Chapter 15
Matapos yung paguusap naming iyon ni Kervy ay halos araw araw niya na akong ipinapatawag sa office niya. Pag nakita na niya ako ay papaalisin din ako kaagad. nambwibwiset lang talaga at istorbo sa trabaho.
Magkakaroon ng 1 week vacation ang company. Gaganapin iyon sa isa sa mga resort na pagmamay ari ng pamilya nila Kervy sa subic. Excited kaagad ang aking mga katrabaho na maging ang grupo nina Joana ay talagang nagset pa ng date ng pagpunta sa mall para bumili ng kanilang mga dadalhing swimsuit.
Late akong dumating sa office sa araw ng aming pagalis. Nalaglag pa ang aking panga ng makita kong ni isang bus ay wala ng naghihintay para sa akin. Late ako, pero hindi naman ganoon katagal para iwanan nila ako. Baka kinalimutan nila ako?
Kaagad kong tinawagan si Joana. Baka hindi ako late? Baka maaga pa ako sa lagay na ito?
"Asaan na kayo?"
"Bumabyahe na!" sagot niya sa akin. Halatang masaya at excited.
"Ano!? Ang sabi 9 daw ah!?" giit ko. Wala pa ngang 10! late nga lang ako ng ilang minuto.
"Kaninang 7 pa kami nagkitakita!"
Nanlaki ang aking mga mata, eh bakit ang sabi sa akin ni Kervy 9!?
[FlashBack]
Calling Kervy
"Oh napatawag ka!?"
"Ok na ba yung mga gamit mo para bukas?" tanong niya.
Tumango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. "Oo, nga pala Kervy anong oras ng yung call time? 7 o 8?
"Kahit kailan napakaStupid mo!" asik niya sa akin kaya naman naikuyom ko nanaman ang aking kamao.
"Hoy! Bwiset ka! Nagtatanong ako ng maayos dito ha!" laban ko sa kanya.
"Mabilis talagang masisira ang eardrums ko pagkasama kita!" reklamo niya pero wala akong pakialam.
"Bwiset ka! akala mo ba ikaw lang? nasisiraan ako ng bait pagkasama kita, napakabipolar mong bwiset ka!" sita ko sa kanya pero narinig ko lang ang tawa niya sa kabilang linya.
"Ang ingay ingay mo! Bukas, 9! wag kang malalate!" asik niya bago niya ako pinatayan ng tawag.
Aba! pinatayan ako ng cellphone kapal ng mukha! tinatanong pa niya kung saan ko daw nakuha yung salitang bwiset, eh humarap kaya siya sa salamin para makita din niya!
*End of Flashback*
Bwiset talaga siya! palagi niya akong ginogood time! Ganoon ba kadaling paglaruan ang feelings ko!? Mataray, mapride, matapang at maganda ako, pero napakaiyakin ko, mababaw kasi yung luha ko kaya ito umiiyak na ako, bwiset na Kervy ano gusto niya magcommute ako!?
Natigil ako sa pagiinarte ng may isang lamborghini ang pumarada sa harapan ko, kilala ko na kung kanino to, edi sa bwiset na si Kervy.
"Why are you crying?" nagaalalang tanong niya, pagkababa niya sa sasakyan.
Hindi ko siya sinagot, tinatamad ako.
"Let me explain, may meeting pa kasi ako, kaya pinauna ko na sila"paliwanag niya.
"Eh bakit sinabi mo sa akin 9!?" sigaw ko habang pinupunasan yung luha ko.
"Para sabay tayo, sakay na" utos pa niya sa akin.
"Bakit!?" wala sa sariling tanong ko.
"Anong bakit? natural gusto kitang kasama sa byahe!" sagot niya.
Sinimangutan ko lang siya, pero deep inside, may kakaiba nanaman akong naramdaman.
"Ano? Bubuhatin pa ba kita?" mapangasar na tanong niya.
"Sige subukan mo! babatukan kita" banta ko pa sa kanya bago ako tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan.
Tahimik lang kami sa byahe, pero pansin kong hindi siya mapakali. Panay pa ang tingin niya sa akin kaya naman grabe ang pagtatambol ng aking dibdib. Hanggang sa mapansin kong hindi pala siya sa akin tumitingin kundi sa aking suot na damit, sa legs ko! Ang bastos bastos talaga ng isang ito.
Siya naman nakapangoffice attire pa, pero naka long sleeve na white na lang siya ngayon na nakatupi hanggang sa kanyang siko. Bakat din mula duon ang hubag ng katawan niya. Maganda ang katawan ni Kervy, wala akong mapipintas doon.
"Takpan mo nga yan!" sabi niya sabay bato ng isang itim na jacket sa legs ko.
"Bakit nadidistract ka ano!?" pangaasar ko sa kanya.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Kahit private resort yun, iba na ang panahon ngayon" seryosong sabi niya.
Natawa naman ako "Tama, tama! Parang ngayon. May kasama akong isa" natatawang sabi ko.
"I'm dead serious, Paula!" madiing sabi niya.
Natahimik na lang ako, iba na ang aura eh, baka mamaya pagtinopak yan pababain ako at mapilitan akong maglakad.
Mga ilang minuto ding kaming natahimik. Medyo sumakit pa ang batok ko para lang iwan ang kanyang gawi. Siguro kung sa bus ako sumama ay masaya sana ang byahe namin ngayon.
"Kainis! Dapat kila Joana na lang ako sumabay!" pagpaparinig ko. Hindi ko na mapigilan.
Tumingin lang siya sa akin, tapos may binato siyang plastik ng mga pagkain.
"I guess, ok na yan" sabi niya.
"Thank you ha!" inis na sabi ko, tsaka sinimulang tingnan ang mga dinala niya.
"Kasama ba sina Timothy?" tanong ko habang naghahanap ng pwedeng makain.
Umiling siya. "Busy sila, si Timothy busy sa bar, si Matteo nasa retreat"
"Si Matteo!?" sabay tawa. Hindi ko akalain na ang isang katulad ni Matteo na maloko ay sasama sa isang retreat.
"Si Luke busy sa preparation ng kasal niya" sabi niya na nagpatigil sa tawa ko. Hindi ko alam pero parang may kung anong gumuhit sa puso ko, parang bigla akong nakaramdam ng konting lungkot.
Kaya binaling ko na lang muna sa pagkain itong magulong nararamdaman ko, Sunod sunod na subo pa ang ginawa ko.
"Oh bakit malungkot ka?" tanong ni Kervy ng mapansin niya ang aking pananahimik.
Umiling lang ako "Bakit naman ako malulungkot aber!" sinagot ko siya kahit halos hindi na malinaw ang sagot ko dahil puno ang aking bibig dahil sa pagkain.
"Naiinggit ka ano!? Bakit gusto mo na rin bang magpakasal!?" natatawang tanong niya.
"Hindi noh!" pagtanggi ko.
"Pagbalik hihingin ko na yung kamay mo kila Tita" natatawang sabi niya.
"Ano?" gulat na sigaw ko at naibuga ko pa sa kanya ang nasa bunganga ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro