Chapter 2: Prom
Chapter 2: Prom
"ALIS ka na agad, Xan?"
"Uh, oo, e." Tugon ko sa kaklase kong si Wendy habang inaayos ang mga gamit sa bag.
"Hay, naku! Hindi ka na nasanay, Wendy. Sa malamang, excited na naman siyang puntahan ang baby nila ni Maythe." Sumulpot si Patricia sa likod ni Wendy na ikinanguso ko.
"Baby ka diyan."
"Kilig ka naman."
"Hindi kaya!"
"Tigilan mo na nga si Xan, Patricia. Palibhasa kasi alam mong wala ka ng pag-asa sa ultimate crush mong si Maythe." Si Wendy.
"Gaga! Kung tapalan ko kaya iyang bibig mo ng packing tape? Baka magselos pa si Xanille, e. Malaman niyang mas maganda talaga ako sa kanya ibigay pa sa'kin si Maythe."
"Assuming ka talaga, Patricia! To the highest level, oh!" Itinaas pa ni Wendy ang kamay lampas sa ulo niya.
"Confident ang tawag do'n! Hindi assuming! Nag-aaral ka ba talaga? Hindi mo alam ang pagkakaiba niyon?"
"Ewan ko sa'yo. Ang tawag do'n ang kapal ng mukha!"
Tuluyan na akong natawa dahil sa pagbabangayan ng dalawa. Pareho naman kasi ang dalawa na may gusto kay Maythe, actually halos lahat ng mga babaeng nakikita siya. Hindi na niya kailangan maging star ng school, sa ngiti pa lang kasi nito'y mapapansin na siya ng lahat.
Hindi siya MVP, hindi rin vocalist ng banda at lalo na hindi siya anak ng may-ari ng Campus. He's just popular simply because of his look, charm and intelligence.
Pero hindi ko alam kung bakit minsan nahuhuli ko siyang nakatutok nga ang mga mata sa isang bagay pero tagos pala ang tingin niya mula doon. Na parang ang lalim lagi ng iniisip niya. Nagsimula 'yon noong 3rd year kami. Kung paano ko siya nahuhuling nakatingin sa malayo.
Tulad ngayon nakatingin siya sa lupa ng nakatulala.
Nasa riverbank na kasi ako pagkatapos kong magpaalam sa dalawa dahil dito kami lagi nagkikita ni Maythe para magsabay papunta sa flower shop. Akala ko nga ako ang mauuna dahil ako naman talaga palagi ang nauuna. Noon pa man. Pero ngayon mukhang naging mabagal yata ako.
"Naks! Nauna ka, ah!" Parang nagulat pa siya ng makalapit na 'ko sa kanya.
"Ah, you're here." Ngumiti siya't tumayo sa pagkakasandig sa katawan ng puno.
"Ba't nandito kana?"
"Maaga natapos ang class namin." Inabot niya ang backpack na nakasabit sa sanga ng puno at may kung anong kinuha. "Look, ito na 'yong bulaklak na na-preserve ni Mom."
Kinuha ko ang plastic na iniaabot niya sa'kin. "Wow, hindi pa siya nalalanta."
"At hindi siya malalanta."
Ibinalik ko 'yon sa kanya at nakita ko kung pa'no niya iyon titigan. Ngumiti ako. "Maythe, ilang araw na lang graduation na natin. Pagkatapos no'n bakasyon na. Mababantayan na natin ng mabuti si Anonym."
"Hmm. You're right." Itinago na niya ang plastic sa bag at may kinuhang bago. Iniangat niya 'yon. "Cookies?"
Agad nagliwanag ang mga mata ko ng makita iyon. "Cookies!"
Natawa siya at ibinigay na iyon sa akin.
KANINA pa ako nakatitig sa cellphone ko, kinakalkula ang sarili kung tama ba ang nakikita ko. Kahit kasi kagabi pa ang text message na 'to ay hindi pa siya gaanong pumapasok sa utak ko.
From: SoulMaythe
Xan, let's go to the Theme Park tomorrow afternoon. After ng practice sa graduation. See you there.
Received: 7:15pm
This is the first time na mag-aya si Maythe na pumunta ng theme park. 'Coz if I remember correctly, ako mismo na nag-aya sa kanya noon hindi siya pumayag. Mga grade 6 kami, dahil do'n sana kami ite-treat nina Mama sa theme park for our elementary graduation. Pero hindi siya pinayagan nina Tita Ilene, isang scientist and Tito Mike na isa namang Doctor.
Sinubukan ko ulit siyang ayain ng ilang beses but he keep saying na hindi pa rin siya papayagan nina Tita't Tito kahit nasa highschool na kami. I must say, they're too protective of Maythe kasi nag-iisa lang siyang anak. Kaya naiintindihan ko.
"Booh!"
"Palaka!" Kasabay ng sigaw ko ang paglitaw ng dalawa mula sa likod ko.
"P-palaka?" Nakahawak pa sa magkabilang pisngi na saad ni Patricia.
"Bakit? Tinamaan ka, 'no?" si Wendy.
"Gaga! Sa mukha kong 'to? Palaka? Baka ikaw?" Nakataasan ang kilay na baling nito kay Wendy.
"Ha? May sinasabi ka?" Balik naman ng babae.
"Ewan ko sa'yo." Hinawakan ako ni Patricia sa magkabilang balikat. "Nga pala, babae. Anong meron at kanina pa nakatutok ang mga mata mo sa phone?"
"Ha? W-wala naman!"
"Wala? Sigurado ka?"
"Oo nga."
"Hmm..." Napataas siya ng kilay. "Wendy, basahin na 'yan!"
"What?!" Pagbaling ko nga kay Wendy hawak na niya ang phone ko. Teka, paanong... "Wendy, huwag—"
Kaso nawala rin ang tinig kong iyon ng paumailanlang ang nakakarinding tili nito. "Waaaah!"
"Kyaaah! Ano na?! Ano na?!" Nakitili rin si Patricia na talaga namang nakakuha ng ilang atensyon ng mga 4th yr highschool sa loob ng gymnasium. "Sabihin mo na!"
"Waaaah!" Pumasag-pasag pa si Wendy habang hawak ang phone. Then bigla ay pinakita niya kay Patricia ang screen ng phone at namewang. "May password."
"AAAAH! NAKAKAKILIG! ANO RAW?! MAY PASSWO—" Napahinto si Patricia ng ma-realize ang sasabihin at hinablot ang phone ko saka pinakatitigan. "May password?"
Napahinga ako ng maluwang. Good thing nalagyan ko siya ng password.
"Hoy, Xan, buksan mo." Inabot ko ang phone at mabilis itinago. "Uy, Xan! Ang daya!"
"Kayo ang madaya! Tsaka pa'no niyo nakuha ang phone ko ng 'di ko namamalayan? Ang bilis ng kamay niyo, ha!"
"Well, gano'n lang talaga pag wala sa hawak ang focus mo, 'no. Diba, Wends?" Aniya na bahagyang siniko ang babae.
Tumango lang si Wendy na ikinaingos ko. "Aminin niyo na lang kasi na sumasideline kayo bilang magnanakaw."
"Isa ka ring Gaga! Sa ganda kong 'to, ilalagay ko lang sa mga wanted list?" Nakataasan pa ang mga kamay na saad nito.
"Xan, minsan huwag mo na lang pansinin ang mga sinasabi ni Patricia." Si Wendy. "Alam mo namang puro imahinasyon ang lumalabas sa bibig niyan."
Sumimangot ang babae. "Ang sama mo talaga, Wends!"
Muli, natawa na naman ako sa kakulitan ng dalawa. Kung sa kulitan at tawanan lang naman talaga, si Wendy at Patricia ang magaling. Nakilala ko lang naman sila no'ng 1st year highschool kami dahil sa ibang school sila nag-elementary. Parehong madaldal ang dalawa no'ng una pa lang and then suddenly, napansin nila ako.
No'ng unang pasukan kasi tahimik ako dahil wala pa naman akong kilala, pero no'ng kausapin na ako ng dalawa nagulat sila dahil mas makulit pa raw ako kaysa sa kanila. Kung alam lang nila kung gaano ako mas makulit. Hindi ko kasi no'n kaklase si Maythe dahil lagi siyang nasa top section. Alam niyo na, dahil nga matalino. Pero kahit gano'n hindi iyon naging dahilan para hindi kami magkasama. Sa flower shop palang kasi, sulit na ang kwentuhan namin habang may cookies na kinakain, na siya namang laging bini-bake ni Tita Ilene.
Nawala ako sa pag-iisip ng maramdaman ang kalabit ng dalawa. Nilingon ko sila.
"Bakit?"
Hindi nila ako sinagot bagkus may ininguso sila sa likod ko. Pagbaling ko nga sa entrance ng gym, nando'n na sina Maythe, at ang ilan niyang mga kaklase.
Lahat ng atensyon nasa top section dahil hindi lang naman mga matatalino ang nabibilang sa kanila kung hindi ang mga popular teens rin sa campus.
Pero ngayon, hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko. Kung hindi ang babaeng nakalingkis sa braso ni Maythe na as usual, wearing his smile.
Si Mandy. Ang popular theatre Princess ng campus.
"Hala, Xan. Mukhang naagawan ka na, ah."
Palihim kong naikuyom ang kamao ng sabihin iyon ni Patricia.
"Patty, ang laki ng tulong mo. Salamat, ha." Ang narinig kong saad ni Wendy dito.
"Sorry naman. Selos rin ako, eh."
Sa pagkakatitig ko sa kanila, biglang lumingon si Maythe sa gawi ko nang hindi ko inaasahan. Gusto ko sanang umiwas ng tingin pero huli na dahil nakita na niya ako. Patunay ang paglawak ng ngiti niya at pagkaway sa'kin.
Ginantihan ko naman iyon kahit na nakatingin na sa'kin ang ilang babae lalo na si Mandy na kung makataasan ng kilay ay parang gusto ng i-abot sa langit.
Pero anong magagawa ko? Alam ni Maythe na sasagot ako sa kanya. At dahil narito na ang section nina Maythe, pwede na kaming mag-umpisa sa practice para sa graduation namin.
Mula sa graduation march hanggang sa graduation song namin. At habang ginagawa namin iyon, naiisip ko na magtatapos na pala kami sa pinakamasayang yugto ng buhay namin. Ang Highschool life. Lahat na nangyari dito, napaka-memorable. At ilan doon, talagang hindi ko makakalimutan...
***
Sa labas ng gymnasium, nandito lang ako nakatayo habang nakatingala at pinagmamasdan ang nakasulat sa malaking tarpaulin.
Junior and Senior Prom.
Yes, JS prom na namin. Pero ang date ko ngayon, hindi na darating dahil nagkasakit. Kaklase ko ang date ko dahil nagbunutan lang naman kami sa classroom, so I had no choice. But to my disappointment, hindi rin pala siya makakarating.
Sa simula pa naman ng prom namin ay sasayaw kaming lahat kasama ang partners namin. All third years. 'Yong wala ng partner na boys ay girls-girls na lang. Pero pa'no yan? Kahit babae wala na rin akong magiging partner. Pa'no na ako makakasali sa opening dance namin?
Kung umuwi na lang kaya ako? Pero sigurado magtataka 'yon sina Mama at Papa. Tsaka hinatid pa naman ako ni Kuya Hal.
Tinignan ko ang relo. 6:45 PM. Magsisimula na ang opening dance naming third year in fifteen minutes. Pero dahil wala na nga rin akong partner, hindi na rin ako makakasali.
Malakas akong bumuga ng hangin. "Mas mabuti ngang umuwi na lang or 'di kaya sa park na lang ako para hindi na magtaka sina kuya."
"Then mawawalan ako ng partner pag umuwi ka."
Napakapit ako sa laylayan ng cocktail red dress ko nang makilala ang boses na 'yon. Pero ano daw? Mawawalan ng partner?
Binalingan ko siya at magsasalita na sana ng mapatigil sa kinatatayuan. Wow? This is the first time I saw him wearing a suit. A formal suit. Mas lalo siyang naging gwapo pero syempre ang mas nakapadagdag sa kagwapuhan nito ay ang mga ngiti niya. Ang ngiti niya na lagi kong hinihiling na sana akin na lang.
"Xan..."
Napakurap ako ng marinig ang pangalan. "Ha?"
Ngumiti siya. "Naiilang ako sa mga titig mo, Xan."
"Wha!? I-I'm not staring at you!"
He laughed. "Hindi ba?"
"H-hindi!"
"So I was just assuming?" Nahagip ng pandinig ko ang ibinulong niya pero mas pinili kong hindi iyon marinig.
"What?"
Umiling siya. "Nothing. So, ano, uuwi ka na lang?"
"Oo. Wala ang partner ko nagkasakit raw, e. Gusto niya pa rin sanang pumunta pero hindi siya pinayagan." Malungkot kong saad.
"Wala ka lang partner uuwi kana? Sayang naman ng damit mo."
"Ha? Uh, o-okay lang. I can still wear it for our senior prom."
"Hihintayin mo pa ba 'yon? You're already here. Besides, nakita ko kung gaano ka ka-excited na dumating ang gabing ito. But because of not having a partner you'll just go and leave?"
Napanguso ako't hindi ko na napigilang mapapadyak. "Eergh! Nakakainis lang kasi! Oo na. Excited na excited ako sa JS prom natin! Pero bakit ang malas ko?! Nawalan ako ng partner, sa dinami-rami ba naman ng—"
Napahinto ako't nagtatakang napatitig kay Maythe nang maramdaman ang mainit niyang palad na ikinulong ang kamay ko.
"Can you still say you're unlucky if I'll be your partner tonight?"
"Maythe?"
He smiled. "My partner isn't coming back anymore. Bigla na lang siyang umuwi because of some emergencies, she says."
Talaga? So pareho kaming walang partner ni Maythe? Then it means—
"Xan, will it be alright if I can be your partner tonight?" he asked me.
No...he's like he was begging me. Or iyon lang talaga ang gusto kong makitang emosyon sa mga mata niya?
Pero bakit naman siya magmamakaawa? Nakakatawa, Xanille. Maraming babae ang mismong magmamakaawa sa kanya para lang maging partner tapos sa'yo? And he's your best friend. Of course, he's expecting you to say yes. And besides, kayong dalawa lang ang walang partner. So laugh to myself. Masyadong assuming. Pero bakit ang sama ng pagkakataon? Kami pa talaga?
Ngunit kahit anong pag-iignora ko, sa likod niyon ay labis na tuwa ang nararamdaman ko. Dahil kahit na may lihim akong pinagdadaanan sa tunay na nararamdaman para sa matalik kong kaibigan...hindi ako pwedeng magpaapekto doon. Dahil baka madamay ang kung ano mang meron kami ngayon.
***
Napangiti ako sa alaalang iyon. That night really became the most wonderful night for me. Dahil buong prom kasama ko ang kaibigan ko. Pag-inaaya siya ng mga ka-section niya'y saglit lang siyang nakikipag-usap at sumasama sa kanila then babalik na rin siya agad sa tabi ko. Kahit na nandiyan naman si Patricia at Wendy na sobra pang makipagkulitan sa'kin.
Mabuti nga't hindi sila iniwan ng mga partner nila sa kakulitan. Animo kasi may kitikiti sila sa tiyan dahil sa kulit.
"Sometimes, I just want to cover your face so other people couldn't see you."
Kahit sumikdo ang dibdib ko dahil sa presensiya niya'y umakto pa rin akong normal.
"Ano 'yon, ha?" Nilingon ko ang lalaking nakaupo na sa tabi ko. Hinanap ko ang dalawa na kanina lang ay nandito pero ayun at may kausap ng taga-ibang section.
"Let me guess, you took it in a wrong way?"
Binalik ko ang pansin sa kanya. "Ang alin?"
"Ang sinabi ko?"
"Bakit? Hindi mo ba gustong sabihin sa'kin na pangit ako kaya gusto mong takpan ang mukha ko para hindi makita ng mga tao?"
He laughed softly. "I knew it."
"Knew what?"
"Na iyon ang iniisip mo."
"Eh, 'yon naman talaga kasi ang ibig mong sabihin." Saad ko sa kanya na ikinatawa niya ulit. "Tapos tatawanan mo 'ko dahil mali lang ang pagkakaintindi ko? Sino naman kasing may kasalanan na lagi kang sumusulpot sa gitna ng pagde-daydream ko?"
Natigilan siya. "So you were daydreaming?"
"Ano pa bang ginagawa ng mga taong laging tulala?"
"Uuuh, I don't know? Random? Haha, sorry. Hindi ko naman iyon gawain."
"Hindi raw? Eh, lagi ka na ngang tulala diyan. Nakikita kaya kita!" Turo ko sa mukha niya na ikinawala bigla ng kanyang ngiti.
"Nakikita mo 'ko?" Tanong nito. Nang makita niya lang na nakatitig ako sa mukha niya'y ibinalik niya ang ngiti. "Ah, maybe it was the time na natutulala ako dahil wala ng laman ang isip ko kaya iniisip ko ang mga pwedeng isipin. Kasi hindi pwedeng walang laman ang utak ko. Right?"
"Ano..?"
Natawa na lang siya ng mahalatang hindi ko nakuha ang sinabi niya.
"That's the reason kung bakit ayokong mawalan ng laman ang utak ko. Asking what will going to be my expression."
"Ha?"
"At ha rin."
Muli, hindi ko siya naintindihan. Anong ibig niyang sabihin do'n?
Tumayo na siya at binalingan ako. "By the way, Xan..mamaya, ha."
Iyong tungkol sa park ang tinutukoy niya. Tumango ako. "Okay!"
"Can't wait," saad niya na umalis na. Nasundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalapit na siya sa mga kaibigan niya at nakipag-usap na sa mga ito.
Ako rin, Maythe. Hindi na makapaghintay.
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro