Chapter 47
"Eh kung Frozen na lang kaya? usong uso yun ngayon!" nakangiting suwestyon ni Zach.
"Zach! Lalaki ang anak ko!" bulyaw ko sa kanya dahil pumipili kami ngayon ng theme para sa 2nd birthday ni Ken.
"Edi siya si olaf!" sabi niya na parang akala mo napaka ganda ng suggestion niya.
Inirapan ko siya dahil duon "Oh kaya naman! Shrek!, tayo Ang mga Ogre tapos siya yung Donkey!" masayang sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Wag na lang kasi...hindi pa naman niya maa-appreciate ngayon yun." sabi ko.
Napangsi siya at niyakap ako, Nandito kasi kami sa terrace ng condo niya, "As you wish...Pero kung ako yung papipiliin gusto Tarzan and Jane" natatawang sabi niya.
"Edi nakahubad siya non! Naku ka naman! magkakasakit si Ken." suway ko sa kanya.
"Sino ba nagsabi sayong siya si Tarzan? Ako si Tarzan!" sabi nito.
"Eh Sino si Ken?" nagtatakang tanong ko.
"Siya yung unggoy!" natatawang sabi niya.
"Gago! Mas mukha kang unggoy!" inis na sabi ko sa kanya tsaka kumawala sa yakap niya at pinuntahan ang anak ko.
"Galit agad? Ikaw naman si Jane ah! hindi na masama!" pangaasar niya.
"Pwede ba! manahimik ka na nga lang at matulog na tayo!" yaya ko.
"Tabi tayo?" pangaasar na tanong niya.
"Mukha mo!" bulyaw ko at agad tumabi sa anak ko.
Nauwi kami sa simpleng party lang para kay Ken, Mga close friends and relatives lang ang imbitado.
"Happy Birthday...Happy Birthday! Happy Birthday to you!" masayang kanta namin.
"Oh! Picture picture na!" sigaw ni Joana. Wala siyang ginawa kundi picturan si Ken kasama kaming dalawa ni Zach.
Pero nagkaroon ng tensyon ng hindi inaasahang dumating si Kervy. Syempre sa ibang bisita ay wala lang ito. Pero kay Kuya khurt at kay Zach ay isang malaking gulo iyon.
"Hayaan niyo na lang" pakiusap ko kay Zach dahil nagigting ang panga nito.
"Alright, Kakausapin ko na lang si Kuya Khurt" seryosong sabi nito at tsaka lumapit kay Kuya Khurt.
Naglakad patungo sa amin ni Ken si Kervy. "Ba...Bakit Pumunta ka pa dito?" inis na tanong ko.
"Natural...anak ko yan" seryosong sabi nito.
Naghari ang katahimikan sa aming dalawa, Wala namang pakialam si Ken na karga karga ko hawak hawak lang nito ang balloon niyang korteng aso at pinaglalaruan.
Nagulat ako ng naglahad ng kamay si Kervy. "P...pwedeng pakarga?" nahihiyang tanong niya.
Nagdadalang isip pa ako ng si Ken na ang kusang pumunta, "Hello Baby..." nakangiting sabi ni Kervy pero may bahid ng lungkot.
"Dog..." sabi ni Ken at ipinakita ang hawak niya.
Ngumiti lang si Kervy dito tsaka niya ito siniksik sa kanyang leeg at mahigpit na niyakap.
"Ah...Kervy baka hindi makahinga si ken" nagaalalang suway ko dahil kitang kita ko sa bawat kilos niya ang pagkasabik dito.
"Anong pangalan niya?" excited na tanong nito.
"Kenneth Andrew Sanchez" sagot ko.
Agad napasimangot ang mukha nito. "Fuck that Andrew" galit na sabi nito.
"Pwede ba Kervy, wag kang magsalita ng ganyan sa harap ng anak ko" suway ko sa kanya.
"Anak ko din Grace...And I want to change his surname. Vera Cruz, Grace. Isa siyang Vera Cruz" matigas na sabi nito.
Ilang beses akong napalunok bago ko siya nasagot. "P...pero kasi, hindi pwede" nagaalalangang sabi ko.
"At bakit hindi pwede?" galit na tanong nito.
Bago pa ako magkasagot ay agad kaming nakarinig ng tunog ng baso. Nakita ko si Zach sa harap at tinatawag na kami ni Ken. Agad kong kinuha si Ken kay Kervy at pumunta sa gawi ni Zach.
"We are very thankful na nakapunta kayo ngayon sa Birthday ni Ken" si Zach na ang nagsalita, Hinayaan ko na siya dahil siya naman ang nakakaalam ng lahat. Natingin ako kay Kervy na nakatayo pa din duon sa pwesto niya kanina, Seryoso itong nakatingin sa amin.
"Gusto na din sana naming kuhanin ni Grace ang chance na ito para sabihin sa inyong this party is also a despidida party..." anunsyo ni Zach, Lahat ng bisita ay seryoso at nakikinig,
"Me and Grace decided na sa States na lang manirahan at duon na magpakasal" masayang sabi ni Zach na nagpagulat sa mga bisita namin. Pero ng makabawi ay nagpalakpakan din ang mag ito at kanya kanyang ang lapit sa amin para batiin at icongratulate kami.
"Oh My, Grace! Ikakasal ka na!" masayang bati sa akin ni Joana.
Pero naputol Iyon "Pero paano si Sir Kervy?..." tanong Niya. "And speaking of..." kinakabahang sabi nito habang nakatingin sa likod ko, napatingin din ako duon at nakitang si Kervy na papunta sa direksyon namin habang humahangos, Galit na galit ito at napakabilis ng paghinga.
"Sayo na muna si Ken" bilin ko kay Joana at ibinigay ang anak ko. Gaya ng Inaasahan ko ay Marahan akong Hinila ni Kervy. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayokong sabayan ang galit niya.
Hinila niya ako papunta sa labas ng Venue. Walang katao taodito sa kinalalagyan namin ngayon at malayong malayo sa venue. Padarag niyang binitawan ang kamay ko at tsaka napamewang habang ang Isang kamay ay nasa noo. Nang humarap ito sa akin ay agad kong nakita ang basang pisngi nito habang patuloy ang pagtulo ng luha.
"Tangina naman..." umiiyak na sabi nito.
"Tanggapin mo na lang Kervy..." maluha luhang sabi ko.
"Tanggapin? Sa tingin mo, ganon kadali yon?" galit na sigaw niya sa akin.
"Yun na yung desisyon namin, Yung plano namin" giit ko.
"Nasaan ako duon? Nasaan ako sa mga plano mo?" umiiyak na tanong niya.
"So...sorry..." yun na lang ang lumabas sa aking bibig.
Nagulat ako ng lumuhod ito at tsaka niyakap ang mag paa ko. "Please...Babawi ako sa inyo ni Ken,Patawarin mo na ako Please! Grace please!" pagmamakaawa niya.
"Kervy ano ba..." suway ko at tsaka pinilit tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa akin.
"Please wag niyo akong iwan! Wag kayong umalis Grace...Bigyan mo naman ako ng pagkakataong maging ama sa anak ko!" patuloy siya sa pakiusap, Ngayon ko lang nakita si Kervy na umiyak ng ganyan
"Sorry Kervy, Buo na ang desisyon ko" umiiyak na sabi ko. Dahil sa panghihina niya ay tuluyan kong naalis ang pagkakayakap nito sa akin. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo duon,. Pero kahit sa malayo ay dinig ko pa din ang hinagpis niya.
Pagkatapos ng birthday ni Ken ay umuwi na muna kami sa Iloilo, sa dati naming bahay. Bakasyon lang iyon dahil marami talagang magandang pasyalan. Tatlong araw lang ang plano pero naging isang linggo. At ngayon nga ay parang ayaw ko na munag bumalik sa Manila.
"Hindi pa ba talaga kayo sasama sa akin pabalik?" tanong ni Zach, Mauuna siyang umuwi sa Manila dahil sa companya. Samantalang kami ni Ken ay dito na muna.
"Susunod na lang kami duon..." sagot ko.
"Gustong gusto niyo na talaga dito ah!" pangaasar nito. Mahilig kasi kaming pumunta sa tabing dagat dahil walking distance lang ito.
"Ewan ko sayo!"
"Basta! Magingat kayo dito...Maglock ng pinto!"seryosong bilin niya.
"Ok po!" pangaasar na sagot ko.
Hinatid namin ito sa labas, Kinulit pa niya ng kinulit si Ken kaya naman nung sumakay siya ng sasakyan ay umiiyak pa ang anak ko.
"Andito naman si Mama ah!" pagaalo ko sa anak ko. Sinara ko ang pinto pero nagulat ako ng may biglang nagdoorbell.
"Oh? Baka si Dada yan...May nakalimutan siguro" sabi ko sa anak ko.
Pagkabukas ko ng gate ay nagulat ako ng si Kervy ang nakita ko. "A...anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.
"Pinagtataguan niyo ba ako?" seryosong tanong nito.
"O...ofcourse not!" sagot ko.
"Tigilan niyo na Grace...Wag niyo na akong paikot ikutin pa! Tigilan niyo na yang laro niyo." sabi nito.
"Anong bang pinagsasabi mo Kervy?" nagtatakang tanong ko.
"Kung gusto mong maghiganti sa akin. Pwes mali ang paraan mo, You should get yourself a teacher from hell" dirediretsong sabi nito na nagpakunot sa noo ko.
"I'm from hell Baby...You can have me" nanlulumong at nagsusumamong sabi nito.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro