Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

"Hey let me explain" sabi ni Kervy at nagtangkang hawakan ako pero tinabig ko ang kamay niya.

"Grace, Umuwi na kayo ni Ken" sabi ni Zach.

"San kayo nakatira?" determinadong tanong ni Kervy.

"Ipapahatid ko na kayo sa driver" paguusap namin ni Zach ng hindi pinanpansin ang presensya ni Kervy.

"S...sige" paos na sabi ko dahil sa luhang patuloy na lumalandas sa aking pisngi.

"Grace...Saan kayo nakita?" tanong ni Kervy.

"Sa condo ko, Happy now!?" sagot ni Zach.

"Tangina" bulong ni Kervy tsaka ko nakita ang paglaglag ng luha niya.

"Uuwi na kami, Zach" sabi ko at akmang lalakad na pero pinigilan ako ni Kervy at niyakap.

Pinilit niyang humalik kay Ken pero umiyak ang anak ko at pinagtulakan ito.

"Kervy tumigil ka nga" suway ko dahil parang matutumba na kami.

"Bad...Bad..." sabi ni Ken sa kanya habang inilalayo si Kervy sa kanya.

"Please...Let me explain" pagmamakaawa nito.

"Fuck you! Your explanation is 2 years late, Vera Cruz! Hindi ka naman kailangan!" sigaw ko sa kanya. Dahil sa pagsigaw ko ay lalong umiyak si Ken na karga karga ko.

Kaya naman nagmadali akong umalis palabas ng opisina ni Zach at mabilis na pumasok ng elevator. Nakita ko pang humabol si Kervy pero pasara na ang pinto ng elevator ng makita kong nakatanggap ito ng suntok mula kay Zach.

"Sorry Baby..." sabi ko sa anak ko tsaka siya mahigpit na niyakap.

Nang makarating kami sa condo ni Zach ay mabilis na nakatulog si Ken. Kahit sa pagtulog ay naririnig ko pa din ang paminsan minsang hikbi nito.

"I'm sorry..." biglang sulpot ni Zach sa likod ko.

Tumango lang ako. Agad niya akong hinila patayo at niyakap. "Be strong ok? Para kay Ken" sabi nito.

"Ok..." umiiyak na sabi ko at ginantihan ang Mahigpit na yakap nito.

Nagising ako dahil sa tawa ni Zach, Dinig ko din ang masaya kahit bulol na pagkanta ng anak ko.

"Spombob squepants! Spombob squepant! Spombob! squepants!" kanta nito habang sinasabayan ang nasa Tv.

"Good morning, Baby" masayang bati ko sa kanya.

"Mama!" sabi nito at naglahad ng kamay para magpabuhat.

Agad ko siyang binuhat, Nakita ko naman na lumalapit si Zach sa amin habang naka pajama at apron lang.

"Good morning" sabi nito at tsaka hinalikan ako pero dampi lang.

"Good morning" sagot ko din dito.

"Nakapagluto na ako ng breakfast, Kain na tayo" yaya nito sa amin.

Kinuha niya si Ken sa akin at siya na ang Nagdala papunta sa Dinning. "Bakit hindi ka pa nakabihis? Anong oras ba pasok mo?" tanong ko.

"Hindi muna ako papasok ngayon. Shopping muna tayo? Tsaka mag grocery na din tayo" sabi nito.

"Ikaw bahala" sabi ko.

Pagkatapos kumain ay nagbihis na kami, Pumunta na kami sa mall para daw mamili ng mga kulang sa bahay at mag grocery.

"Dada, Car!" sigaw ni Ken.

"Madami ka ng Car sa bahay, baby" sabi ko dito. Tiningala ko ito dahil karga siya ni Zach.

"Mama...Wala" sabi nito at ipinakita pa sa akin ang kamay daw niyang walang laman.

"Ilan ba ang gusto mo, Baby?" tanong ni Zach dito.

"Sabing wag mong gawing spoiled!" inis na sabi ko dito.

"Sungit ni Mommy!" natatawang sabi ni Zach kay Ken, kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

"Tara na maggrocery na muna tayo" sabi ko sa kanilang dalawa. Agad ibinaba ni Zach si Ken para makalakad ito.

Kumuha silang dalawa ng cart. "Mama...Car! Vroom...Vroom.." sabi ni Ken ng nakasakay siya sa loob nito.

"Sumakay ka na din dito Grace ayokong napapagod ka" nakangising sabi ni Zach.

"Tigilan mo ko!" inis na sbi ko.

"Suplada ni Mommy!" sabi nito at nakipag apir kay Ken.

Naiinis ako kay Zach dahil kung ano ano ang pinagkukuha na hindi naman importante. "Ibalik niyo yan" sabi ko ng kumuha ito ng tatlong malalaking junk foods

"Grace... Manunuod tayo movie mamaya. Wala tayong kakainin" rason ni Zach.

"Edi umain ka ng prutas habang nanunuod!"sabi ko dito.

"Sige ka! pag pinabalik mo ito sa akin! Ikaw ang kakainin ko mamaya!" sabi nito at kumindat pa.

"Bastos!" inis na sabi ko tsaka ko siya nilapitan at pinagkukurot sa tagiliran.

"Sa pagkakaalam ko bawal ang PDA dito sa grocery ko" natigil kami sa nagsalitang iyon.

Agad kaming napatingin sa likod at nakita ang seryosong pagmumukha ni Kervy.

"Tara na, Zach" yaya ko kay zach. Aalis na sana kami ng magsalita ulit ang demonyong si Vera Cruz.

"Kung kinakailangan ko pang makipagkumpetensya. Then, Grace I'm in. Kahit anong mangyari babawiin ko ang akin" sabi nito at nauna pang umalis.


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro