Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: Same query

A/N: Salamat sa patuloy na pagbabasa nito. Nasa kalahati na tayo! Hahaha! Anyways, thank you so much @KADENLEEE for the awesome book cover. I really like it! More power to you! God bless 😘

Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nakatayo, ilang hakbang ang layo sa akin.

"Kuya Lawrence!" Masayang sigaw ko bago tatakbong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya pero kahit na ganoon ay nanatili ang tingin niya kay Barrameda.

Nang lingunin ko ang demonyo ay gulat siyang nakatingin kay Kuya Lawrence.

"Devon Barrameda." may diing tawag sa kanya ni Kuya na nagpalaglag ng panga ko. Oh my.. Bakit niya kilala ang devil na 'to?

"Lawrence Valdez." ganting bigkas naman ni Barrameda.

Nagsukatan silang dalawa ng tingin hanggang sa nauna nang mag-iwas ng tingin si Kuya.

"Stay away from my little sister, bastard." Puno ng pagbabantang sinabi ni Kuya Lawrence. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Tumigil ang tingin ko kay Devon na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Kuya.

"Little sister?" Pag-uulit ni Devon. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay mabilis na hinila ni Kuya ang kamay ko at sapilitan niya akong isinakay sa sasakyan niya.

"Anong nangyayari? Bakit mo kilala ang devil na 'yon?" Tanong ko kay Kuya Lawrence nang makasakay din siya sa sasakyan.

"Iwasan mo ang lalaking iyon Satana. He's no good." Aniya atsaka binuhay ang makina ng sasakyan.

"Hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil matagal ko ng tinangkang iwasan siya pero pinaglalaruan yata ako nang tadhana." Wala sa sariling sagot ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan. Gustong-gusto kong iwasan ang demonyong iyon pero bakit ba palagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na lumalapit sa kanya?

Minsan nga para na akong baliw dahil kapag nag-peplay sa utak ko ang mga panahong nasa kapahamakan ako ay natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nangingiti habang inaalala ang pagliligtas niya saakin.

"Wear your seatbelt!" Sigaw ni Kuya na nagpakurap sa akin. Umirap ako.

"Hindi mo naman ibabangga ang sasakyan diba? Atsaka, nakakasakal ang seatbelt. Ayoko!" Agad ay reklamo ko. Nakakainis! Kita ng may inisip ako dito eh!

"Teka, saan mo 'ko dadalhin Kuya? Atsaka si Papa, kasama mo ba?" Nakangiting tanong ko.

Umirap naman siya bago tumango. "Uuwi tayo. Tapos na naman ang exam mo hindi ba? Isa pa, weekend na naman bukas eh. Ibabalik na lang kita sa linggo." Sagot niya. Naks naman. Para akong gamit ah? Tipong ibabalik pagkatapos gamitin.

"Whatever. Pero Kuya hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo kilala si Barrameda?" Humarap ako sa kanya atsaka siya tinaasan ng kilay.

"It's none of your business." Nagsusupladong sagot nito sa akin kaya naman napairap ako. Bakit ba ang maldito nito? Kaya hindi ako nagdududa eh kung kapatid ko ba siya o hindi. Pareho kasi kaming masama ang ugali.

Ilang oras ang itinagal ng byahe at walang imik akong lumabas ng sasakyan nang tumigil ito. Mabilis ang takbo ko habang papasok sa bahay namin.

"Papa!" Sigaw ko nang maabutan ko siyang pababa ng hagdan habang may hawak na libro.

"My little witch is here!" Sagot nito at mapupungay ang matang tumingin sa akin.

Hinintay ko siyang makababa at pagkatapos noon ay mahigpit ko siyang niyakap.

Inilahad ko sa kanya ang palad ko at kunot noo naman niya akong tinignan. "Pasalubong." Simpleng sinabi ko habang malaki ang ngiti sa kanya.

"Tss. Pasalubong? Ano ka bata?" Pabalang na singit ni Kuya. Nilingon ko naman siya.

"Kumpara sa'yo, mas bata talaga ako. Gurang." Asar ko sa kanya at matalim naman niya akong tinignan.

"Hay nako. Magtigil na nga kayong dalawa. Pumunta na kayo sa kusina at maghahain na ako." Utos sa amin ni Papa kaya naman agad ko siyang sinunod. Si Kuya naman ay nakapamulsang sumunod sa akin.

Nang makaupo kami ay nilingon ko si Kuya na ngayon ay nagtitipa sa kanyang cellphone. Napansin niya yatang pinapanuod ko siya kaya naman nag-angat siya nang tingin at balewalang pinagmasdan ako.

"What?" Malditong tanong nito sa akin.

"Wala ba talaga akong pasalubong?" Tanong ko sa kanya at inis naman siyang tumayo at may kinuha sa fridge. Ibinato niya sa akin iyon na maagap ko namang nasalo.

"Choco-choco!" Parang bata na sabi ko atsaka inumpisahan ng kainin iyon.

"Tss. Ano kayang masarap dyan? Di hamak na mas masarap pa 'yong Cadbury dyan eh." Nakahalumbaba na puna sa akin ni Kuya. Si Papa naman ay nag-aayos na ng mga pinggan.

"Wag ka nga. Paepal ka eh. Para namang di ka rin naadik dito." Balik ko naman sa kanya. "Si Mama kaya ang nagsabi na gustong-gusto mo rin nito." Dagdag ko pa at napamake face na lang siya. Tss. Epal!

"Satana, mamaya ka na kumain niyan." Saway sa akin ni Papa at napatawa naman ako.

"Last na 'to Pa." Hirit ko naman.

"Last na talaga. Iisang piraso na lang eh." Sagot naman agad ni Kuya. Nakakaasar talaga 'to. Lagi na lang may backfire eh. Kainis!

Tumayo ako atsaka siya sinapok ginantihan naman niya ako atsaka kinurot sa braso ko.

"Papa si Kuya oh! Kinurot ako!" Sumbong ko kay Papa.

"Siya yung nauna! Sinapok ako!"

"Kumakain ako dito eh! Paepal!" Sigaw ko sa kanya at tumayo naman siya at umaktong sasapukin ako kaya lang sumingit si Papa, 

"Magtigil kayong dalawa ha. Pagbubuhulin ko kayo." Banta niya sa amin.

Tumingin kami ni Kuya sa isa't-isa. Iyong tipong para bang may namumuong kidlat sa pagitan naming dalawa.

"Ano ba? Sabi nang tumigil eh." Saway ulit ni Papa kaya naman umiwas na ng tingin si Kuya. Ha!

Bumalik na ako sa upuan ko atsaka nag-umpisang kumain. Si Kuya ay panay ang pagtatapon sa akin ng death glares samantalang si Papa naman ay pasulyap-sulyap lang sa akin.

"Kamusta ka doon Satana?" Tanong ni Papa.

"Sa Feral Academy ba Pa?" Balik tanong ko naman.

"Obviously," singit ni Kuya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. Epal!

"Ayos lang naman Pa. Maayos ako roon." Lie! Kahit na gusto kong magsumbong tungkol sa mga nangyari sa akin sa mga nakaraang araw ay hindi ko magawa. Ayokong mag-alala sila sa akin.

"Sigurado ka ba?" Tanong ulit niya.

Of course not Pa! Maraming devil doon! Paano ako magiging ayos?!

"Of course Pa! Mababait sila roon." Sagot ko na lang atsaka sumubo ng kanin. Tinitigan lang ako ni Papa at pagkatapos noon ay nagkibit balikat na lang siya.

Nang makatapos kaming kumain ay nagdiretso na ako sa kwarto ko para maligo. Habang nakababad sa bath tub ang katawan ko ay lumilipad ang isip ko.

Ang devil na 'yon! Tinangka niya ba akong pagbuhatan ng kamay kanina? Kung hindi lang dumating si Kuya malamang ay nakatikim na ako sa devil na 'yon!

Ang ipinagtataka ko talaga ay kung bakit sila magkakilala. Hindi naman sila mukhang magkaibigan. Ang totoo niyan. They looked like they're ready to stab each other to death kung wala lang ako roon. Isa pa, bakit ganoon na lang ang itsura ni Devon kanina nang sabihin ni Kuya na kapatid niya ako? May iba sa reaksyon niya eh. Mayroong mali.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman inabot ko iyon.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya. Tinignan ko ang caller ID at nakitang unknown number ito.

"Hello, sino 'to?" Pag-uulit ko pero walang nagsalita.

Nakarinig ako ng kung anong nabasag sa kabilang linya at pagkatapos noon ay ang pagkaputol ng tawag. Napakunot ang noo ko. Spam call na naman. Tss.

Umahon na ako atsaka mabilis na tinapos ang panliligo ko. Nang makapag-ayos ng sarili ay dali-dali akong lumabas.

Napansin ko ang isang box na nakapatong sa may kama ko kaya naman dali-dali ko iyong nilapitan at binuksan. Tumambad sa akin ang isang pares ng sapatos na mula pa sa isang kilalang brand. Ngingiti-ngiti kong isinukat ang sapatos at malaki ang ngisi ko nang sumakto lang ito sa paa ko. Hmp! Paniguradong galing ito kay Kuya! Siya lang naman palagi ang bumibili sa akin nang ganito.

Hinubad ko ang sapatos atsaka ibinalik sa box. Matapos iyon ay lumabas na ako ng kwarto para puntahan si Kuya. Nang tumigil ako sa tapat ng pinto ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob kaya lang ay napahinto ako nang marinig kong nagsalita siya.

"Hindi ba't sinabi ko sa inyo na bantayan niyo? Bakit kasama niya si Barrameda kanina?" Galit na sabi ni Kuya. Sumilip ako nang kaunti at nakita kong nakatalikod siya sa akin habang may kinakausap sa phone.

"Dapat ay binantayan niyo siya nang ayos! Paano na lang kung napahamak siya?! Malalagot tayo sa nakatataas kapag nangyari iyon!" Angil pa niya. Sino bang kausap niya at bakit ba parang galit na galit siya? At teka nga, ako ba ang pinatutungkulan niya na dapat ay binantayan ng maayos? Ako lang naman ang kasama ni Barrameda kanina ah?

"Wala akong pakialam kung paano mo gagawin iyon ng hindi siya nakakahalata! Ang mahalaga ay mailayo siya kay Barrameda!"

Napahawak ako sa aking bibig.

"Siguraduhin mong pagbalik ni Satana dyan ay hindi na magkukrus ang landas nila ni Barrameda. Sinasabi ko sa'yo, malilintikan tayong lahat kapag nakarating ito sa nakatataas."

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Muli akong sumilip at nakatalikod parin siya sa akin habang nakapamewang.

"Good. At oo nga pala, how about that stupid gang? Iyong gumalaw kay Satana... Evil Knights aren't it?"

And now, Evil Knights? Speaking of them, simula ng mangyari ang pambubugbog nila sa akin ay wala na akong nabalitaan sa kanila.

"Whatever. Basta bantayan mo siya nang ayos pagbalik niya. Feral Academy is the safest place for her. Hindi siya basta-basta magagalaw diyan. Isa pa, mukhang wala pa namang ginagawa hakbang ang grupo nina Barrameda pero kahit na ganon ay hindi dapat tayo makampante. "

Kating-kati na akong lumabas dito at kumprontahin siya pero kailangan kong manatili sa pwesto ko.

"I dunno but I have a premonition that something will happen. Satana will be in danger."

Kumunot ang noo ko.

"What kind of relationship does Satana have with that devil?"

Natigilan ako sa tanong niya. Relationship? Uh, we have this predator and prey relationship. Sa kasamaang palad, ako ang prey at si Barrameda ang predator.

"What?! Iniligtas niya si Satana? You gotta be kidding me?! Baka nagkakamali ka lang!"

Kahit na nakatalikod sa akin si Kuya ay alam kong nakakunot na ang noo niya.

"Well, that's your job! Dapat ikaw ang nagliligtas sa kanya at hindi ang taong iyon! Maybe that's a strategy! He's deceiving Satana so he can use her!"

What?

"No! Hindi ka pwedeng magpadalus-dalos! Ang pagtuunan mo nang pansin ay iyong nagpadala ng note. I think galing iyon sa Rogues. Mukhang kinutuban na sila."

Rogues? Note? Gosh! Why does it sound familiar? Saglit na sumakit ang ulo kaya naman napahawak ako nang mahigpit dito.

"Hindi tayo pwedeng gumawa ng hakbang lalo na't wala pang utos galing sa nakatataas. Hindi pwede yang pinaplano mo. Kailangan nating hintayin na bumalik ang ala-ala ni Satana bago iyan."

"Makakahalata na talaga sila ngayon lalo na't bumalik na ang Infernum Gang."

At Infernum Gang naman ngayon? Gosh! Ano bang nangyayari?

"Hayaan mong si Dixon ang maghawak noon. No, Viper. You can't meddle with that. Just stay in your damn lane and guard Satana. Iyon lang."

Iyon ang huling sinabi ni Kuya bago ibinaba ang cellphone niya. Mabilis naman akong nagtatakbo pabalik sa kwarto ko.

Sumandal ako sa pinto at dahan-dahan akong napaupo. Sa mga narinig ko ngayon kay Kuya, mukhang may itinatago nga sila sa akin.

Tumingin ako sa family picture namin at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapakla.

"Tell me, Satana... just who the hell are you?"

The devil's voice rang into my ears. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kawalan.

"Looks like we've got the same query, Barrameda."

***
A/N: If you liked this part please do vote. If you have something to say, please do comment. If you think my story is worth it, please do share.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro