Chapter 7: Confused
Chapter 7: Confused
"XIAN! Kakain na tayo, lumabas ka na diyan!" Sigaw ni kuya Hal mula sa labas ng kwarto ko. Pero nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin, muli siyang kumatok. "Xian, alam kong hindi ka pa tulog!"
Napabuga ng hangin na napaupo ako sa kama. "Susunod na lang ako!"
"You always say that," tugon niya pero narinig ko naman ang mga yabag niya na papalayo sa pinto ng kwarto ko.
Nang mawala na'y muli akong nahiga at tumagilid para mapagmasdan ang litrato na nasa frame.
"Hey, young Maythe." Tukoy ko sa batang lalaki na nakangiting nakatingin sa'kin. "Kung alam ko lang sana na makikilala kita at magkakagusto ako sa'yo dapat hindi ko na hinayaan na mapalapit sa'yo. Dahil ngayon nahihirapan na ako. Habang patagal ng patagal kasi'y parang hindi ko na kayang kontrolin ang nararamdaman ko."
Kung sanang gano'n lang kadali na sabihin iyon matagal ko ng ginawa.
"Xian..."
Sa pagkagulat ay nakita ko si kuya na nasa bungad na ng pinto ko. He was staring at me seriously.
"K-Kuya. What are you—"
"I heard." Naglakad siya papunta sa'kin.
"Akala ko umalis ka na."
"I did. Pero bumalik rin ako which I guess hindi mo na napansin."
Hindi ko nga napansin. Ni hindi ko nga naramdaman ang presensya niya.
"Kuya, please huwag mong sabihin kay Maythe." Natataranta kong sabi.
Naupo siya sa tabi ko. "Xian, labas ako sa kung ano mang meron ka or nararamdaman mo kay Maythe. 'Coz actually, matagal ko ng napansin."
"Ano?"
Ginulo niya ang buhok ko. "Siguro nasa grade 5 ka or 6 that time. Napansin namin iyon sa kung paano mo lang siya titigan. You were looking at him differently. Pero hindi pa namin alam kung ano ang ibig sabihin no'n. Hanggang sa mag highschool ka, doon na namin nakita ni Mama ang kahulugan ng mga titig mo sa kanya."
"Si..si Mama?"
"Yes. And I still remember what she said." Bahagya pa siyang natawa sa naalala na ikinakunot ko ng noo.
"Ano 'yon?"
"Sabi niya..My daughter is finally inlove. Habang nakangiti pa siya."
"Ano?! N-n-n-nasabi 'yon ni Mama?!"
Natawa si kuya sa naging reaskyon ko. "It was ridiculous, I know."
"Talaga! Kasi hindi naman ako inlove—"
"The more you deny it, the more it will make you crazy." Putol niya sa balak ko sanang pagtanggi.
"Kuya..."
He nodded. "I know, Xian, you're not ready to tell him what you really feel."
Tipid akong ngumiti. "Thank you."
Umiling siya. "No. Hindi kita kinukunsinti na huwag sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. At hindi ko rin sasabihin na paghanda ka na saka mo lang sabihin."
"Then ano palang ibig mong sabihin do'n?"
"What I'm saying is, I know you're not ready yet but you have to tell him."
"Pero kuya—"
"Huwag ka ng maghintay sa tamang oras. Dahil alan mo rin na ikaw lang ang magtatakda niyon. Dahil baka hindi mo alam, handa ka na nga pero huli na pala ang lahat. Remember, Xian, regret will always be in the end."
"Then, a-anong gusto mong gawin ko?"
"No. Don't ask me." Tinuro niya ako. "Ask yourself. What do you want to do?"
Napayuko ako't saglit na napaisip. "Ang gusto kong gawin."
"Ang gusto mong gawin," he repeated. "Nasa saiyo 'yan, Xian."
"What if—" He stopped me nang itaas niya ang kanang palad.
"Huwag mo munang isipin ang mga what if's and but's, Xian. Makakagulo lang sila sa plano mong gawin. Just do whatever you can do. Kung ano man ang kalalabasan, accept it. At least you try." Ibinaba niya na ang palad at hinawakan naman ang dalawa kong kamay. "Xian?"
"Bakit, kuya?"
"Ayokong masaktan ka. Pero kailangan mong matuto."
"Kailangan ko pa bang masaktan para lang matuto?"
"Not all the time. But all things will be worth after the pain."
"Like there's always a rainbow after the rain?"
He smiled. "You're growing up."
"And what do you mean?"
"Nothing." He kisses my forehead. "Eat first before you go to sleep. Alright?"
I nod. "Alright."
Tumayo na siya at bago pa niya maisara ang pinto'y nilingon niya ako. "By the way, just a little advice. If I were you, I'm gonna confess to him after the graduation. Alam kong ikaw ang magtatakda ng oras but still, walang mawawala kung sasabihin mo na sa araw na iyon."
KUNG alam ko lang sana na ang sinabi sa'kin ni kuya ay magpapagulo sa isip ko, dapat hindi ko na lang siya pinakinggan. Lalo tuloy akong nalito.
Sa graduation.
Hindi. Hindi pa ako handa sa araw na iyon. Masyadong maaga.
"Huwag ka ng maghintay sa tamang oras. Dahil baka hindi mo alam, handa ka na nga pero huli na pala ang lahat. Remember, Xian, regret will always be in the end."
Pero natatakot ako. Paano kung...
"Xian, all things will be worth after the pain."
Argh! What my brother said keep repeating all over my head. Hindi ko na tuloy alam kung i-u-umpog ko ba ang ulo ko o bibiyakin na lang ang bungo ko para lumabas ang utak ko. Ang sakit na kasi sa ulo.
"Xan!"
No. Don't turn your head, Xanille.
"Xan, wait!"
Keep walking. Just keep walking.
"Xanille!"
You didn't heard that.
"Xanille Cruz!"
And that either.
Binilisan ko ang paglakad ko pero napasinghap na lang ako nang maramdaman ang marahas na paghila niya paharap sa kanya.
And now, I'm facing his deadly serious face. Dahil rin sa ginawa niya, naging drum ang puso ko sa patuloy na pagtambol nito ng malakas.
"M-Maythe..."
"Why are you avoiding me?" walang anu-ano niyang sabi. His tone of voice demanding some answers.
I gulp. "Am I?"
Nagsalubong ang kilay niya na nakadagdag sa madilim nitong ekspresyon. Tuloy parang hindi ko na kilala ang kaharap. Dahil sa totoo lang, first time kong makita ang ganitong emosyon sa kanya. Dahil never ko pa siyang nakitang magalit higit pa rito.
"You were."
Natawa ako ng pilit kahit pa pinagpapawisan na ako ng malagkit sa matalim nitong mga mata. "What?" Palihim akong muling napalunok. "Ba..Bakit naman kita iiwasan?"
"That's exactly what I wanna know."
Patay, Xan. Patay talaga!
"Wait. Paano mo naman nasabing iniiwasan kita?"
"Sa graduation practice. No'ng makita mo akong papunta sa'yo, bigla ka na lang tumayo at umalis."
"What? H-hindi kita nakita kanina. Saka nagpunta siguro ako no'n ng restroom."
"Then how about kaninang break, I'm inviting you to have lunch with me but you refused. Saying you were done. Pero nakita kita sa canteen na kumakain pa lang."
"Ha?" Nakita niya pala ako?! "Uuuh, tira ko 'yon. Naalala ko kasi si Mama na kailangan daw ubos ang baon ko, so yeah, inubos ko iyong natira. Ha-ha."
I know that doesn't convince him. Pero napahinga ako ng maluwang ng magtanong siya ng iba.
"Then why everytime I looked at you, you're always looking away." I saw it..I saw how his eyes reflect what he feels. "Why, Xan? Did I do something wrong?"
"Maythe..." I can feel him. I can feel him hurting.
This time, nawala na ang tampo sa mga mata niya at mahinahon ng nagtanong. "Please, Xan..what's the matter?"
Dahan-dahan, hinayaan kong pakalmahin ako ng presensya ng lalaki. And then I looked at him.
"Maythe, kasi..graduation na natin."
"And? Anong kinalaman no'n sa bigla mong pag-iwas sa'kin?"
Nag-iwas ako ng tingin sa lalaki. "I'm scared."
"What?"
Napahaplos ako sa kanang braso bago ulit tumingin sa kanya ng diretsyo. "Takot ako na baka pag-college natin hindi na kita kasama. Dahil baka pumunta kayo sa ibang lugar para do'n ka pag-aralin. Maythe, I'm scared. Dahil alam mo na sanay akong nandiyan ka parati sa tabi ko. Kaya sinasanay ko ang sarili ko na wala ka."
Another pain past through his eyes. "You know you don't have to do that."
"Alam mong kailangan kong gawin 'to. I have to, Maythe. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa dahil nasanay akong dumidepende sayo."
Makailang ulit siyang umiling. "You're not. You think you keep depending on me but you keep doing things on your own. Hindi mo lang napapansin kasi lagi mo akong kasama, at akala mo sa'kin kana dumidepende."
"Hindi ba?"
Umiling ulit siya. "Kailangan mong makita ang ginagawa mo, Xan. You have to see it. Huwag mong pansinin ang ginagawa ko para sa'yo, tignan mo ang ginagawa mo para sa sarili mo."
"Maythe..."
"So please, Xan, stop avoiding me." Hindi ako sumagot bagkus ay niyakap ko siya.
"I'm sorry."
"XIAN, nandito si Maythe. Naghihintay siya sa baba," anunsiyo ni kuya na nasa labas ng kuwarto ko. "I don't know what happened, but Xian, kung ano man ang nangyari it's still better na magkausap kayong dalawa."
Tinakpan ko ang tenga ng unan at saka mariin na pumikit.
Pagkatapos ko kasing sabihin ang I'm sorry, iniwan ko na siya sa school. And then days followed, I still keep avoiding him. Nandiyan iyong pag pumupunta siya sa room at hinahanap ako'y nagtatago ako sa mesa, or kahit na bago pa man siya pumunta sa room, tumatakbo na ako papunta sa restroom. Lagi akong humahanap ng paraan, maiwasan lang siya.
Kasi gusto ko munang mag-isip. Pag parati kasi siyang nandiyan, lalong nagugulo ang utak at puso ko. Ang hirap no'n para sa'kin. Dahil alam ko na ang puso ko ang mananalo, pero ngayon gusto ko munang pakinggan ang sinasabi ng dalawa. Gusto kong maging fair sa kanila.
Ang kaso...
"Xanille, graduation na ninyo bukas. At ayokong umabot pa hanggang bukas ang problema ninyo. Dahil bukas, ang tatapusin niyo lang ay ang pag-aaral ninyo sa school. Hindi ang meron kayo ni Maythe. Magkaibigan kayo, at siya ang mas makakaintindi ng nararamdaman mo." Nang muli siyang hindi nakakuha ng sagot mula sa akin ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakatakip ng unan sa tenga ko.
"Kuya, please, huwag ngayon. Pakiusap naman, o."
Naramdaman ko ang paglakad niya papunta sa side bed ko kung saan ako nakaharap. Nagmulat ako ng tingin at nakita ko ang tuhod niya.
"Kuya, leave me alone."
"No, Xan. I won't."
Napakuyom ako sa unan nang hindi kay kuya ang marinig kong tinig, kung hindi kay Maythe.
Muli akong pumikit at pinakiramdaman siya.
"Xan..." Hindi ako umimik. "No'ng mga bata pa tayo madalas tayong mag-away. Kahit nga magkaibigan na tayo madalas mo pa ring sinasabi na ayaw mo sa akin. But still, nandiyan ka pa rin. Nanatili ka sa tabi ko lalo na kapag binubully ako dahil mahina ako when it comes to sports. Pero lagi mo pa rin akong pinagtatanggol."
"Please, Maythe—"
"Just shut up and listen kung ayaw mo akong kausapin. Dahil ako ang magsasalita."
He heard me sighed. "Fine."
"Thank you." Mahinahon 'yon but I still heard the sarcastic tone on his voice. But I chose to ignore it. "Lagi mo akong inililigtas dahil sabi mo sa ating dalawa ikaw si superhero. Pero mas gusto ko 'yong mga ginagawa mo na mga bagay na para bang wala kang pakialam sa mundo. Kasi gagawin mo 'yon dahil iyon ang sa tingin mong tama. And I admire you for that. Kasi kahit ikaw na mismo ang nahihirapan wala kang pakialam."
Kasi bata pa ako no'n so natural na lang iyon na feeling ko ako lagi ang bida sa isang kwento. I was just asking for attention.
"Pero Xan, kahit superhero naman may kahinaan. Kaya kailangan din nila na may poprotekta sa kanila. Katulad mo. Dahil kahit gaano ka pa malakas sa ibang mga normal na tao, kailangan mo pa rin ng tulong."
But I don't need someone to protect me.
"And Xan, you are no different from a hero. So I'm gonna be that someone who will keep you safe. Remember this that I'll protect you as long as I'm here-" Bigla siyang natigil sa sinasabi niya ng may ma-realize at umiling. "No, I will always protect you even if I'm not with you."
I closed my eyes tightly, wishing I could just fall asleep and never heard him talk. Pero hindi nakikisama sa'kin ang mga mata ko.
"Xan, I hope it will never be too late for the both of us."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay wala na akong narinig pa mula sa kanya. And then narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at ang pagsara nito.
Mariin akong napapikit. "I'm sorry, Maythe."
"Alam mong hindi iyan ang gustong marinig ni Maythe." Si kuya.
Tinanggal ko ang unan at nakita ko na naman siya na nakasandig sa pinto ng kwarto ko.
"Alam ko." Tumango ako. "Alam ko, kuya."
Kailangan ko lang oras para sa sarili ko.
Kahit konting oras lang sapat para malinawan ako. At oras na masiguro kong okay na ang lahat, ako na mismo ang lalapit sa kanya. Dahil sa susunod, ayoko ng makita ang emosyong 'yon sa mga mata niya.
The next time I'll see him, he'll be smiling again.
All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro