Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

Chapter Fifteen

Danielle Alice Piper

"May kapatid ka ba na na nangangalang Marcus Orpheus Ackerman?"  

Napatigil si Hunter sa kanyang ginagawa at tumingin ito sa akin, napatulala habang hawak niya ang bola. So, meron nga? Tiningnan ko asiya ng seryoso habang hinihintay ang kanyang sagot. Ngumiti ito at bumalik sa kanyang paglalaro.

"Marcus Orpheus? what a nostalgic name," then he bluffed after he hoop the ball in the ring.  Kung wala nga, bakit ganun siya makatingin? But then again, he said that Momo's name was nostalgic. Siguro, kaya siya napatulala dahil sa pangalan ni Momo.

"But, are you familiar with it?" Para akong tanga dito, hindi ko na siya dapat tinanong nung una palang. 

"Nope. Tasaka wala akong kapatid, Alice." Nginitian niya ako at pagkatapos niya ulit maka-shoot lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko habang naiwan akong nakatayo sa unahan niya

"I know . . ." Mahina kong sabi. Grabe, mas nakakahiya pa 'to kaysa sa pag-bubully sa akin ni Queen.

"Alam mo? Paano?" Nagulat ito kaya napatanong siya, nagtataka. Nakita ko na may kinuha siyang face towel mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang kanyang pawis sa leeg.

"Kay Olivia, of course. Alam mo naman ang bunganga nun," I said as I went down sa court from the top of the bleachers. Somehow, nakalimutan ko rin ang nangyari sa panaginip ko after seeing Hunter's face.

"Then, bakit mo 'yan sa akin naitanong? Sino ba 'tong Marcus Orpheus Ackerman?" giit nito. May halong inis ba sa sinabi niya.

"Never mind of that. To jump out of my curiosity, hindi ko malalaman ang totoo kung hindi kita tatanungin," saad ko. Mas maganda kung hayaan nalang.

"Marcus Orpheus . . .  Marcus . . Orpheus," ani nito habang nagiisip ng malalim "M . . O? Mo? Mo . . . mo?" Paulit-ulit niya itong nabanggit hanggan sa lumaki ang mga mata nito at ngumiti sa akin.

"I see. That's why you keep calling me 'Momo'," aniya at lumapit ito sa akin. "For a second thought, inakala mo na ako siya? Am I right?"

He got it right. Siguro lahat ng tumatakbo sa isip ko were only just a hoax. 

"Kaya siguro naisip mo rin na baka may amnesia  ako, kaya hindi kita naalala? That's too cliche," at tumawa ito. 

"Hmm," hindi nalang ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Why am I keep pushing Hunter as Momo kung halata naman hindi naman talaga siya? Siguro dahil, I am desperate to find Momo. 

"What have he done to you? Kaya parang patay na patay kang hanapin siya?" then suddenly his face went serious. 

"Hindi naman sa patay na patay. That's way too absurd," pag-biro ko. Halata bang patay na patay ako sakanya?

"Edi ano?" he insisted. I tried not to answer his question, but he keep staring at me and his eyes telling me that he wanted to know why. 

"He left me broken," and finally nasabi ko rin ang rason. There, okay ka na, ha?

"Drama" he bluffed.

"It's hard for me to tell you, kahit limang taon nang nakalipas" palusot ko. 

"Just stop the drama, I hate it" then he laughed. "5 taon na nga ang nakalipas, but you're still here, struggling yourself with that scar left by Momo, then why don't you just cover it with something o hayaan nalang?" he said while hugging the ball on to his chest. 

"Huh?" naguguluhan kong sabi.

"Meaning to say, why don't you just move on?"

Marami na ring nag sabi sakin n'yan, pero hanggan ngayon, di ko pa rin kaya. 

He left me with great memories and morals in life. 

He left me unharmed and yet here I am, harming myself, risking. 

Risking everything, to find him. 


Without knowing, if he's dead or still alive.


"I'll try" I said after giving him a bitter smile. 

He then chuckled and said, "That's my girl!" at ginulo niya buhok ko. "And then maybe, I'll try going back to my classes".  At kinuha yung bag niya na nasa tabi ko at bago siya mag-paalam binigay niya ang bola niya sa akin.

"Aanohin ko 'to?" Tanong ko sakanya habang hawak ko ito. Before he waved his hands and bid goobye, ngumiti ito sa akin.

"Pakibalik nalang sa Sport's room"

Ay wow ha! Grabe tong lalakeng to, akala ko mabait, pero kung makapag-utos akala mo ka-team niya lang sa basketball. 

"Well, thank you for this!" I sarcasmly said as I raised the ball.

"You're welcome! You better go back to your class, Alice. O baka mahuli ka ng teacher dito na tumatambay ka" ani nito, "And with that uniform" sabay turo niya sa P.E uniform na suot ko. There he goes again with the 'Alice'. 

Akala niya mauuto niya ako ulit, pero hindi. Maybe, just maybe, hayaan ko nalang siya tawagin akong Alice. 

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggan sa nakalabas siya ng Gym nang makita ko siyang may kausap na teacher, "Sir Romero! Good afternoon!" Halatang nilakasan niya ang boses niya para marinig ko. 

"Tao sa loob? Ah. Ako lang naman andito pati kanina," sagot naman ni Hunter sa guro na kausap niya.

Tumingin ito sa akin, at bigla ako tumakbo patungong Sport's room. 

That damn boy!


~*~

Days had passed at ganoon pa rin ang buhay namin ni ate. Itlog at tinapa ang kinakain namin tuwing umaga, minsan daing but this time, may kamatis at toyo na! I often times wonder kung bakit kami nagtitipid ni ate, kung mayroon naman siyang tinatagong pera sa bangko. For sure, nasa milyones na iyon dahil limang taon nang nakalipas.

The past few weeks I've spent on my school is actually . . .  fine? Okay. 

Ganoon pa rin ang nangyayari sa akin, having Tanghalian Sessions with the Broadcasting Club, Music club meetings every Friday, hindi pa rin nagbabago ang tingin sa akin ng mga estudyante, hinahanap daw ako ng mga alepores ni Kimberly, at hindi pa rin magaling si Sophia Anderson a.k.a Alice ng Paralised. 

I hope she'll get better soon. Kailangan siya ng Paralised, at kailangan rin namin marinig ulit ang boses niya. Na-reveal na ang identity niya? So what? Hindi ibig sabihin nun katapusan na ng banda. 

A hot Saturday afternoon at andito ako ngayon sa aking kwarto nakababad sa aircon habang nililinis ang kwarto ko. I wonder kung dahil sa aircon kaya kami nagtutuyo at tinapa?

Nang matapos ko nang linisin ang mga gamit ko, umupo muna ako sa higaan ko at binuksan ang laptop na nakapatong sa lamesang katabi ko. 

Facebook. tamang scroll lang pababa, hanggan sa nag-chat si Alexia sa akin. 


Alexia Tamayo

Otw


Ano? Baka na-wrong send lang ito. On The Way? ang wow, ngayon lang siya nagparamdam pagkatapos namin mag-Skype ng mag-babarkada.


Danielle Pipe

Xsend?

Alexia Tamay

Nope
typing . . ..

Or am I?

Danielle Piper

Oy bata, umayos ka

Alexia Tamayo

Hindi na ako bata, bruha ka talaga ever.

Xsend?

Danielle Piper

Nope

Or am I?

Alexia Tamayo

typing. . . 

Check your door

Don't tell me . . . andito siya sa bahay? Nakapunta na siya dito dati, pero that was 3 years ago. Hindi ako akalain na maalala niya pa ang daanan papunta sa amin.

May narinig ako iilang katok mula sa baba. Malalakas na katok na parang mag-sisingil ba ng utang na matagal nang hindi nabayaran.

Alexia Tamayo

Heard us knocking?😉

Seen✔️2:41 p.m

Us?! Huwag mong sabihin kumpleto ang tropa?! 

Kaya ayaw na ayaw ko sila papuntahin dito dahil sobrang sikip ng sala namin at nakakahiya ang bahay namin, dahil hindi pa tapos ang pintura, feel ko wala ng balak tapusin, eh. Tsaka aircon lang ang puwede kong ipagyabang sakanila.

Hindi ko alam kung bubuksan ko pa sila o hayaan ko nalang sila magkatok sa baba.

"HOY DANI! BUBUKSAN MO BA 'TO? O IBABAGSAK KO ANG BAHAY NIYONG MARUPOK?!" Narinig ko ang boses ni Jonah mula sa labas. Oo nga pala, hindi nito ugali maghintay ng matagal. 

May narinig akong pagbato ng bintana sa tabi ng higaan ko. Pagdungaw ko sakanila nakita ko silang apat, init na init dahil ni isa sakanila walang payong. 

"Nakikita mong 'tong lighter?" Sindi ni Jonah at tinaas ito para makita ko. Wala man akong nakikita kundi napakaliit na apoy. Animo'y parang isang dilaw na tuldok ang nasisinag ko.

"Itatapon ko 'to sa sala niyo para mainitan ka rin sa loob!" Sigaw ni Jonah. alam kong hindi ito nagbibiro, mas okay na may maingay sa bahay basta walang masusunog na gamit. 

Dali-dali ako bumaba sa hagdan, naririnig ko pa rin ang mga reklamo nila mula sa labas at sa pagbukas ko ng pinto, "Bubuksan rin pala, eh" ani ni Alexia at pumasok agad sa loob. 

"Ayaw mo rin pala masunugan ng bahay, ikaw nalang kaya sunugin ko" inis na sabi ni Jonah at tinawanan ko nalang ito.  

"Ey, Dani." bati sa akin ni Athena habang may binabasang libro. 

"Hi Dani! I made you some muffins!" Pakita ni Julina sa akin ang dala niyang basket at nakibeso sa pisngi ko. 


Sinarado ko ang pinto, nang may napansin akong kulang. Binilang ko sila isa-isa. Apat?

"Asan si . . ?" 

"Bea? Ewan, kinuha na ata ng aliens" sagot agad ni Alexia sa akin at nilabas ang pitsil namin galing sa ref habang si Jonah naman ay inisa-isa buksan ang mga cabinet namin. Wala kang mahahanap dyan, itlog at tinapa meron. 

Kung andito man si Bea, baka sungitan na ako nun pero na-miss ko na rin ang bruha na 'yon, walang paprangka sa amin ngayon. 

So ayun, si Alexia at si Jonah ay nasa kusina habang ang pinakamatinong kaibigan ko naman ay nasa sala at tahimik nanonood ng TV. 

"Grabe, ang init talaga" reklamo ni Alexia habang pinapaypay ang sarili niya gamit ang cellphone na ViVo V9. Halatang pinagyayabang nito sa amin ang bago niyang cellphone pero wala namang pumansin dito. 

"May aircon sa kwarto ko-" Hindi npa ako tapos magsalita, dumiretsyoo ang apat sa kwarto ko habang naiwan ako sa sala. In-off ko ang TV at kumuha nalang ng isang pitsil at apat na baso. Dinala ko ito sa taas nang makita ako ang mga bruha nakahambulusay sa kwarto ko at mga ngiti sa kanilang mukha.. 

"Bakit pala kayo andidito?" ani ko nang ilapag ko ang dala ko sa lamesa katabi ni Athena.

"Wait lang, Dani. 5 minutes" tigil ni Julina sa akin. 

Ganito talaga ang mga kaibigan ko, kahit sa ibang bahay ganito sila. Kung iniisip niyo man na ang sasama nila sa akin, hindi. Nagiging totoo lang sila sa harap ko.

Nang okay na sila magpahangin sa aircon ko, hinarapan rin nila ako.

"Diba we promised you na magsasama rin tayo? Kaso nga lang wala ang isa" sabi ni Alexia habang nakatayo sa harap namin. "We? Ikaw man lang ang nag-promise, tas dinamay mo na kami," saad naman ni Jonah. 

Naalala ko na sinabi pala 'yan ni Alexia sa recent video chat namin. 

"Oo, pero di ko alam na sa bahay ko pala ang galaan natin" tawa kong sabi. 


"But" napalingon ako nang magsalita bigla si Athena at sinarado na ang librong binabasa niya, "May natuklasan kami tungkol sa'yo, Dani" seryosong sabi ni Athena. 

A-ano naman ang natuklasan nila? Baka nalaman nila ang sitwasyon ko sa school?

"Ano 'yon?" bigla ako kinabahan. Paano nila malalaman eh wala naman sila doon. 


"Sa'yo 'tong boses?" nilabas ni Alexia ang Vivo V9 niya at may pinatugtog na "Isn't she lovely? Isn't she wonderful?" 

'Yan 'yong kinanta ko nung unang araw ko sa Tanghaian Session. Alam ko na hindi naman nila ipagkakalat na ako si DJ AV, kung oo man, walang maniniwala sa kanila. 

"Ano diyan?" tanong ko kay Alexia.

"Marunong ka pala kumanta?!" gulat na gulat si Julina at hinawakan ang kamay ko. "Bakit hindi mo man lang sinabi ang talent mo sa amin? Ang ganda ng boses mo!" puri niya sa akin. 

'Yan? 'Yan ang importanteng sasabihin nila kaya sila pumunta sa bahay? I know there's something else. Edi sana hindi ako kakabahan sa wala. 


"Sabihin niyo na please"

Nagtinginan silang apat sa isa't isa. Nagaalinlangan kung sasabihin pa ba sa akin o hindi. Napabuntong hininga ng malalim si Athena, "Ako na nga" sabi nito. 


"We knew about you working on that club and we're happy naman na you're enjoying their company and we were happy about it. But there's just one thing that concern us the most" umiba ang expression nito at tumingin kay Alexia na parang siya nalang ang mag-sabi. 

"Concern saan?" 

"After we heard about the suicide case happened a long time ago . . . at kaya pala ayaw niyo i-reveal ang identity niyo at kaya rin pala sa nasa tagong lugar ang club niyo" sabi ni Athena at tumingin ulit kay Alexia. 


"What we are trying to say is. Dani, why don't you just quit that club? For your own safety na rin."


~*~

A/N: Hi guys! It's been months since I updated TAV. I thought kasi wala ng bumabasa dito. Well, silent reader please magparamdam ka, para ganahaan naman ako mag-update hihi. Abangan ang susunod na chapter! Intense scenarios are coming!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro