Chapter 9: One Step
Chapter 9: One Step
"COME ON, Xan! Don't be scared!" Nakalahad ang palad niya sa'kin habang pilit na kinukumbunsi akong pumunta sa ilog.
Umatras ako. "Ayaw! Takot ako! Malulunod ako diyan!"
Tumawa siya. "No, hindi ka malulunod sa mababaw na ilog na ito."
Tinignan ko ang kamay niya bago siya. "P–pero..."
"I got you, alright?" Muli niyang inilapit ang nakalahad na kamay. "Trust me."
Dahil sa huling sinabi niya'y walang pag-aalinlangan na iniabot ko ang kamay sa palad niya. At doon, naglaro kaming dalawa habang magkahugpong ang mga kamay namin. Feeling ko no'n, walang mangyayari sa'king masama hangga't hawak niya ang kamay ko. Dahil alam kong hindi niya ako pababayaan.
Pero alam ko na hindi sa lahat ng oras nakalahad ang palad niya sa'kin. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ko rin 'yong tanggapin. Dahil alam ko na sa bawat pag-abot ko sa palad niya, lalo lang akong mahihirapan na huwag umasa sa kanya. Kahit alam kong hindi niya ako bibitawan.
Pero takot rin akong malaman na kapag napagod na siya, siya rin mismo ang bibitaw. At 'yon ang ayaw kong mangyari.
"Xan?" Napakurap ako ng makitang nakalapit na ulit sa'kin ang lalaki. "What's wrong? Takot ka ba?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Takot? Sinong takot?!"
"Well, sino nga ba?"
Nakasimangot na tinulak ko ang lalaki at diretsong pumunta sa may batuhan, saka walang anu-anong tumalon doon. Then nakapamewang ko siyang hinarap ulit.
"Now, sino satin ang takot?"
He laughed. "Well, not me!"
"Waah! Sandali—" Mula sa inaapakang bato ay napatalon ako sa pangalawa, pangatlo at pang-apat nang sumunod na rin siya sa'kin.
Tumawa siya ng tumawa. "You are scared!"
"Eh, ikaw kasi! May balak ka pa yatang ihulog ako sa tubig!"
Napataas siya ng kilay. "Why not?"
"Anong 'Why not'?! Nakasuot pa kaya ako ng uniform! Papagalitan ako ni Mama kapag umuwi akong basa, 'no!"
Umiiling-iling na tumalon siya sa pangalawang bato. "Diba minsan umuuwi naman tayong basa?"
"Oo nga! Pero hindi pwede ngayon! Tsaka no'ng huling naligo tayo rito, nagkasakit ako, diba?"
"Ah, that's right. You had a really high fever back then, and sinabi pa nga sa'kin ni kuya Hal na lagi mo raw tinatawag pangalan ko habang nagdedeliryo ka."
Natural na namula ang mukha ko sa narinig. "S-s-sinabi niya 'yon sayo?!"
"Uh-huh," aniya na muli siyang tumalon sa isa pang bato. "Hindi siguro sinabi ni kuya Hal pero ako ang nag-alaga sayo no'n. Well, I asked him not to tell you." Natawa siya't bumuntong-hininga. "Hindi kita iniwan hanggang sa masiguro kong bumaba na ang lagnat mo. Even if kuya Hal insisted that I should go home. 'Coz I felt guilty."
Napakunot-noo ako. "Guilty?"
Tumingin siya sa tubig, or rather sa repleksiyon niya. "Guilty dahil alam ko na ako ang may kasalanan."
"Hindi!" Gulat siya na napatingin sa'kin. "Masaya ako noon! Masayang masaya ako sa tuwing naglalaro tayo dito! Kaya hindi mo 'yon kasalanan!"
Lagi na lang. Sa tuwing may nangyayari sa'kin lagi na lang sinisisi ni Maythe ang sarili niya.
"Xan?"
"Please, Maythe. Stop blaming yourself kapag laging may nangyayari sa'kin. Kapag nagkakasakit ako, kapag napapagalitan ako ni kuya or ni Mama, kapag nabibigyan ako ng punishment ng adviser namin sa tuwing hindi ko nagagawa ang cleaning duty ko after class." Umiling ako. "Hindi mo 'yon kasalanan. Ako ang may gawa lahat ng niyon. Ginagawa ko lahat 'yon dahil gusto ko. Because you know the most, how—"
"Stubborn you are." He smiled. "Xan, thank you so much."
"What..." Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero siguro dahil kahit nakangiti siya ngayon, ang mga mata niya, parang gustong umiyak. "Maythe? May problema ba?"
"Ah." Kinusot niya ang mga mata niya. "Sorry. Napatitig ako sayo ng matagal kaya lumuha na mata ko."
Nag-init ang pisngi ko. "A-ano bang pinagsasasabi mo diyan!?"
Para makalayo sa lalaki ay muli akong tumalon sa mga bato.
"Hey, Xan, where are you going?"
"Palayo sa'yo! Obvious ba?!" sigaw ko rito.
"Why?" tanong naman nito.
Hindi ko siya pinakinggan dahil alam kong nakasunod siya sa likod ko. Kainis lang kasi dahil ang layo pa ng kabilang side ng ilog na 'to.
"Huwag mo 'kong sundan!"
"Paano mo nalamang sinusundan kita? You're not even looking!"
Dahil mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, at nangyayari lang 'yon kapag malapit ka.
"Xan!"
"Kasi alam ko lang!"
"What kind of answer is that?"
"Matinong sagot!"
"'Really now? And be careful! You might slipped!"
"Ikaw ang mag-ingat!" Muling sigaw ko sa kanya, pero 'di pa nga ako nakakarating sa lupa ay may narinig na akong pag splash ng tubig. Paglingon ko, wala na ang lalaki. "Maythe?"
Nakita ko ang pagbula ng tubig.
"MAYTHE!" Tumakbo ako pabalik. Ngayon, ang tibok ng puso ko ay sanhi na ng takot. Takot ng makita kong maglaho siya. "Maythe! Maythe! Please, nasa'n ka?! NASAAN KA?!"
Tumalon ako sa tubig, hanggang bewang lang ang taas no'n pero sinisid ko iyon ng paulit-ulit. Sinisigaw ang pangalan niya habang hinahanap siya.
"Maythe! Let me find you! Please! Oh, god! MAAAYTHE!" Umubo-ubo ako nang makainom ng tubig. At muli na sana akong sisisid ng may mga kamay na pumulupot sa bewang ko.
"Xan, enough! Nandito ako! Look!"
Hingal na hingal na napahinto ako. Hindi makapagsalita. Ramdam ko ang init sa likod ko na nagmumula sa katawan niya.
"Xan?"
Napapikit ako nang marinig ulit ang boses nito. "Bakit..Bakit bigla kang nawala?"
"Nadulas ako. I'm sorry. I've been calling you but you can't hear me."
"Maythe...Bakit?"
"What?"
"Bakit feeling ko..mawawala ka?" Napatakip ako ng dalawang kamay sa mukha nang hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha ko. "Nang hinahanap kita kanina, pakiramdam ko 'di na kita makikita."
"...Xan." Humigpit ang yakap niya sa'kin at ang hindi niya sa pagsagot sa tanong ko ang lalo kong ikinaiyak.
Please, don't leave me.
NAKAPIKIT kong pinapakiramdaman ang hangin, na para bang gusto kong marinig ang kung ano mang binubulong nito kung sakali. Dahil nang mga oras na iyon, ang tanging gusto ko lang marinig ay ang hangin. Pero...
"Xan..."
Nanatili akong nakapikit at hindi pinakinggan ang lalaki. Sa totoo niyan, kanina pa niya ako tinatawag. Tinatanong kung gusto ko nang umuwi pero hindi ako sumasagot. Pagkaahon namin sa tubig kanina ay agad niyang pinatong sa'kin ang jacket na laging nasa bag niya. At tahimik kaming naupo sa lilim ng puno, hinihintay na humupa ang luha ko.
Oo nga't kumalma na 'ko pero hindi ang puso ko. At hindi ko alam kung paano.
"Xan, kung mananatili pa tayo dito ng matagal ay baka—"
"Alam ni kuya Hal na ikaw ang kasama ko kaya hindi mag-aalala sina Mama," agap kong saad rito.
"But I'm sure my Mom and Dad will."
Napamulat ako't binalingan ito. "Pero—"
"Let's go home," putol nito sa sasabihin ko.
"Ayoko." Hinawakan ko ng mahigpit ang jacket ng maramdaman na lumalamig na ang hangin at tinutok naman ang pansin sa tubig.
"Xan, it's getting cold. Pareho tayong basang basa."
"Hindi ako aalis dito hangga't wala kang—"
"Stop being stubborn, Xan!"
Gulat akong napalingon sa kanya. Marahil ay nakukulitan na siya sa akin kaya hindi na niya napigilang pagtaasan ako ng boses.
"What if magkasakit ka ulit? If you don't want me to keep blaming myself, then go home!"
"Maythe..."
Parang hirap na hirap na napayuko siya nang makita ang pagkagulat sa mukha ko. "Please..I want you to go home."
Napabuga ako ng hangin nang makita ang paghihirap sa mukha nito. "Okay. Pero bago iyon, sagutin mo muna ako."
Nag-angat siya ng ulo na tumingin sa'kin. "What is it?"
"Aalis ka na hindi ba?" Tinignan niya lang ako na para bang hindi niya alam kung paano ako sasagutin. Pero alam ko na ang sagot. "Kailan?"
"I..." He sighed. Sinubukan kong sabihin sayo kaso..hindi ko kaya."
"Bakit?"
"Xan, remember the last night I went into your room? Akala ko iyon na ang huling pagkakataon na makakausap kita. Do'n ko na rin sana planong sabihin iyon sayo but I still can't. Kasi pakiramdam ko kapag sinabi ko 'yon sayo, mas lalong 'di mo na ko kakausapin."
"So kailan mo pala balak na sabihin sa'kin 'yon?"
"Kanina. When I texted you, hindi ako sigurado kung makakarating ka or kung mababasa mo ba 'yon. Pero mas pinili kong maghintayn. And I'm glad that I did." Yumuko siya't pinagmasdan ang magkasalikop na mga kamay. "I decided to tell you earlier, pero kapag nakikita kita'y hindi ako makapagsalita."
"Maythe.." Hahawakan ko na lang sana ang mga balikat nito nang pilit itong tumawa.
"Haha. Ang hirap, Xan. Napakahirap."
"O-okay lang. Naiintindihan ko ang mga magulang mo. They just want the best for you."
"Alam ko rin 'yon. Pero Xan, if you want me to stay... I'll definitely stay."
"Ha?"
He turned to look at me. "Say it, Xan. Tell me to stay."
Sa sinabi niya'y hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mata niya. Hindi ko namalayan papalapit na ng papalapit ang mukha ko sa kanya. Pero bago pa 'yon ay bigla akong napahinto.
Napakunot-noo siya. "Xan?"
"Aa... ACHOOO!"
"Gah—" Napapikit ang lalaki nang malakas akong bumahing sa mukha nito.
Napatakip ako ng bibig. "Oh, god! Maythe! S-Sorry!"
Tumayo si Maythe na pinunasan ang mukha niya. "Xan! Kadiriii!"
Napangiwi ako. "Sorry na nga, e!"
"Ugh, tara na nga lang. Maligo na lang tayo pagdating sa bahay."
Tumayo na rin ako. "Ah—"
"And don't you dare say no again!" Biglang lingon nito nang may sasabihin pa sana ako.
"Wala naman akong sinasabi, ah!"
"Naniniguro lang!" Kinuha na niya ang backpack niya, pero bago pa man kami tuluyang makaalis ay tumunog na ang phone ko.
"Saglit." Lumayo ako kay Maythe na sinundan lang ako ng tingin. Si kuya Hal ang tumatawag. "O, kuya?"
[So? Tell me na nasabi mo na ang gusto mong sabihin kay Maythe sa tagal ninyo diyan.]
"Oh." Napatakip ako ng bibig.
[Oh? What 'oh'? Wait..wala ka pang nasasabi sa kanya!? Eh ano lang ginawa ninyo diyan? Nagkwentuhan tungkol sa pagkabata niyo?]
"Umm..."
[Mukhang tama ako.]
"Eh hindi ako makahanap ng tiyempo, kuya Hal."
[Hindi ka makahanap or tuluyan mo lang na nakalimutan?]
Napabuga ako ng hangin. "Fine. I totally forgot."
[I can't believe you, Xanille. Kailan mo pa sasabihin? Hanggang sa makaalis siya?]
"Wait, kuya Hal. Alam mo? Alam mong aalis siya pagkatapos ng graduation?"
[Oh, err, yeah. Well, I just found out. Mom and Dad knew, Maythe's parents told them before.]
"Kailan pa?"
[When, uh, you both freshmen.]
"You are unbelievable, kuya Hal! You knew it since then!?"
"Xan? What's wrong?"
Napalingon ako kay Maythe na lalapit sana pero pinigilan ko. Saka muling binalingan ang kausap.
"Xian? Hey, Xani—"
"I'm here," saad ko na hininaan na ang boses. "So, bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
[Well, because I don't have any reason to tell you?]
"Ano? You don't have-- Urgh! Bakit?!"
[What? Diba lagi pa kayong nag-aaway no'n?]
"Ewan ko sa'yo!"
[Hah. Xian, come on. Instead na iubos mo sa'kin ang hininga mo, bakit kaya hindi mo na lang sabihin kung ano ang dapat mong sabihin kay Maythe?]
Ngayon na naalala ko ulit 'yon ay muling lumakas ang tibok ng puso ko.
[Xian, time is running. Hindi ka na sigurado kung hanggang kailan mo na lang makikita si Maythe. Every seconds is important. I'm not pushing you, I'm just reminding you. It's still up to you if you want to take a step closer or just look at his back getting away.]
"Kuya Hal..."
[Hmm?]
"Saan mo nakukuha yang pinagsasasabi mo?"
I heard him laugh.
[Experience, Xanille. It really is the best teacher.]
Pagkasabi no'n ni kuya ay ang end call ringtone na ang sunod kong narinig.
"Xan? Si kuya Hal ba 'yon?" ang tanong agad sa'kin ni Maythe ng makalapit ako sa kanya.
"Uh, oo."
"Pinauuwi ka na?"
"Hindi naman."
He tilted his head. "Is something wrong?"
Umiling ako. "Wala naman."
"Well then, shall we?" Nauna na siyang maglakad habang nagsasalita pa. "so be sure to take a shower. Alright, Xan?"
Nakasunod lang ako sa kanya, tinatanaw ang likod nito na unti-unti nang lumalayo sa akin habang patuloy siyang nagsasalita. Tuloy ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni kuya Hal kanina lang.
"It's still up to you if you want to take a step closer or just look at his back getting away."
Napakuyom ako ng mga palad na siyang nakakapit pa rin sa jacket nito at saka huminto sa paghakbang.
Hindi. Ayokong tanawin lang ang paglayo ni Maythe sa akin. Ayoko niyon! Hindi ko 'yon kaya!
"Maythe!"
"Hm?" Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Nagtaka pa ito ng makitang ang layo ko sa kanya. "What's wrong?"
Pinakatitigan ko ang lalaki at saka muling mahigpit na kinuyom ang mga kamay. Sa paraan lang kasi na 'yon ay maaalis ang konting kaba na nararamdaman ko.
Tuluyan na akong hinarap ni Maythe nang may mapansin siya sa akin. "Xan...?"
"Maythe..." Napalunok ako ng maramdaman ang bikig sa lalamunan ko at saka muling nagsalita. "I..."
Humakbang siya palapit pero itinaas ko lang ang kanang palad ko para patigilin ito. "Xan, ano 'to? May problema ba?"
Ibinaba ko ang mga kamay ko at tinutok muli ang mga tingin direkta sa mga mata niya. "Basta diyan ka lang."
"What?"
Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari pero ito lang ang paraan para malaman ko sa sarili ko kung determinado ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Kung mananatili lang ba ako sa kinatatayuan or lalapit ako sa kanya. Because that one step closer towards him will change everything.
"I..." I smiled at him. "I have something to tell you."
All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro