Chapter 2
Hindi ko nagawang kumatok. Sanay kasi akong pagdating kay Kervy ay papasok ako kaagad. Kahit sa bahay nila, masyado akong welcome doon. Hanggang sa narealize kong, baka dito sa office ay hindi iyon uubra. Wala akong nagawa kundi ang katukin ang pinto ng tatlong beses. Mabuti naman at tumigil sila ng marinig iyon.
"Come in, Paula" sabi ni Kervy. May ibinulong siya sa babaeng kasama kaya naman mabilis itong umalis sa pagkakaupo sa lap niya.
Paula, ang second name ko ang tawag niya sa akin. Bihira lang niya akong tawaging Grace.
"Don't forget about our date later babe ha" Maarteng sabi ng babae kaya naman napairap na lang ako. Kervy and his girls.
Nagtaas ng kilay si Kervy bago malokong ngumisi. "Ofcourse, I'll call you after work"
Hinayaan ko munang umalis ang babae at tuluyang makalabas bago ako lumapit sa kanya at umupo sa upuan sa harap ng table nila.
"Kamusta naman ang first day of work mo? Are you getting along well with you co-workers?" tanong niya sa akin, pero ang kanyang mga mata ay nasa mga documento sa itaas ng kanyang lamesa.
Imbes na sumagot at napanguso ako. Tumayo ako at naglakad sa loob ng office niya. Malaki iyon, nagaagaw ang kulay ng itim at puti. Maging ang mga gamit niya ay naka organize din, masyadong malinis. Sa likod ng kanyang malaking office table at malaking bintana na tanaw ang kabuuan ng buong syudad.
Nakatingin ako sa bintana at nakatalikod sa kanya "Mababait naman sila. First day pa lang naman kaya medyo naninibago pa ako" sabi ko naman.
Narinig ko ang paggalaw ng kanyang swivel chair kaya naman mabilis ko siyang hinarap. nagulat pa ako nung una ng nasa likuran ko na siya kaagad. magkaharap na kami ngayon at halos sumandal na ako sa may salamin.
"Mabilis ka namang matuto kaya I know that you can do it" Sabi niya sa akin. Mula sa pagiging seryoso ay nginisian ako nito.
"Tsk, Sino nanaman yung isang yon? bago nanaman?"pagiiba ko ng topic.
He chuckled, pagkatapos ay pinisil ang ilong ko. hindi ko nanaman kasi napigilang bumusangot dahil sa nakita ko kanina.
Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Bukod sa halos nasa kay Kervy na ang lahat, sweet pa siya sa mga babae niya. Kahit sino ang nagsasabi, gwapo naman talaga ito at maganda ang pangangatawan, malakas pa ang dating kaya naman kahit wala siyang gawin ay nakakaakit nga naman talaga.
"Si Vianca, anak ng isa sa mga clients natin" sagot niya sa akin bago niya ako tinalikuran at umupo pabalik sa kanyang swivel chair. pagkaupo doon ay mariin siyang napapikit at napahilot sa kanyang sintido.
"Anong arte naman yan?" tanong ko.
"Migraine" maiksing sagot niya.
Napairap ako sa kawalan. Ayan, sumasakit ang ulo dahil sa kalandian niya.
"Ikot!" tamad na utos ko sa kanya.
Dumilat siya para tingnan ako, kaagad ko siyang pinagtaasan ng kilay. Masakit siguro talaga ang ulo niya kaya naman sinunod niya ako kaagad. See? kung walang mali diyan makikipagtalo pa yan sa akin.
Hinihilot ko yung sintido niya.
"Uhm..." daing niya. Masakit nga ang ulo nito.
"Multi- tasking ka kasi. May paper works na, may babae pa!" sumbat ko naman.
Mahina siyang natawa habang dinadama pa din ang ginagawa ko sa sintido niya.
"Tsk, napakababaero mo talaga!" sabi ko ulit.
"Habulin eh" pagbibiro niya. Eh, totoo naman talaga.
"Kailangan talagang gawing collection?" tanong ko. Kung magpalit kasi ng babae akala mo, Collector eh.
Ngumisi ulit siya. "Kesa naman ikaw yung paiyakin ko diba?" pabulong na sagot niya.
"Ano? lakasan mo nga!" utos ko, pabulong bulong pa to!
Hinawakan naman niya yung kamay ko na humihilot sa kanya. "Thanks, madami pang paper works, sige na bumalik ka na baka pagalitan ka pa ng head niyo" sabi niya sa akin.
Nabato ako sa aking kinatatayuan ng may maramdaman akong kung ano ng hawakan niya ang aking kamay.
"Nakuryente ka ba?" wala sa sariling tanong ko.
"Huh?" tanong niya sa akin sabay ayos ng upo paharap sa kanyang table.
Nakatulala pa din ako at hindi makagalaw. "Hoy! anong nangyari sayo?" this time nagising na ako sa realidad.
"Huh? ah... wala.Wala, sige babalik na ako" Wala sa sariling paalam ko sa kanya.
Wala pa din ako sa aking sarili habang hinihintay kong magbukas ang elevator. Dahil sa pagkatulala ay hindi sinasadyang nasangga ko ang babaeng palabas doon.
"What the hell" sigaw nung babae.
"Sorry, Miss" paumanhin ko.
"Tanga ka ba? Napaka clumsy mo naman! Look what you did to my dress. You ruined it, you idiot!" sigaw naman niya, aba! anong tanga, clumsy at idiot! nabuhayan ako ng loob. Gumana ang buong sistema ko.
"Excuse me, Miss! Didn't you heard that I already said that I'm sorry? Once isn't enough for you? And please, don't you dare call me names!" pagtataray ko naman sabay pasok sa elevator, nagpalit naman kami ng pwesto ngayon siya naman ang nasa labas.
"You didn't not know me, don't you? Then before you speak, know who you we're speaking with. Are you new here?" mataray na tanong niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Inis na tawa naman ang nagawa niya. Pikon. "Then later, you're fired! Mark my words, idiot!"
"Then let's see, Miss" pangaasar ko naman sa kanya.
"Hindi mo talaga ako kilala eh ano?" tanong niya sa akin, halatang inis na talaga.
"Yes, and I'm not interested!" nakahalukipkip na sagot ko sa kanya with matching taas kilay pa.
Napasigaw pa at kulang na lang magpapadyak. " Wala kang respeto sa mga nakakataas sayo!" sigaw niya sa akin. Asar talo!
"Baka ako ang hindi mo kilala!" Sabi ko naman, but this time susugurin niya na talaga ako, kaya naman dali dali kong tinanggal yung pagkakapindot ko sa open button. And viola! Naipit yung braso niya.
"Shit, shit, walang hiya kang babae ka!" nasasaktang sigaw niya, nagtatatalon siya sa harapan ko.
"Bye, Miss!" sabi ko naman at binigyan siya ng ngiting tagumpay bago tuluyang sumara ang elevator.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro