Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34 (Flashback)

Zach Pov


Kasama ko ngayon ang aking pinsang Si Kervy at ang magkapatid na sina Rhia at Grace. Pero half lang. Anak lang kasi si Grace sa labas, Kaya iba ang trato ng Mommy nila sa kanya.


"Ang daya mo!" sigaw niya kay Kervy na walang ginawa kundi tumawa, 2nd year highschool na kami ngayon.


"Madaya agad!? Talo ka lang kasi!" natatawang pangaasar niya sa bestfriend. Kahit noon eh magbestfriend na talaga silang dalawa.


"Ayoko ng makipaglaro sayo kahit kailan!" sabi nito at agad lumayo kay Kervy. 

"Sus! nagtampo agad!" sabi ni Kervy tsaka nilapitan ang bestfriend. Busy silang dalawa samantalang si Rhia naman ay busy sa kanyang phone.


"Sino nanaman yang katext mo?" tanong ko.


"Pake mo!?" masungit na sabi nito sa akin.


"Nasa bahay kita! Wag mo akong tinatarayan" sabi ko sa kanya.


"Bahay to nila Tita! Hindi ikaw ang nagpagawa nito!" laban niya sa akin, at talagang lumalaban pa ang isang ito.


"Sa akin pa din mapupunta ito!" hindi ako nagpatalo. Hindi ako magpapatalo sa kanya.   


"Ofcourse! wala ka namang ibang alam kundi maghintay ng ibibigay sayo! Wala kang direksyon sa buhay! Para kang palamuning baboy!" sabi nito sa akin at tsaka umalis. Nalaglag ang panga ko. At talagang matabil din ang dila ng isang iyon. Ipatapon ko kaya palabas?


"Tama na, Kervy!" hiyaw ni Grace habang kinikiliti siya ng pinsan ko.


"Bati na tayo?" sabi ni Kervy.


"Oo na nga! kanina pa! napakabingi mo!" sigaw ni Grace.


"Ang ingay mo ha! Bakit mo ako sinisigawan!? Magkalayo ba tayo?" sagot ni Kervy at nagpatuloy sa pagkiliti sa bestfriend niya.


"Umuwi na nga kayong dalawa!" sigaw ko sa kanila. Ang ingay nila, at badtrip ako!


"Chill Bro! May dalaw ka nanaman!?" natatawang sabi niya, pero agad tumakas si Grace mula sa kanya.


"Hoy! Teka!" hindi niya na hinintay ang sagot ko at mabilis na hinabol si Grace.


Naging mabilis ang panahon para sa amin, college na kami ngayon. Hindi kami sa karaniwang university pumasok, advance ang curriculum nila dito. Kahit nasa ibang university sina Rhia at Grace ay hindi pa rin nawawala ng bonding namin. Halos buwan lang ang pagitan ng magkapatid na iyon. Sa university din na ito namin nakilala sina Luke Evanz Jimenez, Matteo Aldrin Samonte at Timothy James Dela Vega. Naging matalik na magkakaibigan kaming lima.


18th birthday ni Rhia ngayon. Dapat ay sabay sila ni Grace pero ayaw ng Mommy nila. Gusto niya lahat ng the best sa anak niya, ayaw niyang nalalamangan si Rhia ni Grace.


"Sige na, please!?" dinig kong paguusap ni Kervy at Grace sa may garden ng venue.


"Alam mo Kervy! Papagalitan nga ko! natatakot ako sa ginagawa niyo ni Ate! bakit ba kasi hindi niyo na lang sabihin kila Mommy!" sagot ni Grace dito.


"Sasabihin naman namin ang tungkol sa relasyon namin. But not now. Please, Grace! Dadalhin ko lang sandali si Rhia sa surprise ko sa kanya. Pagtakpan mo naman kami kahit sandali lang! please!?" pakausap ni Kervy.


"Si...Sige" wala sa sariling sagot nito.


"Thank you!" sabi ng aking pinsan tsaka niyakap si Grace.


Agad kong nilapitan si Grace pagkaalis ni Kervy. "Sinabi mo na ba sa kanyang ang kasal niyo?" tanong ko.


"Kakausapin ko ang mga magulang namin. Mahal ni Kervy si Ate..." sabi nito ng nakayuko, ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. 


"Alam mong hindi sila papayag Grace..." sagot ko sa kanya.


"Hindi ko alam..." sabi nito tsaka umiyak.


"Mahal mo si Kervy? bakit hindi mo ipaglaban?" hamon ko sa kanya.


"May mahal siyang iba..." sabi nito.


"Tutulungan kita" pinal na sabi ko tsaka umalis.


Pinatawag kaming apat ng aming mga parents para sa isang meeting. As usual magkasabay na dumating ang magbestfriend. Tahimik lang si Grace dahil alam niya kung ano ito, At si Rhia naman hindi makatingin sa amin ng maayos. 

May nangyari sa amin kagabi, pareho kaming lasing. Pero kung ano man ang maging bunga non, wag siyang mag alala dahil pananagutan ko siya. Hindi ako nagsisi sa ginawa namin, handa akong panagutan siya kahit anong mangyari. 


"Hey..." tawag ni Kervy dito pero umiwas lang ito.

Natawa si kervy sa inakto ng kanyang secret girlfriend. "Wala pa sila, Wag kang matakot" sabi nito pero agad bumukas ang pinto at inikuwa nuon ang mga magulang naming lahat.


"Andito na pala kayo..." sabi ni Mommy.


Isa isa namin silang hinalikan. "I miss You, Hija" sabi ng Mommy ni Kervy kay Grace.


"Namiss ko din po kayo, Tita" sagot ni Grace.


"Sabi ko sayo, call me Mommy" nakangiting sabi niya kay Grace.


"Bakit? aampunin mo si Grace, Mom?" natatawang tanong ni Kervy. Pero nginitian lamang siya ni Tita.


"Hello, little sister!" pangaasar ni Kervy sa bestfriend at nagawa pang akbayan.  


"I told you, walang magiging problema" sabi ng Mommy ni Kervy sa iba pang parents.


"Nandito kayong apat dahil may importante kaming sasabihin sa inyo..."


"Manahimik ka nga, Kervy" mumunting suway ni Grace na nagpatigil sa amin.


"Pagkatapos nito kain tayo! Saan mo gusto!" sabi ni Kervy na walang pakialam sa paligid niya.


"Hey, Son..." suway ni Tito sa anak.


"Oh, I'm sorry Dad" sagot ng pinsan ko.


"Nagpagdesisyunan naming iarrange marriage kayong apat. Zach and Rhia...And ofcourse itong dalawang ito!" turo niya sa gulat na si Kervy at si Grace na nakayuko lang. 

"Kervy and Grace" dugtong niya.

"Wait! What!?" tanong ni Kervy at napatayo pa dahil sa pag protesta.    


"Kervy..." suway ni Grace sa kanya.


"Don't tell me matagal mo ng alam ito?" tanong niya.


Tumango tango lang si Grace bilang sagot.


"Pa...payag ka?" galit na tanong niya.


Hindi sumagot si Grace. "Payag ka!" ulit na sabi niya pero hindi na patanong.


"No! Hindi ako ikakasal kay Grace!" sabi nito.


"Kala namin may gusto kayong dalawa sa isat isa?" tanong ng Mommy niya.


"No Mom! Bestfriend...Hanggang duon lang kami!" sabi nito at nag walkout.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro