Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

Danielle Alice Piper

While I'm browsing through the internet, muntik ko nang makalimutan i-check yung Facebook Page namin, nakapatong ang laptop ko sa lap ko habang nakaupo ako sa aking higaan, nakakumot. 

Nang bigla may incoming video call galing sa Skype, it's Jonah and the others. 

Napakawrong timing naman nila ngayon. Ayaw kong makita nilang ganito ako, ayaw ko mag-alala sila sa akin. Magkukunwari nalang ba ako sakanila na masaya ako? Tsaka ayoko naman sila mag-alala sa akin, may mga sariling buhay na sila, ayoko na manggulo. 


Pinindot ko yung 'Accept', at buo nanaman kaming anim. 


Si Jonah, nasa school soccerfield nila ngayon, nagpapractice para sa incoming Governor's Cup, nakapasok pala siya sa girl's Soccer team, pinatong niya ang cellphone niya sa kanyang unahan, habang nagsisintas ng spike shoes niya.

Si Athena naman, as usual, nag-aaral sa desk niya ngayon, pinatong niya ang laptop niya sa tabi niya habang may sinusulat siya sa notebook niya.

Si Bea naman ay nasa madilim na lugar habang may malakas na music sa background, hindi ko alam na nagpaparty na ang isang 'to, kaya pumasok siya sa isang kwarto na pula ang ilaw para makita namin siya habang may huwask siyang glass of champagne.

Si Julina naman ay nasa bahay ni Zinovia ngayon, nag-babake ng cupcakes, pinatong niya ang cellphone niya sa taas ng ref, kumbaga, top view. 

At lastly, si Alexia naman nasa isang fancy restaurant, kasama si Lorenzo, nagde-date ang dalawa. 


"It's been a while, since nag-skype ulit tayo," sabi ni Julina, habang may hawak siyang tray of cupcakes. 

"Oo nga, eh. Eto palang si Jonah, soccer player na ang lola niya! Ano role mo diyan, nene? Tagaligpit ng gamit?" natawa kaming lahat sa sinabi ni Alexia. 

"Ay, grabe ka ha! Alam mo ba ako ang MVP dito? Habang ikaw naman diyan, walang alam kundi lande!" banat naman ni Jonah kay Alexia. 

"True," sabi ni Athena at Bea. 

"O-oy! Hindi, ah! Ngayon lang kami ni Joshua kumain sa labas," nauutal na sabi ni Alexia, dahil totoo. It's good to see both of them are happy, despite sa nangyari last year. Full of challenges and excitement. It was one a hella roller coaster ride.

"Bea, ano ginagawa mo diyan sa bar? Huwag mo sabihin na stipper ka na diyan," ani ni Jonah.

"Baka waitress," sabi naman ni Julina, at tumawa nanaman ang lahat. 

"I have business meeting, tonight at wala kayong paki," at uminom si Bea sa champagne na hawak niya.

"Uh, sorry guys kung I can't talk with you tonight, may quiz kami bukas, eh," paumanhin ni Athena sa amin, ganyan siya tuwing kinakausap kami, pero tingnan mo mamaya, mag-oopen up 'yan tungkol sa mga embarrassing moments namin. 

"Quiz lang todo aral ka na? Mag kodigo ka nalang!" sabi ni Alexia. Hindi naman sa binabad infulence namin siya, sadyang ganyan talaga ang pakikitungo namin sa isa't isa. 

"B.I talaga kayo, huhu, kaya naging Salutatorian lang ako," pa, iyak effect ni Athena. Akala kasi namin siya ang magiging top 1 sa batch namin, kaso etong Joshua Lorenzo ang kumuha sa posisyon niya, naging isang Valedictorian. 


"Dani? Ang tahimik mo, ah? Something's bothering you?",nabigla ako sa sinabi ni Bea, napansin niya rin pala. Kahit siya ang pinakatahimik sa aming anim, siya pa rin ang pinakamaraming iniisip. Siya ang pinakaobservant rin sa amin. 


Well, that's Bea for you.


"A-ah, wala naman, na-miss ko lang kayo," sabi ko. Hindi ko maiwasang maging 'plastic' sakanila.

"Awe, na-miss na tayo ni manay losyang," pa-baby voice ni Julina. 

"Don't worry, Dani, once may free time tayo, mag-bobonding ulit tayo like last time," ngumiti si Alexia nang sabihin niya 'yan, alam ko na may kakaiba sa akin, na may problema ako.

It's good seeing them happy. Makita mo lang ang mga ngiti nila mabubusog ka na.

"OMG, naalala ko tuloy yung dati, nagwindow shopping tayo sa Calvin Klein, tapos sinuot natin mismo yung mga underwear, tapos 'yong kay Julina talaga ang nangamoy! Hahahaha!" sabi naman ni Athena out of the blue, akala ko ba nag-aaral 'to? 

Hanggan sa napunta ang usapan sa mga flashback memories, hanggan sa nasunog ang 3rd batch na ginagawang cupcakes nina Julina, hanggan sa hindi nakapractice si Jonah para sa kanyang training, hanggan sa ci-nancel ang business meeting ni Bea para sa amin, hindi na nag-aral si Athena at wala nang oras  nabigay si Alexia kay Joshua. 

Hanggan sa hindi ko na kaya makipagplastikan at nag-paalam na ako sakanila. 

"Sorry talaga, guys, pagod kasi ako ngayon," sabi ko sakanila sabay hikab, na kunwari inaantok. 

"It's okay, Dani, you can rest na, at least nagkaroon ka rin ng time sa amin," sabi ni Alexia, at binaba ko na ang video call at naiwan silang lima nagsisiyahan.

Nang sinirado ko na ang aking laptop, pumunta ako sa balcony ng kwarto ko, na kung saan nakaharap sa isang bahay na katabi lang namin, nakaharap ito sa isang kwarto na kung saan dati nakatira si Momo. 

Naalala ko nung Elementary days, bago kami matutuloy, palagi kami mag-uusap, habang nasa balcony ako at nasa bintana naman siya, hindi naman ganoon kalayo, kaya hindi mo naman kailangang sumigaw. 


Palagi namin pinag-uusapan ang mga pangarap namin.


Nagkakantahan.

Nag-aasaran. 

Nagkukuwentuhan. 

Hanggang umabot sa punto na kailangan mo ring bumitaw. 


Wala kang magagawa kundi umiyak nalang. 


~*~

5 years ago . . .

"MOMO!" sigaw ko mula sa aking balcony, it's already past 11, tulog na siya sa ganitong oras, pero who cares, I have big news!

Hanggan sa nakita ko ang madilim niyang kwarto ay nailawan at binuksan ang kanyang bintana.

"Wha-? What the hell, Alice? Maghahating-gabi na," sabi niya habang nagkukurat sa kanyang mata. 

"I know, I know, and I'm sorry for that, pero may balita ako!" excited kong sabi habang hawak ko ang isang papel, tumatalon na parang bata.

"Oh?" sabi nito at sabay hikab ng malalim. 


"Nakapasa ako sa Juvenile Music School!" nagulat siya sa sinabi ko at para bang nawala ang antok niya sa kanyang narinig. 


Inabot ko sakanya ang papel na hawak ko, isang mail na sabi na tanggap ako at balak pa nila ako bigyan ng scholarship! Balak namin ni Momo mag-aaral dito, dahil iisa lang ang pangarap namin.

Maging isang magaling na composer at mang-aawit. Araw-araw, palagi kami nag-aaral kung paano magtugtog ng mga instrumento, at palagi kami nagpupustahan kung sino ang mas magaling sa aming dalawa. 

Sa ngayon piano at guitar palang ang na-master ko. Syempre dahil 12 years old palang ako, hindi ko man kaya ipag-sabay lahat. Kaso etong si Momo, Limang instrumento na ang natutunan niya with matching DJ pad, na kung saanpuwede ka gumawa ng Trap music at mag-remix ng mga kanta. Galing, no?

"Totoo ba 'to?! Congrats, Alice!" masaya niyang sabi habang binabasa ang nakasulat sa letter. Baka nga hindi ako makatulog nitong gabi dahil sa magandang balita na natanggap ko! 


"Ikaw? Nasaan 'yong sa'yo?" natigil siya sa pagbabasa at tiningnan ako ng seryoso. Ano meron? 

"U-uh, hahahaha, baka na-late lang, darating rin 'yon, for sure!" 

Yan! Dapat positive lang tayo! Na-delay lang 'yon, baka bukas makukuha mo na 'yong mail.

Tsaka sana bigyan rin siya ng scholarship, mas kailangan niya, eh. Nababad kasi ang magulang niya sa utang, sana okay lang sila hanggan ngayon. Ang pamilya kasi ni Momo, masaya ito dati, solo child lang siya kaya, kaya silang buhayin ng magulang niya. Nang biglang nagkasakit ang nanay niya. Namatay ito dahil sa cancer at dahil doon, umabot ng milyones ang kanilang gastusin at nalugi ang business ng tatay niya kaya nakababad sila sa utang ngayon. 

Minsan nga, dito kumakain si Momo ng tanghalian at panggabihan dahil wala na sila makakain sa araw-araw, para lang may maipambayad sa tuition ni Momo.

Pero ngayon, nabalitaan ko na nakahanap ng trabaho ang tatay niya. Isang good news 'yon para sa akin!


Pinagmasdan ko lang si Momo habang binabasa niya ang natanggap kong mail, nahalata nito na nakatingin ako sakanya kaya nginitian niya ako. Pero, bakit ganito? Iba ang nararamdaman ko? Parang may tinatago siya sa akin? 


Meron ba?


"I can't believe it! Congrats, Alice," sabi nito at nginitian niya ako. 

"T-thank you, Momo," nauutal kong sabi, dahil hanggan ngayon hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sakanya simulang nakilala ko siya. Siya kasi ang nagsilbing 'kuya' ko sa buong buhay ko, palaging inaalagaan, pinagtatanggol, at palaging andiyan sa tabi ko. 

"Anyways, may pasok pa tayo bukas. Goodnight, Alic,e" at inabot niya sa akin ang letter. 

"Goodnight, Momo," at sinarado na niya ang bintana niya at in-off na ang ilaw. Alam kong darating bukas yung kanya. 

Gigising nalang ako bukas ng maaga.


The next day . . .


6:45 a.m, nasa tapat ako ng bahay nila, kanina pa akong 6:20 dito, pero bakit wala pa siya? Late nanaman ba siya? O nauna na siyang pumasok?

Hindi ko na siya hinintay pa at nag-lakad nalang ako sa papunta sa school, mag-isa. Mabuti, sakto ang pagkarating ko, at nagumpisa na rin ang lesson. Naging malikot ang aking mga mata sa kakahanap kay Momo. 

Kaso, bakit wala si Momo sa klase?

Bakit hindi siya pumasok ngayon? Dahil ba pinuyat ko siya kagabi? Omy. Pero hindi naman 'yon agad mapupuyat dahil, hindi naman talaga siya nag-puyat, ginising ko lang naman siya kagabi at natulog naman siya pagkatapos. 


Afternoon classes, hindi pa rin siya pumasok. 


Ano na ang nangyayari sakanya?!


As soon as natapos ang last subject namin, agad ako tumakbo paalis sa school at pumunta sa bahay niya. Hindi ko inintindi ang mga taong nabubunggo ko at mga taong tumatawag sa akin dahil gusto ko talaga si Momo. Kagabi pa ako kinakabahan, at kagabi ko lang napansin na may kakaiba sakanya. Muntik pa ako masagasaan, dahil hindi ko nakita na green pala ang traffic light. Tsk. 


At eto rin, nakaabot rin ako, Nasa tapat ako ng bahay nila.  Ganoon pa rin ang itsura, wala pa ring pinagbago, kaso nga lang may nakalgay na 'LOT FOR SALE' sa unahan. Naghirap nanaman ba sila? 

Bakit hindi siya sa akin sinabi agad? Na lilipat na pala sila ng bahay? Bakit ngayon pa? Makikita ko pa ba siya? 


Pumasok ako sa bahay na malungkot, at tinanong ko si mommy kung ano ang nangyari bakit lumipat sila, at sabi naman ni mommy dahil sa sinisingil na sila sa kanilang Land Fee, umabot daw sa 200,000 pesos, 'yon lang ang nalaman ko sakanya.


May inabot sa akin si mommy, isang letter galing kay Momo. 


Kaharap ko ngayon ang kwarto niya, wala na ang kanyang gamit at ang gitara na katabi niya sa kama. Ang lungkot tingnan ang kwarto niya. Dark and empty.

Binasa ko ito habang nagpapalipas ng oras dito sa balcony. 

Hindi ko maintindihan ang sulat niya, halatang minadali ito. 


"Alice, 

        Magkikita pa tayo. Do what your love, and avoid the negativeness around you. Tiwala lang,       magsasama ulit tayo tulad ng dati.  

        Just keep singing.

Momo"


"Bakit hindi ka nag-sabi, Momo?"


At naiwan ako doon . . .


. . . na umiiyak. 


~*~


Almost 11 pm na, and I'm still here at the balcony, staring at his window, pero iba na ang nakatira dito. 

Hay, it brings back memories. Hindi na ako tumuloy sa Juvenile Music School, magiging useless lang naman dahil hindi ko siya kasama. Hanggan sa pina-enroll ako ni mommy sa isang school na kung saan nakilala ko sina Alexia. 

Nakakapagtaka, kung bakit hindi niya man lang ako tinext, o naisipang tawagan o i-chat lamang sa facebook. Sinubukan ko i-contact siya pati ang kanyang tatay, pero wala talaga, puro 'Out of Service', siguro pati cellphone nila, binenta na para magkaroon ng pera.

Bakit niya ako iniiwasan, eh wala naman akong ginawa sakanya. 

Bakit hindi siya gumawa ng paraan para mag-usap kami? O magkita lamang ng sandalian? 

O baka? 

Wala na siya? May nangyari pala sakanya?


Ano ba yan, Dani. Huwag ka naman sana ganyan mag-isip, syempre, buhay pa 'yon. 

Saan kaya siya nag-aaral ngayon? Nasa Manila na ba siya? O baka andito lang sa City, pero iba ang iskuwelahan niya. Ganoon pa rin kaya ang itsura niya? Nakanerdy glasses pa kaya siya? 

Syempre, magcocontact lens na 'yon, dahil nasa puberty stage na siya, at kailangan na rin niya magpagwapo sa mga babae. 

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagsusulat ng kanta? Kumakanta ba? O may natutunan nanaman siyang bagong musical instrument?

Iniisip niya pa ba ako ngayon? Na-miss na ba niya ako?  

Hay, ang dami kong katanungan, marami akong gustong malaman sakanya.


Momo, it's been 5 years, since hindi ka na nagparamdam, pero alam mo? Kahit hindi mo na ako matandaan, matutuwa ako pag nakita ko ang mukha mo sa panaginip at isip ko. 

Sana hindi ka nagbago. 

Sana ikaw pa rin ang Momo na kilala ko.

Sobrang miss na kita.


~*~

A/N: Hi! Sorry kung ang boring nitong chapter. Sinubukan ko na ang aking natitirang powers dito para maging maganda ang pag-kaalis ni Momo. All the feels is pouring me! Huhu.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro