Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

"Hey... are you ok?" nagaalalang tanong ni Zach sa akin ng naglalakad kami sa may parking lot.

"Oo...naman" wala sa sariling sagot ko. Actually kanina pa ako hindi makapagconcentrate sa pagtratrabaho dahil sa nangyari duon sa may pantry.

"Smile...Makikita mo na ang anak mo after the stressful long day" pagaalo ni Zach sa akin.

Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti dahil parang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. Naging tahimik ang byahe namin patungo sa bahay.

"Mama!" Sigaw ni Ken at nagtatakbo ng makita kami. Agad ko itong binuhat at niyakap.

"Si Dada wala?" tanong ni Zach dito gamit ang nagtatampong boses.

Agad tumawa si Ken na parang nangaasar at umiling iling kay Zach. "Ah Ganun!" banta ni Zach sa kanya tsaka maingat na kinuha ito sa akin at inangat.

"Wala pala ha!" sabi niya tsaka kinagatkagat ang tiyan nito dahilan para magpumiglas si Ken kakatawa.

"Dada...Stop!" nahihirapang sabi niya habang patuloy pa din siyang kinikiliti nito.

"Zach! Baka mahulog!" inis na sabi ko.

Agad naman niya itong tinigilan. "Naku inggit lang si Mommy eh!"pangaasar na sabi niya pero kay Ken nakatingin.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa loob para magpaalam kila Daddy. Naabutan ko siya sa may dinning na kinakausap ang mga katulong.

"Grace, Anak" bati nito sa akin tsaka ako niyakap.

"Thank you po sa pagbabantay kay Ken Dad...Uuwi na po kami" paalam ko.

"No. Pinadagdagan ko talaga ang pagkain, alam kong pagod kayong dalawa sa trabaho ni Zach kaya naman mas mabuting dito na kayo kumain" paliwanag niya.

"O...Ok po" nakangiting sagot ko.

"Lo!..." matinis na tawag ni ken kay daddy habang hawak ni Zach.

"Wow! May bago kay toys!?" tuwang tuwang tanong nito kay Ken.

"Car..." sabi ni Ken habang pinapakita ang bago niyang laruan na nakakarton pa.

Agad kong binigyan si Zach ng matalim na tingin pero hindi man lang ito nagabalang tumingin sa akin. Umiiwas siya sa tingin ko kaya naman ako na mismo ang lumapit sa kanya tsaka ko agad siya piningot sa tenga.

"Aray..." daing nito habang nakabaluktot sa sakit.

"Inispoiled mo na masyado Zach, Hindi ba napagusapan na natin yan" sabi ko.

"Nakita ko kasi sa mall kanina" paliwanag niya.

"Wag ka ng magalit ok?" sabi niya tsaka ko niyakap.

"Ewan ko sayo!" masungit na sabi ko at tsaka kumawala sa yakap niya.

Pagkatapos naming kumain sa bahay ay umuwi na din kami kaagad sa condo ni Zach.

"Magkakaroon ng party" sabi niya habang pareho kaming nasa magkabilang gilid ng natutulog na si Ken.

"Uhm..." sabi ko na lang.

"Ikaw ang partner ko ha!" pangungumbinsi niya sa akin.

"May magagawa pa ba ako?" tamad na sagot ko tsaka pumikit.

"Mahal mo na ba ako Grace?" tanong nito sa kawalan.

"B...Bakit mo naman..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng humarap na ito sa akin, pareho na kaming nakaharap ngaun kay Ken.

"Wag..." seryosong sabi niya.

Agad kumunot ang noo ko at napaupo. "B...Bakit hindi?" nagtatakang tanong ko.

"I...can't, It's just that I'm afraid I might hurt you" naguguluhang sagot niya.

"An...Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya, this time nakatayo na ako sa paanan ng kama at nakahalukipkip sa kanya.

"I'm broken you know. Minsan siguro napaparamdam ko sayo na our feeling is mutual. But in the end of the day natatakot akong mawala kayo sa akin ni Ken. Kaya ayokong matulad tayo kay Kervy. Kung mamahalin man kita gusto ko pareho na tayong nakalaya sa past natin" pagpapaliwanag niya.

"If you can't accept my feelings Zach edi wag.Hindi ko naman ito ipinipilit sayo" sabi ko tsaka lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

Umiinom ako ng tubig ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. "I want to...I want to accept your feelings. But natatakot ako na pagpinanghawakan ko na yan eh hindi naman pala yan totoo. I'm afraid that you are just confused, Natatakot akong masaktan nanaman, at ang masaya pa duon kapatid pa ng past ko" nakangising sabi nito pero ramdam mo ang lungkot at natakot dito.

Humarap ako sa kanya tsaka ko siya niyakap. "It's ok..." sagot ko habang nakasubsob sa dibdib niya.

"Can we take it slowly?" malambing na tanong niya. Hindi na ako sumagot, tumango na lang ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Narinig ko ang pagngisi niya. "Nakasubsob ka nanaman sa dibdib ko pero ako hindi pwede..." hindi ko na siya pinatapos at agad siyang kinurot sa magkabilang pisngi at iniwan duong namimilipit.

"Bwiset!" sabi ko at nagtuloytuloy sa kwarto.

______________________

"Beautiful..." nakakapanindig balahibong bulong sa akin ni Zach.

Marahan ko siyang hinampas sa braso. "Shut up!" pagsusungit ko.

Napangisi lamang ito tsaka naglahad ng kamay. "Ang ganda ng date ni Dada, Diba Baby?" tanong nito Ken.

Nakangiting tumango tango ang anak ko. "Approve..." sabi nito na naka taas pa ang dalawang hinlalaki.

Dahil sa tuwa ko ay lumuhod ako para pantayan siya at paghahalikan sa pisngi. "Ops...Tama na yan, Nagseselos na ako" suway sa amin ni zach,

"Bye bye baby...Magpakabait?" paalam ko sa anak ko.

"Okie Mama!"maliksing sagot nito.

Pagkatapos magpaalam ay dumiretso na kami ni Zach para sa gaganaping party ng companya. Nakasuot ako ngayong ng isang itim na long gown, fit na fit ito at ang parte ng magkabilang bewang ay labas kaya naman kitang kita ang korte ng katawan ko. Itinaas din nila ang buhok ko, kaya naman expose na expose ang kaputian ko.

"For sure ako ang may pinakamagandang date" nakangising sabi ni Zach tsaka ako kinindatan.

Sinimangutan ko lang siya. 

Tumawa lang ito tsaka pinagpatuloy ang pagpapark ng sasakyan. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya, Kailangan muna naming lumakad sa may mahabang red carpet dahil lahat ng dumalo sa party na ito ay isa isang pinapakilala. Malapit na kami sa pinto ng bigla akong makaramdam ng kaba.

"Wag kang kabahan...Kasama mo ako" nakangiting suway sa akin ni Zach.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Pagkatapos nuon ay hinila niya ako para halikan sa noo.

"Let's welcome Mr. Zach Andrew Alnozo and His date" tawag sa amin ng emcee. Magkasabay kaming lumakad ni Zach, Ginala ko ang aking mata para makita pa ang iba pang mga bisita, pero agad napako ang tingin ko kay Kervy na hindi man lang tumitingin sa amin, Sa ibang direction siya nakatingin, Sa date niya.

Pagkatapos makapasok ng lahat ay Isa isang sinerve ang mga pagkain. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana. 

"Can we borrow your Date for a while?" tanong ng Babae kay Zach.

"Sure!" masayang sagot nito at kumindat pa. Gago!

Dinala ako ng Babae sa stage na may apat pang ibang babae. Ano namang arte to!?.

"So anyone who top the bid can have the chance to date one of these five gorgeous ladies" sabi ng Emcee na nagpalaki ng mata ko, pero ang ibang kasama ko ay pumalakpak pa.

Agad akong tumingin kay Zach para humingi ng tulong pero tinawanan niya lang ako. 

"First...Can you step forward Ms." sabi sa akin ng Emcee.

Napapikit ako ng Mariin at na pilitang maglakad sa may harap. "Her name is Ms. Grace Paula Sanchez...She was a Mo..." hindi na natapos ng Emcee ang pinagsasabi niya ng agad may magsalita.

"30 Thousand!" sigaw ng isang kalbong matanda.

"40 Thousand!" sigaw naman ng isang Americano, Kung hindi ako nagkakamali.

"50 Thousand!" Balik na sigaw ng Matanda.

"100 Thousand" pagmamayabang ng Americano.

Tumingin lang ako kay Zach pero busy siya sa mga kausap niya, Seriously! Hahayaan niya ako!?.

"150k!"

"250k"

"350k!"

Hindi ko na nasubaybayan ang pinagsasabi ng dalawang iyon. "Ok, So 350...Should I close the bidding?" tanong ng Emcee.

"500 Thousand" sigaw ni Zach. Agad akong nakahinga, Salamat naman at hindi niya ako hahayaang mapunta sa dalawang iyon.

"600 Thousand" tuloy tuloy pa din ang pakikipaglaban ng matandang kalbong iyon.

Nakita kong napangisi si Zach. "1 Million" pagbibida niya.

"1.5 Million" singit pa din ng matanda.

"2 Million!" madiing sabi ni Zach, Napangsi na lang ang matanda, I sighed in relief! That was close!.

"So 2 Million, The bidding for Ms. Grace Paula Sanchez is officially..."

"5 Million Pesos!" biglang sigaw ni Kervy na nagpatigil sa pagcloclose ng bidding.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro