Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Park (1)

Chapter 3: Park



"XAN, here's your token." He handed me our token money na siyang gagamitin namin sa loob ng Theme park.

At oo, nandito na nga kami sa Theme park. Pagkatapos kasi ng practice ay dumiretso na kami dito kaya naka-uniform pa kaming dalawa.

"Maythe! Sabihin mo sa'king hindi ako nananaginip! Tell me, tell me! Dahil ikamamatay ko kapag nalaman kong panaginip ito!"

"Haha! It is not, Xan! We are finally here!" saad ni Maythe na bumulong pa sa'kin sa tenga para marinig ko.

Sa dami kasi ng mga tao dito pa lang sa entrance ay parang may pinagkakaguluhan na sila. Pero oo, sa ginawa niyang paglapit sa'kin at pagtama ng mainit niyang hininga sa tenga ko, alam kong hindi ako nananaginip. This is all true.

"Let's go, Xan!" Hinawakan niya ako sa wrist. Mahigpit pero hindi siya masakit, it's as if ayaw niya akong bitiwan.

Maybe because maliligaw ako kapag hinayaan niya akong makipagsiksikan sa mga tao. Dahil alam niya kung gaano kalikot ang mata ko at mabilis mawala ang atensyon ko sa isang bagay lalo na kung nakakaaliw iyon.

"Where do you want to ride first?"

"Octopus ride! Then sa roller coaster and then sa bumper car and then sa—"

"Alright, alright, Xan! Let's take it easy! We have a lot of time!" Sigaw niya na hinila na ako papunta sa octopus ride.

"Yipeee!"

Natawa siya. "Control your excitement, Xan!"

"I can't help it, Maythe! Excited na excited na talaga ako!"

"Well, I got our tickets." Pinaypay niya pa iyon sa mukha ko. "Haha! Let's go!"

"Here we go octopus ride!"

Nang pumunta kami sa isang box ay may lalaking lumapit sa'min at inalalayan akong makaakyat, sumunod si Maythe. Ibinaba ng lalaki ang bakal na magsisilbing seatbelt namin. Nang masigurong okay na'y saka lang bumaba ang lalaki at isinara ang box naming dalawa.

Gumalaw ang box para makasakay ang susunod na mga tao and then so on. Nang mapuno na lahat ay nagsimula ng umandar ang octopus ride.

"Ito naaa!" pinalo-palo ko ang bakal.

"Xan!"

Napatingin ako kay Maythe at awtomatiko akong napakaway nang makita ang hawak niya. Ang camera. I know he's taking a video of me. Again. He always does. Pero gusto ko ngayon siya naman ang kunan ko. Gusto kong makita niya mismo ang ngiti niya. Ang ngiti niya na laging nagpapagaan sa loob ko pag nakikita iyon. How his smile making me feel special kahit na ibinibigay niya iyon sa lahat.

Well, because he's not selfish. And that's the one I like-- No. I love about him.

"Xan! Smile! Show me your smile!"

"Ha? Nakangiti na ako, ah!"

Inialis niya ang tingin sa camera at binaling sa'kin. "Then..smile more."

Napakurap ako. "More?"

Tumango siya. "Yes. More."

Sa sinabi niya'y napangiti ako ng maluwang. Hindi ko iyon pinilit, natural akong napangiti dahil sa kanya.

He smiled. "There you go!"

Pagkatapos namin sa octopus ride, pumunta kaming roller coaster. Pero parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa paulit-ulit naming pag-ikot. Pati sikmura ko yata bumaliktad kaso hindi naman ako ang nagsususuka pakababa namin.

"Hahaha! Maythe, hindi ako makapaniwalang nahilo ka!" Natatawa kong sigaw mula sa labas ng restroom.

"Wh-what are you doing here? Luma..lumayo ka-- Bluurgh!"

Napaatras ako ng bahagya nang marinig ulit ang pagsuka niya. "Maythe, parang hindi na maganda iyang pakiramdam mo. Gusto mo ng maiinom? Sandali, bili lang ako!"

"What? No! Baka mawala ka pa!"

"I think natandaan ko na ang loob ng theme park. So wait ka lang, ha!"

"I think?! Huwag ka ng umalis! Xan—"

Hindi ko na narinig ang ibang mga sinabi ni Maythe nang tuluyan na akong umalis. Nakipagsiksikan ako sa mga tao para makahanap ng tindahan. 'Yong bilihan ng popcorn naalala kong may mineral do'n, e.

"Ah, ayun!" Tumakbo ako patungo sa popcorn vendor nang matanaw ko ito. "Manong, diba may mineral kayo? Pabili po!"

"Ilan ba, hija?" Tanong ni Manong na abala sa pagbabalot ng popcorn sa isang costumer.

"Isa lang po! Para sa kasama kong nagsusuka!" Sinundan ko pa iyon ng tawa matapos sabihin iyon.

Natawa rin ang matanda na iniabot na ang bottled water sa'kin. "Iyo na 'yan, hija. Kawawa naman 'yong kasama mo."

"Talaga po?" Tumango na lang siya kaya naman yumuko ako ng bahagya. "Salamat pooo!"

"Sige na." Kumaway muna ako sa matanda bago umalis.

Kaso kanina pa ako palakad-lakad nang mapansing hindi ko na yata mahanap ang daan pabalik kung nasa'n si Maythe.

"Lagot." Napalingon-lingon ako. Pagkuwan ay napakagat sa ibabang labi. "Nawawala pa yata ako."

"Uwaaah! Mommy! Mooommy!"

"Ha? Iyak iyon ng bata, ah."

"Mommy! Daddy! Where are you?!"

Pagbaling ko sa likod, may batang lalaki ang naka-uklo at walang tigil sa pag-iyak. Ang tantiya ko'y mga nasa limang taon na yata. Nilingon ko ang mga taong tinitignan lang ang bata at dinadaanan. Kawawa naman. Nilapitan ko siya.

"Hello." Sa una'y nanatili lang siyang naka-uklo pero nang inulit ko ang sinabi'y nag-angat na siya ng tingin sa'kin. "Hi. Ayos ka lang ba? Nawawala ka ba?"

Pinunasan muna niya ang luha bago sumagot. "Yes. I'm lost."

Lumuhod ako para pumantay sa height niya. "Gano'n ba? Alam mo, ako rin, e. Nawawala rin ako. Haha!"

Tinitigan niya ako tapos bigla ulit umiyak. "Mommy!"

"Waah! W-wait lang, huwag kang umiyak! Hanapin natin ang Mommy mo!"

"But h-how can you find my Mom, e, you're lost rin."

"I know. Pero alam kong mahahanap natin ang Mama mo."

"Promise?"

Napangiti ako. "Promise." Ngumiti na rin siya. "Tara? Hanapin na natin ang Mommy mo."

"Okay."

Tinulungan ko siyang tumayo at pinagpagan pa ang damit.

"XANILLE!"

Paglingon ko sa mga tao, agad kong nakita si Maythe na nagmamadali patungo sa'kin.

Tumayo ako. "Maythe! Mab—"

He hugged me. "Thank god you were okay! I thought something bad happened to you!"

"Eh..." Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi nang bigla akong yakapin ng lalaki. "M-M-Maythe?"

He let me go and looked at me. "Didn't I told you na huwag kang umalis?! Mahina ang sense of direction mo! Madaling maligaw ang mga mata mo lalo na kung matao! Iyong akala mong dinaanan mo na, hindi pala! Kaya nga dapat lagi kang may kasama!"

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagyakap nito nang sundan nito iyon ng sigaw. Sinisigawan ako ni Maythe? Ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako. Dahil laging mahinahon si Maythe kapag kausap ako, kahit na may nagagawa akong mali ng hindi ko sinasadya.

"Xan? Did you heard me?"

"Bakit mo 'ko sinisigawan?"

"What?"

"Bakit sigawan mo daw po siya."

Kunot-noong lumingon-lingon si Maythe sa paligid. "Did I just heard someone talk or may dumaan lang?"

Dahil sa sinabi nito'y natawa ako't binalingan ang batang lalaki na nakakapit na pala sa palda ng uniform ko. Sinundan rin ni Maythe ang tingin ko at mas lalo siyang napakunot-noo.

"Uh..." Binalik niya ang tingin sa'kin na nakaturo ang hintuturo sa bata. "Who's this little guy?"

"Hindi maliit ako." Sagot ng bata.

Muli itong niyuko ng lalaki na inilagay pa ang hintuturo sa mga labi. "Shush. Hindi ikaw ang tinatanong ko."

"Even so. I'm not little."

"Oo. Maliit ka."

"Hindi. Matangkad lang ka."

"Hindi ako matangkad na langka."

Bumaling sa'kin ang batang lalaki at ilang beses hinila ang laylayan ng palda ko. "Let's go na. Hanapin si Mommy natin."

Lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki. "What? Pareho kayong Mommy?"

Tuluyan na akong natawa dahil sa litong nakikita sa mukha ni Maythe.

"Hindi, 'no! Nawawala rin siya tapos sabi ko tutulungan ko siyang hanapin ang Mommy niya."

Natawa siya ng pagak."You will help him find his Mom? Eh, ni hindi mo nga mahanap kung sa'n ka nanggaling kanina. Baka pareho kayong mawala so huwag na."

Narinig ko ang pagsinghot ng batang lalaki hudyat na iiyak na naman siya kaya nataranta ako. Pinalo ko si Maythe sa balikat.

"Ouch!"

"Don't say that! Baka umiyak na naman siya!"

"Well, how can you help him when you don't even know kung ano ang hitsura ng Mom niya?"

Napaisip ako. "Oo nga, 'no?"

Napabuga ng hangin si Maythe. "Ganito na lang, isama na lang natin siya para kung sakaling makita siya ng Mom niya e, 'di madali natin siyang maibigay. Kaysa naman maghanap tayo ng taong ni hindi natin alam kung sino ang hinahanap natin."

Napatango-tango ako. "Minsan gusto kong kunin ang talino mo, Maythe. Nakakainggit."

"Hindi ako matalino, Xan. Masipag lang ako mag-aral."

"Gano'n ba 'yon?"

"Gano'n 'yon," aniya na umuklo sa harap ng batang lalaki. "What's your name?"

"Chris. Ang Chris pangalan," narinig kong tugon ng bata.

Tumayo si Maythe at bumulong sa'kin. "Ganyan ba talaga 'yan magsalita?"

"Siguro. Parang kapag nagtatagalog siya, bali-baliktad pa ang mga words niya. Pero okay lang naman kapag english."

"Well, his Mom should learn how to teach him our own language. Dapat nga iyon muna ang unang itinuturo sa kanya bago ang ibang mga salita na hindi naman atin."

Napatitig ako sa kanya hindi dahil sa sinabi niya kung hindi nang makitang binuhat niya si Chris. Kung titignan kasi parang mag-ama ang dalawa. At kung sasama pa ako..tiyak na ang makakakita sa'min ay mapagkakamalan kaming isang pamilya.

Sa naisip ay biglang uminit ang magkabila kong pisngi.

Waaah! Ano bang iniisip ko?! Pamilya?

"Xan?"

Ako at si Maythe?

"Xaaan..."

Imposible.

"Xanille!"

"Alam kong imposible!"

"What?"

"Ha?" Nakangangang napatitig ako sa dalawa na nagtataka na palang nakamata sa'kin. Wala naman akong nasabi, diba?

"What was impossible?"

Oh no. Nasabi ko nga ng malakas! Pero please, sana iyon lang ang nasabi ko!

"Xan, I'm asking you. What was impossible?"

"W-wala! May, uh, naisip lang ako. Tama! Tapos ayun, hindi ko naman alam na m-masasabi ko pala iyon ng malakas." Palusot ko rito.

"Ano bang iniisip mo?"

"Ha? Uuuh..." Isip, Xan. Anong sasabihin mo? Inilibot ko ang paningin at 'di kalayuan sa gawi namin ay nahagip ko ang isang balloon na korteng bulaklak. Ah! Alam ko na! "Si Anonym! Tama! S-sana maayos lang siya! Kasi alam mo na, nagsisimula na naman siyang lumaki!"

"Ah." He nodded. "Well, I know she will."

"Kuya..." Napabaling ang pansin ni Maythe kay Chris nang hilahin nito ang damit niya sa dibdib. "Horror train."

Napangiti ako. "Horror train?! Gusto mo rin doon?!"

Tumango si Chris kaya napa-palakpak ako. "Horror train punta."

"Punta sa horror train!"

"H-ha..?" Nawala bigla ang ngiti ko nang marinig si Maythe.

Oo nga pala, si Maythe..hindi pwede sa mga matatakuting bagay. Kung gaano kasi katalas ang utak niya, gano'n naman kahina ang loob niya. Hay, naku. Kahit na ilang beses ko naman sinabi sa kanya na hindi sila totoo.

Nalaman ko lang 'yon nang first time naming mag-camping noong grade 4. Natakot siya sa dilim nang magkaroon kami ng test of courage. Dalawa kaming papasok sa kakahuyan para kunin ang item na kailangan namin. May tali namang nakakabit sa teacher namin para hindi kami maligaw palabas.

At iyon nga, no'ng nasa kalagitnaan na kami at may kung ano siyang narinig nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw. Iyong sigaw na as in na maririnig ng mga kaklase namin mula sa labas ng kakahuyan.

I want to laugh that time pero nakita ko kung paano siya manginig sa takot. So ang nagawa ko na lang ay ang yakapin siya hanggang sa makabalik kami. Nang tinanong ng mga kaklase ko kung sinong sumigaw, sinabi kong ako.

And he thanked me for that. Kasi wala namang kaso kung ako ang malalaman nilang takot sa dilim kaysa kay Maythe na alam kong tutuksuhin lang. Besides, he's already my friend that time.

"Ah, Chris," nilapitan ko ang batang lalaki na hinawakan ko sa balikat. "hindi kasi tayo pwede sa horror train."

"What? But I—"

"Baka kasi kunin ka ng mga mumu! Hala ka, hindi mo na makikita ang Mommy mo." Natigil siya at tinignan si Maythe.

"Your ate Xan's right, Chris. Pag kinuha ka ng mumu, hindi ka na makakauwi."

Lihim akong natawa nang agad niya akong sang-ayunan. Talagang gusto lang makawala sa horror train, e.

"A..Ayokong mumu kunin ako. I wanna go home with Mom." Natatakot na sagot nito na napayakap pa kay Maythe.

"Kaya nga hindi na tayo sa horror train. Kung hindi sa ferris wheel na lang! Malay mo makita natin ang Mom mo pag nasa taas na tayo, diba?" Wika ko na hinaplos ito sa ulo.

May ngiti na itong tumingin sa amin. "Yes! Ferris wheel! Kita Mom sa taas!"

"Haha, Oo!" Ani ko na binalingan na si Maythe. "O Maythe, ferris wheel daw."

"Let's buy our tickets first."

"Yaay!" Pumalakpak ako at pinisil ang pisngi ni Chris.

Ginaya niya ako sa pagpalakpak na ikinabuntong-hininga ni Maythe.

"Well, I guess I have two little kids now to take care of."

Ngumuso ako. "Hindi ako bata! Baby face lang!"

"Kaya nga. Mukha pa ring bata." Natawa siya ng pinalo ko siya sa balikat niya.

"Inggit ka lang!"

"No, I'm not!"

"Tss! Ewan ko sa'yo! Eh 'di ikaw na matanda!"

Matunog na tawa na lang ang narinig ko rito nang maglakad na kami papunta sa ferris wheel.

Psh. Pasalamat ka't gwapo ka.







©All Rights Reserved/2019
By: SN♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro