
Chapter 24: Riot
A/N: Unedited.
Humikab ako bago tinignan ang papel na nasa aking lamesa. Walang kagana-gana kong tinignan ang mga sagot ko. Nasa panghuling numero na ako ng test at halos sampung minuto ko ng sinusubukang i-solve ang equation na 'to pero walang tumatama sa mga sagot ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pang pag-aralan ang general mathematics eh! Nakakabanas!
Tss. Bahala na nga! Binilugan ko na lang ang letter 'D' dahil iyon ang pinakamalapit sa computation ko. Tumayo ako atsaka inabot kay Mr. Tuazon ang papel ko. Walang imik naman niyang tinanggap iyon atsaka inabot ang pinakahuling test paper na kailangang sagutan.
History. History na naman. Sa araw-araw na lang eh! Bakit ba ang malas-malas ko ngayon ha? Pagkaupo ko ay siya namang pagtayo ni Devon sa upuan niya. Pagkapasa niya ng papel niya ay nakapamulsa na siyang lumabas ng classroom! Aba, ang bilis naman 'nun!
Lumingon ako sa likod kung saan naroon ang miyembro ng Infernum Gang. Sa kamalas-malasan ay kaklase ko rin sila. Naalala ko ang sinabi ni Lisa kagabi habang ikinukwento ko sa kanya ang pagbabalik ng grupong iyon.
"They're back?! Ghad! Paniguradong gulo na naman ang dala nila! Lumayo ka sa kanila okay?!" Gosh! Kahit hindi niya sabihin iyon ay talagang iiwasan ko ang mga baliw na 'to. Halata namang gulo lang talaga ang dala nila dito.
Bahagyang tumaas ang kilay ko nang makita ko ang pasimpleng pagtingin ni Mark sa papel ni Dixon. Si Bry naman ay sinisipa ang upuan ni Jackson samantalang sina Joe at Ysmael naman ay parehong nakatingin lang sa mga papel nila. Nang dumako ang tingin ko kay Jacob ay napairap ako. Paano ba naman.. eksaktong pagtingin ko sakanya ay siyang pagkindat niya sa akin. Tss. Ang kurimaw na 'yon! Napakafeeling close! Kagaya ng hinala ko kahapon, tama nga ako na si Jacob ang lider nila. And speaking of that evil Jacob,
Kaninang umaga ay muntik na naman akong mapagtulungan ng mga estudyante dito dahil sa kanya. Ang baliw na 'yon! Sinabayan niya akong pumasok kanina at ang nakakabanas pa ay ang pag-akbay niya sa akin. Kaya hayun at mainit na naman ang mata sa akin ng lahat!
Umayos na lang ako nang upo ko atsaka sinagutan ang papel ko. Tumagal yata nang halos isang oras ang pagsasagot ko. Grabe naman kasi si Mr. Tuazon eh! Kung makagawa ng exam kala mo naman finals na!
Tumayo ako at nagulat ako nang tumayo na rin ang Infernum Gang.
"Ganun ba kahirap ang exam at talagang inabot ka ng isang oras Satana?" parang banas na banas na sabi sa akin ni Jacob. Aba, anong problema ng taong 'to?
"Mas magaling pa ako sa'yo eh. Kahit yata nakapikit ako ay masasagutan ko ng tama iyong exam." Segunda naman ni Mark. Napairap naman ako.
"Talaga lang ha? Kaya pala, huling-huli kita na nangongopya ka kay Dixon." Pabalang na sagot ko at nanlaki naman ang mata niya atsaka tinakpan ang bibig ko. Iritable kong inalis ang kamay niya atsaka siya masamang tinignan.
"Yuck! Sinong may sabi sa'yo na pwede mo 'kong hawakan?" inis na sabi ko rito.
"If you're done taking your exam, kindly leave the room. Some of your classmates are still answering." Sita sa amin ni Mr. Tuazon.
"Ang arte nito! Kala mo naman germs ako." Tila na-ooffend na sabi ni Mark at hindi pinansin ang sinabi ng guro namin. Gosh! Bakit nag-iba yata ang ihip ng hingin? Kailan pa kami naging close ng mga pangit na 'to?
Umirap na lang ako atsaka kinuha ang bag ko at lumabas na. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa mapatigil ako at tumingin sa likuran ko. At hayun sila nakatigil rin habang nakatingin sa akin.
"Sinusundan niyo ba ako?" may diing tanong ko sa mga ito. Nagkatinginan silang lahat at si Dixon naman ay iiling-iling lang.
"Bakit ka naman namin susundan? Papunta kaming cafeteria eh." Sagot sa akin ni Jackson. Umikot ang eyeballs ko bago ako muling nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang sa makaliko ako ng pasilyo ay nakasunod parin sila sa akin. Kumuyom ang kamao ko. Inuubos talaga ng mga ugok na 'to ang pasensya ko.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makalabas ako ng Academics building. Nang lingunin ko sila ay nakasunod parin sila kaya naman wala sa sariling tumakbo ako. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng building at mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko na naman ang Devil's Zone na kagaya ng dati ay nakakaakit na namang puntahan.
Naglakad ako palapit pero nang makarating ako sa tapat ng punong pinagtaguan ko dati ay isang malakas na kamay ang humila sa akin. Napasigaw ako sa gulat pero nang makita ko kung sino ang siraulong humila sa akin ay awtomatikong nag-init agad ang ulo ko.
"Hindi ka talaga marunong makinig ano?" nagtitimping tanong nito sa akin.
"A-ano? Wala naman akong ginagawa ah?" alanganing sagot ko rito. Out of the blue ay muling nagflash sa isip ko ang nangyari nung huling beses na pumunta ako rito. Ganitong-ganito rin ang eksena namin ah? Parang déjà vu lang.
"Hindi ko alam kung ano bang mayroon dyan sa kukote mo at saksakan ng tigas ang ulo mo Valdez. Gusto mo na ba talagang mamatay ha?" seryosong tanong nito habang madilim ang mukha na nakatingin sa akin.
"Bakit kapag sinabi kong oo, papatayin mo na ba ako?" hamong tanong ko rito. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Humigpit ang hawak niya sa braso ko at alam kong gigil na gigil na siyang tirisin ako ngayon.
"Bitawan mo siya, Barrameda." Malamig na sinabi ng isang boses. Sabay kaming lumingon ni Barrameda sa nagsalita at nakita ko ang Infernum Gang na seryosong nakatingin sa amin.
"Paano kung ayaw ko, Mendoza?" balik na tanong ni Devonnyo. Humakbang ng isa si Jacob atsaka matalim na tinignan si Barrameda.
"Then, you'll face death." Puno ng pagbabantang sabi ni Jacob.
Barrameda just smirked and pulled me closer to him, crashing me on his chest.
"Jerk!" singhal ko. Humakbang na rin si Dixon palapit at nang bumaba ang tingin niya sa akin ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Gosh!
Umiling ako kay Dixon para pigilan siya sa paglapit pero patuloy lang ang paglalakad nito. Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Devon kaya naman napadaing ako.
"Ouch! Just let me go okay? Hindi na ako pupunta roon!" pagsuko ko na lang pero imbis na bumitaw ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Hindi ko alam kung paanong nagsimula ang lahat basta ang narinig ko na lang ay mga daing at mura. Kasunod noon ay ang pagbitaw sa akin ni Barrameda at ang pagtumba niya sa lupa.
Napasinghap ako habang tinitignan siya. Isang kamay ang humawak sa braso ko at nakita ko si Mark na inihaharang ang sarili niya para protektahan ako. Sumilip ako at nakita kong nagsusuntukan na si Barrameda at Jacob.
Iginala ko ang tingin ko at doon ko lang napansin na nandito na rin ang mga miyembro ng Black Rebel excluding Dana. May tumumba sa tabi ko at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Tristan. Akmang tutulungan ko siyang tumayo ng tapikin ni Mark ang kamay ko at tinangkang i-alis ako roon pero pilit kong pinabigat ang mga paa ko para hindi niya ako matangay.
"What are you doing Satana?! Halika na!" sigaw niya sa akin pero umiling ako. Hinanap ng mga mata ko si Barrameda pero hindi ko siya makita. Gosh! Where are you devil?!
"Hindi ka pa rin nagbabago Bry, mukha ka pa ring tutang bakla!" narinig kong kutya ni Mike Monteverde. Gosh! Hindi ba sila titigil? Isa-isa ko silang tinignan. Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa isa't-isa. Iyong tipong para bang sabik na sabik sila na lumpuhin ang mga kaaway nila. Napaupo ako sa panghihina at halos mapasigaw ako sa gulat ng biglang tumalsik si Mark palayo sa akin. Natutop ko ang aking bibig at gulat na tinignan ang sumuntok sa kanya. And there, I saw him. May sugat siya sa kanyang labi at namumula ang pisngi niya. Probably, dahil sa mga suntok ni Jacob sa kanya. Hindi na ako nakapagprotesta nang hawakan niya ang braso ko at matapos iyon ay hinila niya ako paalis sa riot na iyon.
Nang makarating kami sa tapat ng Academics building ay padabog niyang binitawan ang kamay ko. Kamuntik na akong matumba dahil doon kaya naman masama ko siyang tinignan.
"Anong problema mo?" galit na tanong ko dito habang hinihimas ang kamay ko.
"Who are you Satana?" tanong niya sa akin na nagpakunot ng noo ko.
Anong pinagsasasabi nito? Napaatras ako nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin habang humahakbang. Agad na gumapang ang takot sa sistema ko nang mag-echo sa pandinig ko ang banta niya sa akin noon.
"I can kill you right here, right now. And no one would even dare and care to help you."
Iyon ang eksaktong sinabi niya noon. Tinitigan ko siya nang diretso at sinalubong ko ang intensidad ng paninitig niya sa akin.
"Tell me, Satana... just who the hell are you?" puno ng pagbabanta ang boses niya. Para bang pinahihiwatig noon na isang maling sagot ko lang sa kanya ay malilintikan ako.
Tumigil siya isang hakbang ang layo sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napahawak ako sa laylayan ng aking uniform para itago ang panginginig ng kamay ko. Itinaas niya ang kamay niya at napapikit ako sa pag-aakalang sasaktan niya ako ng isang boses ang nagsalita.
"What the hell is happening here?" parang kulog na tanong nang boses na iyon na nagpatindig sa balahibo ko.
A/N: oh my G. Sino kaya ang bagong dating? Hmm.
If you liked this part please do vote. If you have something to say, please do comment. If you think my story is worth it, please do share.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro