Special Chapter
Special Chapter
"HEY, Love."
Mula sa binabasang libro ay napaangat ako ng tingin nang marinig ang tinig na iyon ng asawa. Kadarating lang nito mula sa trabaho.
"Hi," bati ko dito. Napangiti pa ako ng mapansing karga na nito si Jaythe. "Mukhang naunahan naman ako ng anak mo na salubungin ka, ah."
Tumawa ito na ibinaba muna ang anak saka ako nilapitan para bigyan ng halik sa pisngi. "I'm still waiting for my kiss, you know."
"Haha, alright." I gave him a peck on his lips na lagi kong ginagawa kapag umuuwi ito. "Welcome home."
He smiled. "Glad to be home. Can I have mo---"
Pero bago pa man ulit makalapit si Mason ay hinila na ito ng anak palayo sa akin.
"Papa! I gotta tell Mama now! Please, please!"
Mula sa asawa ay natuon ang tingin ko sa anak. "Tell me about what, sweetie?"
"Papa?" ang humihinging permiso ni Jaythe sa ama. Nalilito man ay tinignan ko na lang muli ang asawa.
Kung ano man kasi ang dalang balita ng mag-ama ay halatang masayang masaya si Jaythe na ipaalam iyon sa akin.
"Well, may sasabihin sana ako pero as you can see, mas excited siya na magsabi niyon." Natatawang turo ni Mason sa anak na patuloy hinihila ang manggas na suot niyang white long sleeve. "Okay, buddy, calm down now. If you don't I won't let you tell Mama."
"Okay!" sagot nito na mabilis pa sa alas kuwatrong binitiwan ang damit ng ama. Pero habang nakatayo ay hindi nito mapigilan ang umundo-undo sa kinatatayuan.
"O~kay? Kung ano man 'yan, I hope its a good news," wika ko na lang na inilapag sa kandungan ang libro saka tinignan ang anak na binalingan muna ang ama. At nang makita itong tumango ay nakangiting nagsalita na si Jaythe.
"Mama!" Mas malakas na ang tinig na saad nito. "Momma Lola and Tito Hal is here!"
Sa narinig ay hindi ko napigilang matuwa. "Talaga?"
Magli-limang buwan pa lang ng hindi namin sila makita. Magmula yata ng bisitahin namin si Maythe noong death anniversary nito pero magkaganun man ay masaya ako na malamang narito sila. Malayo-layo rin kasi ang bahay na nabili namin ni Mason kaya limit na lang kung makabisita kami kila Mama. Lalo na kay kuya Hal na minsan na lang rin kung makauwi mula ng magkaroon rin ito ng sariling pamilya. Kahit kasi may kanya-kanya na kaming buhay ay nariyan pa rin talaga ang mga pagkakataong naaalala at namimiss ko sila.
"Totoo ba talagang nandito sila?" ulit ko na tumayo na.
"Yes. They're here," lumapit sa akin ang asawa at hininaan ang boses para hindi marinig ng anak ang sasabihin nito. "And guess who's with them?"
Bahagya akong napalayo rito para makita ang mukha nito. "Who?"
"Well, let's just go downstairs and see it for yourself," aniya na tumalikod na at hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon na sumagot. Binuhat niya si Jaythe saka diretsong lumabas ng kwarto.
Nagtataka man ako'y sumunod na lang rin ako sa mag-ama ko. Gusto ko na rin kasing makita sina Mama at kuya Hal. Kaya nga ng makababa na ako'y agad ko silang sinalubong ng yakap.
"Ma! Kuya Hal!" saad ko ng makalapit sa dalawa na parehong mahigpit na tinugon ang yakap ko.
"Hey, Xian." si kuya Hal na malawak ang ngiti.
Natawa pa ako ng matagal ako nitong pakawalan. Kung hindi lang sinabi ni Mama na baka mamatay na 'ko sa yakap nito'y hindi pa niya ako lulubayan.
"Sorry, I just missed you."
"It's alright." Natatawa kong saad.
"How about me, Tito Hal?" Hindi ko napansin na kumawala na ulit si Jaythe mula sa pagkakarga ng ama kaya nakalapit na ito kay kuya Hal. "Did you miss me?"
"Haha! Of course, I miss you the most, you little bear!" Ginulo ni kuya Hal ang buhok ni Jaythe na ikinatuwa naman ng bata. Palibhasa kasi'y close na close dito ang batang lalaki kaya gano'n na lang ito kasaya na makita ito.
"Saan pala si Heiry?" tanong ko ng maalala ang anak nito. Dalawang taon ang tanda ng anak nito kay Jaythe.
"Ah, dinala muna siya ni Diane kina Mama at Papa. Binisita din sila. Gusto rin kasing makita ni Heiry ang lola at lolo niya." Tukoy nito sa mga magulang ni ate Diane.
"Gano'n ba? Kumusta rin pala si ate Diane?"
"Oh, she's fine. Dadaan din sila rito bago kami umuwi dahil na-miss ka rin ni Heiry lalo na 'tong si Jaythe. Maglalaro daw sila."
Nang marinig iyon ni Jaythe ay lalong lumawak ang mga ngiti nito. "Really, Tito?! Ate Riri is coming here?! Yehey! Yehey!" Nagtatakbo ang bata paikot sa sala.
"Seems like magiging busy na naman ang mga bata mamaya," ang natatawang komento ni Mason.
"Haha! Mukha nga." sang-ayon ko rin bago muling binalingan ang ina at kapatid. "Nga pala, Ma, Kuya..bakit biglaan ang bisita niyo? May problema ba sa bahay?"
Nagtinginan ang dalawa ng tanungin ko iyon. Pero si kuya Hal ang sumagot na nakangiti pa.
"No, don't worry. Everything's alright," anito. "But, yeah, we're here because we have something to show you."
"Hm?" Nagtaka ako ng tignan ni kuya Hal si Mason na tumango naman. Pagkuwan ay wala itong imik na pumunta sa pinto at binuksan iyon.
At nang makita kung sino ang naroon ay natigilan ako.
"Hi, Xan." ang nakangiting bati ng dalawa na parehong may nakapaskil na ngiti.
Napatakip ako ng bibig at nang makahuma sa pagkagulat ay napalapit na ako sa kanila para yakapin sila.
"Tita Ilene, Tito Mike! I missed you!" saad ko na hindi ko napigilang mapaluha. "Oh, god!"
Magmula kasi ng mawala si Maythe ay umalis na sila sa lugar namin. Nasasaktan man ako'y inintindi ko na lang sila dahil alam kong sakit lamang ang maidudulot kung mananatili pa sila sa lugar namin dahil sa mga alaalang iniwan ni Maythe. Kahit kasi hindi sila bumisita sa bawat anibersayo ng pagkamatay ng anak ay para sa kanila sapat ng alam nila na masaya na ito kung saan man ito naroon.
"We're happy to see you, Xanille. I'm really glad na malamang maayos ang kalagayan mo," masuyong saad ni Tita na binalingan ang aking mag-ama.
Naramdaman ko ang paglapit ni Mason na agad akong inakbayan samantalang sa kanang kamay ko naman kumapit si Jaythe.
"Hello po, Mason po pala," ang magalang na wika ni Mason na inilahad ang kamay sa mag-asawa. "Husband po ni Xanille."
"Yes, naaalala ka namin. Minsan na kayong bumisita noon sa bahay." Parehong tinanggap ni Tito at Tita ang kamay ni Mason. Pagkuwan ay ang batang lalaki naman ang binalingan nila.
"So, I guess this little guy here is your son?" Si Tito Mike.
Tumango ako na nakangiting sinulyapan ang anak. "Ah, opo. Si Jaythe po, our little angel."
"...Jaythe." anas ni Tita Ilene na dahan-dahan lumuhod para makapantay sa height ng batang lalaki.
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakapit ni Jaythe sa palad ko. "It's alright, sweetie. She's..." Napatingin ako kay Tita Ilene. Hindi ko kasi alam kung anong itatawag rito ng anak.
Nauunawang tumango si Tita at muling tinignan ang bata. "You can call me-- Lola Ilene."
"Lola..Ilene?" ang mahinang wika ni Jaythe na ikinangiti ni Tita.
"Yes. Lola Ilene."
"Then, call me Lolo Mike," ang naka-squat na rin na saad ni Tito Mike.
Dahan-dahan napangiti ang bata at tiningala kaming pareho ni Mason. "I have two Lola's and Lolo's na, Mama, Papa!"
Natawa na lang kaming lahat sa narinig mula sa bata. Mukhang tuwang tuwa ito na malamang dalawa na ang Lola at Lolo na tatawagin nito.
Matapos lang din ng ilang oras na pag-uusap ay umalis na rin sila dahil bibisitahin pa daw nila ang puntod ni Maythe bago sila tuluyang umuwi. Inihatid na lang sila ni kuya Hal para hindi na sila matagalan pa sa paghihintay ng masasakyan.
At kinahapunan din no'n ay dumating sila ate Diane. Dahil matagal-tagal na hindi nagkita ay agad na naglaro ang mga bata habang kami naman ay puro usap at kwentuhan ang ginawa. Ang kinalabasan ay hindi na nakauwi sina kuya Hal kaya dito na lang namin sila pinatulog sa bahay namin.
Okay na rin naman sa dalawang nata na mukhang magkakaroon ng maraming oras para makapaglaro.
KINAGABIHAN, nasa kwarto na ako at nakatitig sa isang box na ngayo'y nakalatag sa kama ko nang bumukas ang pinto. Niluwa doon ang asawang sumilip muna bago dahan-dahan pumasok.
"That's the box that Tita Ilene left for you, right?" Tumabi siya sa pagkakaupo ko sa kama at kinuha ang isang bagay na kanina ko pa pinagmamasdan. "This camera belongs to Maythe, isn't it?"
"Tama kaa," ang masuyo kong tugon. "Noon, hindi ko alam kung bakit parati na lang niyang bitbit iyan sa tuwing may lakad kami at lagi niyang kinukunan lahat ng bagay na ginagawa naming dalawa. Akala ko lang dahil may hilig siya sa photography kaya gano'n pero hindi pala. Dahil ngayon... alam ko na ang totoo niyang dahilan."
Ilang segundong nanahimik si Mason bago muling inilapag ang camera sa kama. "May nasabi ba si Tita kung bakit ipinabigay ni Maythe ang mga gamit niya sa'yo?"
"Ang sabi ni Tita, ibinilin lang daw ni Maythe sa sulat na ibigay lang sa akin ang lahat ng ito," saad ko na ang tinutukoy ay ang picture frame naming dalawa nung bata pa na meron din ako, ang bulaklak noon na prineserve niya, ang ilang gamit na naaalala kong pag-aari ni Maythe, at ang camera niya. "Ang sabi raw ni Maythe nasa sa akin na kung anong gagawin ko sa mga ito."
"So...? Anong balak mo? Are you gonna keep it or... throw it away?"
Ako naman ang nanahimik sa pagkakataong iyon. Pagkuwan ay napatingin ako kay Anonym.
"I think I know kung saan sila magandang ilagay."
"Ha?"
Tulad ng sinabi ko sa asawa ay pumunta kami sa isang lugar na alam kong mas magandang ilagay ang mga gamit ni Maythe. Ang flower shop na datingpag-aari ng Lolo ni Maythe pero ngayo'y si ate Diane na ang nangangalaga at nagpapatakbo nito.
"I had an idea that this was the place you were talking about."
I smiled to my husband wrapping his arms in my shoulder while we gazed at the shelf where Maythe's items are. "Really?"
"Really. But why here?"
"Well, even if Maythe's gone I still want him to be part of this place. Atleast his memories."
"I do understand that but... are you sure about leaving Anonym, too?"
Pinagmasdan ko muna ang bulaklak na pinagitnaan ng picture namin ni Maythe at ng camera. Pagkatapos ay napangiti.
"Can't you see how Anonym looks so happy?" I leaned towards Mason. "Tsaka mas maaalagaan siya ni ate Diane rito."
"But Anonym is not just a flower, she's both you and Maythe's---"
"I know. But I'm already happy that's why it's time for me to let Anonym go."
"What? But Anonym's been there with you since---"
Hinarap ko ang asawa at hinalikan ito sa pisngi. "Yes. But I have you now. And Jaythe."
"Would that be okay?"
"That would be enough."
"A-are you sure?"
Natawa ako. "I'm so very sure."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "I..Thank you, Xan."
"Mm-hmm."
"Mama, Papa? What's going on?"
Humiwalay kami sa isa't isa ni Mason ng lumabas si Jaythe galing sa kusina ng shop. Kasama nito si Heiry na parehong may dalang bulaklak na nakalagay sa paso.
"Oh, hey, sweetie. We were just talking. And I see you're helping your Tita Diane."
"Yes! Tita Diane said she'd give me hot cocoa so ate Riri and I are helping putting flowers!" Naglakad si Jaythe na ilalagay na sana ang paso sa isang estante ng mga bulaklak ng masagi nito ang isa.
"Oh, buddy! Careful!" si Mason na sinubukang saluhin ang bulaklak pero hindi ito umabot kaya tuluyan iyong bumagsak sa sahig at nahulog.
"Eh..." Nakita kong nagsisimula ng mamasa ang mga mata ni Jaythe kaya lalapitan ko na sana ito nang lumuhod si Mason at haplusin ito sa buhok. "P-Papa..."
"Hey, it's alright, buddy."
"But she's dead."
"No, she's not." Maingat na kinuha ni Mason ang bulaklak at pinakita kay Jaythe. "Even though flowers look so fragile they are strong. Pwede pa rin natin siyang maitanim kaya okay lang."
"Really?" Marahang hinaplos ni Jaythe ang talulot ng bulaklak. "Then, I'm the one who'll take care of her!"
"Oh? You think you can do that, buddy? Because that's a big responsibility for you."
"I can, Papa! Ate riri and I can take care of her!"
"Good to know that, then."
Napangiti na lang ako habang pinapanood na itanim ni Jaythe at Heiry ang bulaklak sa bagong paso. At sa hindi ko malamang dahilan ay nakita ko ang batang ako at batang si Maythe sa katauhan ng mga ito.
Iyong unang pagkakataon na itinanim rin namin si Anonym.
Mukhang may magpapatuloy sa pag-aalaga ng mga bulaklak natin, Maythe. Oh, I wish you can see this.
Hindi ko napigilang maluha nang maisip iyon. Hindi ko na dapat hinihiling pa iyon dahil alam ko namang nakikita iyon ni Maythe. At panigurado masaya rin ito na malamang may mag-aalaga ng mga naiwan nito.
"So what will you name her?" Tanong ko na lumapit sa dalawang bata nang makitang tapos na silang magtanim.
Nag-isip ang dalawang bata pero unang nakataas ng kamay ang anak.
"Yes, sweetie? Did you think of something good?"
"Yes, Mama!"
"So what is it?"
"I will name her... Anonymity!"
That made me and Mason smiled.
See, Maythe? We'll be fine, as well.
ALL RIGHTS RESERVED/2020
Written by: S I L E N T N O I Z E
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro