E P I L O G U E
E P I L O G U E
SA MAGANDANG tanawin na nakikita, hindi ko mapigilan ang sarili na mamangha habang nakatayo at pagmasdan ang paligid. Napapalibutan kasi ako ng mga naggagandahang mga bulaklak na para bang tuwang-tuwa pa ito ng makita ako. Sumasabay kasi ito sa ihip ng hangin na tila ba sumasayaw sila.
Naglakad ako ng naglakad habang hinahaplos ang mga iba't ibang bulaklak. Sa ganda ng mga ito'y hindi ko mapigilang mapahagikhik.
Lumuhod ako at saglit na sinamyo ang bango ng mga ito. Pagkuwan ay muli na sana akong hahakbang nang matigilan. Mula kasi sa malayo, sa gitna ng mga bulaklak ay natanaw ko ang isang pigura ng tao habang nakaupo ito. Hindi ko maaninag kung sino ito ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong binundol ng kaba.
Hindi ko na namalayan na nagsimula na ulit akong maglakad patungo rito. Hanggang sa ang mga hakbang na iyon ay naging takbo.
Hawak-hawak ko ang dibdib na tumigil ako 'di kalayuan sa likod nito. Pagkuwan ay may halong saya na tinawag ang pangalan nito.
“Maythe?”
Bahagya siyang nagulat sa tawag kong iyon pero nilingon niya rin ako. “Hey, Xan. I thought hindi ka na pupunta.”
“What?”
He smiled. “I'm expecting you.”
“Ta..Talaga?”
Tumango siya. “Why don't you take a sit?” Tinapik niya ang katabing espasyo tulad ng dati niyang ginagawa.
Pinakalma ko muna ang nagwawalang dibdib bago tumabi rito. “Ang ganda ng lugar na 'to. Paano mo nakita 'to?”
He shrugged his shoulders. “I just found it.”
“Kailan?”
“Recently?” Nilingon niya ako na bahagyang ngumiti. “Don't worry. Kahit gaano pa ito kaganda, hindi ko ipagpapalit ang pinaka-paborito nating lugar, Xan. Mas marami tayong alaala doon kaysa rito. Iyon ang mas mahalaga sa akin.”
Napangiti ako sa narinig mula rito. Ngunit agad rin iyong nawala nang mapatingin ako sa isang bulaklak na napansin kong natanggalan ng isang talulot. Kinuha ko iyon at malungkot na dinala sa mga labi.
“Looking at these flowers remind me something about sa isang quote na nabasa ko. It says, You wouldn't see the beauty of a flower without blooming. But the truth is, the true beauty of a flower lies to the person who's looking to it. Those words, clearly at first hindi ko maintindihan ang ibig-sabihin niyon. Pero habang lumalaki ako, nakikita ko at mas naiintindihan ko ang tunay na kahulugan niyon.”
Hindi ko namalayan na nakatutok na pala ang mga tingin ko sa kanya habang sinasabi nito iyon.
“May mga bagay sa mundo na kapag nakita mo ang tunay na kagandahan nito ay higit pa sa ginto ang halaga. Tulad na lang ng tanawin na nasa harap natin, Xan.”
Nabaling ang atensyon ko sa tinutukoy nito. Ngunit tanging singhap lang ang lumabas sa bibig ko nang makita ang tanawing nasa harapan namin. Agad nawala ang lungkot kong nararamdaman at napalitan iyon ng kakaibang saya.
Akala ko wala ng gaganda pa sa mga bulaklak na nakapaligid sa amin. Pero nang makita ko na ang araw na siyang nakasilip sa mga bundok at ulap ay napangiti ako ng malawak. Ang liwanag nito ay parang nakasabog sa buong paligid. Nagbibigay kislap at buhay sa mga bagay na nakapalibot sa amin.
“Wow. A-ang ganda, Maythe,” ang hindi ko makapaniwalang sabi matapos akong saglit mawala sa pagkakatulala sa tanawin.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Iyan din ang una kong sinabi ng makita ito.”
“I didn't know such place could exist. It feels like a dream. Parang..Parang ayoko ng umalis rito.” Tuwang-tuwa ako ng sinabi iyon pero nang pagbaling ko kay Maythe ay ang malungkot na ekspresyon lang nito ang tanging nakita ko. “Maythe? May nasabi ba akong mali?”
“No. It's not that.” Ipinatong niya ang dalawang braso sa nakatiklop na tuhod. “Ayoko lang kasing hilingin ang bagay na iyon, Xan. Kahit bigyan ako ng pagkakataon, hinding-hindi ko hahangarin na mangyari iyon. Kahit na sa puso ko alam kong gustong-gusto kong manatili ka rito kasama ko ngunit hindi pwede. Dahil alam ko na may mga bagay ka pa na dapat gawin.”
“What?” Bahagya akong lumapit rito para marinig ko pa ng malinaw ang sinasabi nito. “What're you trying to say? Bakit hindi ako pwedeng manatili rito?”
Ipinatong niya ang ulo sa nakatiklop na braso at tumingin sa akin. “Hindi kita dinala rito para manatili ka rito kasama ko. I brought you here para ipaalam na masaya na ako para sa'yo.”
No. Not this again!
Napakagat ako sa ibabang labi ko na napansin naman nito. Napaayos ito ng upo at nakita ko na gusto sana nitong hawakan ang ulo ko ngunit minabuti na lang nitong ikuyom ang kamay at ipatong sa hita nito.
“It's alright, Xan. You don't have to hold back anymore,” mahinahon niyang wika sa akin. “You've been doing great up until now. I know hindi ka umiyak magmula no'n dahil pag ginawa mo iyon masasaktan ako. Pero maayos na ang lahat, Xan. Hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Nasa maaayos na kalagayan na ako.”
May kumawalang hikbi sa mga labi ko nang marinig iyon. At kahit ramdam ko ang bikig sa lalamunan ay sinubukan ko pa ring magsalita. “What if..What if I told you na gusto ko pa ring manatili rito?”
Marahan siyang umiling, may lungkot sa mga mata nito. Maging ang ngiti nito'y bakas ang sakit doon.
“I won't let you do that. There's so much people who still needs you, Xan.”
“H-hindi mo ba ako kailangan?”
Nanahimik siya saglit at tumayo. “This is not about me, Xan. It's about those people na maiiwan mo kapag nanatili ka rito.”
“But—”
“Xan,” pigil niya sa akin na itinaas ang kanang kamay. “Ayokong maging masaya kung marami namang malulungkot. Mas maraming masasaktan kung pati ikaw ay aalis, Xan. Bukod kasi sa mga taong nagpapahalaga sa'yo, at kay Anonym, may dalawang tao na ang mas kailangan ka. Hindi ba?”
Bigla ang pagsikip ng dibdib ko sa sinabi nito. Alam ko. Alam ko iyon pero...
“Pero p-paano ka?”
“I already told you, didn't I? Maayos na ako rito. Masaya na ako. Besides, I have all this flowers to keep me company.”
“Maythe...”
“Don't worry, Xan, I'm not going anywhere. Just always remember, that I will always be here.” Tinuro niya kung nasaan banda ang puso ko.
Kahit na sunod-sunod na ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko'y nagawa ko pa rin ang ngumiti ng matamis. “..Okay.”
“Take care Anonym for me, okay?”
Makailang ulit akong tumango. “..Okay.”
Lumapit siya sa'kin at sa pagkagulat ko'y niyakap niya ako ng may suyo. Ramdam ko ang pagkalinga sa yakap nito. “Thank you for making me happy and making the rest of my life memorable.”
“Yes,” anas ko. “Salamat rin dahil hinayaan mo akong mapasaya kita.”
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito at saka bahagyang lumayo para titigan ako sa mga mata. Pagkuwan ay napansin ko ang pagbaba ng mukha nito kaya naman dahan-dahan akong pumikit para sana salubungin ang papalapit na mga labi nito. Ngunit hindi iyon dumapo sa mga labi ko kundi sa noo ko. Napadilat ako at muling napatitig rito.
He smiled. “Farewell.”
“Sandali—”
May sasabihin pa sana ako sa lalaki ngunit napatakip na lang ako ng mukha nang may malakas na hangin ang pumalibot sa amin. Mahigpit kong hinawakan ang isang kamay nito ng may kung anong pwersa ang tumutulak sa akin palayo sa lalaki. Sa lakas ng hangin ay halos 'di ko na maaninag si Maythe. Sumabay pa doon ang mga bulaklak kaya mas lalo akong nahirapan. Isinigaw ko ang pangalan nito ngunit ang tanging nakita ko na lang ay ang pagbuka ng mga labi nito hanggang sa lamunin na ako ng mga bulaklak kaya tuluyan na akong napabitaw rito.
“NO, MAAAYTHE!”
“Xanille!”
Napabalikwas ako ng bangon at sa hindi ko malaman na dahilan ay pawis na pawis ang noo ko.
“Hey, it's alright! It's alright.” Naramdaman kong may yumakap sa akin at hinahagod ang likod ko. “It's alright, hon. You're having a nightmare.”
“Mason,” saad ko sa lalaki nang lumayo na ito sa akin. “W-What happened?”
“Nananaginip ka kaya kinailangan kitang gisingin. I'm sorry.”
“Oh.” That's right. Napanaginipan ko si Maythe, pero feeling ko ang mga nangyari sa paniginip ko ay totoo. Parang totoong-totoo. “It's okay. Salamat.”
“Papa, is mama okay?”
Napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses. Mula sa pinto na bahagyang nakaawang ay nakasilip doon ang isang batang lalaki. Apat na taong gulang na. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ko ng makita ito.
“Jaythe,” tawag ko rito. “Come here, sweetie.”
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa amin habang yakap nito ang paboritong teddy bear. Nang makalapit ang batang lalaki'y maingat itong kinarga ni Mason at pinaupo sa kama.
“Mama, are you in pain?”
“Ha?” Tinignan ko si Mason na ngumiti. Pagkuwan ay inilahad ko ang dalawang kamay na kaagad naman inukopa nito sa gitna. Naupo ito sa lap ko at tiningala ako. “Mama's okay. Walang masakit kay Mama.”
“But, I heard you screaming.”
Tumabi si Mason sa amin at inilagay ang braso palibot sa balikat ko. “Mama was just having a bad dream. You know bad dreams? They're scary.”
“Did you saw monster, Mama?”
Hinalikan ko ang tungki ng ilong nito at bumulong sa sarili. “Actually, sweetie, it was a nice dream.”
Pero dahil malapit si Mason ay narinig nito iyon. “Hm? Care to tell me what was your dream?” Nakataasang kilay na bulong rin nito.
Ngunit imbes na sagutin ay muli ko lang hinalikan si Jaythe, this time sa magkabilang pisngi nito. “Ganito na lang, tabihan mo na lang si Mama para hindi na ako bangungutin, ah?”
Masaya itong tumango-tango at tumalon na sa pagitan namin ni Mason na ikinabuga nito ng hangin. “And here I thought magkakaroon na si Jaythe ng kapatid.”
“Mama is having another me? In her tummy?” tanong ni Jaythe ng marinig ang sinabi ng ama.
“Uuuhh, yes? Soon?”
Tinampal ko sa dibdib ang lalaki na ikinatawa lang nito nang sabihin iyon. Pagkuwan ay hinuli ang kamay ko at saka iyon ginawaran ng magaan na halik.
“Maybe, next time?” anas niya.
Bahagya akong natawa. “Ewan ko sa'yo. Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas.”
“Ah, that's right. It's Maythe's 10th death anniversary already.” Tumagilid ito ng higa para humarap sa akin nang pareho na kaming mahiga. “Time really flies, huh.”
“Yeah.” Pinakatitigan niya ako ng matagal na ikinailang ko na. Kahit kasi mag-asawa na kami ay may pagkakataon pa rin na nahihiya ako kapag kaharap ang lalaki. “B-bakit? Bakit mo 'ko tinititigan.”
Imbes sagutin ay iba ang lumabas sa bibig nito. “I know ilang beses na akong nagpapasalamat kay Maythe sa tuwing binibisita natin siya, at sigurado ako na naririndi na siya sa akin. But I can't help it, malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil binigay ka niya sa akin. Dahil sigurado akong hindi ako ganito kasaya kung hindi ikaw ang makakasama ko.”
Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang pinagmamasdan ako at si Jaythe.
Marahan umangat ang kanang kamay ko at hinaplos ang kaliwang pisngi nito. “Don't worry. Alam kong naririnig ka ni Maythe. At para mapagaan ang loob mo, pinasasabi niya na masaya na siya.
Bahagyang kumunot ang noo nito. “How did you know?”
Ngumiti lang ako na mukhang nakuha rin nito.
“I see. So siya ang magandang panaginip mo.” Ngumiti rin siya at maingat na lumapit sa akin, iniingatan na hindi maipit si Jaythe sa pagitan namin. Nang makalapit ay marahan niyang idinampi ang mga labi sa aking labi. “I'm glad. I'm really glad he's happy for us.”
“Yes.”
Lalong lumawak ang ngiti ko ng mapadako ang tingin ko sa bulaklak na magandang nakatayo sa bintana namin. Na para bang nakatanaw ito sa ganda ng liwanag ng mga bituin at buwan sa langit. Sumayaw ang talulot nito ng may dumaan na hangin. Sinasabi nito na masaya rin ito para sa amin.
Kahit wala na si Anonym, sa makalipas na panahon ay natutunan ko na ring mag-alaga ng mga bulaklak. At bawat bulaklak na inaalagaan ko ay pinapangalanan kong Anonym. Dahil kahit doon lang, gusto kong manatili ang mga alaala ni Maythe sa akin.
Pero kahit na marami ng bulaklak ang naalagaan ko, nag-iisa si Anonym sa puso ko. Dahil kasama siya sa maraming alaalang iniwan ni Maythe sa akin. Sa lungkot man o saya.
Natigilan ako nang dahan-dahan ay maaaninag ko ang isang pigura na nakaupo sa bintana. Ngunit napangiti rin nang mapansin na pinagmamasdan niya kami habang nasa kandungan niya si Anonym.
Tuloy ay naalala ko ang huling sinabi nito bago ako magising.
“Xan, if ever na makaramdam ka ng lungkot, just look at the flowers and think of them as me. Know that with those flowers it will remind you that I'll always love you, Xan. Pero alam kong hindi ka na makakaramdam ng lungkot, dahil may dalawang tao na ang nariyan para magpasaya sa'yo. I'm really glad that someone fulfilled my promise to you. A promise that I will give you my surname. I hope you'll forgive me.”
Pinahid ko ang pisngi nang mabasa iyon ng luha ko. At nang muli na akong tumingin kay Anonym ay naglaho na si Maythe. Tanging ang liwanag na lang ng buwan ang nakita kong naroon.
A soft smile appeared on my lips.
Sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko ang dalawang lalaki sa buhay ko na ngayo'y mahimbing ng natutulog sa tabi ko.
Thank you for giving them to me, Maythe.
“Goodnight.”
¤¤F I N¤¤
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro