Chapter Nine
Danielle Alice Piper
5:40 a.m, hindi ko inaasahan na gigising ako na ganitong kaaga. Naligo na ako at nagbihis, saktong 6:00 a.m, nakahanda na rin ang gamit ko, at kakain nalang ako sa baba. Habang inaayos ko ang higaan nang bigla akong tawagin ni ate mula sa sala, mabuti narinig ko siya dahil nakabukas ang pintuan ng kwarto ko.
"DANI! HALIKA DITO SA BABA! BILISAN MO!" sigaw muli ni ate. Jusko, kung makasigaw naman ito, akala mo sinusunog na ang bahay, eh.
Dali-dali ako bumaba sa hagdan, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng TV, habang may hawak na spatula. Sana hindi niya pinabayaan ang luto niya dahil wala akong makakain ngayon kung ganoon.
"Ano meron?" tanong ko sakanya, pero hindi ako nito sinagot.
"Bakit ka may hawak na spatula?" hindi pa rin ako pinapansin.
"Nasusunog 'yong bacon!",kunwari ko sakanya sabay turo sa kusina, open kasi ang kusina namin, katabi lang ng sala.
"Tapos na ako magluto at wala tayong pambiling bacon," sabi nito pero nakatulala pa rin sa TV. What's up with her? At mukha siyang statwa, more like a zombie. Dahil ba sa morning news?
Umupo ako sa sofa, habang nakatayo si ate sa likod ko na hawak pa rin ang dala niyang spatula.
"Ang vocalista ng bandang Paralised, na si Sophia Anderson, o mas kilala natin sa pangalang 'Alice', ay sinugod sa St. *toot* Hospital ng madaling araw, dahil mayroon itong Vocal Cord Tumor, hindi na muli makakakanta pa ang singer dahil sa sakit na ito", napanganga ako sa sinabi ng reporter, hindi rin ako makagalaw katulad ni ate.
Para bang nagslow-mo ang lahat, at sumakit ang dibdib ko.
Of course, lahat ng fan ganito ang mararamdaman kung ganyan rin ang mangyayari sa idol nila.
"Si Alice?! NAPAHOSPITAL?! WHY?!" OA kong sabi na kunwari iiyak, tiningnan ko si ate at ayun! Nakatulala pa rin.
"Ate! Si Alice!" mangiyak kong sabi.
"Alam ko, kaya nga tinawag kita," sabi nito at umalis na siya, para mag-puwesto sa lamesa.
"Nandito po kami ngayon sa harap ng kaniyang kwarto, kasama natin ang manager ng Paralised. Sir Ace, ano po ang balita kay Ms. Anderson?" ani ng reporter, habang kasama rin nito ang iba pang reporter, at pinagtutulak ang mga body guards ni manager Ace.
Paano nila nalaman na Sophia Anderson ang pangalan ni Alice? Kahit ako, hindi ko alam, eh. Pinagbabawal sabihin ang kanilang tunay na pangalan.
O baka?
Sinabi ang totoong pangalan ni Alice, dahil hindi na talaga siya makakakanta?
Whaaat?!
Wala na ba ang Paralised? Dito na ba magtatapos ang kanilang journey? Huwag naman sana!
"Wait for further announcements nalang po", 'yan nalang ang nasabi ni Manager Ace at saka pumasok sa loob ng kwarto, at naiwan ang mga reporters sa labas habang pinapaalis sila ng mga body guards.
Siguro pinagkakagulo ngayon ang St. *toot* Hospital ng mga reports at lalo na ang mga fans, since alam nila na andiyan si Alice ng Paralised.
"Anne Regaldo reporting, back to Studio"
Nilipat ko sa ibang channel dahil si Alice pa rin ang pinag-uusapan sa TV, ganoon rin sa iba pang Channel. "Pati nalang Discovery at Disney Channel?!", inis kong sabi.
In-off ko nalang ang TV, tinapon ang remote sa sofa at huminga ng malalim.
"Kumain ka na dito, huwag pahintayin ang grasya," ani ni ate, kung makapagsalita ito akala mo nanay ko, eh. Kasi naman, that's what my mom usually says.
Pumunta ako sa dining table para kumain ng almusal, pero nawalan ako ng gana kumain at kalahati lang sa plato ang nakain ko, kaya umalis na ako sa bahay at dumiretsyo sa school. As usual, naglalakad ako papunta sa school, sa likod ng campus.
Pag pasok ko sa school, ganoon rin ang mga estudyante, marami akong kadamay ngayon, ah? It seems like the atmosphere went black and gloomy, parang naging foggy ang paligid.
Teka? Saan galing 'yong fog? Paglingon ko sa kaliwa, nakita ko ang janitor namin sa gilid, may hawak na dry ice at bathing soup, ano naman ang gagawin niya diyan?
Hay, karamihan sakanila ay umiiyak at hindi maguhit ang mga mukha, nakayuko sila na akala mo nabagyuhan ang tirahan.
Naging gloomy ang araw ngayon dahil sa balita. Pagkatapos ng morning classes, pumunta na ako sa Broadcasting Club, sa third floor.
Nanag makapasok ako sa clubroom, lahat sila ay busy sa kanilang daily gawain, mukhang hindi naapekto sa balita except kay ate Olivia.
Lumapit ito sa akin at nag-yakap kaming dalawa, "Si Alice!" mangiyak na sabi ni Olivia at mas lalong napalakas ang pag-iyak ko dahil doon. May kadamay talaga ngayon! Salamat, Lord!
"C'mon, let's start, maya na 'yang drama," utos ni ate Cha sa amin.
Pumunta na kami sa aming posisyon, at pinahawak sa akin ang tablet ni Sky para sa ngayong Q&A. Inabot naman sa amin ni ate Camila ang aming script para sa ngayong session, para kaming multo ni ate Olivia nang tanggapin namin ito.
"Hoy! Kayong dalawa, huwag niyo naman sirain ang araw ko!" ani ni Mia, pero hindi naman ito pinansin, tiningnan lang namin ito ni ate Olivia at nagulat siya sa amin dahil mukha kaming nawalan ng kaluluwa.
"In 3 . . 2 . . 1," countdown ni ate Cha, at on-air na kami.
"Magandang tanghali, mga tsong at mga tseng! Kasama niyo nanaman kami ngayong tanghaliang seesion. I'm DJ Aloe Vera," sabi ni Mia.
"I'm DJ Amoy Lupa," malungkot naman na bati ni ate Olivia.
"And DJ AV," syempre, ako rin. Damay-damay 'to no!
"Ng Student's Block Radio FM!" sabi naming tatlo, pero si Mia slash Aloe Vera lang masaya sa amin. Tiningnan kami ni ate Mia ng masama.
Dapat mag-ayos kami ngayon, dahil nakakahiya na ipakita sa mga naririnig na malungkot kaming dalawa ngayon. Wala naman sila magagawa eh!
"As promised, sasagutin lahat ni DJ AV ang mga tanong niyo mula sa aming Facebook Page. So DJ AV, the floor is yours!" at tinulak ako ni Mia sa unahan, pero nakatulala lang ako, pero gagawin ko pa rin ang dapat kong gawin ngayon.
"Before tayo mag Q&A, gusto ko muna kayo kantahan ng 'Last Hope' by Paralised, damayan niyo ako, guys ngayon," sabi ko at nag-sob sa huli, kinuha ko ang gitara ni ate Olivia sa tabi ko, then I started singing.
Since, feel na feel ko ang pagkanta ngayon, muntik na ako umiyak at nag-iba ang boses ko dahil iniisip ko ang balita kaninang umaga. [Her voice on the multimedia]
At umiyak ako ng patago pagkatapos ko kantahin ang Last Hope, tinapik ni ate Olivia ang balikat ko at nagsinga ako sa panyo ko.
"Sorry, guys, medyo nadala lang ako. Hindi ko talaga kinaya ang balita ngayon, pero dahil sainyo itutuloy natin ang Q&A, hindi ko uulitin ang tanong niyo once may nagtanong na ng iba, okay?" sabi ko, at kinuha ang tablet sa harap ko.
"Our first question for today, from Ivy! Eto, ang tanong niya:
Hi po, DJ AV, sobrang ganda ng boses niyo, pero puwede po ba malaman kung anong Grade ka na at ang track mo? . . . Um, thank you sa compliment, Ivy. Baguhan lang po ako dito at STEM ang kinuha ko," tumingin ako kay ate Cha, at nakathumbs-up ito, mabuti nalang at okay na ako at hindi na ako nagpapadala sa balita.
"Okay! Our next question is from koya Aaron:
DJ AV, ilang taon ka na po? At ano ang paborito mong kanta? . . . . I'm 17 years old, koya Aaron at lahat ng kanta ng Paralised ay paborito ko," tama naman 'tong ginagawa ko diba? Hindi ko naman sinasabi ang identity ko eh.
"Next question, galing kay ateng Teresa:
DJ AV, ano po ang club na sinalihan niyo? . . . Sorry ateng Teresa, I can't tell you that hohoho, malalaman niyo naman soon, eh," naapektuhan na ang pananalita ko dahil kay Mia slash DJ Aloe Vera.
"Next!
'Saan ka po ate AV tumatambay during classes?' Galing kay koya Frankie . . . Uh, during classes? So, ang tanong mo ay kung saan ako tumatambay habang nagcu-cutting? Char lang, hindi naman ako nagcucutting, eh, hindi naman ako bad na tao katulad mo, char ulit! Pero tumatambay ako sa mga tahimik na lugar, hindi kasi ako sanay sa crowded places, eh. Except sa concert, hohoho", I keep saying 'hohoho', like what Mia does, malakas talaga ang impluwensiya niya sa mga tao.
"Okay, next! Galing kay kuya Daniel:
DJ AV, alam mo bang palagi kong inaabangan ikaw tuwing lunch, dahil kaboses mo talaga si Alice ng Paralised", pinutol ko ang tanong niya, dahil naflutter ako sa sinabi ni kuya Daniel, eh.
"Thank you kuya Daniel sa compliment! Na-appreciate ko talaga! Okay, balik sa topic", at binasa ko muli ang tanong niya.
"Since, kaboses mo naman siya, bakit hindi ka sumali sa Audition sa Arc King Studio? Naghahanap sila ng temporary - Alice ngayon, ano say mo, DJ AV?"
Hindi ako makapaniwala sa binasa ko! Totoo ba 'to?! Napahawak ako sa aking bibig, dahil sa saya, parang gusto kong sumigaw sa loob ng studio! OMG! MAY AUDITION SILA!
"Kalma ka lang DJ AV," mahinahon na sabi ni ate Mia.
Okay, okay, huwag mo ipakita na apektado ka sa sinabi ni kuya, dapat chill ka lang, okay, DJ AV? Dapat hindi mawawala ang pagiging professional!
"Uh, hehe, ewan, hindi ko sigurado kung sasali ako sa audition, syempre, dahil busy sa school, tsaka walang papalit sa pwesto ni Alice, no!" sagot ko sa tanong ni kuya Daniel.
Pero sa totoo lang, grabe talaga ang saya na nararamdaman ko ngayon!
Binasa ko ang mga natitirang tanong at natapos rin ang Q&A at ang tanghalian session. Eto kami ngayon, nagliligpit para makakain na kami ng lunch. N
"Sasali ba ako sa Audition? Kaso baka magalit sa akin ang fans ni Alice, eh, pero fan naman ako ni Alice! Ano kaya ang mangyayari kung sumali ako? Pangit naman boses ko, pero argh!" kinakausap ko ang sarili ko habang nagbubuhat ng mga boxes, para akong baliw ngayon, kanina ang lungkot ko, tapos ngayon masaya naman. Bipolar na baliw.
"Pangit daw? Sino ang linoloko nito, luh. Humble ang lola niya" ani ni ate Olivia. Halatang nagpaparinig ito sa akin.
"Ano kaya sumali ka nga sa Audition, Dani?" bungad na tanong ni kuya Sky sa akin.
"H-ha? Huwag na sus" pahumble ko na sabi. Yan, tama lang yan, dapat humble ka lang, tulad sa sinabi ni Olivia.
"Pero kinakausap ang sarili kung magaaudition pa ba, galing mo rin, no?" ani naman ni ate Camila.
Ganyan talaga ang pakikitungo nila sa akin ngayon. Kung tutuusin parang sina Alexia sila kumilos at magsalita eh. Nakakatuwang isipin na ilang araw palang ang nakalipas, close na ako sakanilang anim. Kina ate Cha, kuya Brookyln, Sky, ate Camila, Mia at lalo na kay Olivia.
"Tsaka it's worth a try naman, eh, kung makapasa aka edi makapasa, kung hindi, edi hindi. Parang PBB lang," sabi naman ni kuya Sky.
"Anong connect naman nun sa PBB, Sky?" halatang inaasar ni kuya Brooklyn si Sky. At ayun, nagpipikonan ang dalawa, habang pinagtatawanan sila nina ate Camila at Mia.
"Sumali ka, Dani, sususportahan ka namin" ani naman ni ate Cha.
Pag si ate Cha ang nagsasalita, para siyang diyosa, pinapakita sa'yo ang magandang daan, na kung saan bubuti ang buhay mo, parang ganon.
"Do';t pressure yourself. We got your back, Dani," sabi naman ni kuya Brookyln.
Masaya ako dahil nakakasama ko sila araw-araw, at tinanggap nila ako at tinuring bilang kaibigan rin nila. Ang sarap nga sa feeling na magkaroon ng kaibigan na katulad nila, sana hindi ako umabot sa punto na kung saan pagpipilian ako.
Your dreams or your friends?
Katulad ngayon . . .
Kung mag-audition nga ako at makapasa man . . .
. . . Iiwan ko na ang Broadcasting Club?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro