Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

Chapter One: A FRAIL WOMAN

Danielle Alice Piper

Today is the 14th day of my senior high school life. I thought after this, I'm going to be a college freshie until K-12 showed up and messed the curriculum. They added 2 more years; they made us test subjects, to see if SHS was a good idea, in my opinion. 'You'll have a job, even you're only an SHS graduate', they said, 'So you'll have a knowledge for your chosen course' they said. Then an article posted in Facebook, entitled: "Patatanggalin ng Pamahalaan ang Senior High", like what I am reading right now.

"Are we a joke to you?" said another student whose also reading the article, while arranging her stuff in the locker. I turned off my phone afterwards, because my class will soon start. Nakakalungkot lang isipin na akala mo makakasama mo pa mga kaibigan mo ngayon. Too bad, we have to go in separate ways just because for our chosen courses in the future. 

And guess what? 

The Dani you used to know is gone. 

Wala na ang happy side ko at bumalik nanaman ako sa twelve-year-old Dani, palaging malungkot at nag-iisa, walang kaibigan at wala may gustong makipagkaibigan. Dahil rin siguro nasanay ako kung sino ang palagi kong kasama, presence niya ang hanap-hanapin ko.

Naging loner ako sa track ko, and these students from my track doesn't like me dahil sa ginawa kong scanadalo nung first day, hindi ko naman sinasadya itulak yung Oh-So-Queen ng iskuwelahang ito. Kasalanan ko bang hindi ko alam na siya ang pinakapopular dito? Once you messes with the Queen, lahat ng estudyante dito ay guguluhin ang buhay mo hanggan sa makuntento ang Queen nila. 

Hindi ko alam na may ganito pala sa paaralang ito. Bullies rule and the weak ones are treated slaves.


As usual, suot ko ang navy blue hoodie with jeggings and Nike shoes, gaito rin ang sinuot ko noong isang araw. Until that Queen bitch messed my life, I started wearing hoodies in school to avoid casualties, at para hindi nila makita ang mukha ko. Because if they do, alam niyo na.

Hindi pa tapos tahiin ang school uniform ko, baka next week pa pero sabi sa amin ng principal na hanggang first of July lang kami pwede magsuot ng civillian. Napansin ko na lahat ng estudyante dito nakauniform na. 

Ako nalang ang naiiba. Well, I'm always the different one.

As I entered the classroom, my classmates stopped from what they're doing and started glaring at me. Yumuko nalang ako at pumunta sa arm chair ko, sa pinakadulo, na kung saan ako lang tao sa row ko. Even now, they're still gossiping me about what I did to Queen. Wala na ba sila bang pagtsismisan? 

Pumasok na ang aming professor at nag-simula na ang klase, hindi ako nakikinig sa mga lesson. Instead, I plugged my earphones in and started listening to Paralised's songs. Alam kong bawal gumamit ng earphones, pero naka-tago naman ito sa loob ng hoodie ko, kaya hindi niya ito mapapansin agad.

 Eto nalang ang nagpapasaya at nagpapalakas ng loob sa akin. 

  ♪ ♫Just talk yourself up
And tear yourself down
You've hit your one wall
Now find a way around
Well what's the problem?
You've got a lot of nerve  
♪ ♫ 

Wala akong pakielam sa mundo once I started listening their songs, feels like I'm the happiest girl alive in a world full of hypocrites and judgemental people.

  ♪ ♫So what did you think I would say?
No you can't run away, no you can't run away
So what did you think I would say?
No you can't run away, no you can't run away
You wouldn't♪ ♫

Then I started singing, in a whisper tone of course, hanggan sa hindi ko kinaya yung kanta, I'm started to sing out loud, hanggan sa napatingin sa akin ang mga kaklase ko at napatigil si prof sa kakaturo.

  ♪ ♫I never wanted to say this

You never wanted to stay

I put my faith in you, so much faith'

And then you just threw it away

You threw it away ♪ ♫

"Ms. Piper! Using cellphone in my class?!" Biglang inagaw sa akin ni prof ang earphones ko. Nagulat ako sa nangyari, at mas lalong nakakagulat na wala na ako sa arm chair ko. Hindi ko namalayan na kumakanta na pala ako nakatayo, sing like you don't care kumbaga.

Shit, nakakahiya talaga. Kung nasa dating paaralan ako, makikisabay pa ang mga kaklase ko sa pagkanta at hanggan sa makalimutan ng teacher namin mag turo. Pero iba na ngayon, it's time to grow up. Everything changed.

"I'm going to confiscate this! Get out of my class kung ayaw mo kunin ko rin ang cellphone mo!" Sigaw ni prof sa akin. Sabi ng marami, ang prof na 'yan, mahilig paglabas ng estudyante sa klase para daw madisiplina at matuto. Short-tempered kasi 'yan at ayaw niya may nakakadistorbo sa klase.

"Sorry, s-sir, hindi na 'to mauulit," sabi ko habang nakayuko. Naririnig ko nanaman ang mga kaklase ko nagbubulungan.

"Talagang hindi na mauulit! Get out!" Sigaw niya muli sa akin sabay turo niya sa pintuan.


I packed my things and get my bag, then I start walking away from my arm chair, until I hear whispers from my classmates, saying: 'Buti nga sakanya', 'She deserves it naman, eh', 'Salamat rin at wala nang weirdo sa classroom', pero hindi ko sila pinansin at umalis na akong tuluyan sa classroom. 

Tumambay nalang ako sa Gym, umupo ako sa bleachers at kinuha ang notebook ko. Mahilig ako sa mga lugar na kung saan mag-isa lang ako at tahimik. Kaso nga lang, may mga tao rin sa baba, but it doesn't bother me. 

Tinuloy ko ang pagsusulat ng aking kanta, entitled 'Isn't She Lovely', then sinulat ko ang notes nito sa piano sheet at nilagay ko bawat chord kada lyrics sa guitar. 


I started writing songs since I was seven, I love rhyming sentences and turning poems into songs, hanggan sa natigil ito nung umalis bigla si Momo sa buhay ko, but then again I started writing again nung sumikat ang banda na Paralised. I don't know, pero parang na-inspired ako gumawa ng songs at balak ko sumikat, I dreamt being a music producer one day or a great singer, pero imposible talaga 'yan mangyari, tawanan nalang natin, guys. 

Actually, malapit ko nang matapos ang kanta ko, nasa last verse na, sa totoo lang, napakaikli nito, "Life is Aisha. The meaning of her name. Londie, it could have not been done. Without you who conceived the one." Muli kong binasa ang sinulat ko. 


Sana may isang tao makaka-appreciate ng gawa ko o kaya pakinggan lamang ang mga kanta ko, except kay ate, lahat ng kanta ko alam ni ate at ginawan ko pa siya ng playlist. 

This is my fourth song, actually.


Isusulat ko na sana ang huling linya ng kanta nang may lumapit sa akin at nagbigla ako na buhusan ako ng pineapple juice. 

Nabasa ang notebook ko! Andito lahat ang mga sinulat kong kanta! Nag-fade ang ink na nakasulat sa notebook, naging blurry ang ibang part at ang hirap nang basahin ang mga nakasulat.


"Well, well, well, what a coincidence," si Kimberly este si Queen, kasama ang dalawa niyang alepores, nakasuot sila ng P.E uniform, mukhang may activity sila sa Gym ngayon.

Grabe, ha. Ang effort naman nila. Puntahan ba naman ako sa bleachers, eh nasa baba lang ang activity nila.

Kinuha ko na mga gamit ko at dadaanan ko lang sana siya nang bigla niya akong itulak at napaupo ako sa sahig at nagkalat ang mga gamit ko. 

Tumawa ang tatlo.


"Speak, weirdo," utos niya sa akin. I don't have the courage to speak nor to stand up. Napakahina ko talagang tao. Nagiging malakas lang ako pag may kaibigan.

Pinulot ko nalang ang mga gamit ko nang bigla niyang sipain ang kaliwa kong pisngi. Napahawak ako dito at sa tingin ko naman wala namang pasa, namula lang dahil sa sakit.

"I SAID SPEAK!" Yinakap ko ng mahigpit ang bag at ang notebook ko, sa tingin ko pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa pagkasipa niya. 


Ang sakit.


Sobrang sakit.


"Ayaw mo talaga magsalita, ha?" Nainis niyang sabi, at inagaw ang bag at notebook ko nang itapon niya sa basketball court na kung saan naglalaro ang mga varsity players. 

"Huwag!" Sigaw ko at sinubukan kong abutin ang notebook ko, kaso useless. Halos mangiyak na ako sa pangyayari.

"Oh, nagsalita rin ang pipi. Danielle girl, don't ever try messing with me, kung ayaw mo masira ko ang buhay mo, ha? Huwag na huwag mo ipapakita ang pagmumukha mo sa akin!" At binuhos niya ang natitirang pineapple juice sa akin. 

Dinaanan lang ako ng tatlo, tumatawa, habang naiwan ako sa sahig mukhang pulubi na parang walang pag-asang mabuhay pa.


I started crying habang bumaba ako sa bleachers para kunin ang notebook ko. 

Bakit ganyan ang trato nila sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Wala naman akong atraso sakanila. 


Why life is so unfair? 


Paano ko makukuha ang gamit ko kung nasa gitna ng laro ang mga basketball players? Nakuha ko ang bag ko nang may sumikad nito at napunta sa akin. Sinisipa na pala ang bag ngayon.

Kaso yung notebook nalang talaga. Tiniming-an ko na pumunta sa kabilang court ang mga players at dali-dali ko naman kinuha ang notebook ko sa may 2-point na linya. 


Hanggan sa . . . 


"TABEEE!" Sabi ng lalake palapit sa akin habang nagd-dribble ng bola at ayun!


Nagbungguan kaming dalawa, tumalsik ang bola palabas ng court, nagulat ang mga kateam-mates niya at pareho kami napaupo sa sahig. At natigil ang laro nila dahil sa akin.

Shit, this is fucking embarrassing. Ano ba kasi ang pinaggagawa mo Dani, ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan! 

The guy who bumped me started yelling at me, "WHAT THE HELL?! We're in the middle of the game! Nakikita mo naman, diba? Bobo ka ba? O sadyang tanga lang?!" 

Hindi ko napagilang umiyak, sa lahat ng lugar, dito pa bumuhos ang luha ko. Sobrang nakakahiya.

Ewan ko ba, sobrang sakit na ang nararamdaman ko, hindi ko na nakakaya ang mga binibitaw nilang salita.


 Ayoko na, ayoko na. 


Aabutin ko na sana yung notebook na nasa tabi niya, nang. . ."Putangina naman, oh!" Sipain niya ito. Tinulak ako nito at napahiga ako sa court. 


"Tama na 'yan!" 


Isang lalake, basketball player rin, lumapit sa akin at in-offer sa akin ang kamay niya para makatayo ako, ngunit hindi ko naman kinuha, tumayo ako sa sarili kong paa, kahit mapula na ang aking pisngi, kahit nanghihina na ako, tumayo pa rin ako mag-isa dahil kahit anong mangyayari, I'm still going to endure the pain. 


Walang tutulong sa'yo, kundi ang sarili mo lamang.


"Here," at inabot niya sa akina ng notebook ko, pero hindi ko nagawang mag-salita para pasalamatan siya, dahil nga, I don't have the courage to speak. Tumigil na ako sa paghihikbi pero hindi pa tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko. 

Tiningnan ko si kuyang mabait—our eyes met. Maganda ang mata niya, bilog na bilog, at kulay brown. Nagulat siya nang tignan ko siya, straightforward, mukhang na-shock ba.

Umalis na ako sa court, the last thing I heard was him scolding the guy who bumped me, "Hey Chase, hindi tama patulan ang isang babae, for your punishment, run 10 laps in 5 minutes." So Chase pala ang pangalan ni kuyang bumunggo sa akin.

"But, Hunter-" And Hunter naman ang pangalan ni kuyang mabait, 

"NOW!" Sigaw ni Hunter at sinimulan na ni Chase magtakbo paikot sa court, so si Hunter ang team captain ng team. 


Nevermind of that. 


Ang problemahin ko ngayon kung saan muna ako tatambay bago ako pumasok sa next subject, 2 hours kada subject kasi, at mga 10 am pa matatapos ang Math class, ang pinakaimportanteng subject sa track ko.  Asa cutting session nanaman tayo, last year sa dati kong paaralan naging habit na rin namin ito ng mga kaibigan ko, kaya parang normal lang sa akin mag-skip class, but who cares.

I don't care anymore. 


Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad, hanggan sa napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang clubroom ng Music Club. Binuksan ko ang pintuan, at mabuti nalang walang tao, pumasok ako, at inilapag ang bag ko sa sahig.

Ang dungis ko nang tingnan at nangangamoy pa akong pineapple juice, ang hood ko ay nabalot sa dumi kaya hinubad ko ito at pinatong sa upuan, mabuti nalang at may white tshirt akong suot sa ilalim. Itinapat ko naman ang nabasang pages sa bintana, dahil sayang ang sunlight, habang nakatutok naman ang electric fan dito. 

Ayos lang kahit nabasa siya, ire-write ko nalang. 

Nilibot ko ang mata ko sa loob ng Music Club, dahil parang hall na rin ito sa laki. Nakahilera ang mga musical instruments by type and kinds. By string instruments, such as violins and guitars. Pati rin ang mga woodwindand brass instruments. Namangha ako sa mga trophies naka-display sa taas dito sa Music Club. Kumpleto lahat at tsaka may grand piano pa sa gitna. 


Kaya pala pinasok ako dito ni ate, dahil napakaganda ng education system ng paaralan namin.

Umupo ako sa harap nito at saka ako umiyak.

Hindi ko alam kung hanggan kailan ko 'to titiisin, 14 days palang ang nakalipas pero parang 4 years na, akala ko nga nasa impyerno ako. 


Araw-araw nalang ba ako ganito? Araw-araw nalang ba ako magtitiis? Iiyak? Bakit ba naging ganito ako? Ito ba ang kapalaran ko? 

Ayoko na maging malungkot, ayoko na mag-isa, ayoko na bumalik sa past ko. 

Miss ko ang mga dati kong kaibigan, lalo na ang bff ko na si Alexia. Na-miss ko na makipagtawanan kasama silang lima. Na-miss ko na makipagbiruan at ngumiti araw-araw. Hindi ko alam pero parang gusto ko na sumuko, ayoko na pumasok sa school, kaso ginagawa ko naman itong lahat for the sake of my parents and my sister, gusto nila makapagtapos, pero bakit ang hirap? 


Senior high palang, mahirap na. College pa kaya?

I thought school was easy, pero bakit ganito? Parang nasa isang movie drama ang buhay ko? Ako na ata ang pinakakawawang estudyante sa mundo.

Tsaka I choose to be a song artist para matupad ang promise ko kay Momo, na one day, magkikita kami dahil sa mga kanta ko, dahil sa boses ko. Kaso pinili ko pa rin kung ano talaga ang mas mabuti para sa akin. Maging isang Mechanical Engineer.

Pero bakit ang hirap? Lahat bang pangarap ko ay mapupunta lang sa wala? 

Mas lalo akong umiyak, humihikbi ng malakas. 


Ayaw na ayaw ko kitang makita pero sobrang miss na kita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro