Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

"10 Million" Laban ni Zach.

Napangisi si Kervy at Tumayo na, Naglakad ito na parang sigurado na siyang siya ang panalo.

"20 million" mayabang na sabi nito.

Agad kong natanaw ang pagigting ng panga ni Zach, Tumingin ako dito at umiling na lang na tanda na wag na lang siyang lumaban dahil ayoko naman na gumastos pa siya ng malaki para lang sa akin.

Nakangising umakyat si Kervy sa stage para kuhanin ako ng sinabi ng ng Emcee na siya ang panalo. Naglahad ito ng kamay pero tinanggihan ko tsaka ako umirap sa kanyang at naunang bumaba.

"Asshole" inis na bulong ko dito.

"Always at your service" panlolokong sabi nito sa likod ko. Agad naginit ang ulo ko ng narinig ko ang pagngisi nito.

Umupo na ulit ako sa tabi ni Zach at hindi pinansin ang demonyong si Vera Cruz.

"Binili na kita ngaung gabi, Duon ka sa upuan ko" madiing sabi niyo sa likod ko.

Agad kong naramdaman ang tensyon kay Zach, Hinawakan ko ang braso nito para pakalmahin siya.

"Mamaya pa ang oras mo! pagkatapos ng party!" inis na sabi ko.

"Hindi ako gumastos ng 20 Million Grace para sa tira tirang oras mo lang" madiing sabi nito.

"Tangina Vera Cruz! Hindi ka ba makaintindi!?" madiing sita ni Zach na ngaun ay tumayo na din para pantayan si Kervy.

"Tama na yan...Sasama na ako sa kanya" pagpigil ko sa namumuong tensyon. Agad gumuhit ang malademonyong ngiti sa labi ni Kervy.

"Pero Grace..." pagpipigil ni Zach.

"Ok lang ako." sabi ko at agad inabot ang labi niya para halikan.

"Tara na!" galit na suway ni Kervy sa akin at padabog na hinila ako palayo kay Zach.

"Bitawan mo nga ako! Kaya kong maglakad magisa!" inis na sabi ko at pilit tinatanggal ang kamay niya pero hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang kami palabas ng venue at natanaw ko na agad ang sasakyang naghihitay sa amin.

"Pasok" walang kaemoemosyong utos nito.

"Alam ko! hindi ako aso! gago!" sabi ko dito pero blankong ekspresyon lang ang ibinigay niya sa akin.

Tahimik lang kami sa buong byahe, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nababanas pa din ako dahil katabi ko ang isang napakalaking gagong katulad ni Kervy. Huminto ang sasakyan sa isang parang clubhouse. Nauna siya bumaba ng sasakyan, Ng palabas na ako ay naglahad ito ng kamay para tulungan ako.

Napairap ako sa kawalan at tinabig ito. "Tigilan mo nga yang pagiging gentleman mo! Hindi bagay!" inis na sabi ko.

Matalim niya akong tinitigan pero binaliwala ko lang siya, Huh! gago siya eh! Agad kong natanaw ang isang table na may kandila sa gitna at mga pagkain.

"Kumain na tayo, Para makauwi na ako ng maaga!" sabi ko at tsaka umupo duon at inumpisan ang pagkain kahit nakatayo pa si Kervy sa may gilid.

"Stop the music" Seryosong sabi nito sa mga nagvivioline sa may gilid. Pero hindi pa din ito huminto.

"I said stop the fucking music!"  sigaw nito na nagpagulat sa akin kaya maman nabitawan ko ang tinidor ko.

Agad nagtakbuhan ang mga tumutugtog sa gilid. Napaayos ako ng upo at ilang beses napalunok. Nasaksihan ko na kung paano magalit si Kervy at hindi ko talaga iyon gusto dahil nakakatakot.

Bumaling ito sa akin. "Ano nga ulit sabi mo Paula?" panunuyang tanong niya.

Umiling iling ako habang ngumunguya pa. Umupo ito sa harap ko at nagumpisa ng kumain, Kaya naman ipinagpatuloy ko na din ang pagkain ko.

"We need to talk Paula" sabi nito sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Wag ngayon Kervy, That's Non Sense, Sarado ang utak ko para intindihin lahat ng paliwanag mo" tamad na sabi ko habang di nakatingin sa kanya.

"Then kailan?" seryosong tanong nito.

"Basta...Basta wag ngayon" tamad na sabi ko.

Ilang minuto pang naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Bigla itong tumayo at naglahad ng kamay.

"Dance with me " malambing na yaya niya.

"Ayoko sumayaw...Tsaka pano tayo sasayaw kung pinaalis mo ang mga tumutugtog?" sarcastic kong sabi.

"Kakantahan na lang kita" mahinahong sabi niya.

"Edi kumanta ka! wala akong pake!" inis na sabi ko.

Kinuha nito ang isang gitara at pumunta sa maliit na stage sa gilid ng may garden. Napairap ako dahil para siyang tanga! pero kinilabutan ako ng sinimulan niyang hinagod ang gitara gamit ang mga daliri niya. Napako ang tingin ko sa kanyang mga matang mapungay na nakatingin sa akin. ng inumpisahan niya na ang pagkanta ay napapikit pa ito.

I can't stand to fly

I'm not that naive

I'm just out to find

The better part of me

I'm more than a bird

I'm more than a plane

More than some pretty face beside a train

It's not easy to be me

Sa buong pagkanta niya ay nakapikit lamang ito, damang dama niyang ang bawat salitang binibigkas niya. Dahil dito ay napapikit din ako. Sa paraan ng pakikinig ko sa kanya ay naalala ko yung Kervy na bestfriend ko, Yung Kervy na inalagaan ako. Yung Kervy na hindi ipinakita na galit siya, Yung Kervy na hindi ko pa alam na maghihiganti lang pala siya.

Unti unti kong namalayan ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha. Lalo akong napapikit ng narinig kong gumagaralgal na din ang boses niya habang kumakanta.

I can't stand to fly

I'm not that naive

Men weren't meant to ride

With clouds between their knees

I'm only a man in a silly red sheet

Digging for kryptonite on this one way street

Nang hindi ko na mapigilan ang mga luha ko ay napagpasyahan ko na lang na tumayo na at umalis na lang.

"I love you, Grace. And I'm so sorry" emotional na sabi niya.

Ibang pakiramdama ang naramdaman ko ng narinig ko ang pagtawag niya sa akin ng Grace pero hindi ko iyon pinansin at nagtuloy tuloy naglakad. Wala na ako sa aking sarili dahil sa pagiyak agad akong napahinto ng hinigit niya ang braso ko.

"U...uuwi na ako" 

"Just give me a chance please, Please Baby...Gusto kong makilala ang anak ko" pagmamakaawa nito.

"Wag mo ng gawing komplikado ang lahat, Kervy" umiiyak na sabi ko.

"Hindi ko ginagawang komplikado Grace, Inaayos ko!" madiing sabi niya.

Umiling ako. "Wag na please...Uuwi na ako" sabi ko at nagtangkang umalis pero lalong humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

"Ano ba Kervy! Hinahanap na ako ng anak ko!" pagpupumiglas ko.

"Anak ko din Grace! Anak ko din!" desperadong sabi niya.

"Akin lang! Akin lang kasi Diba! Inayawan mo!? Diba inayawan mo!" sigaw ko sa kanyang habang tinutulak tulak ang dibdib niya.

Agad nanlambot ang ekspresyon nito at mahigpit akong niyakap. "Tandaan mo Baby, hindi lang ikaw ang magisang gumawa diyan. Anak ko din yan! dahil Hindi lang ikaw ang napagod at pinagpawisan para mabuo yan!" tuloy tuloy na sabi niya.

Agad akong nagpumiglas at pinagpapalo siya. "Gago ka Vera Cruz! Napaka bastos ng bunganga mo!" sigaw ko dahil sa inis at kahihiyan.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro