Chapter 14
Luke's Pov
"Pwede ba! Wala siyang kinalaman dito, Samantha!. Ako mismo ang ayaw magpakasal sayo! Naiintindihan mo ba yon!?" sigaw ko.
"Pero siya yung dahilan kung bakit hindi mo ako magawang mahalin, Luke!" naiiyak na sabi niya.
"Wag na wag mong malapit lapitan si Grace! ako ang makakalaban mo!" sigaw ko sa kanya.
Grace Pov
"Gusto ko ng umuwi Kervy!" inis na sabi ko.
Agad siya tumayo at hinila yung kamay ko. "Uuwi na kami!" paalam niya kina Timothy at Matteo.
Nagprotesta pa yung dalawa pero hindi na niya pinansin pa.
Sa sasakyan...
"Sa uulitin wag ka basta basta makipagkita sa mga ganon! Hindi mo naman pala kilala, excited na excited kang makipagkita!" pangangaral niya. Hindi ako sumagot, dahil pag sumagot ako siguradong away nanaman ito.
Diretso lang ang tingin ko sa daan "Naka nguso ka nanaman!" natatawang sabi niya sabay hila sa nguso ko, bwiset gustong gusto niyang kurutin yung nguso ko.
Hindi ko pa rin siya pinapansin. "Babawi ako promise" sabi niya. Ngumisi naman ako na parang...talaga lang ha!
"San mo ako dadalhin!" sigaw ko ng mapansin kong hindi ito ang daan pauwi.
"Mag date tayo!" nakangising sagot niya.
"Baliw ka ba!?" inis na tanong ko.
Sumama nanaman ang tingin niya sa akin. "Baka ikaw!" pangaasar niya sa akin. Nakakatakot itong kaibigan ko, napaka bipolar talaga!
"Bwiset ka! Ayoko bababa ako!" sigaw ko.
"Alam mo ba yang tili mo parang alarm clock! Nakakairita!" inis na sabi niya.
Binatukan ko siya"Bwiset ka! bwiset bwiset bwiset!" pagwawala ko.
Natigil ako sa bagay na humarang sa bibig ko. Mainit ito at malabot, mamasa-masa din, what the heck! Labi ni Kervy to! Virgin pa yung lips ko.
"Sabi na kasing itikom eh ayaw makinig!" natatawang sabi niya ng humiwalay siya ng halik sa akin.
Hinawakan ko na lang yung labi ko. Totoo ba yun?
"Baba na!" pagtulak niya sa akin.
Naging dahilan iyon para magising ako sa realidad, nasa tapat na pala kami ng isang restaurant.
Magsasalita sana ako para bulyawan siya pero iniharang niya ang pointing finger niya sa labi ko.
"Shhh... Sige magbunganga ka diyan, pabor na pabor sa akin yan!" natatawang sabi niya.
Tinabig ko naman yung kamay niya. "Bastos!" sigaw ko pero agad naman akong lumabas ng sasakyan niya. Gosh tama na muna yung isa next time na lng ulit.mNext time? Grace what the heck!
Habang naglalakad ako, narinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan niya, agad naman akong nakarinig ng yabag na tumatakbo. Ang lubos ikinagulat ko ay ang paghapit niya sa bewang ko. Tiningnan ko siya ng masama para tanggalin niya iyon pero ngumuso lang siya habang nakatingin sa labi ko.
Nandito na kami ngayon sa loob, Bwiset nararamdam ko pa din yung maiinit niyang labi sa labi ko. Ang lambot non! Grabe!
"Paula!" tawag niya sa akin.
"Huh?"
"Ano kako gusto mong kainin?" tanong niya.
"Labi mo..." Nagulat ako sa lumabasa sa bibig ko kaya naman napalo ko ito, Agad naman siyang napatawa.
"Later, Baby. Sa ngayon kumain muna tayo ng pagkain" mapangasar na sabi niya.
Mariin akong napapikit. Bakit ba lumabas sa bibig ko yun!? Nakakahiya!
"Ah...Ah kahit ano, ikaw na ang bahala" nauutal at nahihiyang sabi ko.
Paborito ko tong pagkain sa harapan ko pero wala ako sa mood kumain, gusto ko kasi yung labi ni Kervy eh... este ewan naguguluhan ako. Nabigla pa din sa nangyari.
"Ayaw mo ba niyang pagkain mo?" tanong niya.
Umiling ako. "Gusto ko, pero wala lang akong gana"
"About last night" sambit niya.
Muling nanlaki ang aking mga mata. Ito pa isa, hindi na ata matatapos ang kahihiyan ko ngayong araw. sa sobrang kaba ko ay nagawa ko pa siyang pagtaasan ng kilay para itago ang totoong nararamdaman.
"I'm trying" maiksing sagot niya.
"You're trying about...what?" pagtataka ko.
"To love you back"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro