Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Mag aalas dose na ng gabi ng magising ako, Tiningnan ko muna si Ken. Nang nalipat ang tingin ko kay Kervy ay nakabaluktot ito, Napakakulit kasi! Sabi ng magsuot ng damit!.

"Kervy..." tawag ko dito.

Nakakunot ang noo nito habang yakap yakap ang sarili.

"Kervy..." tawag ko ulit dito. Agad naman niyang minulat ang mata niya.

"Uminom ka na ng gamot" sabi ko tsaka siya tinulungang umupo para makaInom ng gamot. Hinawakan ko din ang leeg at noo niya at nalamang mainit pa din siya.

"Isuot mo na ito!" suway ko sa kanya, Pero humiga na ulit ito.

"Ayoko nga" sagot niya.

"Bahala ka sa buhay mo!" inis na sabi ko at akmang tatayo na ng hinila niya ako kaya naman napasubsob ako sa dibdib niya.

"Yakapin mo na lang ako para hindi ako ginawin" paos na sabi nito.

"Ayoko nga!" protesta ko pero lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin kaya lalo akong napasubsob sa mabato niyang katawan.

"Please..." malambing na pakiusap nito.

Napairap na lang ako at hindi na gumalaw. Kahit ano namang gawin ko ay hindi ako mananalo sa kanya.

"Naging duwag ako..." sabi niya. Habang nakayakap pa din sa akin.

"I'm sorry kung inilihim ko sayo...Totoong gusto kong maghinganti sa iyo, Sa ginawa mo kay Rhia, Pero alam ko na din na hindi ko anak yon" kwento niya.

"Alam mo!?" gulat na tanong ko at napatingala ako sa kanya pero isinubsob niya ulit ako sa dibdib niya.

Naramdaman kong tumango ito. "Bago pa ako pumunta ng San Francisco alam ko na" dugtong na kwento niya.

Hindi ako nagsalita dahil napagdesisyunan kong bigyan siya ng pagkakataon magpaliwanag.

"Sinabi sa akin ni Mommy...Hindi pa siya totally nakakarecover pero ok na siya..." sabi niya.

"Talaga?" Natutuwang tanong ko at tumingala sa kanya pero isinubsob nanaman niya ako sa dibdib niya.

"Ano ba! Kung makasubsob naman ito!" pagmamaktol ko pero narinig ko lang ang sexy niyang Pagngisi.

"Pero bakit ka pa din pumunta duon?" may hinanakit na tanong ko.

"Meron akong...Brain Tumor. Kailan kong magpagaling duon kaya ganon" pagkwekwento niya.

Agad nanlaki ang mata ko at napahigpit ng yakap sa kanya, Gumanti naman siya ng mahigpit na yakap din ng marinig kong garalgal na ang boses niya ng nagsimula nanaman siyang magkwento.

"N...Nung tumawag ka sa akin at sinabing buntis ka, Natuwa ako pero pinagharian ako ng takot dahil baka sa pangalawang pagkakataon mawalan nanaman ako ng chance na maging ama. I'm sorry kung nasabi ko lahat ng iyon pero kasi natakot ako na baka pagpinangakuan ko kayo hindi na ako makabalik. Hinayaan kong magalit ka sa akin kasi mas mahirap lumaban magisa pag alam mong may naghihintay sayo, May umaasa sayo, Natatakot ako pero...Ang saya saya ko nung nalaman ko yun ..." paos na sabi nito.

Hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng aking luha. "Gago ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin!?" umiiyak na sabi ko.

Mahina siya tumawa at iniangat ang ulo ko ng nakapantay sa kanya "Edi araw araw kitang nakitang umiyak non" sabi nito ng nakatitig sa akin.

"O...ok na ba? Diba magaling ka na? Ok na diba?" kinakabahang tanong ko.

Sumakit ang dibdib ko ng umiling iling ito. "Konti na lang ang oras na natitira sa akin, Kaya sana patawarin mo na ako" sabi nito.

Agad akong napahagulgol dahil dito. "Pero...Bakit!? Eh ayoko, Kervy!" umiiyak na sabi ko sa Dibdib niya para akong batang nagwawala.

"Kaya nga mahalin mo na ako ulit" sabi niya.

"Pero sabi mo mamamatay ka na!" umiiyak na sabi ko.

Tumango ito. "Oo Pag hindi mo pa din ako napatawad" sagot niya.

"Pi...Pinapatawad na kita" humahagulgol na sabi ko dahil ayokong mawala siya.

"Sabihin mong mahal mo ako" utos ulit niya.

"Mahal kita Kervy...Mahal pa din kita. Kahit anong mangyari ikaw pa din ang mahal ko! Please wag kang mamamatay!" pagmamakaawa ko tsaka ako lalong napaiyak.

Kinuha niya ang kamay ko tsaka dinala iyon sa may ulo niya, Agad kong nahawakan ang isang peklat. "Magaling na ako, Wag ka ng ngumawa!" mahinang pangaasar niya.

Agad umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa inis, Kanina ay parang malalagutan na ako ng hininga dahil sa mga pinagsasabi niya tapos magaling naman na pala siya.

Agad ko siyang pinagpapalo sa dibdib kahit may sakit siya. "Nakakainis ka Kervy! Nakakainis ka! Niloloko mo namaman ako!" inis na sumbat ko,

"Sabi ko na nga ba mahal mo pa ako" Nakangising sabi nito.

"Hindi na! Nagbago na ang Isip ko!" inis na sagot ko at umayos ng higa sa tabi niya, Kailangan kong huminga dahil sa kagaguhang pinagsasabi niya.

Pero nagulat ako ng tumagilid ito at dumapa sa gilid ko kaya magkatapat na uli ang mukha namin.

"Hindi mo na ako Mahal?" nanunuksong tanong niya.

Hindi ako sumagot at umiling iling lang ako. Pero inilapit niya sa akin ang kanyang mukha.

"Sigurado ka?" nangaakit na tanong niya at lumapat ang labi niya sa labi ko.

Napailing ako ng mahina pero nagulat ako ng mabagal na gumalaw ang labi nito sa ibabaw ng labi ko.

Papikit na sana ako ng bahagya niya itong inalis at ikinadismaya ko. "Mahal mo ako o Hindi?" tanong nito pero sa labi niya ako nakatingin. Napakagat ako sa labi ko dahil natetempt akong halikan ang malambot at mapupula niyang labi.

Napalunok pa ako ng bahagya ng paunti unti nanaman niya itong Inilalapit. Sasalubungin ko na sana ng inilayo namaman niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Don't tease me, Vera Cruz!" inis na bulyaw ko sa kanya.

Napangiti lang ito at binigyan ako ng Isang halik na dampi lang.  Dahil sa inis ko ay hinila ko ang batok niya para palalimin ang halik. Ngayon masasabi kong mahal ko pa talaga siya, Mahal na mahal ko pa talaga siya.

Lumalim ng lumalim ang Halik namin, Dahil dito ay Nagulat na lang ako na Wala ng Ang Pangitaas ko. "Ma...May lagnat ka pa" suway ko dito pero Patuloy pa din ako sa paghalik sa kanya.

"Ok...Ok Lang mabinat basta para sayo!" pangaasar nito at tsaka mabilis na hinubad ang pangibaba ko.

Ramdam ko ang init ng katawan niya. Todo din ang paghabol niya ng hininga niya dahil sa pagiingat niya sa paghaplos at paghalik sa akin. Napakapit akong mabuti sa braso niya ng naghanda na siya para pagisahin ang sa amin. "Kervy..." tawag ko sa kanya.

"Ughh...I Love you, Baby" sabi niya ng nagsimula na siyang gumalaw sa ibabaw ko.

"I Love you too" Nababaliw na sagot ko dahil sa kakaibang sensasyong ibinibigay niya sa akin.

Inilipat ko sa ulo niya ang kamay ko at nalapat nanaman ng kamay ko ang peklat niya dito. Hindi ko alam kung bakit biglang may tumulong luha sa mata ko, Nagsisi ako dahil sa oras na kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya. Kung pinilit ko sanang alamin kung bakit siya nagkakaganun ay sana nalaman ko ang sakit niya natulungan at naalagaan ko pa sana siya.

"Mahal kita Kervy...Please wag mo na ulit kaming iwan ni Ken" nanghihinang pakiusap ko.

"Hinding hindi na..." sagot niya tsaka ulit ako hinalikan.

Nagising ako kinaumagahan ng wala na si Kervy sa tabi ko. Nagulat din ako dahil may suot na akong damit, Nakarinig ko ang tawa ng anak ko kaya naman dali dali akong bumaba.

Naabutan ko silang dalawa ni Kervy sa may kitchen. nilalaro niya ito habang nagluluto.

"Gising na si Mommy..." masayang sabi nito sa anak ko.

"Mama!" tawag ng anak ko sa akin.

Agad akong ngumiti at binuhat siya. "Good morning, Baby!" bati ko dito at hinalika siya.

"Good morning" bati sa akin ni Kervy at hinalikan ako sa ulo.

Nginitian ko lang siya at ibinigay lahat ng atensyon sa anak ko. "Umupo na kayo, Maghahain na ako" sabi nito. Agad kong inilagay si Ken sa baby chair niya.

"Ah...sandali Lang" paalam ko at umakyat sa kwarto para tawagan si Zach, Gusto ko kasi siyang makausap at sabihing nandito si Kervy. Nakailang ring na pero hindi pa rin niya sinagot ang tawag, kaya naman napagpasyahan kong tawagan na lang ang Secretary sa office niya dahil siguradong nanduon na yon ngayon.

"Hello...Good morning, How may I help you" tanong nito.

"Uhm...Nasa office ba si Zach? Pwede ko ba siyang makausap?" tanong ko dito.

"Sorry Ma'm, Wala na po si Sir Zach" sagot niya.

"Ah...Saan ba siya nagpunta? Kailan ang balik?"

"Umalis na po si Sir Zach...Bumalik na po siya ng US for good. Nag take over na po sa companya yung Daddy niya" sagot nito na nagpagulat sa akin.

Agad nagtuluan ang masaganang luha sa aking mata, Bakit hindi man lang siya nagpaalam!?




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro