Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

"Hey...Anong nangyayari sayo?" nagaalalang tanong Ni Kervy ng Makita niyang Umiiyak ako. Buhat Buhat din nito si Ken.

"SI Zach...Umalis na si Zach" umiiyak na sabi ko.

"Hayaan Mo na si Zach..." sabi nito.

Umiling ako. "Ayoko, Kailangan ko siyang Makausap...Gusto ko siyang makausap" pagpupumilit ko.

"No Baby, Hayaan mo na siya" pigil ni Kervy sa akin.

"Ayoko! Pupuntahan ko siya" pagpupumilit ko.

Ibinaba ni Kervy si Ken para mahawakan ako ng maayos. "I said no, Grace!" matigas na sabi nito.

"Ano bang pakialam mo!?" inis na bulyaw ko sa kanya.

"Gusto mo ba kaming pagsabayin ng pinsan ko!? Hindi pa ba ako sapat!?" tanong nito.

Agad lumipad ang palad ko sa mukha niya. "Wala kang alam! Hindi porket sinabi kong mahal kita, May karapatan ka ng kontrolin ako!" galit na sabi ko tsaka umalis duon.

"Mama!" umiiyak na tawag ni Ken sa akin.

Hindi ko magawang bumalik para kuhanin siya dahil ayokong makita ni Kervy ang pagiyak ko. Agad akong pumasok sa Cr at nagkulong.

"Shhh...Baby wag ka ng umiyak. Maglalaro na lang tayo" rinig kong pagaalo ni Kervy kay ken.

Maya maya ay narinig kong tumahan na ito, nahimasmasan na din ako, pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakadapang natutulog si Ken sa dibdib niya.

Seryoso lang itong nakatitig sa akin. "Kumain ka na" utos niya.

"Ayoko...Akin na si Ken" sabi ko at tsaka kinuha si Ken sa kanya para ilipat sa kwarto

Kukuhanin ko na sana ng Inilayo niya na ito sa akin. "Ako na" matigas na sabi niya.

Sumunod na lang ako sa kanila paakyat. Wala pa din ako sa sarili dahil sa biglaang desisyun ni Zach.

"Sumama na kayo ni Ken sa akin pabalik ng Manila" seryosong sabi nito.

"Ayoko. Dito na lang muna kami" sabi ko dahil ayoko muna talaga at hindi pa ako makapagisip ng maayos dahil kay Zach.

"Sige...Kung yan ang gusto mo, Dito na lang din ako" sagot nito na ikinagulat ko.

"Kervy...May trabaho ka sa manila, Kaya naman namin ni Ken dito" sabi ko sa kanya.

"Ayoko, Dito na lang sa inyo...Nangako na ako diba? Hindi ko na kayo iiwan, Kaya sana Ganon ka din" madramang pahayag niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at ginawa ang gawaing bahay. Pero mali mali pa din ang mga ginagawa ko dahil lumilipad ang utak ko. Nang mag-ilang araw na ay inasahan ko ng kailangang bumalik na ni Kervy sa Manila.

"Sumama na kayo sa akin ni Ken, Hindi ako mapapanatag duon" suwestyon nito.

"Ok lang kami dito, Wala kang kailangang ipagalala" paniniguro ko sa kanya.

"Pero..."

"Kervy, Wag na nating pagawayan, Please..."

"Alright..." labas sa ilong na sabi nito.

Nagpaalam siya sa amin ni Ken dahil marami na siyang naiwang trabaho sa companya.

"Wag na lang kaya..." nagaalangang sabi nito.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bye Bye na kay Daddy, Baby..." sabi ko at itinaasa ang kamay ni Ken para kumaway.

"Bye Dy..."Humahalakhak na sabi nito.

"Sandali lang Ako...Babalik din ako Agad, Kakausapin ko na din si Kuya Khurt, Para maging maayos na ang lahat" sabi niya habang yakap yakap kaming dalawan ni Ken.

Tumango lang ako at nginitian siya. Pagkaalis niya ay ginawa nanaman namin ng anak ko ang mga nakasanayan naming gawin. Nagliligpit ako samantalang natutulog na si Ken ng biglang tumunog ang phone ko.

"Hello..."

"Hello, Miss Sungit!" natatawang bati nito.

Biglang uminit ang gilid ng mata ko. Nakakamiss na kasi si Zach. "I hate you! Naiinis ako sayo!" umiiyak na sabi ko.

"Miss na din kita. Miss ko na kayo ni Ken" pangaasar nito pero kalaunan ay naging malungkot din.

"Bakit hindi mo sinabi! Nakakainis ka talaga Zach!" nanggigigil na sabi ko.

"May paraan naman para hindi mo ako mamiss eh..."

"Ano!" bulyaw ko.

"Sumunod kayo ni Ken..." seryosong sabi niya.

"Pero..."

"You know me, Grace...I don't want a formal goodbye, Ayoko ng iyakan..."

"Paano si Kervy?" tanong ko.

"It's your choice, Grace..." pinal na sabi nito tsaka pinatay ang tawag.

Kervy's Pov

"Hindi ba pwedeng icancel yan!? Hindi ba't kanina ko pa sinabi yan sayo!" galit ba utas ko sa aking secretary.

"Pero Sir...Ilang beses na po kasi ninyong ipinacancel ang meeting na ito. Marami na pong investor ang nagplaplanong magbackout pag hindi niyo pa sila hinarap ngayon..." paliwanag nito.

"Alright...I'll be there in five mins." pagod na sabi ko.

Padabog kong ibinaba ang phone ko, Tatlong araw pa lang akong nahiwalay kina Grace at Ken ay parang mababaliw na ako kakaisip. Lalo na ngayon araw ni isang text o tawag ko ay hindi man lang niya sinagot. Mariin akong napapikit, At nagdesisiyong puntahan na ang mga ka-meeting ko.

Wala ang isip ko sa nagsasalita sa harapan, Iniisip ko pa din ang magina ko, kung ayos lang ba sila duon. Kahapon ko pa gustong gustong bumalik duon at pilitin silang sumama na sa akin dito.

"Sir, May phone call po kayo..." mahinang sabi ng Secretary ko sa kalagitnaan ng meeting.

"Hello"

"Sir...Wala na pong tao dito sa bahay na pinababantayan niyo..." sabi ng Investigator ko.

"What do you mean!? Diba sabi ko wag kayong aalis diyan!" sigaw ko, Nakuha na din ang atensyon ng mga kaboard meeting ko pero wala akong pakialam.

"Sabi po ng isang kapitbahay umalis daw po kaninang madaling araw" pagpapaliwanag niya.

"Saan daw pumunta?"

"Hindi po nila alam. Basta daw po nagpahatid sa airport"

"Damn it!" Sigaw ko at naibato ko yung phone ko kung saan.

Fuck! Akala ko ba walang iwanan?! 









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro