THE ART OF A GHOSTER
Oktubre na naman, Oktubreng sakit lamang ang pinapadama...
Hays, kay bilis nga naman ng panahon, Oktubre na naman! Tulad nung mga nakalipas na taon, hindi pa rin ako pinatahimik ng kaluluwa niya--kaluluwang nagsilbing ala-ala niya bago siya nawala. Tulad nung una, umuulan din ngayon. Kailan ba lumipas ang araw na ito ng hindi umuulan? Kailan nga ba? Ang lakas din kasi mangtrip ni Bathala, pati 'yung araw na pinakaayaw ko ay 'yon din naman ang araw ng celebration nila ni Ulan.
"Ano ba, tama na! Kalimutan mo na siya, kinalimutan ka nga niya 'di ba?!" binatukan ko ang sarili ko at nagfocus nalang sa pinapanood na horror. Sa sobrang kalutangan ko ni hindi ko man lang namalayan na nasa climax na pala ang pinapanood ko na horror.
Horror? Talagang malakas ang loob kong mag-isang manood!
Habang tutok na tutok sa pinapanood bigla ko nalang narinig ang pagtunog ng aking doorbell. Kumunot ang aking noo sa narinig at binalewala iyon. Hindi na ako natatakot sa multo 'di tulad dati ngunit hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil disoras na nang gabi't maririnig ko nalang na may kumakatok na sa labas.
"Sino 'yan!" inis kong sigaw nang muli na naman kumatok. Sa pagkakataong ito'y mas lalo lamang lumakas iyon. Nainis ako.
OA naman kumatok! Kapag ito, pasaw lang ang hihingin, masasapok ko 'to!
"Sandali naman nuh, hindi mo kailan-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang saktong pagbukas ko'y nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ulit pagkatapos nang ilang taon na hindi nito pagpaparamdam.
Mas lalo lang akong nasaktan ng makita ang ngiti niya. Ang ngiting gustong-gusto ko nung una ngunit bigla nalang naglaho.. .
"Wahhh, multo! Multo!" sigaw ko at tinabunan ang mata ng unan na hawak-hawak ko.
Rinig ko naman ang tawa ni Axar sa tabi ko kaya tiningnan ko siya nang masama. Ingat na ingat pa akong hindi tumingin sa TV.
Si The Nun!
Nanonood kami ng horror ngayon kaya masaya si Axar dahil nakikita at naririnig niya na naman akong sumigaw dahil sa takot. Siya si Axar, Best friend ko. Nakilala ko siya sa isang sikat na dating app. Akala ko nung mga panahon na iyon ay magkakaroon na ako ng lovelife pero hindi pala, imbes ay nakilala ko si Axar. At ang mas hindi ko inaasahan sa lahat ay yung makita ko siya sa mismong eskuwelahan namin. School mate ko siya at senior ko pa!
"Hulaan mo kung sino ako?!" Napabuga ako ng malalim na hininga.
Wala akong nakikita dahil nakatabon ang kaniyang kamay sa aking mata pero kilalang-kilala ko kung sino iyon. Amoy palang ng kamay niya alam na alam ko na kung sino.
"Axar, tatanggalin mo kamay mo o buhay mo ang tatanggalin ko?!" kalmado kong sabi ngunit alam kong alam niyang nahihimigan niya doon ang babala.
Agad naman niyang tinanggal ang kamay niya at humiga sa damuhan, ginawang unan ang aking mga hita. Kinuha niya pa ang binabasa kong libro kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Axar-"
"Bakit ka nandito? Intrams na intrams, nag-aaral ka! Nagsisiyahan ang mga student doon oh!" maktol niya.
"Pake mo ba, kung gusto mong makisiksikan doon, pumunta ka't huwag mo na akong guluhin pa." sinubukan kong kunin ang aking libro ngunit hindi niya ako hinayaang kunin ito.
"Wala akong kasama!" nakanguso niyang sabi.
"Marami kang kaibigan," tugon ko rin.
"Gusto ko ikaw..." Agap niya at mas lalo lang sumimangot.
Nanlaki ang aking mata at napatigil sa narinig. Nung tiningnan ko siya'y bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko. Halos atakihin na ako ng kilig sa buong sistema ko kung hindi lang niya dinuktungan pa ang sinabi!
"Gusto ko ikaw 'yong kasama ko, ang lonely mo kaya. Dapat lagi mo kong kasama!" duktong niya.
Wasak, durog, aray, pain, awts!
Parang pinagpipiraso-piraso ang puso ko sa narinig. Oo na, aaminin ko na! Gusto ko ang matalik kong kaibigan pero hindi niya ako gusto. Narinig kong sinabi niya sa mga kaibigan niyang lalake na talagang matalik lang kaming kaibigan at imposibleng maging kami dahil sobrang labo. Sa sobrang labo ng nararamdaman niya sa akin, ganun naman kalinaw ang pagkagusto ko sa kaniya. Hindi ko kailangan linawin ang pagkagusto ko sa kaniya dahil hindi naman iyon ang mahalaga sa ngayon, kontento na ako sa kung anong mayroon kami ngayon imbes na mawalan pa ako ng kaibigan.
"Shey, paano ba dagdagan 'yung isa?"
Isang araw biglang tanong niya habang naglalakad kami pauwi.
"Kapag dagdagan pa ng isa," Tugon ko rin at tiningnan siya nang nagtataka.
"Engk!"
Mas kumunot pa ang aking kilay. Trip nitong lalakeng 'to?!
"Oh, ba't-"
"Kapag kulang ng isa, 'edi tayo nalang dalawa!" ani niya pagkatapos ay tumawa ng malakas.
"Bobo mo naman sa math," Nasabi ko nalang at iniwas ang paningin sa kaniya.
Hindi ako kinikilig, hindi talaga! Pero talagang traydor ang sarili ko dahil nakita ko nalang ang sariling namumula habang binibiro niya.
"Totohanin ko 'yang biro mo e," bulong ko.
"Ha!?" gulat niyang sinabi. Suminghap muna siya bago dinugtungan, "Hoy, huwag kang kiligin! para sa crush ko 'yon!"
"Tsk!" Badtrip naman!
Tumayo ako at kinuha ang aking bag.
"Saan ka pupunta?" hinabol niya ako.
"Uuwi na ako," mas binilisan ko lang ang paglalakad.
"Sama ako!"
"Bahala ka sa buhay mo." tugon ko nalang, wala din naman ako magagawa dahil nandyan na siya't ayaw tumigil kakasunod.
Inakbayan niya ako at pinisil ang aking pisngi. Tumawa ako at nakipisil din sa kaniyang pisngi. Parehas lang kaming napatigil ng makita namin kung sino nasa harapan namin. Nawala ang aking ngiti ng unti-unting tinanggal ni Axar ang kaniyang pagkaakbay sa akin at umayos ng tayo.
"Axar," ngumiti ang babae.
Napatingin ako sa aking kaibigan at nasaktan ng makita ang kislap ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa babae.
"Crush...ay este, Freya! Hi!" nautal pa siya't napakamot sa kaniyang ulo. Na ginagawa niya lang tuwing nahihiya siya.
Oo, ang taong nasa harapan namin ngayon ay ang taong napupusuan ni Axar. Habang sila'y nagkakatinginan dalawa sa isa't-isa ako naman ay naiwan wasak habang nakatingin sa kanila.
Bago ko paman mapigilan ang sarili ko, unti-unti na akong umaatras palayo sa kanila. Best friend ko si Axar at hanggang doon lang din ang tingin niya sa akin. Hindi pwedeng lumagpas at malabong lalampas pa.
Kasama ko siya sa mga gala, sa pagtakas sa school, sa pagakyat ng gate sa tuwing umuuwi kami ng disoras ng gabi at sarado na ang gate sa boarding house namin. Kasama ko siya sa tawanan at iyakan session namin. Kasama ko siyang manood ng mga horror kahit madalas siya lang naman nakakatapos dahil matatakutin ako. Kasama ko siya sa lahat kaya nasanay narin akong palagi siyang nasa tabi ko. Nasanay na akong nakikita siyang nag-aalala sa akin at pinaparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal.
Sa sobra kong sinanay ang sarili ko, hindi ko alam na pwede pala siyang mawala sa tabi ko.
"May sasabihin ako,"
"May sasabihin ako!"
Halos magkasabay naming sabi.
"Sige, ikaw muna!"
"Hindi dapat ikaw muna, ladies choice!"
Tumawa ako, "Ladies first 'yon, Axar!"
"Ahy, mali pala ako!" tumawa din siya.
Nang parehas na kaming tumahimik kakatawa'y doon na ako naglakas ng loob na sabihin ang gusto kong sabihin. Para saan pa para patagalin 'di ba?
"Gusto kita," lakas loob kong sabi.
Natahimik siya. Akala ko naputol ang linya ng tawag namin dalawa pero nang tingnan ko ito'y nandoon pa rin naman siya.
"Axar?"
"Kami na ni Freya." Paos niyang sabi.
"H-ha? Paano naman nangyari 'yon? 'di ba hindi naman ganun kalalim ang pagkagusto niya sayo at saka-" nautal pa ako, hindi pwede 'to!
"Gusto ko siya at gusto niya rin ako. I'm sorry, Shey...h-hindi ko kayang suklian ang pagkagusto mo sa akin."
"Pero bakit ang bilis naman, Axar!" halos pasigaw ko na iyon sinabi.
Baka sakali kasing matauhan siya o hindi naman kaya bawiin niya ang sinabi at sabihing joke lang iyon tulad ng parati niyang pambawi sa mga pantitrip niya. Pero wala e, walang nangyari sa mga gusto ko.
"Shey, this is the last time I will call you, ayokong magselos si Freya."
Bakit siya ganiyan? Bakit nagbago na siya? Talaga bang iiwasan niya ako para lang hindi magselos ang girlfriend niya? Ako ang nauna oh! pero bakit siya na agad. Bakit sa maikling panahon, siya agad ang pinili niya?
Anong kulang sa akin para hanapin niya iyon sa iba? Bakit mas pinili niya 'yung taong iyon? Dapat ba talagang piliin natin ang isang tao dahil gusto natin ito? Wala ba 'yon sa pinagsamahan niyong dalawa? Dapat ba hindi ko nalang siya nakilala para kapag inamin ko yung nararamdaman ko sa kaniya ganun din kabilis suklian ang pagmamahal na 'yon?
Kasi baka sa paglipas ng panahon...baka, baka kaming dalawa. Pero tulad nga nang sabi ko, masyado kong sinanay ang sarili ko kaya't hindi ko napaghandaan ang pagkawala niya sa tabi ko.
Because after that call...we never chat again. Ever.
He's gone. Like a ghost, lilitaw pero mawawala rin naman pala.
I tried to find him. Lahat pinagtanungan ko kung nasaan ba siya pero walang nakakaalam. Walang nakakapagsabi ng tama, para na akong baliw kakahanap sa kaniya. Miss na miss ko na siya. Ilang beses na rin akong tumawag at nagchat pero wala pa rin, nakikita ko siyang online pero puro seen lang naman ang natatanggap ko. Tinitingnan niya ang mga messages ko pero kahit isang beses man lang hindi niya ako nireplyan.
Ang tanga-tanga kong maghabol sa kaniya kahit wala naman talagang kami. Ansakit lang sa part na hindi lang 'yung taong iyon ang nawala kundi pati na rin ang siya bilang kaibigan ko. Kung gaano siya kabilis nakapasok sa buhay ko, ganun din siya kabilis nawala sa tabi ko.
"Hi!" nakangiti niyang sabi. Inangat niya ang pumpon ng mga bulaklak at pilit pinapakita sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
And after 8 years... he's back!
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
Pagkatapos mo akong iwan!? Pagkatapos mo akong iwan sa ere't paasahin. Pagkatapos mong sabihin na may gf ka na't, bigla ka nalang nawala. Hindi ka man lang nagpaalam bago ka umalis!
Gusto kong isumbat sa kaniya ang mga katagang iyon pero hindi ko magawa. Hindi naging kami at kailanman walang label ang namamagitan sa aming dalawa. Pagiging kaibigan, baka oo! Pero 'yung kaming dalawa na higit pa tulad ng biro niya, wala.
Nagkibit-balikat siya, "I miss you, Shey."
Akmang kukunin niya ang kamay ko pero iniwas ko ito at umatras dahilan upang lumitaw sa kaniya ang aking sala na rinig na rinig ang mga tili mula sa tinitingnan kong horror.
"Horror?" Tumawa siya, "Himala't hindi ka na takot manood ng horror na ikaw lang mag-isa. Hindi kana takot sa multo? Whooo..." Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala sa nakikita ngunit bakas pa rin ang tuwa sa kaniyang mga mata.
Talaga! Hindi na ako takot, salamat sayo dahil hindi lang ako natutong huwag matakot sa multo, natuto din akong hindi lang multo ang dapat katakutan ko, kundi pati ikaw. 'Yung tulad mo.
"Hindi na ako takot sa multo, mas takot ako sa katulad mo." wika ko.
"Ha? Shey, kung 'yung iniisip mo ay ang pagkawala ko-"
Ayokong marinig ang paliwanag niya kaya pinutol ko na ito agad. Para saan pa 'di ba?
"Hindi ako takot sa multo dahil napagtanto kong mas nakakatakot palang magmahal ng isang taong multo. Dahil hindi lang takot ang mararamdaman ko pati narin sakit nang pagkawala mo. Kasi 'yung tulad mo, lilitaw ka lang para guluhin yung buhay nung taong kontento naman talaga sa buhay pero kapag magulo na, mawawala ka nalang bigla. Pero sino naman ako para sumbatan ka? Kaibigan lang naman ako 'diba?"
Para siyang multo, hindi dahil sa patay na siya kundi dahil dumating siya sa buhay ko pero bigla lang din nawala. Nagparamdam lang. Nagbigay lang ng konting oras. Binigyan niya lang ng konting trill 'yung tahimik kong buhay pero sa huli...sa huli, nawala lang din siya.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro