Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31: Fragment

Read your own risk, violence ahead.

***

Gusto ko na lang maglaho ngayon na parang bula. Uh! When did my life became so complicated? Hindi ko maintindihan kung bakit para akong preso na iniinterrogate ngayon ni Dixon. Nasa girl's dormitory na kami at nakahalukipkip siya habang matamang nakatingin sa akin.

"You're with who Satana?" tanong niya ulit. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ba niyang inulit 'yan pero kagaya kanina ay irap lang ang isinagot ko.

Why should I explain myself to him by the way? Ano bang pakialam niya sa mga ginagawa ko?

"Satana..." may pagbabanta na niyang sinabi. Kung si Devon lang ito malamang ay kanina pa ako nakapagsalita. Ay wait? Ganoon ba ako katakot kay Barrameda? Na kapag siya ang nagpaamin sa akin ay bibigay agad ako? Oh my gad! No! That can't be!

"Dixon, will you mind your own business?" Puno ng sarkasmo na sabi ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinapakialaman niya ang mga kilos ko.

"Ano?" Hindi makapaniwalang aniya.

"Ang sabi ko, mind your own business! Why do you care kung mawala ako! Am I not allowed to leave if I want to? Bakit ka nakikialam?!" Nagsisimulang ng uminit ang ulo ko.

"We were looking for you! Hindi mo ba alam kung gaano mo kaming pinag-alala?! Akala namin kung sino na ang dumukot sayo! Nagkagulo sa party at pagkatapos ay bigla kang nawala! We thought you were kidnapped by someone else!" He fired back. Ang ugat sa kanyang leeg ay halos maging visible na dahil din sa panggigigil sa akin.

"At sino namang kikidnap sa akin? Rogues?!" Hindi ko napigilang bulaslas. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mata ni Dixon sa sinabi ko. Tumayo siya at bahagya akong hinawakan sa braso.

"What did you say?" aniya at mas inilapit ang mukha sa akin. It was like he wants to confirm something. Nagsukatan kami ng tingin. "Sino Satana? Ulitin mo," aniya sa mas mababang boses.

Nag-iwas ako ng tingin. "R-Rogues! Who are them anyway?!"

"Sabihin mo sa akin, paano mo sila nakilala? Bumalik na ba ang ala-ala mo?" Tanong niya ulit. Ngayon ay puno ng pag-iingat niyang tanong.

"H-Hindi... just a little bit." I lied. I can't risk it! Hindi nila pwedeng malaman na naghihinala na ako sa kanila. Kung anuman ang itinatago nila sa akin ay sisiguraduhin kong malalaman ko rin iyon. Sa ngayon, I need to be careful. I don't even know if I can trust them. Ang aking kinikilalang magulang, si Lisa at ang Infernum gang. Sila lang naman ang palaging nakamasid sa akin. And of course the devil.

"Anong naaalala mo kung ganoon?"

"Just fragments of memories Dixon. There is this guy named Cedric and..." wait paano ko ba isisingit ang Rogues? "And he mentioned something about Rogues," uh! I hope it works! Siguro naman maniniwala si Dixon sa gawa-gawaan kong kwento. Well, Cedric is real. Sa tuwing sumasakit ang ulo ko, palagi ko siyang tinatawag. I even have nightmares about him. Hindi ko siya kilala well, sa ngayon? Siguro ay parte siya ng alaala ko. Kung magkikita kami, baka makatulong iyon sa pagbalik ng alaala ko. 

"Iyon lang?" Paninigurado niya at wala sa sariling tumango ko.

"Alright... kapag may naaalala ka na ulit. Sabihin mo sa akin." Kumunot ang noo ko. Why the hell would I do that?

"Saan kayo nagpunta ni Devon kahapon?" Pagbabalik niya sa usapan kanina. Uh! Akala ko successful ko nang nalihis ang topic!

"Mall." Tipid na sinabi ko. Totoo naman na pumunta kami sa mall. At ngayong naalala ko iyon, muli na namang nag-init ang kalamnan ko nang maalala ang pagtatangka sa akin ng Bruno na iyon! I was nearly rape! Kung hindi lang dumating sa Barrameda baka isa na akong malamig na bangkay ngayon.

"Mall? Bakit sa mall?" Hindi naniniwalang tanong niya.

"Stop being nosy! I just helped him buy something Dixon!" Gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon. Why am I so bad at lying?! Mas mukha pang kinukumbinsi ko ang sarili ko kaysa sa kanya. I just hope that he'll believe it! Knowing him, hindi siya agad maniniwala sa akin!

Nagtaas ng kilay si Dixon at nagdududa akong tinignan. Ako naman ay inabala na ang sarili sa pagsecellphone.

"Are you sure?" Aba't! Pinaningkitan ko na siya ng mata. Konting-konti na lang talaga at masasapak ko na siya.

"Ewan ko sa'yo. Pwede bang umalis ka na? I need to sleep." Pagtataboy ko sa kanya atsaka dumiretso sa kama ko at nahiga. Kanina pa talaga ako inaantok at ngayon ay hindi ko na kayang pigilan iyon. Hindi ko na inintindi pa si Dixon.

Pagkapikit na pagkapikit ko ay bumaha ang ilang imahe at ala-alang hindi ko naiintindihan.

"This is such a heartbreaking scene." Kumunot ang noo ko at tinignan ang babaeng nasa aking harapan. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng gintong maskara.

"W-who are you?" tanong naman ng isang lalaki. May hawak itong baril at nakatutok iyon sa babae. Natutop ko ang aking bibig, Where am I? Anong nangyayari? Bakit may ganito?

"Nasisiguro kong hindi mo gugustuhing makilala ako, Inspector Allan Gustavo," Malamig na sinabi ng babae.

Napahawak ako sa aking ulo nang sumakit ito. Wala sa sariling napaluhod ako at maya-maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril. Kasunod noon ay mga boses.

"How's you target?"

"Target eliminated, grandpa."

Nang mag-angat ako ng tingin upang tignan kung saan nanggagaling ang mga boses pero wala na ang dalawa sa aking harapan. Ngayon naman ay nasa loob ako ng isang sasakyan. Mabilis ang takbo nito at waring may hinahabol. Wala sa sariling napahawak ako sa upuan at saglit na tinignan ang nagmamaneho maging ang lalaking nakaupo sa passenger seat. Nakahawak siya sa strap ng seatbelt at kita ko ang pagtulo ng pawis sa kanyang pisngi.

"Sino kayo?" tanong ko pero ni hindi manlang ako nito tinignan. Wari bang hindi nila ako nakikita o naririnig manlang.

Tumigil ang sasakyan sa gubat at mabilis na bumaba ang dalawa. Ako naman ay nagmamadaling sumunod sa mga ito sa takot sa maaaring mangyari. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay tumigil ang dalawa sa tapat ng isang magarang bahay. Teka? Bahay? Sa gubat? Unbelievable!

"Is this your safe house?" tanong ng lalaki at umismid naman ang kasama niyang babae. Pamilyar siya. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya.

"Dati. Pero hindi na ngayon dahil nagpapasok ako ng traitor," anito at matalim na tinignan ang lalaki. Pinasadahan ko ng tingin ang likod ng babae at doon ko lamang napagtanto na ang siya rin iyong babae kanina!

Sinubukan kong humakbang papunta sa harap niya para makita ang hitsura niya pero parang nakatulos ang mga paa ko sa lupa. Kagaya kanina ay ni hindi ko masilayan ang mukha nito pero kung pagbabasehan ang hubog naming dalawa ay parehong-pareho iyon! Mula sa tindig at kilos! Even our voice seems alike!

"Pinoprotektahan lang kita Satana."

Teka? Did I hear it right? Tinawag niya ba ako? But he's looking at the girl at hindi sa akin!

"Ako? Pinoprotektahan mo? Wag mong bilugin ang ulo ko Ventura. Alam mong kaya ko ang sarili ko."

Ventura? Who the hell is Ventura?

"Hindi mo naiintindihan Satana."

"Pwes! Ipa-intindi mo sa akin Adam! I trusted you! Akala ko ay ginagawa mo ang lahat para mahanap ang ina ko pero nagkamali ako! Imbes na abala ka sa paghahanap sa kanya ay abala ka sa pagtatago sa akin! And you even think na ang bar na 'yon ang safest place para mapagtaguan ako?! Fuck you Adam! Fuck you!"

Bahagya akong napaatras habang nagsisigawan sila. Kasabay ng pag-atras na iyon ay ang muling pananakit ng ulo ko. Kumpara kanina, mas matindi ito at pakiramdam ko'y mahahati ang ulo ko sa sakit. Nagpakawala ako ng impit na sigaw pero kagaya kanina ay mukhang hindi talaga ako naririnig o nakikita ng mga taong ito. Mariin akong pumikit habang mahigpit na nakahawak sa aking ulo.

Sinuntok ko rin ito na para bang sa ganoong paraan ay mawawala ang sakit pero hindi. Umiikot ang paningin ko at mabilis rin ang aking paghinga. Pinilit kong mumulat at mahigpit kong kinusot ang aking mata nang makitang nasa ibang lugar na naman ako.

Dalawang tao ulit ang nasa harap ko at nakatutok sila sa computer. Unang tingin, alam ko na agad na iba na ang lalaking ito kumpara sa nagngangalang Adam Ventura.

"Ano na Cedric? Hindi ka pa ba tapos dyan?"

Saglit akong natigilan nang marinig ang pangalang iyon. Cedric. It seems so familiar to my ears! Maging si Adam Ventura ay pamilyar na pamilyar rin sa akin!

"Pwede bang maghintay ka? Hindi ako si Flash okay?! Tsaka, Satana naman...gabing-gabi na oh!"

"Para saan ba 'yan? Anong gagawin mo sa Peru? Misyon ba?" Sunod-sunod na tanong nito sa babae habang nilalaro ang bolang hawak niya.

"Nakapagpa-book ka na ba ng flight ko papunta roon?" tanong ng nagngangalang Satana.

"Yes. Your highness." Nakangising pahayag ni Cedric at saka nahiga sa kama niya. "3AM ang flight mo. Gisingin mo na lang ako mamaya. Ihahatid kita sa airport."

Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako! Am I still dreaming? Bakit parang totoong-totoo ang mga ito? Bakit pakiramdam ko, nangyari talaga ito sa'kin. The places and these people are all familiar to me!

"Cedric..."

"Mmm?"

"Pamilyar ka ba sa Rogues?"

Rogues. Ito bang rogues na tinutukoy ni Kuya Lawrence? Iisa ba sila?

"Anong sinabi mo?"

"Rogues. I'm asking you, if you're familiar with them."

"Kaya ka ba pupunta ng Peru ay dahil sa kanila? Wag ka ng tumuloy. Ang Rogues ay isang organisasyon na binubuo ng mga assassin. Sila ang madalas na kinikontrata ng mga Mafia groups pagdating sa assassination. They are highly trained. Sila ang itinuturong nasa likod ng bomb threat sa White House."

Napakislot ako nang muli na namang sumikal ang sakit ng aking ulo. Wala sa sarili akong napaupo habang nakasapo sa aking ulo.

"Damn it!" Hindi ko napigilang sigaw. Masyadong masakit. Kumpara sa mga nauna ay parang trumiple pa ang sakit ngayon.

"Hawak nila si Mom..."

"Ghad Satana! Alam ba 'to ng lolo mo? Damn it! Hindi kita hahayaan na umalis mag-isa! Sasamahan kita!"

"Tama na!" I beg. Masyado nang masakit at pakiramdam ko'y anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.

But the voices wouldn't stop. Para itong sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig.

"May mali rito!"

"Damn it! Nasaan sila!"

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Wala na ako silid ngayon at nasa isang tunnel naman kami. Si Satana at Cedric ay mabilis na tumatakbo sa harapan ko.

"Fuck this is a trap!"

Matapos iyon ay nakarinig ako ng pagsabog.

"Uh!" muli kong daing. Parang mayroong kung ano sa pagsabog na iyon ang tumutusok sa akin. Hindi ko na halos maipaliwanag ang sakit na nagmumula sa aking ulo. Parang pinipiga. Kinakapos na rin ako ng hininga at pakiramdam ko'y hinang-hina ako.

"Satana!"

"Tama na! Tama na! Tama na!" Sunod-sunod na sigaw ko. "It hurts! It fucking hurts! Just kill me! Just kill me! Just kill me!"

"Satana wake the fuck up!"

And I did wake up.

Sapo ang dibdib ay wala sa sarili akong napabangon. Tumulo ang pawis sa aking noo at maging sa aking pisngi. Mabigat din ang aking ulo at ramdam ko ang paninigas nito. Inabutan ako ni Dixon ng isang basong tubig at nanginginig ang kamay kong tinanggap iyon.

"What happened?" tanong nito habang kunot noong nakatingin sa akin. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko'y napipi ako at hindi malaman ang gagawin.

Ni hindi ko magawang tanungin kung bakit nandidito parin siya sa kwarto ko.

"Satana," muling tawag niya. Hindi ko siya pinansin. Pakiramdam ko'y naiwan ang kaluluwa ko sa bangungot na iyon.

Was it really a dream? Bakit parang totoo? Tumayo ako at kukuhanin sana ang cellphone ko pero mabilis akong nahila ni Dixon palapit sa kanya. Napasubsob ako sa kanyang dibdib at kasunod noon ay ang paghawak niya sa aking mukha para mapapunta sa kanya ang atensyon ko.

"Kumalma ka Satana. Anong nangyayari?" maingat na tanong niya.

I couldn't speak. Masyadong madami ang tumatakbo sa isip ko.

Sino si Adam Ventura? Si Gustavo? At si Cedric? At anong koneksyon ko sa Rogues? Ang sabi ni Cedric, organisasyon sila na binubuo ng mga assassin. Hina-hire ng mga mafia para sa mga assassination. Anong mafia organisation iyon? Kagaya ba noong kina Barrameda? At sinong ina ang tinutukoy ng babaeng si Satana na hawak ng mga ito?

Kung ang babaeng tinatawag na Satana sa panaginip ko at ako ay iisa... ibig bang sabihin ay hindi lang ako ang normal na si Satana Valdez? Or am I really a Valdez? Kung totoong hawak ng Rogues ang 'mommy' ko, sino si Elena Valdez na kinikilala kong nanay ngayon? O tama bang sabihin ko na, sino ang mga taong kinikilala kong pamilya ngayon? Si Daddy at Kuya Lawrence?

Sa dami ng tanong ko, hindi ba't senyales lang ito na may mali talaga sa buhay ko ngayon?

Paano kung fake lang pala itong lahat? Kung pinaniwala lang nila ako? Can I really trust them?

"Satana tinatakot mo ako! Magsalita ka naman!" narinig ko pang sabi ni Dixon. Bahagya niya rin akong yinugyog.

Tumitig ako sa kanya at nagtatanong ang aking mga mata. Sa ngayon, ituturing kong tunay na mga alaala ang nasa panaginip ko. Masyado lang makatototohanan ang mga iyon para ipagsawalang bahala ko.

"A-Ayos lang ako," mahinang sabi ko at kumalas sa kanya. Lumapit ako sa aking bed side table at inabot ang gamot na madalas kong iniinom kapag sumasakit ang ulo ko. Bubuksan ko na sana iyon at kukuha ng isang tableta para uminom nang may mapagtanto ako.

Paano kung hindi talaga ito para sa sakit ng aking ulo? Ngayon na bumalik na ang ilan sa aking alaala ay kailangan ko ng mag-ingat. This can be drugs that can cause memory loss.

Tumikhim ako at muling binalingan si Dixon na nakakunot-noo parin na nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka sa ikinikilos ko.

"Dixon, I have a question," ani ko habang matiim na nakatingin sa kanya.

"W-What is it?" I swear! He looks uneasy!

Sa reaksyon niya palang na ito ay talagang nakakapagduda na! Kung kukumprontahin ko siya ngayon baka gumawa lang siya ng kwento at hindi talaga umamin sa akin. Kaya naman hahayaan ko muna sila na nasa tabi ko. Siya, ang pamilya Valdez, si Lisa at ang Infernum gang. Kung ano man ang pinaplano nila, kung mayroon man, ay sisigurahin kong malalaman ko rin iyon agad.

"Anong tanong mo Satana?"

Ngumisi ako at nakakaloko siyang tinignan. In time Dixon. In time. Sa ngayon, ibang tanong na lang muna.

"Do you like me?"

—————————————————————————
If you liked this part please do vote. If you have something to say, please do comment. If you think my story is worth it, please do share.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro