Chapter Five
UNKNOWN
Nagsalo rin ang members ng Paralised sa Arc King Studio, andito na ang lahat pati ang manager namin. Paguusapan namin ngayon para sa gaganaping Shout Tour Concert dito sa hometown namin, balak namin na gawing libre ito para sa fans namin, dahil ito na ang huling journey namin. Magkakaroon ulit ng Tour next year, balak namin na gawing Flash Mob ang huling performance namin sa ngayong taon, at sila na ang bahala lumapit sa amin.
"Okay, Paralised, since na-excused ko naa kayong lima sa principal sa mga school niyo for one week, hindi niyo na kailangan muna pumasok sa paaralan niyo dahil magppractice tayo sa loob ng isang linggo, kailangan muna natin iperfect ang kanta na 'Huling Sayaw', dahil magulo talaga!" one of our hardest songs yet one of the best. Isang Filipino song 'to, pero ginamit naman namin ito nung Shout Tour sa Cambodia pati Singapore and they loved it.
Kagaya lang sa K-pop, kahit hindi mo maintindihan ang kanta nila, magugustuhan mo pa rin dahil kayo ang kumanta at maganda ang rhythm nito.
"Hindi kayo nagkakaisa, para kayong may mga sariling mundo. Off tune yung bass, mabilis naman yung guitar tapos yung drummist hindi na naririnig, kaya hindi nakakakanta ng maayos si Alice dahil sainyo eh," sermon sa amin ng aming manager, habang sinusulat niya sa white board ang schedule namin hanggang next week.
Hindi naman siguro napansin ng mga tao na off-key na kami sa kantang 'Huling Sayaw', dahil mas malakas pa rin ang sigaw nila kaysa sa performance namin.
Wala, eh. Ganun talaga ang mga fans, sisigaw at ilalabas ang kanilang phone, instead pakinggan lang ang kanta namin, kahit ma-appreciate man lang nila pero iba sila, eh.
Hanggan sa napaubo ng malakas si Alice, at lahat kami napatingin sakanya.
"What's wrong?" alalang tanong ni Parker sakanya.
"Wala 'to. Nasobrahan ako kakakain ng ice cream kanina," sabi naman ni Alice at tumawa. Matigas talaga ang ulo nito, bawal nga sakanya kumain o uminom ng malamig dahil next week na kami magpeperform.
"Pasaway ka talaga, Alice, kahit kailan. Itigil mo muna sa pagkain ng malamig, ha?" alalang boses ni manager.
Dahil pag wala si Alice, wala rin ang Paralised.
Pag wala ang isa, wala na rin ang lahat.
Paano niya maiiwasan ang ice cream, eh paborito niya 'yon? Tsk.
Nagsimula ang banda namin last year lang. Naisipan namin gumawa ng banda pagkatapos namin pumunta sa Rock Horizon, na kung saan lahat ng banda ay nag-lalaban at nag-peperform sa kani-kanilang stage, paramihan ng mga manonood. Childhood friends kaming lima, magkaklase kami noong gradeschool pa kami, pero nag-sihiwalayan na nung pumasok na kami sa mga napili naming high school. Kahit hindi na kami magkakasama ngayon sa iisang paaralan, hindi pa rin mawawala ang 'friendship' at 'bond' naming lima.
Magkaklase kami ng H, ang dummist ng Paralised.
Habang sina Alice, ang vocalist at Parker, rhythm guitarist, naman ay mag-kasama naman sa school na pinapasukan nila.
At si Jaxon, ang bassist, ay nag-iisa sa school niya.
Ako? Ako ang lead guitarist ng Paralised.
Sa una, hindi talaga kami marunong mag-tugtog ng mga instrumento, naisipan lang namin mag-tayo ng sariling band, dahil unang-una, para manatiling magkasama pa kaming magkakaibgan. Pangalawa, para at the same time, may nakukuha kaming pera, hanggan ngayon pinag-iipunan namin ito para sa future namin. At pangatlo, gusto rin namin sumikat, at i-excel ang aming talento.
Para kaming sundalo na sumugod sa isang laban na walang baril.
Hanggan sa naisipan namin mag-gig sa isang resto bar at doon kami na-discover ng aming manager, na si manager Ace, ang may ari ng Arc King Studio.
At doon nag-simula sumikat ang Paralised.
Pinagusapan rin sa meeting kung saan at anong oras kami magpeperform at kung anong kanta ang gagamitin namin. Limang kanta ang napagdesisyunan at bawat members ang pipili kung anong kanta. Ang pinili ko ay 'Gilid', dahil ito ang kantang ginawa ng bagong producer namin.
Somehow, parang naging connected talaga siya sa banda namin at sobrang relate kaming lahat dito.
Hindi kayo makapaniwala kung sabihin ko sainyo na ka edad lang namin ang song writer/producer namin. Hindi ko alam kung nag-aaral pa ba ito, pero hindi pa namin siya nakikita sa personal, magpapakilala nalang daw siya once natapos na ang kontrata niya sa amin.
Mahahalata mo naman sakanya na wala siyang hilig maki-socialize sa mga tao, at palagi nalang siya mag-isa nagtatrabaho, patago kumbaga.
Nakalimutan ko ang pangalan niya, pero I should, no, we should be thankful to him, dahil naging isa siya sa dahilan kung bakit kami sumikat big time. Lahat ng kanta na ginawa niya ay isa rin sa dahilan kung bakit kami sumikat.
Kalahati kasi ng kanta namin ay galing sakanya.
Lalo na yung second album namin na 'Scream', lahat 'yon ay sinulat niya, pinagisipan niya talaga ang mga ways kung paano namin siya i-play sa gagamitin naming instrumento, marunong siya mag-tugtog lahat ng instrumento, mapa-harp man o flute.
Napakatalented niyang tao.
Katulad lang nung kahapon, sa schoo- "Hey, Levi, are you listening?" sabi ni Parker nang i-snap niya ang kanyang fingers sa mukha ko kaya nagulat ako at napaurong ang swivel chair ko.
"Ha? Ano sabi mo, Parker?" sabi ko sabay kamot sa batok. Sorry, pero hindi talaga ako nakikinig either dahil wala akong paki sa sinasabi mo o dahil ayaw ko lang talaga sayo.
"Sabi ko palitan na natin yung strings sa gitara natin, napansin ko na nangangalawang na ito, it's been 4 months na pala since hindi pa tayo nagpapalit," kalmado nitong sabi.
"Okay, okay, punta nalang tayo sa Sky's Instruments after practice," sabi ko sakanya na hindi ko lamang siya tiningnan.
Natapos rin ang meeting namin, 12:15 na pala, mabuti naman at binigyan kami ng one hour break dahil tanghalian na, magsisimula kaming mag-practice mamayang 2pm hanggang 10pm.
Ganyan kami ka-pursigido, eh. Try and try until you die, joke lang hahaha.
Sa mga hindi nakakaalam tungkol sa Paralised, we've been using white masks and black embroided patches, contact lenses and wigs while performing live, walang nakakaalam sa identity namin, walang nakakaalam na simpleng tao lang kami, isang estudyante.
At tsaka hindi namin pwede tawagin ang isa't isa with our band names, babanggitin lang ito kung magkakasama kami, during practices, sa loob ng studio, sa concert at sa mga interviews.
Bawal namin hubarin ang pinakamaliit na costume na suot namin such as patches and masks. Mas maganda daw kung maging misteryoso nalang para hindi daw mahirapan ang pagtakbo ng buhay namin sa real world.
Pero talaga . . .
Ugh, I can't take this anymore!
Parang gusto ko pumunta sa school ngayon, kahit ngayong lunch lang, dahil kakanta si DJ AV ngayon, ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon sa school ko.
I started tapping my fingers on the table at nagiging malikot ang paa ko, dahil hindi talaga ako mapakali.
"Levi," tawag nito sa akin, it's H, and drummist ng Paralised.
"Oh?" masungit kong sabi. "Kung gusto mo talaga pumunta sa school, puwede ka naman mag-sabi, eh," napansin niya rin pala ang galaw ko, kaya siya ang pinakamisteryosong miyembro sa amin. Dahil either alam niya ang iniisip mo o alam na niya ang mga susunod na pangyayari, like he's an effin god or something.
"Huwag mo sasabihin kay manager, ha?" sabi ko sakanya at tumango naman siya. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko dito eh. Syempre, dahil palagi kami magkasama, kung nasaan siya, andoon naman ako, same goes for me.
"Hindi ka sasama?" tanong ko sakanya habang sinusuot ang jacket ko at inalis ko naman ang suot kong contact lens. "Nope, i-record mo nalang boses niya para sa akin," sabi nito na hindi man lang ako nilingon. Para hindi mahalat ani manager Ace na nag-uusap kami at aktong aalis ako.
"Sige, pero H," lumingon ito sa akin nang tawagin ko siya.
"Diba may sasabihin ka sakin? Naalala mo pa ba? Yung kahapon?" mabuti natandaan ko pa na may sasabihin siya, mukhang importante, eh.
Tsaka the way ang pagkasabi niya nun, ang seryoso niya.
"Mamaya ko nalang sabihin sa'yo" sabi nito at saka na ako umalis. Nakapasok rin ako sa elevator at pinindot ko ang Ground Floor, hanggan sa tumakbo ako sa lobby at tinanong ako nina ate na nasa counter desk kung saan daw pupunta, sabi ko 'Secret'.
Oo nga pala, close kami nun, ang mga nasa desk section, maging sila rin alam ang identity namin, pero pinagkakatiwalaan namin sila dahil matagal na silang nagtatrabaho kay manager Ace, bago pa nabuo ang Paralised.
Once, nakalabas ako sa building, may nakita akong taxi palapit sa direksiyon ko at agad ko itong pinara.
"Saan po kayo, sir?" tanong ng driver sa akin nang buksan niya ang side window ng kotse.
"Sa Easton State University, manong."
Nang makarating na kami sa loob ng campus, binaba ako ni kuya sa labasan ng lobby, mabuti nalang at mabait si kuya hahaha. Dahil bawal ipaasok ang mga unrestricted vehicles, kaso kilala ako ng campus guard, nakiusap ako kay kuya na hintayin niya ako, dahil mabilis lang naman 'to. Siguro it will take 10 - 15 minutes, pero babayaran ko naman si kuya ng malaki, kaya huwag siya mag-alala.
Eto ang pinakamalapit na speaker na napuntahan ko, ang lobby, kaso nga lang . . .
"That's for today, guys!"
Late na ako.
"Nagustuhan niyo ba ang ngayong tanghalian session with DJ Anonymous Voice? Sana nga naman," sabi ng isang DJ.
"At dahil marami kaming natanggap na magagandang feed backs galing sainyo sa aming Facebook Page, Student's Block Radio FM, eto ang aming pasabog!" masayang sabi naman ng isang DJ.
"Isang pasabog? Agad agad?" kunwari naman ng isang DJ.
"Uh-huh! At si DJ AV ang magsasabi sainyo ang further details!" nang sabihin 'yan ng isang DJ, may narinig ako sa background na may nag-uusap, si DJ AV at ang dalawang DJs na nagtatalunan.
"What? Ako? Bakit ako?" mahinang sabii ni DJ AV, pero syempre, naka-loud speak sila ngayon kaya maririnig talaga ang kanilang pianag-uusapan.
"Sige na, DJ AV, mapapanis 'yang laway mo kung hindi ka nagsasalita, eh" pilit naman ng isang DJ sakanya, si DJ Aloe Vera ata 'to.
"Dali na DJ AV, tumatakbo ang oras, huwag ka na maging pabebe," sabi naman ni DJ Amoy Lupa, baka nakakalimutan nila na on-air sila ngayon, hahaha.
"Oo na, eto na, eto na", at hindi pa lumipas ang ilang segundo, nagsalita na rin siya, mukhang hindi na siya mahiyain, ah? Unlike kahapon, mukha siyang inosente and all, pero tingnan mo ngayon, parang open na siya sa mga taong nakapalibot sakanya.
Nakapag-adjust rin pala siya agad.
Good for her.
"Ang pasabog natin ngayon ay . . ." at may drum rolls na effect pa, "May Q and A portion tayo bukas! Live from our Radio FM, kaya mag-comment kayo sa aming Facebook Page, baka hindi niyo alam na i-mention namin ang tanong at ang pangalan niyo bukas at isasagot naman ni, of course, yours truly, DJ Anonymous Voice" sabi ni DJ AV, parang nahawaan na ang kanyang pananalita dahil sa dalawang DJs.
Mukhang excited nanaman ang mga estudyante ngayon dahil may makikilala rin nila ang hinahanap nilang DJ.
Oh well, nasayang lang ang effort ko pagpunta dito. Pero at least, narinig ko ang boses ni
AV at nalaman ko na may pasabog sila para bukas.
Bukas, susubukan ko maagang pumunta dito, depende kung hindi ako mahuhuli ni manager at ng iba pang members.
Bumalik na ako kay manong driver at pumasok sa taxi niya, "Tapos na agad, iho?" gulat niyang sabi, dahil ang bilis ko makabalik sa taxi niya. Hindi man lang inabot ng 10 minutes.
"Oo, eh, hindi ko na naabutan, balik na tayo sa Arc King Studio, manong", napabuntong hininga si manong sa sinabi ko.
"Hay, 'yan kasi. Siguro na-late ka dahil nagdalawang isip ka kung pupunta ka pa, no?", nagulat ako sa sinabi, paano niya nalaman? Halata naman sa akin, eh. Na may hinahabol akong oras.
Isang observant pala si manong, at marunong mag-basa base sa kilos ng isang tao. Para siyang si H.
"Alam mo, iho, pag gusto mo talaga, may paraan, pero kung naabalahan ka naman, may dahilan", hay, si manong, humuhugot! Parang pinaparating niya sa akin na itaas ko ang tip niya, ha?
Nakakatuwa namana ng taxi driver na 'to. Bihira nalang ang mgakatulad ni kuya manong. Karamihan dito hindi ka i-eentertain tapos itataas pa ang pambayad. Instead 100 lang ang bayad mo magiging 200, minsan naman, pag buo ang pera mo at wala silang panukli, hindi ka na bibigyan ng sukli. Manila-boy problems nga naman, hahahaha.
Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaction ko kung magpapakilala na kaming dalawa ni AV sa isa't isa, magugulat ba siya na ako si Levi, ang lead guitarist ng Paralised?
O baka ako ang magugulat sakanya dahil kilala ko pala siya, all this time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro