Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Order

A/N: I am so sorry for the late update. Anyway, babawi ako. Kagaya ng sa Beauty and the Devil, two chapters din ang update dito. Happy reading!

P.S please bare with my errors. Mapatypo, grammar o punctuation man iyan. Kamsa!

******

Lima, Peru

SATANA's POV

Unti-unting humina ang rotor ng chopper nang makababa kami. Inayos ko ang pagkakabalabal ng aking scarf at maging ang shades na nasa aking mata. Umihip ang malakas na hangin at hindi ko inaasahan iyon. Sumabog ang aking buhok kaya naman kinailangan ko pang sikupin ito gamit ang aking mga kamay para hindi na magulo. Akala ko ay mainit sa bansang ito pero nagkamali ako.

"Sinabi ko na sa'yong magdala ka ng jacket. When will you listen?" Sermon saakin ni Cedric atsaka hinubad ang suot niyang leather jacket. Ini-aro niya iyon saakin pero hindi ko tinanggap.

"I can manage." simpleng sinabi ko atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paglapat ng jacket niya sa balikat ko.

"I said I can—"

"Hindi mo ikamamatay kung isusuot mo ang jacket ko, Tana. Wala akong nakakahawang sakit," ismid niya saakin bago ako nilagpasan. Aba! Sinabi ko bang kaya ayaw kong isuot ang jacket niya ay dahil doon?!

"Whatever," mahinang bulong ko na lang atsaka sumunod sa kanya.

Hindi kalayuan sa amin ay nakaabang ang isang sasakyang magdadala sa amin sa hotel. Kumaway ang lalaking nakasandal sa sasakyan. Ang isang kamay nito ay nakasuot sa kanyang bulsa habang nakangiting tinatanaw kami ni Cedric na naglalakad. Nang makarating kami sa tapat niya ay nakipag-bro fist siya kay Cedric.

"Bro, it's been a while." usal pa nito. Tumango si Cedric at pagkatapos ay binalingan ako.

"Ford, this is Satana," nilingon ako ng lalaking nagngangalang Ford. Blangko ko siyang tinignan. "..and Satana, this is Ford. Siya ang sinasabi ko sa'yong contact ko dito. He's a friend." Dagdag pa ni Cedric.

Naglahad ng kamay saakin si Ford para makipagkamay pero tinignan ko lamang iyon. I don't do shake hands.

Nagngising aso siya sa inasta ko kaya naman lihim na napataas ang kilay ko. The nerve.

"Ito ba ang sasakyang gagamitin natin? It stinks." malamig na komento ko atsaka umarteng nagtakip ng aking ilong. Pinagtaasan ako ng kilay ni Cedric at kumunot naman ang noo ni Ford. Pikunin ka pala ha.

"Excuse me?" Na-ooffend na singhal niya.  Bakas ang pagkairita sa boses niya nang komprontahin ako. Inalis ko ang shades na suot ko atsaka siya diretsong tinignan.

"Dadaan ka?" Nang-aasar kong tanong habang nakataas ang kilay sa kanya.

"Dude! Who the hell is this bitch?! I'mma cut her..." hindi na naituloy pa ni Ford ang sasabihin niya dahil mabilis kong nahawakan ang sleeve ng kanyang jacket at kasabay noon ay ang pagsakal ng kaliwang kamay ko sa leeg niya. Hindi naman madiin ang pagkakasakal ko sa kanya. Parang hawak ko lang iyon pero mararamdaman parin ang aking panggigigil.

"D-dude!" nahihintanakutang tawag niya.

"What did you just called me?" malamig na tanong ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang labi at mga kamay. Oh? Our little boy is scared eh?

"Satana. Stop it." Matamang saway saakin ni Cedric.

"Anong silbi ng lalaking ito sa atin?" seryosong tanong ko. He should be useful dahil kung hindi ay baka mapatay ko siya ngayon din. 

"Nasa sa kanya ang mga impormasyong kailangan natin, Tana. Now, if you want to save your mother, stop being an ass." iritang sagot niya. Tumaas ang kilay ko pero hindi ko inaalis ang pagkakahawak ko kay Ford. I looked at his face na ngayon ay maputla na.

"Next time, learn to watch your words bastard." turan ko bago siya padabog na pinakawalan.

Pumasok ako ng sasakyan at nakita ko mula sa bintana ang paghimas niya sa kanyang leeg. May sinabi sa kanya si Cedric at pagkatapos noon ay pumasok na rin siya dito sa loob.

"You scared him." bungad niya nang makaupo. Hindi ako umimik. Who cares anyway? Ano ngayon kung natakot ko siya? He should've not called me a bitch then.

Nang makapasok si Ford sa sasakyan ay ramdam ko parin ang takot niya sa akin. Pasimple kong nilingon ang rear mirror at nakita ang pamumula ng leeg niya. Napangisi ako. 

Serves you right. You shouldn't mess with the devil. I said to myself as I turn my gaze on Cedric.

"What?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Evil Satana." bulong niya na lalong ikinalaki ng ngisi ko.

Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe namin at nakarating din kami sa hotel na aming tutuluyan. Nauna akong bumaba at nang makita ko ang hotel ay napahikab ako. Hindi ito mukhang isang five star hotel pero pwede na rin.

Nauna akong maglakad at kasunod ko si Cedric. Lahat ng madaanan namin ay tumatabi at yumuyuko kapag nakikita siya. Uh, what's going on?

Nilingon ko si Cedric at nakitang pokerface lang ito. Tumigil ako sa paglalakad at nagtataka naman siyang tumingin saakin nang sabayan ko siya.

"Do you own this place?" tanong ko.

"For a fifteen year old girl, you're way too nosy." he plainly said. Ngumuso ako.

"Nagtatanong lang ako. Bakit ang sungit mo?" tanong ko naman.

"Shut up." Aba't! Linya ko iyon ah!

Gusto ko sanang angilan siya pero natigil ako nang tumigil kami sa tapat ng isang silid. Ito siguro ang magiging kwarto ko. Binuksan niya iyon gamit ang isang card. Pumasok siya kaya naman sumunod ako.

Simpleng kwarto lang ito. Mayroong dalawang kama. Isang maliit na sofa. Mini kitchen at isang banyo. Tumaas ang kilay ko.

"Ginigipit ka ba ngayon Ced? Daig pa nito ang boarding house ah? Kung wala ka ng pera, sana sinabihan mo ako. I have my cards with me." walang ganang sinabi ko bago ako naupo sa couch.

"This is the only available room right now. Kung ayaw mo dito ay doon ka sa labas matulog." Kita mo nga naman. Kung barilin ko kaya siya ngayon? He shouldn't treat me in this manner!

"Are you looking down on me now?" tanong ko. Alam kong hindi na siya nagtatrabaho sa Lolo ko but still, hindi niya dapat ako ginaganito!

"My apologies, your highness." sarkastikong sinabi niya. Umirap ako. Pasalamat talaga siya at kahit na papaano ay may utang na loob ako sa pagtulong niya sa akin ngayon kahit na hindi ko naman hiniling na sumama siya.

"Whatever. Now, give me those informations that I need so I can make a plan." Usal ko atsaka iniaro ang kamay ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya bago kinuha ang isang envelope na nasa bag niya. Teka, nandun ba 'yong mga impormasyon? Iyon iyong mga binabasa niya kanina sa byahe ah? Akalain mong mabilis palang trumabaho ang Ford na iyon!

"May plano na ako." sinabi niya kaya naman tumayo ako at humarap sa kanya.

"Anong plano?" sabik na tanong ko.

"You don't have to know. Ako, ang kukuha kay Lady Angelice and you," itinuro niya ako. "..all you need to do is just stay here and watch netflix." He instructed.

Matalim ko siyang tinignan. Ano daw watch netflix? Anong tingin niya saakin bata?! 

"Sasama ako. Ako, ang kukuha sa ina ko." agad ay protesta ko. Bakit ba?! Sa aking misyon ito kung tutuusin ay saling pusa lang siya!

"No. Do as I said. Maiiwan ka dito. Hindi ligtas sa'yo ang lumabas." he reasoned out. Oh c'mon! I can manage myself! Kaya ko! Bakit ba pakiramdam ko ay mahina ang tingin saakin nang lalaking ito? bakit ganito umasta 'to?! Ang sarap tirisin!

"No. I'm coming with you and that's  final. This is an order from the heiress of Raynott Famiglia," malamig kong sinabi habang malamig ding nakatingin sa kanya. "..try to stop me one more time and you'll die." Wika ko bago siya tinalikuran.


***
A/N: If you liked this part please do vote. If you have somehing to say, please do comment. If you think my story is worth it, please do share.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro