CHAPTER 1
"You are my painter
And my world is your canvas.
Happiness and love are mixed in your palette;
You said that this art of our love story will be perfect.
Smiles are formed in our lips
Every time your paintbrush dips.
I always feel a hundred percent of bliss,
Because of your masterpiece.
As the paintbrush stroke.
It assures that your loves is not a joke,
Not until the art that you promised
Is already completely finished.
You promised that it'll be perfect art of our love story,
But the ouput became a trompe l'oeil,
Because everything that you painted
Is just an illusion that deceived my heart.
I was deceived by your illusionistic art;
I was deceived by your paintbrush;
I was deceived by your palette;
I was deceived by an artist like you.
--The Art of Our Love Story, M.D. Serene
Lingid sa kaalaman ko na ang akdang ito pala ang makapagpapabago sa buhay ko. Kasing payapa lang naman ng malamig na gabi ang buhay ko noon, subalit dahil sa tulang iyan, tila naging bagyo ang buhay ko. Pilit akong pinatutumba ng malakas na bugso ng hangin, at nilulunod ng nagbabahang luha.
Awtomatiko akong napasimangot habang magkasalubong ang aking mga kilay. Kailangan kasi naming gumawa ng interpretasyon ng tulang ibinigay sa amin, sa pamamagitan ng paggawa ng isang artwork. Kaya pala kahapon ay sinabihan kami ni ma'am na magdala ng mga art materials.
Mas lalo tuloy nag-ingay ang classroom namin nang ibigay na ni ma'am ang instruction. Isa lamang ako sa marami kong mga kaklase na nakalumbaba habang pinoproblema kung paano sisimulan ang artwork. Wala naman akong kaalam-alam sa arts, eh.
Pinanood ko na lamang ang mga kaklase kong nasa lapag habang ginagawa ang kanilang output. Pinagmasdan ko na lamang ang ½ illustration board ko, na nakapatong sa ibabaw ng long table sa harap ko.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Kahit gan'on ay tila gumuhit ang kalungkutan sa puso ko matapos kong mabasa ang tula. Ang bigat sa pakiramdam dahil feeling ko ay ako 'yong speaker ng tula kahit wala pa naman akong karanasan sa pag-ibig.
Wala akong kaalam-alam na ang output na iyan ang magiging umpisa ng lahat. Iyan pala ang magiging dahilan upang may mabaon akong iba't ibang mga alaala, na hinding-hindi ko malilimutan. Mga alaala na mananatili sa puso ko kahit ano'ng mangyari.
Kalahating oras na yata ang lumilipas ngunit kahit isang guhit ay wala pa akong nailalagay. Hindi ko talaga alam kung paano ang gagawin dito!
Tumabi sa akin ang kaibigan kong si Quennie. "Patingin nga ng sa'yo."
Napatingin naman ako sa gawa niya habang pilit niyang inaaninag ang sa akin. Napahalakhak ako nang makita ko ito, dahil bukod sa hindi kagandahan ang drawing ay kalat-kalat din ang pagkakakulay.
"Huwag mo na kasing tatawanan. Hindi ko nga alam mag-drawing, eh." Pinanliitan niya ako ng tingin at itinago sa kaniyang likod ang gawa niya. "Patingin na kasi ng sa'yo," pagpupumilit pa niya, kaya wala akong nagawa kundi ipakita ang illustration board.
Pinigilan ko pa ang sarili ko sa pagtawa. "Ayos lang ba?"
"Wala namang nakalagay, eh! Pinagloloko mo ba ako, Miarei?" tanong nito sa akin, sabay hila ng kaniyang upuan at saka umupo. Ipinatong niya na rin ang kaniyang output sa long table.
Eksakto namang papalapit si Kyzer at halos mapunit ang mukha nito sa lawak ng ngiti niya. Pati ang iba kong mga kaklaseng nasa lapag ay unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga puwesto. Marahil ay tapos na sila samanalang wala pa akong nauumpisahan.
Hanggang sa pag-upo ni Kyzer sa tabi ni Quennie ay hindi pa rin nabubura ang malawak na ngiti sa kaniyang labi. Animo'y aabot pa hanggang sa kaniyang tainga. Singkit na nga siya, mas lalo pang lumiit ang kaniyang mga mata.
"Huhulaan ko, tapos mo na 'yong sa'yo," wika ko sa kay Kyzer kaya napatango siya nang dalawang beses. Sa aming tatlong magkakaibigan dito sa classroom ay siya lang talaga ang magaling sa arts. Huhulaan ko, pinuri na naman siya ni ma'am.
Kapag kasi siya ang nagdo-drawing o kaya gumagawa ng painting, parang propesyunal ang gumagawa. Ang linis ng pagkakagawa at detalyadong-detalyado.
"Ano naman kasi kaya ang trip ni ma'am? Reading and Writing Skills yung subject pero feeling niya Arts ang subject," pagrereklamo ko habang nakalumbaba.
Hanggang sa matapos na ang subject namin sa kaniya, at halos lahat ay nakapasa na ng output nila, ay wala pa rin akong nagagawa. Mamaya kung ano ang magagawa ko dahil bukas ko na lamang ipapasa. Hindi ako natatakot sa deadline!
Pagkatapos ng subject naming Reading and Painting Skills—este, Writing Skills, ay bumalik na kami sa classroom namin sa Building A, third floor, second room. Pagkalapag ko ng bag ko sa long table, katabi ng mga bags nina Kayzer at Queennie, ay tumambay muna ako pasilyo.
Tagaktak pa rin ang pawis ko dahil galing kami sa third floor ng Building B. Kaya naman, lumapit ako sa railings ng hallway para mas malanghap ang sariwang hangin. Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa canteen na katabi ng Building B.
"Lagot na talaga!" Napangiwi ako nang pumasok na naman sa isip ko 'yong pesteng output namin sa RWS. Paano koi yon gagawin mamaya kung hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko?
Sa totoo lang, wala akong hilig sa arts dahil Environmental Science talaga ang gusto ko kaya napunta ako sa STEM.
Simula pa lamang sa pagkabata ko, pangarap ko na talagang maging environmentalist (at maging DENR secretary). Pakiramdam ko, sa trabahong iyon ako tinawag. Mahal na mahal ko ang kalikasan kesa sa mga naging crushes ko.
Lalo na ngayong mas lumalala ang global warming, mas nai-inspire akong maging environmentalist. I want to do something para kahit papaano ay malunasan ang kalbaryo ng kalikasan. I believe, hindi lang ito para sa atin ngayon kundi pati sa mga future generations.
Pero kahit na gaano ko kagusto maging environmentalist, feeling ko hindi pa rin matutupad ang pangarap kong iyon. Hindi ako suportado ng mga magulang ko. Naalala ko na naman noong tinanong ako nina mama kung ano ang gusto ko.
"Ikaw, ano ba ang gusto mong kunin na kurso sa kolehiyo?"
Napalunok ako sa kaba nang ako na ang tinanong dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Mayroon kasi kaming family reunion, kaya magkakasama kaming lahat na magpipinsan. Kapag sinabi ko na gusto ko ng Environmental Science, alam kong hindi sila papayag. Sesermonan lang nila ako.
'Yong mga pinsan ko ay tinanong kanina. Lahat sila puro doctor at piloto—nasa angkan kasi namin. Ako lang ay naiiba ang gusto. Honestly, wala akong pakialam kung ako lang ang naiiba. At least, 'yong gusto ko ang talagang kukunin ko.
'Yong tatlong kapatid ko nga ay natanong na rin. Apat kasi kaming magkakapatid: tatlo kaming mga babae at isa ang lalaki. Ako ang panganay kaya mabigat din ang responsibilidad na nakalaan sa akin. Kaya naman, ang gusto ng mga magulang ko para sa akin ang ipinipilit nila.
"E-Environmental Science po. Gusto kong m-maging environmentalist," nauutal na sagot ko dahil sa kaba.
"Ano ang mapapala mo riyan? Isa pa, hindi ba't napag-usapan na nating magdo-doktor ka?" singhal ni mama.
Nakapamewang naman si papa at humara sa akin. "Kung iyan ang ipiplit mo, wala kang makukuhang suporta sa amin."
"May namimigay naman po ng scholarship sa—"
"Kahit na! Wala kang mapapala riyan. Huwag mo nang itutuloy 'yan," giit ni mama kahit 'di pa ako tapos sa sinasabi ko.
Lahat tuloy ng mga pinsan ko ay nakatingin sa akin—pati na rin ang mga tito at tita ko. Napayuko na lang ako kaya hindi ko na nakita pa ang reaksyon nila. Siguro, sa isip nila ay tinatawanan nila ako.
Gusto kong isagot na malaki ang mapapala ko sa Environmental Science. Marami akong gustong isumbat pero hindi ko magawang sabihin. I care for our environment—dapat nga matuwa pa sila.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?"
Napabalik ako sa reyalidad nang lumapit sa akin si Lowell, boy best friend ko bukod kay Kyzer. Mas lumapit pa siya sa akin tapos ay tumitig sa aking mga mata.
Dahil mas matangkad siya ay nakatingala lang ako habang nakatingin din sa kaniyang mga mata. Saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa ako na ang nag-iwas ng tingin.
"Ang hirap naman kasi no'ng pinapagawa ni ma'am. Hindi tuloy ako nakapag-pass," tugon ko at napakamot sa aking batok dahil nakadama ako ng awkwardness.
Napaawang ang bibig ko nang haplusin niya ang buhok ko sabay sabi, "Ako na ang bahala. Bukas may maipa-pass ka na."
Hindi ko na nagawang mag-react pa sa sinabi niya. Ni hindi na nga ako makatutol dahil tila umurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Bakit ba kasi ganiyan siya sa akin?
Minsan ay naiilang ako sa kaniya. Masyado siyang dumidikit sa akin. Tapos, sa tuwing nagcha-chat siya ay masyado rin itong sweet.
Simula pa noong nasa Grade seven kami ay ganiyan na siya sa akin. Madalas siyang mag-open sa akin tungkol sa mga problema niya. Feeling ko nga mas nasasabi niya ang saloobin niya sa akin kesa sa mga magulang niya.
Hanggang isang araw, nagpakita siya ng motibo na parang may pagtingin siya sa akin through chat. Magmula noon, naging mas malapit pa kami sa isa't isa. Hindi ko nga alam kung ano ang mayroon sa amin ngayon.
"S-Sige, may kakausapin lang ako saglit," pamamaalam ni Lowell kaya napatango ako.
Pagkaalis pa lamang niya ay agad namang tumabi sa akin si Queenie at sigurado ako, kukulitin niya na naman ako tungkol sa kung ano ang mayroon sa amin ni Lowell.
"Miarei, sige na! Ano ba kasi ang mayroon sa inyo ni Lowell?" pang-uusisa niya at niyugyog pa niya ang aking balikat.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Mayroon kaming mukha tapos kamay. At saka mayroon din pa lang paa at balikat."
Sinamaan niya rin ako ng tingin at pinagkrus ang kaniyang mga braso. "Seryoso na kasi! Bakit parang iba 'yong closure ninyo?"
Nagsilapitan naman ang iba naming mga para makitsismis. Kapag talaga tsismis ang lakas ng radar ng mga tao.
At dahil ayaw kong mag-spill ng secrets and information, hindi ko na lamang sila sinagot. Baka kasi 'yong mga sasabihin kong mayroon sa amin ay wala lang naman pala para kay Lowell. Ayaw ko kasing umasa; ako rin lang ang masaktan sa huli.
Baka kasi akala ko may gusto siya sa akin, tapos iyon ang sasabihin ko sa mga kaklase ko. Pero in the end, wala naman pala siyang gusto sa akin.
Wala akong pinagsasabihan tungkol sa aming dalawa ni Lowell bukod sa best friend kong si Minerva. Kaklase ko siya since Grade 2 at naging best friend ko siya simula noong Grade 8 kami. Ngayong Grade 11 na kami, hindi na kami magkaklase dahil iba ang strand niya. Nasa HUMSS siya dahil Education ang kukunin niyang kurso.
Lahat ng tungkol sa akin at pati na rin ang tungkol sa amin ni Lowell ay alam niya. Sa kaniya ko lang sinasabi dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.
Iniwanan ko na sila dahil siguradong kukulitin talaga nila ako. Ayaw ko nang magkaroon pa ng issue sa amin ni Lowell.
Agad ko siyang hinanap sa classroom para sabihin sa kaniya na ako na ang gagawa ng output ko. Iginala ko ang paningin ko, subalit hindi ko siya natanaw. Muli akong lumabas at sunod na iginala ang tingin sa hallway. Tanging mga nagme-meryenda lang na mga students ang nakita ko.
Lumakad pa ako hanggang sa narating ko ang stock room na nasa pagitan ng restroom at first room. Agad akong pumasok doon nang makita kong nandoon siya. May hawak siyang walis tambo.
"Oh, Miarei! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya habang malawak ang kaniyang ngisi.
"A-Ah... a-ano kasi—"
"'Yong output huwag ka nang mag-alala."
"Hindi kasi—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang humakbang siya papalapit sa akin. Humakabang naman ako paatras, subalit tumama na ang likod ko sa pader dahil masikip lang ang stock room.
Tumagaktak ang aking mga pawis at napalunok ako nang mas lumapit pa siya sa akin—sobrang lapit.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko at bumulong, "Kapag naipasa mo na bukas 'yong output, be my girlfriend and not just my girl bestfriend."
At tuluyan na ngang nalambot ang mga tuhod ko. Tulong! 'Yong puso ko!
---
A/n:
I am so excited to share this dahil nga maraming mga scenes ang based sa true events--as in sa buong story at hindi lang sa chapter na ito.
'Yong mga characters naman, isa lang sa kanila ang hindi nag-e-exist sa totoong buhay--mae-encounter siya soon. Yes, Miarei, Lowell, Kayzer, Queenie, and Minerva are really existing in real life. Pinalitan ko lang ang mga pangalan for the sake of privacy. Ibubuking ko na, ako si Minerva HAHA! Oo, bestfriend ako ni "Miarei".
Sa mga nakakakilala sa akin sa real life at nagkakaroon na ng idea kung sino sina Miarei, ssshhh lang kayo ha!
See ya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro