Chapter Fourteen
Danielle Alice Piper
Hindi naging maganda ang naging performance ko ngayon sa Tanghalian Session, hindi naman napansin nila Olivia, pero nasasabi ko sa sarili ko na hindi naging maganda ang naipakita ko ngayon.
"Dani."
Siguro dahil nakakapagpabagabag ang mga sinabi ni ate Cha sa akin kanina, hanggan ngayon hindi pa rin maalis sa aking isipan na nagpakamatay pala ang founder ng Broadcasting club.
"Dani?"
Baka alam nina Olivia at ni kuya Brooklyn ang dahilan o kaya ni Sky, kasi nga diba, sabi parang inutos lang si SKy sumali sa club, baka ayaw lang sabihin kay ate Cha. Pero bakit naman nila gagawin 'yon? Gusto ko talaga malaman kung paano 'yon nangyari. Bakit 'yon nangyari.
"DANI!"
"P-po!"
Halos atikihin ako sa puso nang sigawan ako ni Olivia.
"Ano nangyayari sa'yo? Kanina ka pa ganyan. Halika, tulungan mo kami mag-ligpit," seryoso niyang sabi. For the first time, sinigawan niya ako. Napansin niya pala ang kilos ko kanina.
"O-opo," sabi ko.
Pagkatapos naming mag-ligpit, kinandado na ang pintuan at nagbaba na kami para kumain ng lunch. Mukhang hindi ako puwede magpalipas ng oras sa club, dahil sabi ni ate Cha, baka daw siya pagalitan pag nalaman na bukas ang club namin sa hapon, kasi nasa kontrata na tanghali at uwian lang gagamitin ang club, ginawa ng SSG, para daw hindi sayang sa kuryente. Milyones kasi ang bayad monthly ng iskuwelahan namin sa kuryente.
Baka sa Gym na muna ako magpapalipas, pero sisiguraduhin ko na there are no sign of Queen, kailangan ko maging maingat.
Alam kong masama mag-cutting, pero alam niyo naman ang sitwasyon ko ngayon, diba? Ano ang pipiliin mo mag-cutting o mapa-guidance? Shet, kailangan ko rin maging maingat na walang teacher makakita sa akin nag-lakad lakad within school premises na naka P.E uniform, lalo na't wala kaming klase sa P.E.
Masaya kumakain sa canteen, except sa akin, "Ano iniisip mo?" sabi ni Sky na ako lamang ang nakarinig sakanya. Napansin ko na hindi gaano nag-sasalita si Sky, mala-seryosong type itong tao at bihira lang ngumiti.
"Wala naman," sabi ko na hindi man lang siya lingunan at malumbay na tinutusok-tusok ko ang karne gamit ang tinidor ko.
"Tungkol ba 'yan sa club?" nabigla ako napalingon ako sakanya. P-paano niya nalaman? Wala naman akong sinabihan tungkol dito.
"Ang dali mo kasing basahin," then he chuckled at tinuloy ang kanyang pagkakain. Now, I know kung bakit pinasa ni founder ang posisyon niya kay Sky. May nakikita rin ako sakanyang potential na hindi nakikita ng iba. Kagaya sa sitwasyon ko, tinatago ko ang talento ko sa pagkakanta.
Hindi nagtagal, natapos rin ang lunch time at nasipuntahan na sila sa kani-kanilang classroom. Dumiretsyo naman ako sa gym, bago ako pumasok, nilibot ko ang tingin ko sa bawat sulok ng gym, just to be sure na wala nga si Queen dito at ang mga alepores niya.
Walang tao sa gym, kaya agad ako pumunta sa pinakamataas na bleachers, na kung saan hindi ka agad makikita ng mga tao, kung may titingin man sa direksiyon ko, tanging liwanag lang ang makikita nila at hindi ang anino ko.
Napatingin ako sa aking relos, 1:05 p.m. palang, 4 more hours to go bago mag-uwian. Ano ang puwedeng gawin sa loob ng apat na oras? Hindi ko dala bag ko, kung dala ko 'yon, edi makakagawa nanaman ako ng bagong kanta. Kahit cellphone naiwan ko sa bag, sana hindi 'yon mawawala.
Suddenly, nakaramdam ako ng antok, napagod rin ako sa kakatakbo kanina, ngayon lang ako nakapagpahinga ng mabuti.
Humiga ako sa mahabang upuan, pinatong ang kanang braso ko sa aking mata at napapikit.
Dahil sa sinag ng araw at sa hangin na pumapasok sa loob ng gym, mas lalo akong inantok.
~*~
"Momo! Wait!" masaya kaming naghahabulan ni Momo palibot sa water fountain na kung saan nasa loob kami ng mansyon nila. Tumatalsik ang tubig mula sa fountain habang hinahabol ko siya. Hanggan ngayon hindi ko pa rin maabutan ang pace niya.
"Ang bagal mo pa rin Alice, hindi ka pa rin nagbabago," at tumawa ito pagkatapos.
"Ikaw rin naman ah!" sagot ko sakanya at tumatakbo pa rin kami palibot ng fountain. Hindi pa rin nagbabago ang anyo niya. Kulot pa rin ang kanyang buhok, nakasuot pa rin ngnerdy glasses, ganoon pa rin ang kutis niya—maputi, parang koreano. Dati magka-height lang kami niyan, pero mas matangkad na siya sa akin, 5'6 ft na ata ang height niya habang ako nasa 5'3 lang. Huwaw.
"Ha? Oo kaya! Tumangkad at gumwapo ako," at tumawa nanaman siya. Hilig talaga nitong asarin ako. At hanggan ngayon hindi pa rin nagbabago ang ugali niya.
"Baka nga gumwapo!" biro kong sabi. Still the jolly old him.
Nang sabihin ko 'yan, napatingin siya sa akin, and there he let his guard down, kaya nahawakan ko ang sleeve niya sa braso, "Got ya!" sabi ko at nagulat siya dahil inaakala niya na hindi ko siya mahahabol. Talaga lang, ha?
Umupo kami sa pinakamalapit na bench dito sa water fountain, napagod kami sa kakatakbo, "Ang tanda-tanda na natin, naghahabulan pa tayo," sabi ko.
"Nakakamiss lang kasi, matagal kitang hindi nakita, Alice," sabi nito na ikinatatahimik ko naman. Nakakapagtaka kung bakit andito ako ngayon sa mansion nila Momo, kailan pa ako nakapunta dito? Napatingin naman ako sa aking likod na kung saan makikita mo ang main gate entrance nila na may nakalagay na malaking 'Ackerman' sa taas. Hindi ko alam na ganito pala sila kayaman.
"Saan ka ba nagpunta? Akala ko nga patay ka na, eh. Ni hindi ka man lang nagparamdam," biro ko sakanya, pero kalahati doon ay seryoso.
"Pero hindi mo man lang ako hinanap."
"Ha?"
"Hinihintay mo na ako mismo lalapit sa'yo at magpapakita?"
He . . .he has a point. Umaasa ako na siya nalang magpakita sa akin habang wala akong ginagawa.
"S-sus, bakit mo pa 'yan iniisip, andito na tayo, oh. Magkasama na tayo."
"Hay, Alice. Sa sunod, hanapin mo ako. Remember the letter I gave you? 'Do what you love and avoid the negativeness around you. Just keep singing'".
Ano naman ang koneksyon nun sa pagkikita natin? Ang labo niya, sobra.
"H-hindi kita gets,"
"Hanapin mo ako, base sa nakalagay doon sa letter na binigay ko sa'yo"
"Ano nanaman 'to, Momo? Paano kita mahahanap niyan kung wala namang kwenta ang nakalagay doon?! Ni hindi ka man lang magbigay ng clue kung asan ka o kung kailan ka magpapakita, eh! Sino niloloko mo?!" tumaas ang boses ko sakanya at malapit na ako mahysterical nanaman.
What do you expect, Momo? Na magiging masaya ako pagkatapos mo akong iwan sa loob ng limang taon? Sa tingin mo magiging okay ako at makakalimutan kita agad agad? Hindi naging madali ang lahat para sa akin, Momo. Baka sa'yo oo, pero sa akin, hindi talaga.
"Do what you love and avoid the negativeness around you—gusto ko maging masaya ka kahit wala na ako sa tabi mo sa paraang pagkakanta, huwag kang makinig sa iba, huwag ka maniwala sa sinasabi ng iba. Pakinggan mo kung ano ang sinasabi ng puso mo, walang tutulong sa'yo kundi ikaw lang."
So it is a farewell letter.
Kung 'yan pala ang pinapahiwatig niya. Kung 'yan ang gusto niyang sabihin sa akin, bakit pa niya sinabi sa letter na magkikita pa kami? Para ano? Para umasa ako?
"But I did wrote, 'Just keep singing'. Gusto mo malaman kung ano ang ibig sabihin nun, Alice?" umiling ako.
"It means, magkikita pa tayo dahil sa boses mo."
Napatingin ako sakanya, nagtataka. Paano naman?
"Huwag mo 'yan itago. Kailangan mo 'yan ilabas. To reach me, of course."
"You're talking nonsense, Momo. Tumigil ka nga, magkasama na nga tayo ngayon, oh."
"Hindi. Hindi, Alice."
Ha? Anong 'hindi' mo diyan? Bulag ka ba? Magkasama nga tayo ngayon, ginugulo mo nanaman ang isip ko, Momo.
"Teka, what do you mean by 'hindi'?"
"Hindi 'to totoo, Alice. Nananginip ka lang."
At pagkatapos 'yan sabihin ni Momo, unti-unti nawawala ang katawan niya na parang kinakain ng hangin. Hinawakan ko agad ang kamay niya, ngumiti ito sa akin at hinawakan ang ulo ko sabi, "Alice, I'm sorry," mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya,
"M-momo. Momo," mangiyak kong sabi hanggan sa pumatak ang luha ko sa kamay niya.
"Shh, you're still a crybaby, Alice," at tumawa ito.
"Bakit kasi ngayon pa?!" At doon bumuhos ang luha ko. Tumingin ako sakanya at naging seryoso ang mukha niya, yumuko ito nang makita niya akong umiyak.
"Alice-"
"Huwag Momo, huwag mo ako iwan. Please," pagmamakaawa ko sakanya, "Bakit hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko, Momo?! Bakit ayaw mo magpakita sa akin?! Ano nagawa ko sayo, kaya ka lumayo?! Sa tingin mo naging madali itong lahat para sa akin? Ha? Alam mo ba, Momo, nang dahil sa'yo! Kaya ako nagkaganito!" Mas lalong bumuhos ang luha ko at naghagulgol sa kakaiyak. Hindi ko sinasadyang taasan siya ng boses, gusto ko lang ilabas ang masamang loob ko sakanya na matagal ko nang tinatago.
"Bakit ang unfair . . . ako etong nasasaktan," sabi ko.
"Parehas lang naman tayo, Alice," napalingon ako sakanya at despite of everything, nagawa niya pa ngumiti, mapait ng ngiti.
Iniisip ko lang pala sarili ko, hindi ko alam na pati siya, nahihirapan rin katulad ko.
"Danielle Alice Piper," masayang binanggit ni Momo ang pangalan ko.
"Marcus Orpheus Ackerman?" kaya tinawag ko rin siya sa buong pangalan niya.
No, not this time, Momo. Sa una kong panaginip tinakot mo ako, tapos ngayon, eto ang ibibigay mo sa akin?
"Somehow, we're still connected. Kahit hindi tayo nagkikita, it feels like you're always with me whenever I go," nakatulalang sabi nito at bigla nabura ang mukha niya nang may dumaan na malakas na hangin sa direksiyon namin. Hindi ko na ramdam ang hawak ni Momo sa akin.
Tuluyan siyang nawala sa harapan ko na parang bula, hanggan sa hindi ko na maramdaman ang presence niya. Mag-isa nanaman ako.
"MOMO!"
~*~
Nagising ako bigla, just like the last time, nagising ako mula sa panaginip na umiiyak. Pinunasan ko ito agad ng kamay ko.
May narinig akong bola na shi-noot sa ring, napalingon ako sa baba na kung saan may isang lalake na naglalaro ng basketball mag-isa. Kaming dalawa lang ang tao dito sa court, kaya rinig na rinig ko ang pag-dribble niya at pagshoot sa ring. Bumaba ako sa bleachers, bago ako makalabas ng Gym, madadaanan ko muna siya.
Muli ako napalingon sa nag-lalaro. Bawal mag-laro unless kung naka proper P.E uniform ka o naka-jersey, kaso etong lalake na 'to, masyadong matigas ang ulo at naglaro na nakasuot ng school uniform.
Tinitigan ko siya ng matagal dahil sa ang galing niya mag-shoot ng bola, mapa 3 points man o half court.
Tumingin ito sa akin, nagulat ito at ngumiti pagkatapos.
Si Hunter Ackerman.
Napacrossed arms ako at napasmirk sakanya.
"Diba may klase ka? Bakit ka andito?" tanong ko sakanya at tinaasan siya ng kilay. Looks like I'm not the only one who's breaking the rules here.
"Diba may klase ka rin? Bakit ka nakasuot ng P.E?" ani naman ito. Napasmirk ulit ako sa sinabi niya. Gaya gaya talaga 'to. Hindi ko akalain ang top 1 sa ABM, grade 12 at ang captain ng basketball team ay nagcu-cutting rin.
"Hindi ako sanay pumasok ng ganito tsaka ang boring sa classroom. Nasanay kasi ako dito, mag-lalaro buong araw at uuwi nalang pagkatapos mag-training," sabi niya habang nakapokus sa pag-lalaro niya. Napa-'Ah' nalang ako and then again, naka-3 points nanaman siya. Isang hamak na magaling na manlalaro 'to, there's no doubt na siya ang captain ng team nila.
"Hunter," nahihiya kong sabi.
"Hmm?" sabi nito habang naglalaro pa rin ng basketball.
"May gusto sana akong tanungin sa'yo."
"Ano?"
Matagal ko na gustong tanungin ito sakanya, simulang nalaman ko na isa siyang Ackerman, malakas ang kutob ko na may koneksiyon ito kay Momo. No doubt.
"May kapatid ka ba na may pangalang Marcus Orpheus Ackerman?"
~*~
A/N: Hello guys! Salamat sa pag-babasa ng TAV! WAla pa tayo sa kalahati ng kuwento, hahahaha. Marami pang mangyayari sa kunweto na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro