
Chapter 28: Heartbeat
Unedited.
Nagmulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Dahan-dahan akong bumangon atsaka inilibot ang tingin ko sa buong paligid.
"Nasaan ako?" Mahinang tanong ko. Inalis ko ang comforter na nakabalot sa katawan ko atsaka naglakad palabas.
Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko ang ilang mukha ng taong hindi gaanong pamilyar sa akin.
"Lilia! Nasaan na si Satana? Hinahanap na siya ni Señor!" Nabaling ang tingin ko aking likod nang makarinig ako nang sigaw. Isang matandang babae at isang lalaking sa tantya ko ay nasa edad na singkwenta ang nabungaran ko.
"Nako! Sandali Herman at natutulog pa ang alaga ko." Sagot ng matandang babae atsaka ito pumasok sa kwartong pinanggalingan ko. Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? Nasaan ako?
Iginala kong muli ang paningin ko sa lugar na 'to. No matter how hard I tried to remember this place ay wala talagang pumapasok sa isip ko. Lumipas ang ilang minuto at lumabas na iyong matandang babae pero hindi na ito nag-iisa. Kasunod niya ay isang batang babae na sa tingin ko ay walong taong gulang na. Saan nanggaling ang batang yun?
Nakasuot ito ng itim na damit at kapansin-pansin ang pamumula ng mga mata nito.
Kumunot ang noo ko nang matignan ko nang mabuti ang mukha nito. Uh! This kid! Kilala ko siya! Siya iyong bata na nakita ko sa arena! Siya iyong...
"Wait, Hellina... Nasaan si Hellina?!" sigaw ko sa isip ko.
"Satana? Ayos ka lang ba?" Tanong noong matandang babae sa bata.
"Pinapatawag daw ako ni Grandpa? Bakit daw?" Lihis na tanong pabalik ng bata. Bumuntong hininga ang matanda bago tumango.
"Tinipon niya ang lahat ng assassin at nasa harap sila ng mansyon. Pinapapunta ka niya sa veranda." Sagot ng matanda at atubili namang sumunod ang bata.
Assassin?
Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kanila.
Nakarating kami sa tinutukoy nilang veranda kung saan mayroong nag-iintay na ilang tao. May mga lalaking nakatuxedo na nakatayo sa gilid at waring nagbabantay. Sa bukana ng veranda ay isang hindi katandaang lalaki ang nakatayo at nakahilig sa may pasamano. Nakatanaw ito sa baba. Sa gilid nito ay tatlong bata na nakatingin din sa baba. Nang maramdaman ng mga ito ang presensya ng bagong dating ay sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa direksyon ni Satana. Yumuko ang mga ito na para bang nagpapakita sila nang paggalang.
Kumunot ang noo ko. Bakit lahat sila ay armado? Ang mga nakatuxedo ay may kanya-kanyang hawak na baril. I even saw someone holding an Atchisson Assault shotgun. Gosh! Hindi ba nila alam kung gaanong kadelikado ang armas na 'yon?! Even these three kids here have their own weapons too. Ang isa sa mga bata ay may nakasukbit na baril sa kanyang bewang. Ang isa pa ay may nilalarong swiss knife sa kanyang kamay samantalang ang kaisa-isang babae sa kanila ay may hawak namang katana.
"Grandpa." Tawag ni Satana sa lalaking nakahilig sa pasamano. Dahan-dahan itong lumingon at halos matutop ko ang aking bibig nang makita ko ang mga mata nito. The old man has red orbs! Those red orbs that looks like a flying dagger that will kill you when you dare to stare at it directly!
Bahagya akong napaatras. Ang batang si Satana naman ay nanatiling nakayuko tila, iniiwasan na mapatingin sa matanda. Inilibot ko ang tingin ko sa lahat ng taong nandito at doon ko lamang napansin na halos lahat ng nandito ay iniiwasan na mapatingin sa mukha ng matanda.
"Halika Satana. Lumapit ka sa akin, apo ko." Malamig na utos ng matanda. Swear! His voice was cold as ice. Bahagya akong kinilibutan sa paraan ng pananalita niya.
Dahan-dahang lumapit ang batang si Satana. Tumingin ito sa baba. Mabagal akong naglakad palapit sa kanila atsaka tinignan ang direksyon ng tinitignan nila. Maraming tao sa baba at nakatayo ang mga ito sa harap ng masyon. Lahat sila ay nakayuko at waring nagbibigay galang.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may kung anong kumalabog sa likod ko. Paglingon ko ay isang lalaki ang nakalugmok sa sahig. Puno ng pasa ang katawan at mukha nito. Mabilis ang kanyang paghinga at makikitaan ng pagod ang mukha nito. Pagod na sa tingin ko ay dahil sa hirap na dinanas niya.
Halos matutop ko ang aking bibig habang nakatingin dito. He's bloodily tortured. Putok ang labi at namamaga rin ang kaliwang mata nito.
Lumingon ang lahat ng naririto sa lalaking nasa sahig. All I could see was their blank expressions. May nahuli pa akong nakangisi at tila nasisiyahan pa sa imaheng nakikita nila.
"Satana." sabay na nabaling ang tingin namin ng batang si Satana sa tinawag nitong Grandpa matapos nitong magsalita.
"Look at him Satana." turo nito sa lalaking nakalugmok sa sahig.
Tinignan ko ang batang si Satana at blangko lamang ang tingin nito sa lalaki.
"That pest is a traitor." seryosong sinabi ng matanda. Lumapit ang isa sa mga nakatuxedo dito at nagulat ako nang makita ko kung ano ang inabot niya sa matanda. A gun!
Oh my God...
Don't tell me...
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iniabot ng matanda ang baril kay Satana.
Kitang-kita ko kung paanong nanlaki ang mga mata nito. Akmang lilingunin niya ang matanda ngunit natigilan siya sa sinabi nito.
"Shoot him, Satana." utos nito. Sunod-sunod ang naging pag-iling ng batang iyon at pagkatapos ay iginala nito ang tingin niya sa mga taong nasa paligid niya.
"Grandpa..." nanginginig na tawag ng bata dito. Uh! Bakit ba pakiramdam ko ay gusto kong agawin ang baril na iyon sa matanda at iputok ito mismo sa kanya. He's heartless!
"Shoot him." matigas na utos nito. Nanatiling nakatayo ang batang si Satana. Tila nagdadalawang isip pa ito. Mukhang maiksi lamang ang pasensya ng matandang iyon kung kaya't sapilitan niyang ipinahawak ang baril kay Satana.
Nanginginig ang kamay ng batang iyon habang hawak ang baril.
Sino nga bang hindi manginginig hindi ba? Inuutusan kang pumatay at ang malala pa ay mismong kadugo mo pa ang nagpapagawa nito. Tinignan ko ang batang si Satana. Pinaghalong lungkot at awa ang mababakas sa mga mata nito.
"Huwag mong sabihin sa akin na nagdadalawang isip ka na patayin ang traydor na iyan?" tumawa ng mapakla ang matanda pagkasabi noon. Nilingon ko ito at saka masamang tinignan. Ang matandang ito! How dare he?! "Tell me, Satana. Nagdalawang-isip ka rin ba ng patayin mo ang kakambal mo?" dagdag pa nito. Kumuyom ang kamao ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Shoot him Satana.. or else, alam mo na ang mangyayari." banta pa ng matanda. Anong ibig niyang sabihin doon?
Nanlambot ang tuhod ko nang makitang itinutok ni Satana ang baril sa kaawa-awang lalaki.
No... Satana, don't.
"Good girl, apo ko." ani ng matanda. "Shoot him, Satana. He deserves your bullets. Shoot him." Pangungumbinsi pa ng matanda.
Pumikit nang mariin ang bata at pagkatapos ay matalim na tinignan ang lalaking nakasalampak sa sahig.
No Satana! No!
Sinubukan kong ihakbang muli ang mga paa ko pero kagaya nung unang beses na nakita ko sila ni Hellina sa arena ay natuod na naman ako sa kinatatayuan ko.
"Satana, don't! Huwag mo siyang pakinggan!" sigaw ko pero parang wala itong naririnig.
"Satana!" muling sigaw ko.
Umubo ang lalaking nasa sahig at kasabay noon ay ang pagsuka niya ng dugo. Anong nangyayari sa kanya?
"Shoot him now!" sigaw naman ng matanda. Mahigpit na hinawakan ni Satana ang baril.
Ipinikit ko ang mga mata ko at kasunod noon ay ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.
NAPABALIKWAS ako sa pagkakahiga at habol ang hininga ko nang magmulat ako ng aking mga mata.
Damn nightmares!
Sapo ang dibdib ay iginala ko ang paningin ko sa silid na kinalalagyan ko. Bahagyang napakunot ang noo ko nang mapagtantong hindi ako pamilyar sa silid na ito.
Napahawak ako sa aking sentido ng bahagyang kumirot ito. Mabigat ang aking pakiramdam at bahagya pa akong nahihilo.
"Ugh! This is killing me." Mahinang daing ko habang nakapikit. Masakit ang ulo ko...sobrang sakit at pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ito.
Napakislot ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si Devon at kagaya ng inaasahan ay blangko na naman ang mga tingin nito sa akin.
"Nasaan ako?" tanong ko. Hindi ito sumagot at bagkus ay naglakad ito palapit sa'kin.
"Devil, I'm asking you? Where am I?" muling tanong ko at tumalim muli ang tingin niya sa akin.
"Hindi ba obvious? Nasa kwarto kita." Walang kagana-gana nitong sagot bago pinag-ekis ang mga kamay niya sa kanyang dibdib. Uh, that's explains why I'm having a black fiesta again. Puro itim na naman ang nakikita ko.
"Sa Academy?" muling tanong ko.
Umirap ito bago ako napipikon na sinagot. "Mukha bang nasa boys dormitory ka? C'mon Satana, alam kong tatanga-tanga ka pero hindi ko naman inaasahan na may isasagad pa pala ang katangahan mo."
"Stop calling me stupid!" May diing banta ko sa kanya.
"Then stop acting like one!" Balik naman nito sa akin. Umirap ako. Wala na talagang pag-asa na bumait ang taong ito.
"What happened?" tanong ko na lang at lalong sumama ang tingin niya sa akin. Ano na naman ba?! Nagtatanong lang ako!
"Uh! Stupid." Tila napufrustrate na daing nito.
"Huwag mo sabi akong tawaging tanga eh!" naiinis na saway ko. Bahagya pa akong napakislot ulit ng kumirot ang sugat ko.
"Shut up! Huwag mo akong kausapin!" sigaw niya. Aba't ang init ng ulo ng devil na 'to ah?
Inaano kita Barrameda?
Hindi na lang ako nagsalita pa at umirap na lang ako sa kanya. Tumahimik ako nang ilang minuto pero hindi rin ako nakatiis at muli ko siyang nilingon. Nakaupo na ito sa couch na nasa paanan ng kamang ito at nakatingin lamang siya sa sahig na waring may iniisip.
"Hey devil." Tawag ko sa kanya. Nag-angat siya nang tingin at seryoso akong tinignan. "Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung walang masakit sa akin?" tanong ko habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Hindi ako doctor para tanungin ka kung may masakit ba sa'yo." Balewalang sagot nito at napairap na naman ako. Ano pa nga ba namang aasahan ko sa kanya? Of course, devils never care. Muli akong umirap.
"Doktor lang ba ang nagtatanong n'un?" bulong ko na hindi naman niya pinansin.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Devinia. Uh, what is she doing here?
"Oh, my patient is awake. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo Satana?" she asked habang naglalakad palapit sakin.
Umiling ako. "I'm fine." Simpleng sagot ko at sinipat naman ako nito ng tingin.
"Really?" paninigurado nito na tila hindi naniniwala sa sinagot ko.
Tumango ako. Kumunot ang noo ko nang makita kong tumayo si Devon sa pagkakaupo atsaka ito naglakad palapit sa akin. Nang makarating siya sa aking harap ay yumuko siya at pagkatapos ay walang sabi-sabing pinisil niya ang sugat ko sa noo. Napasigaw ako sa sakit at kumuyom ang kamao ko. Ang devil na 'to!
"Devon!" saway sa kanya ni Devinia.
"What the hell devil?!" hindi ko napigilang sigaw.
Hindi ito nagsalita at pagkatapos ay dire-diretso lamang itong lumabas. Uh! Remind me to kill that jerk kapag bumalik siya ulit dito.
"Okay ka lang ba Satana?" tanong sa akin ni Devinia. Nilingon ko siya. Mataman ko siyang tinignan atsaka tinimbang ang ekspresyon niya.
Why do I have these feeling that Devinia is only faking her concern for me? Hindi ko alam pero noong unang beses palang na nakita ko siya ay wala na akong tiwala sa kanya.
"Ayos lang ako. Anyway, thank you for treating my wound. Maayos na ang pakiramdam ko at ngayon kailangan ko nang bumalik sa girls dormitory dahil paniguradong hinahanap na ako nang roommate ko." Simpleng sinabi ko bago hinawi ang kumot na nakatabing sa katawan ko.
"Girl's dormitory?" pag-uulit ni Devinia. "Satana, nasa pamamahay ka namin. Hindi ba sinabi sa'yo ni Devon na dito ka niya sa mansyon dinala?" dagdag niya pa.
"Mukha bang nasa boys dormitory ka? C'mon Satana, alam kong tatanga-tanga ka pero hindi ko naman inaasahan na may isasagad pa pala ang katangahan mo."
Muling nag-echo sa pandinig ko ang sinabi ni Devon kanina. Napatampal ako sa noo ko. Bakit nga ba hindi ko napansin agad?! Balak ko sanang magmura pero pinigilan ko ang sarili ko. Nag-angat ako ng tingin kay Devinia.
"Anong nangyari roon kay Bruno?" tanong ko at kumunot naman ang noo ni Devinia pero maya-maya ay sumilay ang nakapangingilabot na ngisi nito.
"So, my little brother introduced you to one of our reapers huh." Aniya, habang umiiling-iling.
Reapers?
"Sabihin mo nga sa akin Satana, anong nalalaman mo?" malamig na tanong nito sa akin. Hindi ako nagsalita at napakunot na lamang ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Anong nalalaman ko? I only knew one thing and that is her little brother is a devil.
Bumuntong hininga siya. "Hmm, wala naman akong pakialam kung may alam ka sa mafia eh. Kaya lang, ang ipinagtataka ko talaga ay kung bakit kasama ka nang kapatid ko ngayon?" Saad pa nito na para bang kinakausap niya ang sarili niya.
"Anyway, I don't want to meddle with my little brother's business, masyado ko pang mahal ang buhay ko para humarang sa daan niya." dagdag pa nito at saka ako hinawakan sa braso ko.
"It's dinner time. Let's go." Hinila niya ako patayo sa kama atsaka kinaladkad.
"Wait, Devinia! Hindi ako nagugutom! Ang kailangan ko ay pahinga!" protesta ko pero tila wala itong narinig.
Habang pababa kami nang hagdan ay nakalingkis ang isang braso nito sa braso ko. Ugh! Kailan pa kami naging close?!
Bago kami makarating sa huling baitang ng hagdanan ay tumigil si Devinia sa paghakbang. Nilingon niya ako at nagtataka ko naman siyang tinignan.
"What?" tanong ko sa kanya. Ngumisi ito bago muling ibinaling ang tingin sa sahig.
"Sinabi ba sa'yo ni Devon na ikaw ang kauna-unahang babae na dinala niya dito?" She asked. Napamaang ako at bahagyang natigilan. Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
Nang makita niya ang reaksyon ko ay tumawa siya nang malakas. Tumalim ang tingin ko sa kanya.
Damn! She's teasing me!
And the hell with my heart! Why is it beating violently?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro