lang ako sa may sala, Tatawagin ko na lang kayo pagkakain na" sabi ko sa kanilang tatlo.

"Akin na si Ken" kuha ni Kuya Zach Kay Ken.

Wala namang pagaalinlangang ibinigay ni Kervy ito. Umalis na ang dalawa pero nanatili lang si Kervy sa kinatatayuan niya.

"Oh Sige na...Umupo ka na duon" sabi ko dito.

"Dito na lang ako...Tutulungan kita" malumanay na sabi niya.

"Ikaw bahala..." sagot ko dahil ayaw ko namang makipagtalo sa kanya.

"Pag pasencyahan mo na si Kuya" paumanhin ko dito.

"Wala yon..."

"Siguradong away nanaman ito. Nagsama pa kayong tatlo, Tsk." pangaasar na sabi ko.

"Edi paalisin mo na yang si Zach" giit nito.

"Hoy!" palo ko sa kanya sa Braso. "Bahay niya po ito...Diba dapat ikaw ang umalis?" sabi ko.

Agad sumeryoso ang mukha nito. "So...Ako lang pala ang panggulo dito? Kaya mas mabuti ng ako na ang umalis dahil I'm not belong here?" pagdradrama niya.

"Hoy wala naman akong sinasabing ganyan! OA ka sasyado!" natatawang suway ko sa kanya.

"No Grace I get it...Aalis na lang siguro talaga ako" sabi nito at biglang nagwalkout.

"Kervy..." tawag ko dito pero nagtuloy tuloy lamang siya paakyat.

______________________

"Hayaan mo na yung gagong yun...Tara kakain na" yaya sa akin ni Kuya Khurt, Wala din si Zach ngayon dahil may inasikaso siya sa Manila.

Tatlong araw na din simula nung umalis si Kervy. Nakakainis talaga yung lalaking yon. Napakaarte! Masyadong exaggerated magisip!. 

"Mama?" tawag ni Ken sa akin at yumakap sa may paanan ko.

"Bakit baby?..." magiliw na tanong ko sa kanya

"La...Dy?" tanong nito habang sumisenyas pa ng wala.

Masasabi kong naging malapit na silang dalawa ni Kervy sa Isa't isa. "May pinuntahan lang siguro si Daddy Baby...Pero hindi niya tayo iniwan. Diba nagpromise siya. Hindi na niya tayo iiwan" para akong tangang dinadramahan ang anak ko.

Hindi ko alam kung talaga bang naiintindihan niya pero tumango tango pa ito. Dahil sa Pagkagiliw ko sa kanya ay kumawala ang mga luha ko. Pero agad namang nagring ang phone ko.

"Hello, Kervy!"

"Grace...Mahal na Mahal ko kayo ni Ken, Sorry sa lahat ng pagkakamali ko Baby. Basta lagi niyo lang tatandaan mahal ko kayong dalawa..." malambing na sabi nitong nakakapanindig balahibo.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" tanong ko.

"Dy?" Tanong ni Ken sa akin dahil karga ko pa din siya.

Tumango tango ako kay Ken at pumalakpak pa ito.

Narinig ko naman ang pagngisi ni Kervy sa kabilang linya. "Siguradong hindi yan magiging katulad ko paglaki. Ikaw ba naman magalaga, Siguradong kawawa ang anak natin sa kasungitan mo" natatawang sabi nito pero may mali.

"Ano bang problema Kervy?" tanong ko dito dahil parang wala siya sa sarili niya.

"I love you, Grace..."malambing na sabi nito

"Kervy..."

"Say you love me too, Please?" pakiusap niya.

"Ayoko! pangako mo munang babalik ka na dito sa amin ni Ken sa lalong madaling panahon!" giit ko.

Napatawa siya. "Ok..." sagot niya.

"Asaan na yung promise?" masungit na tanong ko.

"Ok, I promise" sagot niya.

"I love you too, Kervy" sabi ko.

"Parang labas sa ilong ah!" pangaasar niya.

"No Kervy! Mahal kita! At sana naman tumupad ka sa pangako mo ha! Tatamaan ka talaga sa akin!" banta ko sa kanya.

"I wish, I can..." Pinal na sabi nito at agad namantay ang tawag.

Napayakap ako ng mahigpit sa anak ko dahil may kakaiba akong nararamdaman.

"Grace...Grace" nagulat ako sa biglaang pagdating ni Zach at humahangos pa. Naghuhugas na ako ngayon ng bigyan ngayon kahit hindi pa din maalis sa akin yung tawag ni Kervy.

"Bakit?" tanong ko.

"Si Kervy..."

"Ano si Kervy?"

"Nasa Davao siya ngayon..."

"Kailan ang uwi niya? matatagalan ba siya duon?" excited na tanong ko.

Pero nagtataka ako sa mukhang ibinibigay ni Zach sa akin. "May problema ba?" kinakabahang tanong ko.

"Wala na siya Grace. May nangyari kasing aksidente sa may site. Bumagsak yung isang pader kung nasaan malapit si Kervy" namumutlang kwento ni Zach.

Parang gripo ang mga mata ko sa pagagos ng aking luha. "Hindi pwede yon! Tanginang Vera Cruz! Is this really his Game!? Lagi niya na lang akong dinadaya!" sigaw ko.

"Please, Zach! Puntahan natin! Kausap ko pa yun eh! Mahal nga daw niya ako! Ibig sabihin Hindi yun aalis! hindi kami nin iiwan !" pagwawala ko.

"Zach, please! Gusto ko siyang makita!"   

"I'm sorry, Grace. Wala na siya..." sabi na lang ni Zach at niyakap ako para hindi ako matumba.










(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro